“O, mag-ingat kayo,” sabi ni Kuya habang nilalagay sa sasakyan ang mga gamit ko. “Bawal mag-stay sa iisang kwarto, ha? Umayos kayo,” he threatened. “Huwag kang mag-alala, Kuya, ako mismo ang sasapak sa kanya ‘pag may ginawa siya,” biro ko naman. “Pinagtulungan n’yo na naman ako.” Pagkatapos no’n ay sumakay na kami ni Dylan at buti naman at hindi na siya ang nag-drive. Kasama namin ngayon ang Tito niya at papunta na kami ngayon sa campus dahil magsisimula na ang sem. Hinawakan naman niya ang kamay ko at sumandal ako sa balikat niya. “Mukhang may pareho pa rin naman tayong mga klase,” sabi niya at napangiti ako. “Hindi na kita super classmate.” “Oo nga, eh. Sayang.” Oo nga pala, kami na. Syempre noong sinagot ko siya, pinaalam ko kaagad kina Mei at James at todo asar naman sila sa aming dalawa. Looking back, the four of us were connected through love and friendship and both changed my life. Akala ko dati, wala nang pag-asang magkaroon ako ng mga kaibigan pero heto, may tatlo na akong best friends. Akala ko rin, hindi ako matututong magmahal pero mali na naman ako. Meeting Dylan was fate and I didn’t even expect to fall in love with him. I mean, simula pa lang ay inis na kami sa isa’t isa at dahil sa sunud-sunod naming pagtatagpo ay nauwi kami sa pagtira sa iisang bubong. I didn’t even know when I fell in love with him. I didn’t know how it began. Dumating na lang ang oras na na-realize kong nahulog na ako sa kanya. They said you can fall in love with a complete stranger in a heartbeat and they’re right. A stranger named Dylan Arellano came into my life and changed it. “Nandito na ulit tayo. Na-miss ko ‘to,” sabi niya nang makarating kami. Yup. Dito ulit kami sa 7th unit titira. After all, this place holds a special place in our hearts. This place was the witness of everything we’ve been through; the place where our story began and how it will grow through time. Dahil pareho naming mahal ang lugar na ‘to ay hindi namin ‘to iiwan. Kasama na rin namin sina Mei at James dito kaya mas magiging masaya ang unit namin. Alam kong marami pa kaming pagdaraanan. Marami pang problemaa ang darating pero hindi ako natatakot dahil kasama ko silang tatlo . . . kasama ang mga taong mahal ko. “We’re back,” Dylan said as we both stepped inside our unit. Salamat sa pagbabasa ng aming kwento hanggang huli. This may be the end of our journey with you but that doesn’t mean our story is finished. Remember: True love doesn't have a happy ending, because true love never ends.
Comments
"Kain na!" sigaw ni Kuya kaya naman pumunta kaming lahat do'n maliban kay Ate Catherine na pagkarating pa lang ay dumiretso na sa kusina. Umupo naman agad kami at nasa magkabilang gilid ko sina Kuya at Dylan. Bigla naman niya akong sinipa sa ilalim ng mesa kaya tinignan ko siya. "Huwag masyadong pahalata sa kilig," bulong niya habang nakangiti nang nakakaloko kaya pinandilatan ko siya at sinipa ko siya nang malakas. Tumama ang tuhod niya sa gilid ng lamesa pero napigilan niya ang pagsigaw dahil nasa kabilang gilid niya lang si Ate Catherine. Hah! Buti nga! "Huwag mo akong hinahamon, Kuya," bulong ko pabalik. "Baka gusto mong ikuwento ko kay Ate Cath ang nangyari noong second year high school ka." Natawa naman ako bigla nang bigla niyang nilayo ang upuan niya at dumikit siya kay Ate Cath sabay bulong ng, “Cath, kahit anong mangyari, huwag kang maniniwala sa mga sasabihin ni Lyka tungkol a akin. Kahit ano.” Parang baliw, ‘di ba? Bulong ba ‘yon? Nagsimula naman kaming kumain at nagulat ako dahil ang sarap ng luto ni Kuya. Bakit parang ngayon lang ‘to? Bakit kapag kaming dalawa lang ay hindi naman ganito kasarap? Tss. Pa-impress masyado kay Ate Cath. Halos mabulunan naman ako nang biglang hinawakan ni Dylan ang kamay ko sa ilalim ng mesa. Binigyan naman niya agad ako ng baso ng tubig gamit ang isa pa niyang kamay at pinanlakihan ko siya ng mata. “Anong nginingiti-ngiti mo diyan, Dylan?” tanong ni Mei sa kanya kaya kinabahan ako. Pinipilit kong tanggaling ang kamay niya nang hindi nahahalata pero lalo niya lang hinigpitan ang pagkakahawak niya. “Hm? Naabot ko na kasi ‘yong pangarap ko,” sabi niya at naubo ako nang marinig ko ‘yon. Sobrang init na ng mukha ko at nanatili akong nakayuko dahil baka makita ni Kuya ang itsura ko. Alam pa man din niya kapag kinikilig ako. Nahirapan ako lalo dahil isang kamay lang ang magamit ko sa pagkain. Badtrip, bakit kasi ayaw niyang bitiwan? Hindi ba siya nahihirapan na kaliwang kamay ang gamit niya? Hindi niya rin ba alam na kanina pa ako nagwawala sa isip ko dahil sa pinaggagawa niya? Naka-survive naman ako kahit papaano at nang tapos na kami ay binitiwan na niya ang kamay ko dahil tumayo si Kuya. Baka makita niya, eh. Pumunta na rin kami sa sala at naglaro kami ng iba’t ibang card games. Pusoy dos ang nilaro namin at by pair kami. “Bawal maduga,” sabi ni Dylan kay Mei dahil akmang sisilip siya sa cards namin. “Tss. Akala mo naman maganda ang baraha nila.” “Oo kaya,” sagot ko naman kahit ang totoo wala kaming mabuo. In the end, sina Kuya at Ate Cath ang nanalo. Ang duga kasi ni Kuya dahil nagtago siya ng card! Pagkatapos no’n ay napagdesisyunan naming manood na lang ng movie pero habang nasa kalagitnaan ay tumayo si Dylan at pumunta sa kusina kung saan nagliligpit si Kuya ng pinagkainan namin. Sinundan ko siya ng tingin at bigla akong kinabahan dahil parang ngayon lang sila nag-usap. Nakita ko namang tumango si Kuya tapos may binulong siya kay Dylan. Bigla namang tumingin si Dylan sa direksyon ko at nataranta ako kaya binaling ko ulit ang tingin ko sa TV. Ano kayang pinag-usapan ng dalawang ‘yon? *** "San ba tayo pupunta?" tanong ko habang hatak-hatak ako ni Dylan. "Basta." "Walang clue?" "Wala." "Damot." Nandito kami ngayon sa kotseng dala nila ni Ate Cath at pinaandar naman niya ‘yon kaya natakot ako. Tinanong ko kung may lisensya siya at sinabi niyang meron siyang student lisence pero kinabahan pa rin ako. Saan ba kami pupunta? Bakit hindi kasama sina Mei at James? Dahil tikom talaga ang bibig niya ay hinayaan ko na lang siya at natulog na lang ako dahil mukhang mahaba-haba pa ang biyahe namin. *** “Lyka. Lyka, gising na. Nandito na tayo.” Minulat ko ang mga mata ko at bumungad agad ang mukha niya na ilang pulgada lang ang layo mula sa akin. Ngumiti naman siya nang nakakaloko kaya nag-init ang mukha ko. Lagi na lang niya akong nabibiktima sa ganyan! Hindi ba siya kinakabahan? Ako lang ba? Sabay naman kaming lumabas at huminga agad ako nang malalim para kalmahin ang sarili ko. Namumuro na talaga ‘tong Dylan na ‘to, ha? Alam niya ba ang balak ko ngayon at grabe siya magpakilig? Ilang segundo pa ang lumipas bago ko ma-realize kung nasaan kami at napanganga ako dahil doon. “Oh my God,” bulong ko sa sarili ko. “Let’s go?” he said while holding my hand. Napangiti naman ako bigla sa gestures niya at mukhang tama nga ang gagawin kong desisyon. Pumasok kami sa loob at ang weird ng pakiramdam lalo na’t iba na ang tingin namin sa isa’t isa ngayon. "Dito nagsimula ang lahat," sabi niya habang lumilibot sa unit namin. Yes. He brought me in our unit. Sa 7th unit. "Dito ako unang nagluto ng pagkain para sa isang babae bukod kay Mei dahil lang sa house rules. Dito rin ako unang nag-alaga ng may sakit. Dito ako natutong magpahalaga ng mga kaibigan.” Tumingin naman siya sa akin. “Natutong magmahal. Naranasang masaktan. Ang dami na palang nangyari, ‘no? Itong bahay na 'to ang witness sa lahat ng pinagdaanan natin." Hindi ko alam kung bakit pero habang sinasabi niya ang mga ‘yon ay biglang bumagsak ang luha ko pero sigurado akong hindi dahil malungkot ako. Tama siya. Masyado nang maraming nangyari sa unit na ‘to. Kasama ‘to sa mga lugar na hinding-hindi ko makakalimutan kasi dito ko rin naranasan lahat ng naranasan niya. Halos lahat yata ng emosyon ay naramdaman ko habang nakatira rito. Lumapit naman ulit siya sa akin habang seryosong nakatingin sa mga mata ko. “Ngayon, gusto ko ring masaksihan ng lugar na ‘to kung gaano kita pinahahalagahan,” sabi niya sabay abot sa kamay ko. “Kung paano ko na-realize na minsan akong naging tanga dahil pinaniwala ko ang sarili kong si Mei pa rin ang mahal ko kahit na ang totoo, nahulog na ako sa’yo. Gusto kong mangako sa’yo at sa lugar na ‘to na hinding-hindi na kita bibitiwan.” Humigpit ang hawak niya sa kamay ko at nagtuluy-tuloy na ang luha ko. “Hinding-hindi kita sasaktan. At ngayon, umaasa akong sana, gano’n pa rin ang nararamdaman mo sa akin . . . tulad ng sinabi mo sa sulat mo kahit na ang dami kong ginawang mali sa’yo.” Pagkatapos niyang sabihin ‘yon ay humagulgol na ako at agad ko siyang niyakap. I was too happy that I couldn’t control my tears anymore. I didn’t know that a person could affect me like this. Ilang minuto kaming magkayakap. He let me cry on him while carressing my hair and back. It felt like I was dreaming. “I love you,” I whispered and he suddenly stopped moving. After a few seconds, he broke our hug and looked at me with his shocked expression. “H-ha? Pakiulit nga. Baka nagkamali ako ng rinig,” sabi niya at napangiti naman ako dahil ang cute niya. “Ayoko nga,” sagot ko naman. “Teka, ibig sabihin ba tama—” Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil hinalikan ko siya sa labi nang mabilis. Pagtingin ko, para na siyang estatwa dahil hindi na siya nakagalaw. “Okay na?” I teased and his cheeks and ears turned red. “Lyka . . .” “Hindi ko na uulit—” This time, ako naman ang hindi nakapagsalita. Gumanti rin siya ng halik pero hindi tulad ng ginawa ko. He cupped my face and with our eyes closed, he kissed me slowly as we got lost in our feelings. Isang linggo na rin ang nakakaraan simula noong nangyari 'yon. Ang nakakainis lang, bago ako matulog ay naiisip ko pa rin ang lahat. I would think about the 'what ifs' but they would always end up with what happened that day—with the reality. "Nakangiti ka na naman diyan, babae," sabay hampas sa akin ni Kuya ng bimpo. "Tulungan mo nga muna ako ro'n sa kusina." Inirapan ko naman siya kahit nakatalikod na siya sa akin at wala naman akong nagawa kundi sumunod sa kanya. "Kuya!" sigaw ko nang makita ko kung ano ang ipapagawa niya sa akin. "Ano? Hiwain mo na 'yang mga 'yan at malapit na silang dumating." Napakasama talaga! Paghiwain ba naman ako ng sandamakmak na sibuyas? At dahil ang dami niya ngang ginagawa ay hindi na ako nakatanggi. Para tuloy akong tangang iiyak-iyak do'n habang naghihiwa. Pagkatapos no'n ay naghilamos ako at badtrip lang dahil nakikita kong tinatawanan ako ni Kuya kaya winisikan ko siya ng tubig. Hah! Akala niya ha? Bumalik naman ako sa sala at nanood na lang ng kung anu-ano para magpalipas ng oras. Medyo nadi-distract nga lang ako sa amoy ng niluluto ni Kuya. Ah, siya nga pala, pupunta sina Mei at James dito mamaya. Yes, sila na, at sobrang saya ko para sa kanila. Ako naman, heto, isang linggo nang nababaliw . . . *** "Dylan, please naman oh? Tama na 'yong ginawa mo noong nakaraan. Kung sasaktan mo lang ulit ako, tigilan mo na ako." "Hindi ako nagbibiro!" he yelled, as if he was fighting against the sound of the pouring rain. "Mei made me realize a lot of things. I wasn't aware of my own feelings." Napansin ko namang nagtinginan ang mga taong malapit sa amin sa direksyon niya kaya nilingon ko siya at nagulat ako nang makita ko siyang nakaluhod. "What are you—!" "Alam kong mahirap paniwalaan lalo na't nakita mo kung gaano ako nasaktan noong umalis si Mei pero totoo ang sinabi ko kanina," sabi niya at hindi ko alam kung umiiyak ba siya o dahil lang 'yon sa pagpatak ng ulan. "I already sorted my feelings and the truth became clear to me. Gusto kita. Ikaw, Lyka, hindi si Mei. Ikaw." Pagkasabi niya no'n ay bumagsak na rin ang luha ko at hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako dahil alam ko kung gaano niya kamahal si Mei. Paano kung sinasabi niya lang 'yan dahil nasaktan siya? Paano naman ako? "Give me a chance, Lyka," he said, still kneeling. "Gusto kong patunayan sa'yo na totoo lahat ng sinabi ko. Noong umalis ka nang wala man lang paalam, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kaya please, huwag ka namang umalis ulit." "Ikaw naman ang may kasalanan no'n," mahina kong sagot. "Alam ko. Alam kong mahirap din ang hinihiling ko pero sana, kahit mapatawad mo lang ako sa mga ginawa ko sa'yo." His eyes looked sincere and I felt guilty for doing this to him. Alam ko rin namang hindi lang ako ang nasasaktan. Alam kong ilang taon siyang nagtiis at nagtago para kina Mei at James pero ang hirap sabihin na okay lang ang lahat kahit hindi. "Fine. Apology accepted," I coldly said, "but that doesn't mean I'm giving—" "That's enough for me," sabi naman niya at saka siya tumayo. Habang naglalakad siya papunta sa direksyon ko ay ramdam ko ang pagtibok ng puso ko. Parang lalabas sa dibdib ko. "What?" tanong ko nang tumigil siya sa harapan ko at lalo akong hindi nakagalaw dahil bigla niya akong niyakap. "Thank you," he whispered as we both got drenched in the rain. *** "Lyka!" Napatayo naman ako nang bigla kong narinig ang boses nina Mei at James. Pagtingin ko, nandoon na sila sa labas ng gate at kumakaway sa akin. Napangiti naman ako nang makita ko sila. Pinagbuksan naman sila ni Kuya at palihim silang natawa dahil nakalimutang tanggalin ni Kuya 'yong suot niyang apron na may design na Hello Kitty. "'Sup?" pa-cool na bati ni James kaya naman binatukan siya ni Mei. Dumiretso naman sila sa pag-upo sa tabi ko at hindi na ako nakanood nang maayos dahil sa pagdating nila. Aba, at talagang holding hands sila sa harapan ko. Iba rin ang galawan nito ni James. Napansin naman ni Mei ang expression ko kaya nagsimula silang asarin ako hanggang sa in-arm lock ko na si James dahil nakakarami na siya sa pagbanggit ng pangalan ni Dylan. Ang alam ko na lang, naghahabulan na kaming tatlo dahil sa pang-aasar namin sa isa't isa. Habang tumatakbo si Mei papunta kay James ay napangiti ako. Masaya ako para sa kanila. Grabe rin kasi ang naging sitwasyon nila. After all those years, sila pa rin pala ang magkakatuluyan. Napatigil naman kamin tatlo nang biglang tumunog ang doorbell. "Mukhang sila na 'yan!" sigaw ni Kuya mula sa kusina. "Lyka, pagbuksan mo sila at baka masunog 'tong niluluto ko 'pag iniwan ko!" Sinunod ko naman siya at lumabas ako. Pagdating ko sa gate ay pinagbuksan ko sila. As expected, sila nga. "Hi, Lyka!" Ate Catherine greeted while hugging me. Muntik pa kaming matumba dahil masyado siyang excited. "Cath, 'di makahinga si Lyka," sabi naman ni Dylan. Yup. Kasama siya. Isang linggo na rin simula nang mangyari 'yon at isang linggo ko na rin siyang pinapahirapan. Nakakagulat nga dahil para siyang ibang tao kung ikukumpara sa Dylan na nakilala ko sa university. Ganito pala siya 'pag seryoso. Nakakakilig. "O," sabay abot niya ng bouquet of flowers habang nakatingin sa kabilang direksyon. Saglit naman akong napangiti pero nang tumingin na siya sa akin ay agad akong nag-poker face. Natawa tuloy si Ate Catherine sa amin. "Ang cute-cute n'yong dalawa," she commented and she pushed both of us towards the house. Pumasok naman kaming tatlo at nakakatuwa dahil nandit kaming lahat. Na-promote kasi sina Ate Catherine at Kuya sa work nila kaya ayan, may celebration. Inimbita ko na rin sina Mei at James dahil nami-miss ko na sila. "Long time no see," bati ni Dylan kay James at nagtapikan sila ng kamay. Bigla naman akong napaisip. Bakit 'pag mga babae ang nagkikita, todo yakapan, ano? Pero 'pag mga lalaki, parang casual lang. Ang weird tuloy na na-imagine kong nagyayakapan ang dalawang 'to at clingy sa isa't isa. Kinulabutan tuloy ako bigla. "Uy, pagamit ha?" bigla namang sabi ni James nang buksan ko ang computer namin. Facebook agad ang binuksan niya. "Tagal mo nang 'di gumagamit nito ah?" sabay tingin niya kay Dylan. Kaka-stalk ko lang sa kanya kaya um-agree naman ako. Halos five months na yata ang huli niyang activity. "Ayoko," sagot naman ni Dylan. "Laging tinatanong 'yong what's on my mind, eh." Sinamaan naman namin siya ni Mei ng tingin dahil paniguradong corny na naman ang sasabihin ng isang 'to. "Ituloy mo na para mahampas na kita," sabi naman ni Mei habang naka-ready na ang unan kung corny man ang joke o pick-up line niya. "Tanong mo muna kung bakit," dagdag ni Dylan at tumingin naman silang tatlo sa akin. "O, bakit ako pa?" tanong ko naman. "Dali na, para matapos na 'to, Lyka," reklamo pa ni Mei at napabuntong-hininga na lang ako. "Fine. Bakit?" "Eh kasi ikaw lang naman nasa isip ko," sabi niya habang nakatitig sa akin. "'Pag nilagay kita ro'n, ishe-share kita sa kanila. Para ano? I-like nila? Bawal." Pumalakpak naman si James at hinampas ni Mei si Dylan habang tumitili. Ako? Hindi ko alam kung maiinis ba ako o kikiligin sa sinabi niya pero nang ngumiti siya ay nagwagi ang kilig. Hindi ko nga lang pinahalata. Tumabi naman siya sa akin at nagulat ako sa binulong niya. "Bawal kasi akin ka lang." Pagkatapos no'n, sinuntok ko siya sa braso at tinakpan ko ng unan ang mukha ko. Badtrip. Bakit siya ganyan?! Wala na. Nahulog na naman ako. Lyka's POV Nakakainis. Nakakainis. Nakakainis! Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman sa mga oras na 'to dahil sa pinaggagawa at pinagsasabi ng lalaking 'to. Hindi ko alam kung maiinis, maiiyak o kikiligin ako dahil sa kanya. "Na-miss kita." Anong move on-move on? Paano ko 'yon magagawa kung ganito naman ang nangyayari? Ang sarap niyang sakalin ngayon dahil lalo niya lang pinapagulo ang isip ko! Tinignan ko ulit siya at mukhang nakatulog na. Ang sarap pa ng paghiga niya, ha? Pero hindi ako nakagalaw nang ginawa niya 'yon. Ewan ko ba, pero may kakaiba sa kanya ngayon. Ni hindi ko nga alam kung bakit ko siya pinapansin, samantalang dapat ay galit ako sa kanya dahil sa ginawa niya noong nakaraan. Bakit ba kasi hinayaan ko na naman siyang paasahin ako? Alam ko namang si Mei pa rin ang mahal niya at kahit anong gawin ko, hinding-hindi magiging mutual ang feelings namin para sa isa't isa. Bago pa ako tuluyang malungkot ay huminga na ako nang malalim at ginising ko siya. "Gising na," sabi ko. "Kumain na tayo." Hindi naman siya gumalaw. Ugh. Nakalimutan kong mahirap pala gisingin ang isang 'to. Biglaan ko namang ginalaw ang mga binti ko kaya nalaglag ang ulo niya at tumama sa sapin. "Ouch," he growled. Sinamaan niya pa ako ng tingin dahil sa ginawa ko. Hindi ko na lang siya pinansin at nilabas ko ang mga pagkain mula ro'n sa basket na dala ni Ate Catherine. Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko dahil sa ambiance. The fresh air, along with the green field and vibrant flowers made the atmosphere pleasant. Habang kumakain ako ng sandwich ay nilibot ko ang paningin ko sa paligid at gusto ko sanang picture-an ang view pero lowbatt na ako at wala rin naman akong talent pagdating sa photography. Baka hindi ko ma-capture ang ganda no'n. "Lyka," he called and I almost choked on my sandwich because our faces were just inches apart. Naitulak ko siya dahil sa sobrang kaba at aba, ang lakas pa ng loob niyang ngumiti nang nakakaloko. "Pwede ba, huwag mo akong pagtripan, Dylan?" seryoso kong sabi. Hindi ko alam kung bakit pero sobrang weird niya ngayon at natatakot ako na baka umasa na naman ako. "Nabasa mo na, 'di ba?" pagalit kong tanong. "Bakit ginagawa mo pa rin 'to? Alam mo naman kung anong tingin ko sa'yo, 'di ba?" "Sa tingin mo ba, ginagawa ko 'to pala lang sa wala?" seryoso naman niyang sabi kaya hindi agad ako nakasagot. We looked at each other and somehow, it felt like his eyes reflected sadness. For sure, dahil 'yon kay Mei. Hah. So ano? Ako ang takbuhan niya dahil nasasaktan siya? What am I? A temporary source of entertainment and happiness? "Bahala ka sa buhay mo," sabi ko at saka ako tumayo. Dapat talaga hindi ko na itinuloy 'to. Dapat, noong nakita ko siya, hindi na ako nagbakasakaling may mangyayaring maganda. Ano nga ba naman ako sa kanya? Hindi naman ako si Mei. Hindi ako ang taong gusto niyang makasama. "Please don't leave me," he pleaded as he grabbed my arm. Ayan na naman. 'Yang mga galaw niyang 'yan, diyan ako nadadali, eh. "Dylan—" Napatigil naman ako nang maramdaman ko sa balat ko ang pagpatak ng ulan. Kaya pala makulimlim kanina. Nagtakbuhan ang mga tao sa ilalim ng mga puno habang ang iba ay nanatili pa rin dahil medyo mahina pa naman. "Sorry, Dylan, pero kailangan ko na talagang umalis," dahilan ko at hinigit ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya pero napatigil ako nang bigla siyang may sinabi. "Gusto rin kita." Hindi ko alam kung sinabi niya ba talaga 'yon o 'yon lang ang gusto kong marinig mula sa kanya. O baka naman nagkamali lang ako ng rinig dahil medyo lumalakas na ang ulan. Humakbang ulit ako palayo pero this time, sumigaw na siya. "Gusto kita!" Napatigil ulit ako. "I realized everything when you left and Mei . . . she . . ." "Mei na naman?" Alam kong walang kasalanan si Mei pero lagi na lang kasi siya ang bukambibig ni Dylan. Nakakasawa na. Nakakasakit na. "Dylan, please naman oh?" sabay ngiti ko sa kanya. "Tama na 'yong ginawa mo noong nakaraan. Kung sasaktan mo lang ulit ako, tigilan mo na ako." Pagkasabi ko no'n ay hindi siya nakapagsalita at nagpatuloy na akong maglakad palayo. After a few steps, I heard him calling my name but I didn't look back. Sorry, Dylan, pero gusto kong protektahan ang sarili ko. Ayaw ko nang masaktan tulad nang nangyari noong nawala sa akin ang mga magulang ko. Dylan's POV I was surprised when I saw her tearing up as she stared at me with those sad eyes. Naalala ko tuloy ang gabing umuwi siya sa unit. I couldn’t remember what I told her but based on her expression, it must be bad. “Nakakainis,” bulong niya habang nakatingin sa pagkain. Napangiti naman ako dahil hindi pa rin ako makapaniwalang kaharap ko siya ngayon. Akala ko next sem ko pa siya makikita at sa katunayan, binalak ko na ring itanong kay James kung saan siya nakatira. I wanted to tell her a lot of things but seeing her in front of me pushed back those thoughts. Gusto ko lang munang tignan siya nang matagal dahil baka mawala na naman siya bigla. “What?!” bulyaw niya. “May dumi ba ako sa mukha?” Hindi ko alam kung bakit pero naramdaman ko ang pag-init ng mga mata ko. Shit. I shouldn’t cry in front of her. “Ano bang—” Napatigil siya sa pagsasalita at ako naman ang yumuko dahil hindi ko na kayang pigilin ang luha ko. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya ang lahat dahil natatakot ako. I didn’t know that while I was yearning for someone’s love and attention, she was hurting but still stayed by my side. “Umiiyak ka na naman,” rinig kong sabi niya. “Siya na naman.” Nagulat naman ako sa narinig ko at pagtingin ko, inilagay niya ang panyo niya sa harapan ko. Pagtaas ko ng ulo ko ay nakatayo na siya at akmang maglalakad na para umalis. Tumayo rin ako at tumakbo papunta sa kanya. “Wait!” sabay hawak ko sa braso niya at tinignan naman niya ako nang masama. “Please lang, Dylan—” “Pakinggan mo muna ako,” seryoso kong sabi. “Please?” She calmed down a bit but I didn’t let go of her arm. Hindi rin siya tumingin sa mga mata ko kaya naman pagkakataon ko ‘yon para titigan ang mukha niya. “Maayos na sina Mei at James,” sabi ko at napatingin naman siya agad sa akin. “Masaya na ako para sa kanila.” Nakita ko naman ang awa sa mga mata niya kaya nginitian ko lang siya. Kahit papaano ay parang nawala ang inis niya kaya ginamit ko ang pagkakataong ‘yon para hilahin siya palabas. Mas mabuting huwag kaming mag-usap sa lugar na ‘to. “They’re here.” Nagulat naman kami pareho nang makita namin si Cath at ang boyfriend niya. Teka nga, bakit ba nandito pa siya? Itong boyfriend niya naman, sinakyan pa ang trip niya. Para ngang pamilyar ang mukha niya pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita. “Bakit nandito pa kayo, Kuya?” tanong ni Lyka sa lalaki at ako naman ang napanganga. Ah. Naalala ko na siya. Siya ‘yong kasamang lalaki ni Lyka sa picture sa wallet niya. Kuya niya ang boyfriend ni Cath? Bigla namang tumingin sa akin nang seryoso ang Kuya niya kaya hindi agad ako nakagalaw. He was glaring at me but when Cath turned around, he broke his gaze and smiled at her. “Let’s go!” sigaw ni Cath at ang alam ko na lang, nandoon na kaming apat sa kotse niya. Sa totoo lang, pinilit niya lang talaga ako sa date na ‘to. Sa katunayan, ayaw ko talagang pumayag dahil gusto kong hanapin si Lyka pero nang maalala ko ang sulat niya, naisip kong baka ayaw niya na akong makita. I accepted her offer but I didn’t use my personal number. My plan was to make her wait and treat her rudely. Gusto kong ma-turn off sa akin ang babaeng ipapakilala niya para matapos na ‘to pero nagulat ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses at paglingon ko, nakita ko ang babaeng gusto kong mahanap. Nakita ko si Lyka sa harapan ko. It felt like fate was playing a game with me and I didn’t know what my next move would be. Ang alam ko lang, ayaw kong masayang ang pagkakataong ‘to. *** "We’re here!” Bumaba kaming apat sa kotse at agad namang humiwalay si Cath at ang Kuya ni Lyka kaya naiwan kaming nakatayo ro’n. Hindi rin kami nag-usap habang nasa sasakyan. Nasa isang park kami ngayon at may ilang naglatag ng picnic cloth sa damuhan. Medyo maulap din kasi at mahangin kaya hindi gaanong mainit. Perfect for a picnic date. “Wow,” Lyka muttered while looking at the colorful flowers around. “Tara, doon tayo,” sabay hatak ko sa kanya sa side kung saan malilim. Mukhang pinlano talaga ng dalawa ang araw na ‘to dahil may set sila para sa amin. Talagang humiwalay sila pagkatapos nilang ibigay ang basket at pansapin sa akin. Nagpatulong naman ako kay Lyka na i-set up ang lahat hanggang sa nakapaglatag na kami at naihanda na rin ang pagkain. Pareho kaming umupo ro’n at hindi pa rin nag-uusap tungkol sa mga nangyari sa campus at unit. “Nabasa mo na ba?” biglang tanong niya. Mukhang ito na ang kinatatakutan ko. “Yes,” sagot ko at bigla naman niyang itinago ang mukha sa mga tuhod niya. “You’ve read it and you’re still doing this,” she muttered and the way she hid her flushed face was cute. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Wait, did I really say cute? “Of course,” I replied. Bigla naman siyang napatingin sa akin habang nakakunot ang noo niya. “Bakit?” “Hindi ba halata?” “Itatanong ko ba kung—” Hindi naman siya nakapagsalita sa sumunod kong ginawa at napangiti ako sa itsura niya. “Na-miss kita,” I said while resting my head on her lap. |
|