Purpleyhan Stories
  • Home
  • About
  • Stories
    • Standalone Stories >
      • Novels
      • Novellas
    • Serialized Novels
    • Epistolary
    • Compilations
    • Ongoing
    • Completed
  • Blog
  • Message Board
  • News
  • Downloads

Bonus Chapter

6/25/2019

Comments

 
​"Kamusta ka na?"

Hindi ko alam kung bakit pero bumigat ang pakiramdam ko noong nakita ko siya. At ito ako ngayon, kaharap ang lalaking sobra kong minahal dati, at tinatanong ako kung kamusta na ba ako.

"Ayos naman ako, Paulo. Ikaw?"

"Ayos lang rin naman."

Ito ba yung sinasabi sa akin ni Pauline lagi? Yung.. ano nga iyon? Ahh.. awkward ata. Yun nga. Bakit nga ba kasi ako pumunta rito?

***

Nandito kasi kami ngayon sa sementeryo. Dinalaw namin ng apo kong si Ryde si Dessa, yung mommy niya. Pero hindi ko naman akalain na makikita rin namin dito si Pauline.. at si Paulo. Nung makarating nga kami sa puntod ni Dessa ay napaluhod nalang ako bigla.

"Lola, ayos ka lang?" nakita ko naman ang pag-aalala sa mukha ng apo ko.

"Oo, Ryde. Ayos lang naman. Ikaw ba? Hindi mo ba pupuntahan si Pauline?" naikwento niya na rin kasi sa akin lahat. Noong una nga ay nanibago talaga ako sa apo ko. Bigla nalang siyang naging parang bato. Ang lamig niya sa mga tao. Pero naintindihan ko naman yun. Kasalanan ko 'to. Kung hindi dahil sa akin, hindi naman siya magiging ganyan. Kaya gagawin ko ang lahat, maibalik lang siya sa dati.

"Mamaya na lang po." tapos ay umupo siya sa tabi ko. "Kayo ba? Hindi niyo po ba pupuntahan si manong?"

"Manong? Sinong manong, apo?"

"Ahh. Yung nakasalubong po natin kanina. Lagi ko kasing nasasakyan yung jeep niya kaya pamilyar na sa akin yung mukha niya."

Nabigla naman ako sa sinabi niya. Iyon ba yung jeep na lagi ring ikinukuwento sa akin ni Pauline? Tignan mo nga naman ang pagkakataon.

"Paulo ang pangalan niya, apo. Siya yung kinukwento ko sa'yo dati. Naaalala mo pa ba? Bago pa man dumating ang lolo mo sa buhay ko, may isang lalaki akong minahal ng husto ng unang beses. At siya yun." pagkasabi ko noon ay tumango si Ryde. Mukhang may naaalala naman siya kahit papaano.

"Pero bakit kasama niya si Pauline?"

"Hindi ko rin alam, apo." nagulat lang rin ako kanina nung makita ko silang magkasama. Hindi ko nga siya namukhaan kanina, pero noong tinawag niya yung pangalan ko, naramdaman ko kaagad.. na siya iyon.

"Pwede po bang malaman ko ulit yung nangyari sa inyo nun? Hindi ko na matandaan yung sinabi niyo dati." sabay pagpag niya pa sa pantalon niya. Ngumiti nalang ako sa apo ko. Malamang sa malamang nga ay hindi na niya maaalala iyon. Sampung taon pa lamang ata siya noong ikinuwento ko sa kanya iyon.

"O sige, apo. Tutal mukhang halos pareho tayo ng kapalaran." naalala ko kasi yung mga ikinuwento sa akin ni Pauline tungkol sa apo kong si Ryde. Kapag naaalala ko iyon, hindi ko mapigilang kiligin kahit matanda na ako. Diyos ko po, naimpluwensyahan na talaga ako ni Yem apo.

"Po?"

"Wala apo. O sige, sisimulan ko na ang pagkukwento. Noong high school pa lamang ako, may lagi rin akong nakakasabay sa jeep. Hindi ko siya kilala, pero natatandaan ko yung mukha niya dahil nga lagi ko siyang nakakasabay. Tapos nagulat na lamang ako noong bigla siyang pumasok sa silid namin noong walang titser. Tapos nagpakilala siya sa akin. Ganun rin naman ang ginawa ko. Hindi nga matanggal sa labi ko ang ngiti ko noon eh. Hanggang sa dumating kami sa puntong nililigawan niya na ako. Lagi niya akong hinahatid at sinusundo, lagi niya akong sinasamahan, masaya ako kapag kasama siya, mga ganun. Oh di ba apo, ang ganda ng lola mo." nakita ko naman siya na tumawa. Namiss ko ang ngiti at pagtawa niyang iyon.

"At hindi nagtagal, sinagot ko na rin siya. Syempre, naging maayos naman ang relasyon namin. Mahal niya ako at mahal na mahal ko siya. Pero hindi ko akalain na sa isang iglap, maglalaho ang lahat." hindi ko alam pero naaalala ko na naman yung panahon na yun. Kung hindi sana ako sumama, sana..

"Nadiskubre naming may tumor na pala sa utak ang tatay ko, kaya agad-agad kaming sumugod sa mga ospital. Pero wala raw pasilidad dito sa Pilipinas ang kayang gumamot sa sakit na iyon. Kaya si mama, hindi nag-atubiling lumuwas ng bansa para mapagamot si papa. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko noon. Ayokong iwan dito si Paulo, pero gusto ko rin namang sumama kay mama dahil gusto kong suportahan si papa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pero nagulat nalang ako noong kinabukasan, ay mayroon na kaming passport. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos kay Paulo. Ni hindi ko man lang nasabi sa kanya yung dahilan ko. Nawala nalang ako bigla. Iniwan ko nalang siya bigla." hanggang sa naramdaman kong umiiyak na rin pala ako. Kapag naaalala ko iyon, hindi ko maiwasan ang hindi magsisi.

"Sampung taon. Sampung taon ang inabot bago tuluyang makapagpagaling si papa at makapagtayo kami ng negosyo sa ibang bansa. Pero wala akong pakialam doon. Pinilit kong magkaroon ng pera para makauwi sa Pilipinas. Kaya makalipas ang sampung taon kong paghihintay, umuwi ako agad-agad. Namimiss ko na kasi siya. Sa loob ng sampung taon, siya lagi ang iniisip ko. Siya yung dahilan kung bakit nagpursigi akong bumalik sa Pilipinas.--"

"Lola." napatingin naman ako sa apo ko na pinigilan ako sa pagkukwento. "I think dapat sa kanya mo yan sinasabi. Mas maganda na rin siguro na makapag-usap kayo. And I think.." tapos ay bigla na lamang siyang tumayo.

"... I think I need to kidnap her. Sige po, una na muna ako. Sasabihin ko na rin kay manong na pupunta ka dun." saka siya ngumiti sa akin. Tapos ay iniwan niya na ako doon. Siguro nga, tama ang apo ko.

***

At heto ako ngayon, kaharap siya, at "awkward" nga raw kuno, ayon sa mga kabataan ngayon.
Umupo ako sa tabi niya.

"Patawarin mo sana ako, Paulo." yan na lamang ang nasabi ko noong pagkaupo ko. Marami akong gustong sabihin, pero hindi ko alam kung saan sisimulan. Hindi naman siya umiimik, kaya sinamantala ko na ang pagkakataon para magsalita.

"Naalala mo pa ba nung tayo pa? Hindi ba ang saya-saya pa natin noon? Pero sino ba namang mag-aakala, na hindi pala lahat ng kasiyahan, ay walang hanggan. Iniwan kita. Ni hindi man lang ako nakapagsabi. Ni hindi man lamang ako nakapagpaalam ng maayos." heto na naman ako. Mukhang nahahawa na ako sa kadramahan ng mga kabataan ngayon. Naiiyak na naman ako.

"Pasensya ka na kung bigla nalang kitang iniwan. Hindi ko naman kasi akalain na.. na luluwas kami ng bansa para lang ipagamot ang tatay ko. Pero alam mo, kahit na magkalayo tayo, ikaw pa rin ang iniisip ko palagi noon. Ikaw pa rin yung mahal ko. Kaya kahit gaano kahirap kumita ng pera sa ibang bansa, ginawa ko. Para lang makauwi dito. Gusto kitang makita. Gusto kitang makasama." bumibigat na ang pakiramdam ko. Bakit ba ganito?

"Pagkauwing-pagkauwi ko, dumaan agad ako sa bahay ninyo, pero hindi ka na raw doon nakatira. Hinanap kita sa mga kaibigan mo. Sa mga alam kong lugar kung saan ka pwedeng makita. Pero wala. Hindi kita nakita. Hanggang sa nakita ko yung jeep na lagi nating nasasakyan dati. Agad-agad akong sumakay noon. Itatanong ko sana sa drayber kung nakikita ka pa ba niya, pero laking gulat ko.. nung nakita kita na ikaw ang nagmamaneho. Tatawagin na sana kita mula sa kinauupuan ko, pero nakita ko yung babae sa unahan. Nagtatawanan kayo at mukhang masaya kayong magkasama. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko noon. Pero ang alam ko, sobra akong nasaktan. Pero ano nga namang magagawa ko, hindi ba? Ako ang nang-iwan. Ako ang nawala. Anong karapatan ko para masaktan?" halos manghina ako sa mga binitawan kong salita. Pero laking gulat ko nalang nung inabutan niya ako ng panyo. Pagkatingin ko sa kanya, umiiyak rin siya at nakatingala lang siya sa langit.

"Bakit hindi mo ako nilapitan nung mga panahong yun? Halos sampung taon rin kitang hinintay, Romaria. Yung babaeng nakita mo noon, magkaibigan pa lang kami noon. Ikaw pa rin kasi ang mahal ko. Hinintay kita. Hinihintay kita araw-araw. Walang araw na hindi ako umasang makikita ulit kita. Bakit? Bakit hindi ka nagpakita noon?"
Hindi ko rin alam ang sagot. Siguro dala na rin ng naramdaman kong sakit. Naunahan ako ng takot sa paglapit sa kanya. Baka makagulo lang ulit ako sa buhay niya. At hindi ko rin naman akalain na hinintay niya rin ako.

"Pero siguro ito na rin ang ibinigay na sagot sa atin ng tadhana. Hindi nga siguro tayo para sa isa't isa." sabi niya. Iyon rin ang nasa isipan ko. Siguro nga, sadyang pinaglayo kami ng tadhana para mahanap ang taong talagang nakatadhana para sa amin.

At doon ko nakilala ang asawa ko. Siya ang tumulong sa akin para makalimutan si Paulo.  Lagi siyang nasa tabi ko. Kahit na hindi ko naman siya minahal talaga. Pinilit ko, pero.. hindi ko talaga kaya.

"Pero alam mo Romaria, masaya ako na nagkita ulit tayo ngayon. Masaya akong malaman na hindi mo ako iniwan dahil hindi mo na ako mahal." saka siya ngumiti sa akin.
"Bakit ko naman gagawin iyon? Ikaw ang una kong minahal. Pero wala na tayong magagawa. Nangyari na ang mga dapat mangyari. May sari-sarili na tayong pamilya." nasabi ko nalang sa kanya.

"May maganda rin palang naidulot ang hindi natin pagkikita, ano? Kita mo ngayon, nagkaroon ako ng magagandang apo." teka.. hindi kaya..

"Apo mo ba si Pauline?"

"Ah oo. Naikwento ka rin niya sa akin. Nakituloy ka pala sa kanila. Pumunta ako dati doon noong kaarawan mo. Hindi ko rin alam kung bakit. Hindi kaya ngayon tayo pinagtatagpo ng tadhana?" natawa naman ako sa kanya.

"Siguro nga. Siguro para iayos ang tama. Siguro para tulungan ang mga apo natin."

"Apo? Apo mo ba yung lalaking kasama mo kanina? Si Ryde?" hindi niya pala alam?

"Oo. Siya ang apo ko."

"Kita mo nga naman ang tadhana. Sadyang mapaglaro. Napagtripan naman ang mga apo natin. Ayokong matulad sila sa nangyari sa atin. Gusto kong sumaya ang apo ko. Ayokong danasin niya ang masaktan nang dahil sa pag-ibig na yan." napakabait niya pa rin hanggang ngayon. Hindi pa rin siya nagbabago.

"Ito na rin siguro ang dapat nating gawin. Ang tulungan sila. Naudlot man ang kwento natin, alam kong maitutuloy iyon sa pamamagitan nila. Nauulit nga ang mga nangyari noon, pero hindi ko hahayaang maulit rin ang sakit na dinanas natin."

Nagkangitian nalang kami. Alam ko, nagkakaintindihan kami. At natutuwa ako, dahil malinaw na ang lahat. Nahuli man ng ilang dekada ang paghingi ko ng tawad sa kanya, alam kong napatawad niya na rin ako. Siya kasi yung tipo ng tao  na hindi nag-iiwan ng sama ng loob. At sa wakas ay gumaan na rin ang kalooban ko.

"Salamat ulit, Paulo. Salamat sa pakikinig sa akin. Salamat sa pagtanggap ng patawad ko. Salamat sa--"

"Hindi ka naman kailangang humingi ng tawad eh. Kahit kailan, hindi ako nagtampo o nagalit sa'yo."

"Pero--"

"Tara na. Ayos na ang istorya natin. Kaya ayusin naman natin ang sa mga apo natin. Tara?" saka niya inilahad yung kamay niya sa harap ko. Ngumiti nalang ako sa kanya at saka ko inabot ang kamay niya para makatayo. Noong nakatayo na ako, hindi niya binitawan ang kamay ko.

Parang dati lang.

Na lagi niyang hawak yung kamay ko.

Na hindi niya ako binibitawan.

Na hindi niya ako iiwanan.

"Tumatanda ka na ata talaga Romaria, ang bagal mo na maglakad." sabay tingin niya sa akin at ngumiti habang hatak-hatak niya ako.

"Ang kapal pa rin talaga ng mukha mo, Paulo. Hindi tumatanda ang mga tunay na magaganda!" saka ko siya hinampas-hampas hanggang sa makarating kami sa jeep niya.

Oo. Sa jeep kung saan nagsimula ang lahat sa amin. At kung saan rin nagsimula ang sa mga apo namin.

Siguro ito ang kupido ng mga buhay namin.

Ang dahilan ng pagkakakilala, pag-iibigan at paghihiwalay ng mga tao.

Pero masaya ako, na ngayong sasakay ulit ako sa jeep na 'to, ay puro kasiyahan ang laman ng puso ko.
Hindi man si Paulo ang nakatuluyan ko, masaya ako sa muli naming pagkikita.

Salamat Paulo.

Hanggang ngayon, ikaw pa rin talaga.

Mahal pa rin kita.
​
Picture

<< Epilogue

Comments

Epilogue

6/25/2019

Comments

 
​“Wait, ready ka na ba? Jusme ako ang kinakabahan para sa’yo eh! Nasaan na ‘yung bouquet?!”

“Ano ba Yem, kumalma ka!”

Natawa na lang ako kay Yem dahil aligagang-aligaga siya sa pagkilos. Dapat nga ako ‘tong sobrang kinakabahan pero parang napasa lahat sa kanya ng kaba.

“Oh ito, ate Yem,” sabay abot naman ni Aera sa bouquet na hinahanap ni Yem.

“Aera, tara rito,” tawag ko sa kanya.

“Bakit?”

“Hindi maayos ‘yung damit mo sa likod.”

Lumapit naman agad siya sa akin at tumalikod siya para maayos ko ‘yung damit niya. Grabe. Parang dati lang, hanggang bewang ko lang siya. Ngayon halos magkaheight na kami. Dalaga na ang kapatid ko.

“Papunta na raw dito ‘yung bridal car! Tayo na dyan!”

“OA naman ‘tong si Ate Yem eh, para tuloy siyang organizer,” bulong ni Aera sa akin kaya natawa na lang ako.

“Oh apo, ready ka na ba?” bigla namang lumabas sa kwarto si Lolo at ngumiti ako sa kanya.

“Opo. Pero kinakabahan na ako!”

“Hala sige, labas na!” sabay tulak sa akin ni Yem.

Hindi pa rin ako makapaniwala na sampung taon na ang nakalipas. Parang kahapon lang nung naging kami ni Ryde. Malinaw pa sa alaala ko ‘yung ginawa niyang pre-wedding ceremony ten years ago. At ngayon, ‘yung totoong kasal na ang mangyayari.

Pagkatapos naming maghighschool, pareho kami ng college na pinasukan pero magkaiba kami ng course. Syempre, pinagbuti namin ang pag-aaral namin para maayos ang future namin. Hindi naman dapat puro love life ang inaatupag dahil kung wala kang mararating sa buhay ay hindi rin magiging maayos ang buhay pag-ibig mo in the future.

Hindi naman perpekto ang naging relasyon namin. Hindi kami masyadong nagkikita nung college since busy kami pareho sa studies at malayo rin kasi ang department namin sa isa’t isa. Hindi rin kami swak ng schedule kaya madalang lang kaming magkita. Syempre, may tampuhan at away ring nangyari at hindi maaasahan ‘yung selos. Gwapo kasi si Ryde at marami sa blockmates niya ang nagkakagusto sa kanya. Kahit alam kong mahal niya ako ay hindi ko pa rin mapigilang hindi magselos. Pero kahit ganun ay naging matatag kami.

Hanggang sa nakagraduate kami at nagkatrabaho ay kami pa rin. Sa totoo lang, nakakagulat pa rin na tumagal kami ng ganito. Kapag naiisip ko na ten years na ang lumipas, napapangiti na lang ako dahil natupad ‘yung pangako niya dati.

Nung 24th birthday ko ay doon siya nagpropose sa akin at sa harap ng mga kaibigan namin. At mag-iisang taon na ang lumipas simula nun at ngayon ay ikakasal na talaga kami.

“Ha? Ayokong katabi ‘yan! Kuya Daniel, tabi tayo please?” Napatingin naman ako kay Aera habang sumasakay siya sa kotse ni Daniel.

“Sino bang may sabi na gusto rin kitang katabi?” sabi naman ni Damon.

Hanggang ngayon, hindi pa rin talaga sila magkasundo at para pa rin silang aso’t pusa. Pero halata namang nagcacare sila para sa isa’t isa.

“Ate Serene, tabi tayo,” sabay hatak ni Damon kay Serene. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit close ‘tong si Damon kay Serene. Well sabagay, magkababata si Daniel at Serene kaya hindi malayong close rin si Damon sa kanya.

“Why do I have to be with all of you? I have my own car,” pataray na sabi naman ni Serene. Naku, sasabihin ko na sa inyo. Mas lalo lang siyang naging mataray.

“Sige na pagbigyan mo na ‘yan at hindi tayo makakaalis dito,” sabay ngiti sa kanya ni Daniel habang nagpapalitan ng death glare sina Aera at Damon.

“Fine.”

Sumakay sila sa kotse ni Daniel habang ako ay sumakay sa bridal car. Si Yem naman ay sa kotse ni Chris sumakay at nauna na sila doon sa simbahan.

Umandar naman agad ‘yung sasakyan at doon ko lang naramdaman ang kaba. Parang lalabas na ‘yung puso ko sa sobrang lakas ng pagtibok. Hindi ko nga namalayan na nakarating na pala kami sa simbahan dahil lumilipad ‘yung isip ko sa sobrang kaba.

Inalalayan naman ako nung driver sa pagbaba at sumalubong sa akin si Lolo sa may pintuan ng simbahan. Pagtingin ko sa kanya, nanunubig na ‘yung mga mata niya. Parang automatic naman na nanubig rin ‘yung mga mata ko.

“Lolo naman eh. ‘Wag kang umiyak. Naiiyak rin ako!” sabay dampi ko sa mata ko.

“Pasensya na, apo. Masaya lang ako dahil naabutan ko pang ikakasal ka. Kahit wala ang Papa mo rito, alam kong gusto niya ring ihatid ka sa altar kaya ako na lang ang gagawa nun. At alam kong masaya ngayon ang Mama at Papa mo.”

Pinigilan ko ‘yung pag-iyak ko dahil baka masira ‘yung make-up ko. Umangkla naman agad ako sa braso ni Lolo at nagsimula na kaming maglakad. Habang naglalakad ako ay nakita ko sina Lola, Aera, Damon, Daniel, Serene, Yem at Chris sa may unahan. Pati ‘yung ibang high school at college classmates ko ay nakita ko. Pero halos mapatigil ako nung nakita ko si Ryde sa may unahan.

He smiled at me and I smiled back. Hanggang sa makarating ako papunta sa kanya at siya na ang pumalit kay Lolo.

“You look gorgeous,” sabi niya sa akin.

“And you look handsome.”

Naglakad kami papunta sa altar habang mahigpit akong nakahawak sa braso niya. Habang naglalakad kami ay nagflash lahat ng nangyari sa amin noong mga bata pa kami. ‘Yung una naming encounter at kung paano niya nilapastangan ang boobs ko. ‘Yung nadamay ako sa away niya at first time kong sumuntok ng mukha. ‘Yung moments namin doon sa secret naming tambayan.

Naiyak na lang ako habang naaalala ko ang mga ‘yun. Parang kailan lang nung nangyari ang mga ‘yun.

Pati ‘yung lagi naming pagkakasabay sa jeep ni Lolo at ‘yung pag-angkas ko sa bike niya. Siguro nga, tadhana na ang nagtakda para sa aming dalawa. At maihahambing ko ang nangyari sa amin sa isang jeep.

Life is like riding a jeepney.
 
Meron kang mga kasama sa loob.

May mga sasakay, pero meron ring aalis.

May bagong darating, pero merong kailangang magpaalam.

Hindi permanente ang mga tao sa buhay mo.
 
Love is like riding a jeepney.
 
Hindi mo alam kung kailan siya sumakay. Hindi mo rin alam kung kailan siya aalis.
May madadaanan kayong lubak na daan, maputik, at baku-bako. But after that, you'll find a straight road ahead.

And then you'll realize, na ayaw mo nang matapos ang byaheng 'to.

Nakakatakot malaman na malapit na siyang bumaba. Nakakatakot malaman na may hangganan ang byahe ninyo.
 
But that's love.
 
Everything has an ending.

Even roads, end.

And even life, ends.
 
There's no eternity. There's no forever.

Just reality.

“You may now kiss the bride.” Pagkasabi nun ng pari ay hinawakan ni Ryde ‘yung mukha ko at nginitian niya ako nang nakakaloko.

“We’re married.”

“Yeah,” sabi ko habang tuluy-tuloy lang sa pagtulo ‘yung luha ko and then he kissed me.

“I love you so much.”

“I love you too. And thank you for fulfilling your promise,” this time ako naman ang humalik sa kanya.

“Ilan ang gusto mong anak? Gawin na natin ‘yung panganay mamayang gabi.” Nagulat naman ako sa tanong niya kaya hinampas ko siya.

“Napaka-pervert mo talaga!” sabi ko pero tinawanan niya lang ako at natawa na lang rin ako sa kanya.
 
I know that forever does not exist. Pero wala na akong pakialam doon. Basta kasama ko si Ryde at ang mga mahal ko sa buhay, hindi ko na kailangang alalahanin ang forever.

That's why the words "enjoy" and "memories" exist. 

Just enjoy the ride.

Marami kang makikilalang tao. Marami kang matututunan sa kanila.
 
Cherish those memories you've made with the people you love.

Kasi nga may katapusan ang lahat. But their memories, stay with you. Kahit mawala sila, hinding-hindi mawawala ang pinagsamahan ninyo.
 
Pero, alam niyo, mas nakakatuwa, kung hanggang sa dulo ng byaheng ito, kasama mo pa rin ang taong mahal mo.  Wala mang "forever", at least you're together until the end. And you created your own "forever."
 
This ride to love is amazing.
 
I'm glad that my heart drove this jeepney.

Marami akong nakilala.

Natuto akong magmahal.

Naranasan kong masaktan.

At natuto akong magpahalaga.
 
At isa ka na doon.
 
Salamat sa pagsakay sa byahe ng buhay ko. Hindi ko man kayo kilalang lahat, alam ko, at alam ng puso ko, na sinubaybayan niyo ako, at sinuportahan sa lahat ng ginawa ko. Kakornihan, kadramahan, kabangagan at sa kabaliwan ko. 
 
This ride may be over for you, but it will continue for us.

Hangga't kasama ko si Ryde at ang mga taong mahal ko, aandar ang sasakyang ito.

Alam ko, na mararating namin ang dulo ng magkakasama.
 
Hanggang sa susunod nating pagkikita!

Sana, makasakay ka ulit sa buhay ko.

Hihintayin kita.
 
I'm Pauline Aeisha Bernardino-Montalbo,
and this is my story.
​

<< Chapter 73
Bonus Chapter >>

Comments

Chapter 73

6/25/2019

Comments

 
"Ha? Anong procession? Pinagsasabi niyo? Ano bang nangyayari? Walang hiya naman oh! Sasabog na ang utak ko kakaisip ha!"

"Wow Poleng, akalain mong nag-iisip ka na pala? Joke lang!" sabay peace sign niya sa akin. Hambalusin ko kaya ng laptop 'tong si Yem? Porque matalino lang siya ginaganyan niya na ako ha.
 
After that, hindi na nila ako pinansing lahat kahit ano pang tanong ang itanong at sabihin ko. Ewan ko ba pero busy sila sa kung anu-ano. Si Yem, nakikinig ng music sa cellphone niya with her serious expression. Si Chris naman busy sa laptop na nandun sa jeep at tuwing lalapit ako ay lalayo siya tapos pilit niyang nilalayo sa akin ‘yung laptop. Si Lolo syempre nagdadrive. Si Lola naman ay parang bagets at naka-earphones rin. Ano ba kasing meron?!
 
Bigla namang huminto yung jeep sa kanto namin at nagulat ako nung nakita ko si Aera sa may kanto. Kasama niya rin si Daniel at Serene. Now this situation is unimaginable. Bakit sila magkakasama?! Mas ikinabigla ko pa nung sumakay sila sa jeep.
 
"Ate! Wah Lolo! Lola Roma!" Pagpasok na pagpasok pa lang ni Aera ay kung anu-ano na agad ang pinagsisigaw niya. Natawa nga ako nung tumawid siya galing dito sa loob ng jeep papuntang unahan para lang maupo sa pagitan ni Lolo at Lola. 
 
"Kamusta Aeisha? You look great," sabay ngiti sa akin ni Daniel. Tsaka ko naman narealize yung sinabi niya. 'You look great when you're smiling.' Ewan ko ba pero napangiti na lang ako. Tapos nabaling ‘yung atensyon ko sa huling taong pumasok ng jeep—kay Serene.
 
"What? Wag mo nga akong titigan! It’s creepy! And! Uunahan na kita, hindi ko 'to ginagawa for you. I'm doing this for Ryde and Daniel!"
 
Napatulala ako sa kanya kahit sinabi niya pang ‘wag ko daw siyang tignan. Gusto ko sanang ngumiti kaso baka bugbugin niya na talaga ako nang tuluyan at matuloy bigla ang naudlot naming World War III dati. Ewan ko ba pero feeling ko...feeling ko lang ha! Medyo bumait siya. Siguro mga 1%. Pero lalo lang gumulo ‘yung utak ko. Ano na naman bang ibig niyang sabihin? Bakit sila nandito? Anong meron? 
 
Tatanungin ko na sana sila kaso bigla naman silang umiwas ng tingin sa akin sabay gawa ng kung ano. Si Daniel, biglang naging busy sa cellphone niya at type siya nang type doon. Si Serene naman ay nilabas yung sewing kit niya at nagtahi ng kung ano. Wala naman akong maasahan sa kapatid ko at isa pa, ang layo niya. 
 
So ganun? Ayaw talaga nilang sabihin sa akin?! Mga walang hiya naman 'tong mga taong 'to oh!
 
Hanggang sa bigla nalang may tumunod galing sa laptop ni Chris.
 
"Talaga? OMG! Kakilig naman! Sure! Game kami!"

"Grabe to the highest level! Shocks nainggit naman ako bigla!"

"Ang swerte naman ni Aeisha! Sana ako na lang!"

"Ang haba ng hair niya! Anong shampoo ‘yan ha?! Takte kilig!"

"Makalaglag panty 'to ha! Shet awesome! Sige game!"

"Leche! Sweet nga pero nakakainggit! Sige i-push natin 'to!"
 
 
Nabosesan ko naman sila. Si Allyn, Agnes, Emcee, Kristine, Marie at Berry –mga classmates namin ‘yun ah? Anong pinagsisigaw nila? Nasa school ba sila ngayon? So may pasok talaga? Napatingin ako bigla sa mga sakay ng jeep na 'to at napansin kong nakauniform silang apat.
 
"Naka-uniform kayo! Teka kukunin ko uniform ko! May pasok pala talaga?!" Bababa na sana ako ng jeep kaso biglang pinaandar ni Lolo! Muntik na akong tumilansik palabas pero biglang tinaas ni Serene ‘yung kanan niyang paa kaya naharangan ako at tumilapon ako sa loob ng jeep.

"Pwede ba? Wag ka ngang magulo!" sabay irap niya sa akin. Aba naman! Tss. Pasalamat siya at medyo niligtas niya ako mula sa pagtilapon ko sa labas kundi! Tinulungan naman agad ako ni Daniel dahil sa pwesto niya ako tumalsik. 

"Don't worry, hindi mo na kailangang mag-uniform," sabay kindat niya sa akin.
 
Okay. Alam kong in love ako kay Ryde pero shems lang talaga. Ang gwapo lang ni Daniel! Plus ‘yung pagkindat pa niya! Hindi ko talaga alam kung anong nangyari sa akin at bigla na lang nawala ‘yung pagkakacrush ko sa kanya eh. Ideal guy pa man din siya. Kaya pag may babaeng nagkainteres sa kanya, dadaan muna sa akin! He's like an older brother to me kaya responsibilidad kong kilatisin sila.
 
"Hay naku Daniel. Kahit anong clue pa ang ibigay mo sa babaeng ‘yan, di niya yan magegets. Alam mo naman kung gaano yan ka-slow pagdating sa mga ganitong bagay."
 
Hindi ko talaga alam kung best friend ko ba talaga 'tong si Yem o sadyang trip niya lang akong laitin eh. Eh di ako na ang slow! At anong clue ang pinagsasabi niya? Hindi ko talaga maintindihan ang mga matatalinong tao! Ang complicated nila mag-isip! Hello? Ordinaryong estudyante lang po ako! Utang na loob naman!
 
"Pero Aeisha, alam mo, ang slow mo nga," biglang sabat naman ni Chris. Isa pa 'to eh!

"I agree on that point. Plus, she's so clumsy...and not pretty." Napatingin naman ako kay Serene at nakataas pa talaga ang right hand niya. Okay. Binabawi ko na ang sinabi ko kanina na bumait siya ng 1%! Sumama siya! Naging mas masama siya ng 23.5% Tss!

"But I think she's dependable and strong on her own ways." Napangiti naman ako sa sinabi ni Daniel. Siya lang talaga ang nakakaintindi sa akin! 
 
Pero napataas naman ang kilay ko. Wow ha? Kung pag-usapan nila ako parang wala ako sa harapan nila. Medyo masakit ha! 
 
"Hoy! Ano bang problema niyo—"

"Okay guys! Malapit na tayo! Start na ang preparation! Go!"
 
Nagulat naman ako nung sumigaw si Yem tapos bigla siyang tumabi sa akin. Magrereklamo pa sana ako sa pag-uusap nila sa akin kanina pero bigla na lang niyang tinakpan ‘yung mata ko tapos naramdaman kong may nakahawak sa dalawang kamay ko at pinipigilan akong gumalaw. Okay, ano na naman bang pantitrip 'to?! 
 
"Hoy! Ano bang pinaggagawa niyo?! Hindi na to—hmmm!"

"Just shut up, you little bitch. Or else, I'll turn you into an ugly witch!" Hindi ako makapalag dahil may nakahawak na rin ngayon sa bibig ko. At sino pa ba ang bruhildang magsasalita ng ganun sa akin? Bwisit na Serene 'to!
 
Hindi ko alam kung anong nangyayari pero naramdaman kong may ginagawa sila sa katawan ko. At nakikiliti na talaga ako! Pero shet na Serene 'to laging pinipigilan ‘yung pagtawa ko! Oras na makawala lang talaga ako sa kanilang apat, uupakan ko sila isa-isa! Ang hirap kayang magpigil ng tawa!
 
"There! Tapos na!"

"Psh. She's still ugly."
 
Bigla naman nilang binitiwan lahat ng hawak nila sa katawan ko kaya nakahinga ako nang maluwag. Pagdilat ko, ang lapit ng mukha nila sa akin at lahat sila ay naka-grin...well except for Serene, at parang may balak na masama.
 
"Oy ano yang mga tingin na ‘yan—"

"Labas na! Andito na tayo!" sabay tulak sa akin ni Yem. Tapos saka ko lang napansin na nasa kanto na pala kami ng school. 

"Teka! Anong pinaggagawa niyo sa akin? Anong nangyari?"

"Gaga, inayusan ka lang namin ng konti! Oh ayan oh," tapos inabutan ako ni Yem ng salamin. Pagtingin ko, parang gusto kong masuka. Medyo curly ‘yung hair ko sa dulo tapos naka-lipstick ako. What the hell?

"Anong ginawa niyo sa mukha—"

"Tsk. Dami pang satsat. Pwede ba lumakad ka na lang?"
 
Konti nalang talaga at mababasag ko na 'tong salamin sa pagmumukha ng Serene na 'to. Bakit ba iritang-irita siya? Kairita ha. Ano ba kasing meron? Hindi talaga ako mapakali. Takte.
 
Naglakad lang kami papuntang school. Pero wala pa kami dun ay nakakarinig na ako ng ingay. Okay, seriously? Anong nangyayari sa loob ng school?
 
"Hay. Ang swerte mo talaga Poleng. Haba ng hair mo. Dinaig mo si Rapunzel! Sana kasing-sweet rin ni Ryde ‘yung magiging boyfriend ko!" nakita ko naman si Chris na kumunot yung noo. Pfft. Selos ! Pero nabother ako sa sinabi ni Yem.
 
"Ha? Si Ryde? Ano ba kasing meron, Yem? Please naman, sabihin mo na kasi sa akin." Halos paiyak na rin ako nun. Naffrustrate na talaga kasi ako. Alam niyo yung feeling na ‘yun? ‘Yung wala kayong alam sa mga nangyayari pero sunod pa rin kayo sa flow? Nakakagaga kaya.
 
"Hay. Okay fine. Tutal nandito na rin naman tayo." Nakatingin lang ako sa kanya habang pa-suspense niya pang dinelay ang pagsasabi niya sa akin. "Hindi mo ba napansin?"

"Ang alin?"

"Sinundo ka ng Lolo mo from that hill tapos hinatid ka niya dito kung nasaan si Ryde."
 
Nandito sa Ryde sa school? For real?
 
"Then your closest friends are here beside you. At hinahatid ka rin papunta sa kanya." Napakunot naman ‘yung noo ko sa pinagsasabi ni Yem. Wala na talaga akong naiintindihan. Hindi na lang kasi diretsuhin eh!
 
"Psh. Slow slow mo talaga forever!" sabay pitik niya sa noo ko. 
 
"It's like a wedding! Ano ka ba naman! And according to Ryde, this is a pre-wedding, for ten years later. Ito ang way niya ng panliligaw at pagtatanong kung pwede ka niyang maging girlfriend."
 
Pagkasabing-pagkasabi niya nun, natulala na lang ako. Tapos nakarinig ako ng ingay. At nagulat ako nung lumabas ‘yung classmates ko at kung anu-anong pinagsasabi sa akin. Kesyo kinikilig daw sila, congrats daw, inggit daw sila, at hindi ko na maintindihan pa yung iba. Tapos ang alam ko na lang ay tinulak-tulak nila akong lahat papasok ng gate. At pagkakita ko sa quadrangle, parang gusto ko na lang maiyak.
 
May red carpet papunta doon sa mini-stage tapos nasa gilid ‘yung iba kong classmates, badminton teammates ko, pati ‘yung glee club. Tapos sa corridors, halos lahat ng estudyante ay nakasilip sa kung anong nangyayari. Pati yung mga teachers nandoon din.
 
And Ryde is there.
 
"I'll wait for you."
 
So ito ang ibig niyang sabihin? Na pumunta ako dito...for this? Hindi ko alam kung paano magreact. Ang alam ko lang ay tumulo na ‘yung mga luha ko bago pa man may lumabas na words sa bibig ko.
 
I'm speechless.
 
"He really loves you. Siguro more than I do. At hindi ako magsisisi kung sa kanya ka man mapunta," biglang bulong sa akin ni Daniel sa gilid.

"Tss. Oras na malaman kong sinaktan mo ulit siya, asahan mong kakalbuhin kita and your life will be a total nightmare," dagdag ni Serene, sabay sandal niya sa may gilid. Ewan ko pero I feel sorry for her.
 
Hindi ako makagalaw. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
 
"Sana maging masaya ka kasama ng apo ko. Sana ganito rin ang maabutan ko makalipas ang sampung taon." Nagulat naman ako nung sumulpot si Lola sa gilid ko. Then, she kissed me on the cheeks.

"Hindi ba sabi mo apo, gusto mong maging masaya? Hindi ba ito na ‘yun? Wag kang mag-aalala. Gagawin ko ang lahat para ihatid ka sa kasayahang ‘yun. Naudlot man ang pinapangarap kong pag-ibig dati, alam kong matutuloy ‘yun sa katauhan mo. Masaya akong ikaw ang naging apo ko, Pauline," tapos hinalikan din ako ni Lolo sa noo.
 
Halos wala na akong makita dahil sobrang luha na ang lumalabas sa mga mata ko. Mas malala pa ata 'to kaysa sa pag-iyak ko dahil kay Ryde dati. Pero kahit na umiiyak ako...
 
I felt happy.

I feel warm.
 
"Eto ate. Ginawa ko ‘yan!" tapos inabot sa akin ni Aera ‘yung isang buoquet ng flowers na gawa sa papel tsaka siya ngumiti sa akin. Umupo naman ako kalevel niya at hinalikan ko siya sa pisngi. She's so sweet. 
 
"Sige na apo, lumakad ka na at naghihintay na siya."
 
Nag-nod nalang ako kay Lolo. At nagsimula akong maglakad. Unang hakbang ko pa lang, naghiyawan na ‘yung mga estudyante sa buong school. Tsaka ko napansin na may nagproject doon sa likod ni Ryde. Pagtingin ko, parang music video at compilations ng pictures ko at ni Ryde. Narinig ko rin na may tumugtog. Pagtingin ko, nandun na si Yem sa tabi ng glee club at nagsimula siyang kumanta.
  
"There will be no ordinary days for you
If there is someone who cares like i do
You have no reason to be sad anymore
I'm always ready with a smile
With just one glimpse of you"
 
Tapos nagulat ako nung may nagtaas ng banner sa may 3rd floor sa may tapat ng room namin.
 
 I LOVE YOU RAW AEISHA!
PINAPASABI NI RYDE!
​
‘Yan ‘yung nakasulat sa banner. And I felt stupid dahil natawa ako bigla habang umiiyak ako. Mga walanghiyang classmates 'to. Kakontsaba pala silang lahat.
 
"You don't have to search no more
Cause i am someone who will love you for sure so.."
 
Tapos nakidagdag rin ‘yung mga nakikiusyosong estudyante. Sinigaw rin nila ‘yung nakasulat sa banner. Ewan ko pero natawa na lang ako habang patuloy lang sa paglalakad.
 
"If we fall in love
Maybe we'll sing this song as one
If we fall in love
We can write a better song than this
If we fall in love
We will have this melody in our heads
If we fall in love
Anywhere with you would be a better place"
 
Naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa makarating ako sa kanya. Hanggang sa nasa tabi ko na siya. Sumalubong sa akin ang isang ngiti niya. Ewan ko ba pero it feels so different sa mga ngiti niyang nakita ko na. He looks awesome. Para siyang batang nabigyan ng laruan.
 
"You look beauiful."

"Kumulot lang ‘yung buhok at nag-lipstick, beautiful agad?" sabi ko sa kanya habang umiiyak pa rin. Nakakainis kasi siya eh. Kung anu-anong trip niya sa buhay.

"Yeah. Maganda ka kahit anong mangyari," tapos bigla niyang hinawakan yung kamay ko.
 
Biglang tumahimik lahat at tanging ‘yung malakas na tibok lang ng puso ko ang naririnig ko.
 
"Thank you, dahil pumunta ka."

"The heck? A-akala ko...aalis ka na naman kanina. Akala ko mawawala ka na naman. N-nakakainis ka talaga. Ang hirap mong intindihin."

"Sorry. Gusto ko lang masurprise ka."

"Surprise...to the point na...buong school, kinontsaba mo?" tapos ngumiti ulit siya sa akin.

"Pumayag naman sila eh. Besides, I really want to do this for you. I love you."
 
Pagkasabing-pagkasabi niya nun, biglang tumugtog ‘yung glee club at kumanta si Yem. Pero hindi ko na naintindihan dahil nagsisigawan na rin ‘yung mga estudyante.
 
"I love you so much."
 
Hindi na ako makapagsalita. Naiyak na lang ako. Ulit. Wala na talaga akong alam gawin kundi umiyak.
 
Nagulat naman ako nung lumuhod na naman siya sa harapan ko.
 
"I really want to be with you. I want you to be the woman I'll love until the end. Pero alam kong marami pang mangyayari at hindi tayo sigurado sa mangyayari sa mga susunod na araw," tapos tinitigan niya ako. "But I promise you, gagawin ko ang lahat to keep you with me. Ikaw lang ang nagparamdam sa akin ng ganito. Alam kong parang istorya ng grandparents natin ang nangyayari sa atin. Pero hindi ko hahayaang maging ganun rin ang mangyari. We'll continue their story."
 
Hindi ko na talaga mapigilan ‘yung luha ko. But I really feel happy right now. Para akong nananaginip. This is too good to be true.
 
"So please give me a chance to prove my feelings for you." Naging tahimik na naman ang paligid. Maging sila Yem ay huminto rin sa pagkanta.

"Pauline Aeisha Bernardino, will you be my—" Hindi ko na siya pinatapos at napayakap nalang ako sa kanya, to the point na natumba na siya dahil sa impact ng pagkakayakap ko.

“Nakakainis ka talaga! Bakit ka ganyan? Lagi mo na lang akong pinapaiyak...I really hate that part of you...Pero kahit na ganun...mahal pa rin kita.”
  
Kumawala ako sa pagkakayakap ko sa kanya at hinarap ko siya. Nakita kong gulat ‘yung expression ng mukha niya. Gusto ko sana siyang tawanan pero ayokong masira ang moment na 'to.
 
Lumapit ako sa kanya and I can see his face clearly. I cupped his face and I kissed him.
 
"Of course. Hindi ako magpapaka-Maria Clara at magpapakipot pa. Baka mawala ka na naman sa akin," tapos niyakap ko ulit siya.
 
"Ryde, I want you to be my boyfriend...and of course, siguro after ten years," nginitian ko siya kahit na nahihiya na ako. “My future husband.” 
 
After that confession, parang nagwala lahat ng tao. Puro ingay lang ang naririnig ko. Tapos nagulat ako nung napakarami ng tao sa paligid namin. Hindi ko na rin maintindihan ‘yung pinagsasabi nila. Wala na akong maintindihan.
 
But I feel secure ‘cause he's holding my hand. And that's enough for me.
 
He's right beside me. And I know that he loves me.
 
I found this guy. I found Rydell Jin Montalbo.

Mama, Papa, finally...
 
I found my own happiness.
​

<< Chapter 72
Epilogue >>

Comments

Chapter 72

6/25/2019

Comments

 
​"A-anong...anong pinagsasabi mo?"
 
Nagulat talaga ako sa sinabi niya. Oo, inaamin ko, kinilig ako ng bongga pero future wife?! Parang ang bilis masyado ha! Ano bang takbo ng utak ng Ryde na 'to?
 
"Huh? Eh di tinatanong kung pwede ba kitang—"

"Wait wait wait wait!" sabay harap ko ng palad ko sa pagmumukha niya. "M-may sira na ba ‘yang ulo mo? F-future wife?! Masyado pa tayong bata para dyan!”
 
Bigla naman siyang tumayo at pinagpag niya yung pantalon niya. Ako naman ay nakaupo pa rin sa kalsada dahil nanghina talaga ‘yung katawan ko sa sinabi niya. Naloka akong tunay!
 
"Sabi na nga ba ganyan ang magiging reaksyon mo," sabay grin niya sa akin. Aba't. Pinagtitripan niya lang ata ako eh!

"Nakakainis ka! Pinagtitri—"

"But I wasn't joking," tapos tumingin ulit siya sa akin with his famous expressionless face. Bigla naman niyang inilahad ‘yung palad niya at hindi ko alam kung anong meron pero kinuha ko naman ‘yun at tinulungan niya akong tumayo. Nakakahiya pa man din kasi naka-skirt ako ngayon. Takte, ano bang tumakbo sa isip ko nung nagpapalit ako at nagpalda ako ngayon?
 
Nakatingin lang kami sa isa't isa habang hawak niya pa rin ‘yung isa kong kamay. Parang umurong na naman ‘yung dila ko. ‘Yung tingin niya kasi...it's like petrifying me. Parang hindi gumagana ‘yung utak ko.
 
"White cycling ha?"

"Ha—"
 
Tsaka ko narealize kung anong ibig niyang sabihin. Hindi ko napigilan ‘yung sarili kong suntukin siya at talagang sobrang namula na ‘yung mukha ko.

Anak ng cycling naman oh! ‘Yun na ‘yung moment eh! Tapos biglang white cycling?! Napakamanyak talaga ng lalaking 'to!
 
"Napaka mo talaga...ugh!" saka ako tumalikod sa kanya at nagsimulang maglakad palayo. Panira talaga! Bakit ba ganito 'tong lalaking 'to?! Akala ko nagbago na siya dahil ang daldal niya na eh, pero ‘yung pagiging pervert niya, hindi naalis! Sabi na nga ba part ‘yun ng dating personality niya eh!

"Oy oy, saan ka pupunta?"

"Kay Daniel! Sa kanya ako papakasal!" Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ‘yun pero wala na eh, lumabas na sa bibig ko. Pero after nun, parang biglang humangin ng malakas at tumayo lahat ng balahibo ko. Napalingon ako bigla sa likuran...
 
"Kay...Daniel?"
 
Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko pero imaginine niyo nalang: si Ryde, expressionless face + cold stare + cold tone + malamig na hangin.
 
Para siyang wild animal. Nakakatakot!
 
Unti-unti siyang lumapit sa akin. Ako naman, napaatras na lang.
 
"Kay…Daniel?"

"H-huh? W-wala naman...ata akong sinabing ganun? Ha…ha…" atras ulit.

"Sa...kanya..."

"Huy ano ka ba...baka...ano...mali ka lang ng rinig!"

"ka...magpapakasal?"

"Ka...kasal? A-ano yun? P-agkain ba ‘yun?"

"Daniel..."

"Eto naman oh—"
 
Saka ko naramdaman na nakasandal na pala ako doon sa may wall sa gilid. Patay. Aeisha, patay ka na talaga. Nakakatakot si Ryde! 
 
Bigla naman niyang nilagay ‘yung dalawa niyang kamay sa may pader kaya na-stuck ako sa pagitan nun. Oh shocks, oxygen, where are you?!
 
Pero wait. Déjà vu? Parang nangyari na rin 'to dati? Nangyari na nga ba? Hindi ko na maalala.
 
"Sabihin mo nga," tapos biglang bumalik sa normal ‘yung itsura niya. Pero this time, parang ang lungkot ng mga mata niya. And I find it cool. "Mahal mo ba si Daniel?" 
"Huh?"
 
Hindi ko alam kung matatawa, maiinis, magagalit, maglulumpasay o manununtok ako sa tanong niya. As in seriously? Tinatanong niya yan?! Utang na loob lang, Ryde! Pasintabi lang pero tanga ba siya?!
 
"Ryde," tapos hinawakan ko ‘yung dalawa niyang balikat. Halata namang nagulat siya sa ginawa ko.

"Hmm?"

"SUPER PUNCH!” tsaka ko siya sinuntok sa may sikmura with all my power. After that, pakiramdam ko nabali lahat ng buto ko sa kamay, pero wala akong pakialam! Hah! Dapat lang sa kanya ‘yan! Napahawak siya sa tiyan niya pero hindi siya tumumba. Sabi na nga ba ako ang masasaktan sa gagawin ko at hindi siya! Pero at least medyo nasaktan naman ata siya!
 
"What the..."

"Tinatanong mo kung mahal ko si Daniel? Oh ayan ang sagot ko! Kung di ka rin naman talaga...ugh! Sino ba sa tingin mo ang iniiyakan ko these past few weeks?! Sino ba sa tingin mo ang lagi kong nakakasama?! Sino ba sa tingin mo ang lagi kong hinahanap?! Sino ba sa tingin mo ang dahilan ng lahat ng nangyayari sa akin ngayon?! Sino ba sa tingin mo ang mahal ko?! Ha Ryde?!"
 
Napatulala lang siya sa akin kahit na medyo nakahukot siya dahil hawak niya yung tiyan niya.
 
"Ibig sabihin..."
 
Anak ng tupa naman oh! Akala ko ako lang ang slow sa aming dalawa, pero siya rin pala! Hindi niya ba ako napapansin?! 
 
"Oo! Ikaw yun! Ikaw ‘yun, Ryde! Nakakainis ka talaga!" sabay talikod ko.
 
Gosh! Did I just confess my feelings?! Nakakahiya! Anong gagawin ko?! Ayoko nang humarap sa kanya! Mamatay ako pag humarap ako sa kanya! 
 
"You mean, you love me, too?"
 
Ang kulit naman ng lahi ng isang 'to oh! Hindi niya ba narinig ‘yung sinabi ko sa kanya kanina? Bingi ba siya? Tama na please! Hindi na kakayanin ng kahihiyan ko!
 
"Ulit-ulit?!" sabi ko na lang habang nakatalikod pa rin ako. Pero nagulat ako nung biglang may yumakap sa likuran ko.

"Thank you," tapos bigla niyang hinalikan ‘yung balikat ko. Kasabay nun ay kinilabutan ako ng todo at feeling ko ay lalagnatin na ako sa sobrang init ng pagmumukha ko.
 
Agad naman siyang umalis sa pagkakayakap. Paglingon ko, naglalakad na siya palayo sa akin. Teka, anong ginagawa niya?
 
"S-saan ka pupunta?" bigla akong kinabahan. Pakiramdam ko kasi may masamang mangyayari.

"May kailangan lang akong ayusin," sabay sakay niya sa bike niya.

"Hey wait! Teka! Iiwan mo ako dito? Teka pasabay!" tatakbo na sana ako papunta sa kanya pero pinigilan niya ako.

"Dyan ka lang. May susundo sa'yo dito."
 
Hindi ko alam pero biglang bumigat ‘yung pakiramdam ko. Ano na naman ba 'to? Ano na naman bang nangyayari? Meron na naman bang problema?
 
"Ryde—"

"Kahit na hindi mo sinagot ‘yung tanong ko kanina...I'll wait."
 
Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Anong sagot ang hindi ko natanong? Ang naaalala ko lang na hindi ko nasagot ay ‘yung tungkol sa...sa...future wife.
 
"Pero asahan mo, after 10 years, I'll ask the same question. I'll wait and wait. Kahit magpakatanga ako sa paghihintay, hindi ako susuko."
 
Biglang may nag-flash na pangyayari sa utak ko. Bigla kong naimagine si Lolo at si Lola Roma. Ewan ko pero naisip ko sila bigla nung sinabi ni Ryde yung "after ten years" at "paghihintay". Is this a coincidence?
 
"Pero san ka pupunta? Iiwan mo ako dito?"

"Yes. But we'll see each other again, soon. That is, if you really love me," tapos nagprepare na siya sa pag-alis. Ako naman ay napatakbo papunta sa kanya.
 
I don't get it. I really don't get it. Ano bang ibig niyang sabihin? I will see him if I really love him? What does that mean? 
 
"Teka!"

"Hihintayin kita dun. Sana magpakita ka. See you."
 
Saka niya pinaandar yung bike niya ng ubod ng bilis. Sinigaw ko ‘yung pangalan niya pero hindi na siya lumingon. He left me. Ano ba kasing pinagsasabi niya? 
  
Nagulat naman ako nung may narinig akong gumagalaw doon sa may gilid ng mga puno at bushes. Pagtingin ko...
 
"Wow! Ang dramatic nung scene na ‘yun! Shocks! Pwede na talaga kayong dalawa sa theater club! ‘Di ba?"

"Hmm pero mas magaling pa rin ako, babes."

"Babes?! Sino si babes?! May iba kang babae?!"
 
Napatulala na lang ako sa kanila. What the hell? Anong ginagawa nila dito?!
 
"Yem? Chris? Anong ginagawa niyo dyan? At isa pa, kanina pa kayo dyan?!"

"Ha? Oo naman!" sabi ni Yem sabay tutok sa akin nung camcorder na hawak niya.

"Nakita namin lahat! ‘Di ba loves?" sabat ni Chris sabay harang doon sa camcorder at nagpose sa harapan ni Yem. Ano bang problema ng dalawang 'to? 

"Don't worry Poleng! Isa akong magaling na bata kaya nakuhanan ko lahat pati ‘yung kissing scene! Shocks! Kilig! Walang hiya muntik na nga akong sumigaw kanina eh!"
 
Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Shet! Ibig sabihin...sa simula pa lang ay nandyan na sila?! What the hell?! At teka, bakit sila naka-school uniform?! Akala ko ba walang pasok? O trip lang nilang mag-uniform?
 
Napatingin naman ako sa bumusina tapos nakita ko ‘yung jeep ni Lolo at nakita ko rin na nakaupo sa unahan si...
 
"Lola Roma?!"

"Hi apo!" sabay kaway niya sa akin with todo-todong energy. Wait lang! Nagkausap na sila ni Lolo? Whoa! Ano kayang napag-usapan nila? Nagkaintindihan na kaya sila? Nalaman na kaya nila ang buong kwento? Gusto ko ring malaman!

"Tama na ang batian, apo. Sakay na at may pupuntahan pa tayo," sabi naman ni Lolo sabay busina ulit sa amin.

"Ha? Saan tayo pupunta?"

"Pasok na Poleng! Late na tayo! 7:30 na oh!" tapos tinulak-tulak ako ni Yem papasok sa jeep.

"Teka lang! May pasok tayo? Akala ko ba wala? ‘Di ba inannounce sa klase kahapon na walang pasok?"

"Joke lang ‘yun. Pinagkaisahan ka naming lahat!"
 
Nung nakapasok na kami sa jeep, pinaandar na agad ni Lolo ‘yung sasakyan. Saka ko napansin na may nakabukas na laptop sa loob at parang may nagpeplay na video.
 
"Okay Lolo Paulo! Full speed po! Let's start this procession!"
 
Procession?! Wait nga lang. Ano ba kasi talagang nangyayari?!
​

<< Chapter 71
Chapter 73 >>

Comments

Chapter 71

6/25/2019

Comments

 
​After ng silent moment namin, binaba niya ako bigla. Akala ko kung anong mangyayari pero nakita ko na nasa harapan na kami ng sementeryo at nasa harapan ko rin ‘yung bike niya.
 
"Sakay," tapos bigla siyang sumakay sa bike niya. Dahil medyo natakot ako sa pautos niyang tono (which is hindi ko alam kung bakit ako natakot), ay napasunod agad ako. Sumakay ako doon sa may upuan sa likod.
 
"Hawak." Syempre, sumunod agad ako. Mamaya bigla niyang paandarin, eh di baldog ako sa may semento!
 
Hindi naman ako nagsising humawak sa kanya dahil pagkahawak na pagkahawak ko ay pinatakbo niya agad ‘yung bike na parang kotse. Eh kasi naman, pababa ‘yung road galing dito sa sementeryo! Impakto 'tong lalaking 'to! Paano na lang kung hindi pa ako nakahawak?! Eh di ako na ang isusunod na ibuburol dito!
 
"Thank you." Nagulat naman ako nung bigla siyang nagsalita.

"P-para s-saan?"

"Yung kay Lola. I really owe you alot. Salamat talaga."
 
Hindi ko alam kung ano na naman bang bwisit ang problema ng mata ko dahil nagtutubig na naman sila. Bakit ba kasi siya nagthathank you? Ginawa ko lang naman ‘yung tama eh. Pero namimiss ko na si Lola.
 
"Maraming sinabi sa akin si Lola."
 
Bigla akong kinilabutan. Binabawi ko na ang pagkamiss ko kay Lola. Shet! Anong mga pinagsasabi ni Lola kay Ryde?! Takte! Sa kanya ko pa man din sinasabi ‘yung mga kadramahan ko sa buhay! Tapos alam niya na rin na si Ryde ‘yung lagi kong kinukwento ko sa kanya! Impakta ka Lola, anong mga kinuwento mo kay Ryde! 
 
"Alam kong galit ka sa akin. Alam kong nasaktan ka dahil sa’kin. Gusto kitang makausap, but you keep on avoiding me. I know na ang rude ko kanina, pero eto na lang ang alam kong paraan para makapag-usap tayo."
 
Napatulala naman ako. Weird. Ang dami niyang sinabi ngayon! Hindi ako sanay! Ang daldal niya na! Hindi talaga ako sanay!
 
Nagulat naman ako nung bigla niyang hinawakan ‘yung isa kong kamay at inayos niya para mas mahigpit ‘yung hawak ko sa bewang niya. Utang na loob, Ryde! 
 
"H-hoy! Magbike ka na nga lang! Pag tayo nabangga ha!" Kasi naman! Kung anu-anong pinaggagawa eh!

"Don't worry. My life is yours. I'll do everything to protect you."
 
Buti na lang talaga at may dumaang sasakyan at malakas ‘yung sounds, kasi feeling ko napasigaw ako ng konti. Anak ng teteng naman eh! Anong pinagsasabi niya? Konti na lang talaga, sasabog na ako dito! Bakit ba siya ganito? Pinapaasa na naman ba niya ako?
 
Hindi na lang ulit ako nagsalita. Ayoko nang mag-expect. Baka kasi masaktan na naman ako. Ayoko munang magtiwala sa mga pinagsasabi niya. Maniniwala na naman ako, tapos ano? Sasaktan niya rin naman ako.
 
Tahimik na ako buong byahe. Nung huminto siya, nandito kami sa dati kong pinuntahan. ‘Yung mataas na lugar kung saan kita mo ‘yung city lights pag gabi. Pero since 7 AM pa lang ata ay hamog ang makikita mo sa paligid.
 
Bumaba ako sa bike niya at pumunta doon sa may fence sa gilid. In fairness, ang sarap ng simoy ng hangin dito tapos ang lamig. Ang sarap sa feeling. Nagulat naman ako nung nasa gilid ko na rin siya.
 
"Pwede bang magtanong?" sabi niya sa akin pero nakatingin siya sa harapan.

"Nagtatanong ka na kaya."

"That means yes, right?" tapos bigla siyang tumingin sa direksyon ko kaya napatingin naman ako sa harapan. Buti na lang malamig at may palusot ako kung bakit namumula ang mukha ko!

"Bakit iniiwasan mo na ako simula nung matapos ‘yung field trip?"
 
Pagkatanong niya nun, nagflashback sa utak ko kung anong nangyari nung gabing ‘yun. ‘Yun ‘yung sinabi niyang may mahal siyang iba. Ouch naman oh. Bumabalik na naman ‘yang lecheng pakiramdam na yan ha.
 
"Tinanong kita nun kung nagmahal ka na ba, ‘di ba? Sabi mo, 'I guess' tapos sinabi ko sa'yo na ako rin. That one woman I love. Sobrang bait, thoughtful, maganda and everything you seek for a perfect girl."
 
Halos lumubog na naman ‘yung puso ko sa pinagsasabi niya. Sabi na nga ba eh, masasaktan lang ako rito. Ipinagduduldulan niya pa talaga sa akin ‘yung babaeng mahal niya. At ngayon, may pakiramdam ako na si Serene ‘yun.
 
"Actually, you already met her." napatingin ako bigla sa kanya. Sabi na nga ba eh. 

"H-huh?" sabi ko na lang.

"Alam kong ganun rin ang masasabi mo sa kanya dahil kilala mo siya. She's the best," sabay ngiti niya sa akin. Alam kong weird sa kanya ang ngumiti, pero mas na-bother talaga ako sa sinabi niya. Si Serene, the best? Mabait? Thoughtful?

"S-sino ba siya?" tanong ko sa kanya kahit na alam ko na. Pero bakit sa lahat naman ng babae, si Serene pa? Nakakainis. Ayokong marinig ang pangalan niya. Please, ‘wag mong sabihin.
 
"Of course...si Lola. I really love her. As much as I lo—Hey wait, why are you crying?"
 
Napaiyak na talaga ako ng totoo. Pakiramdam ko lumubog lang lalo ‘yung puso ko. Pero ang pinakamalala, pakiramdam ko ang tanga-tanga-tanga-tanga ko.
 
"S-si…si lola Roma y-yung tinutukoy mo? Hindi si Serene ?" alam kong naweweirduhan na siya sa akin dahil bigla na lang akong umiyak. Pero kasi naman eh.

"Y..yeah. Bak--"

"Bwisit ka naman Ryde eh! S-sana sinabi mo agad! S-sana nalaman ko kaagad! Para lang akong tangang nagseselos sa akala kong babaeng mahal mo! Nakakainis ka!" sabay punas ko sa pisngi ko at humarap nalang ako sa city. 
 
Alam ko namang kasalanan ko kasi nag-assume agad ako. Pero hindi ko rin maiwasang mainis sa kanya. Bakit kasi sinabi niya pa ‘yun? Syempre ang iisipin ko ay babaeng kaedad namin. Babaeng mahal niya as his other half, na akala ko ay si Serene.
 
"Listen." Nagulat naman ako nung bigla niyang hinawakan ‘yung dalawang balikat ko at hinarap niya ako sa kanya. "Hindi ko naman alam na...pero...is that true? Nagselos ka?"
 
Napatingin na lang ako right side ko habang pinupunasan ko pa rin ‘yung mga tumutulong luha. Hindi ko kasi magalaw ‘yung katawan ko since hawak niya ‘yung balikat ko.
 
"Nagselos ka nga." Pagkasabi niya nun, napatingin ako agad sa kanya with my death glare.

"Shut up," sabi ko sa kanya para lang may masabi ako. Bigla naman niyang ginulo ‘yung buhok ko. Tss. 

"Akala ko kung anong nagawa ko sa'yo that day."

"Shut up."

"Pero nagselos ka lang pala."

"Shut up."

"Tsk. Ang hirap mo talagang i-handle."

"Shut u—" bigla naman niya akong hinatak papunta sa kanya at hindi ko natapos yung sinasabi ko sa kanya!

"I missed you. Really. Akala ko pati ikaw, mawawala rin sa akin. Though, lahat naman ng nawala sa akin, bumalik rin. And it's all because of you. So...thank you."
 
Nakayakap lang siya sa akin. Habang ako naman ay pinipigilang maiyak. Oo, iyakin na ako kung iyakin, pero I'm sure, na hindi 'to dahil malungkot ako. Hindi dahil mabigat ang loob ko.
 
"Sinabi na sa akin ni Daniel. Kinausap mo sila and you already know my story. Sorry kung nadamay ka pa sa gulo ng pamilya at mga kaibigan ko. I didn't mean to involve you."
 
Hindi na ako makapagsalita. Pakiramdam ko rin ay basang-basa na ng damit niya. Tuluy-tuloy na kasi ‘yung pag-iyak ko dahil sa mga pinagsasabi niya eh.
 
"I became stone cold when my Mom died and my grandmother vanished. Pero ikaw naman ang pumalit sa kanila. Unang pagkikita palang natin...uhm...but, really...I didn't mean to do that," saka ko naman narealize na ang tinutukoy niya ay yung pagkakahawak niya sa boobs ko nung nadapa siya sa hallway. Bwiset.
 
"Kapag kasama kita, gusto kong bumalik sa dating ako. ‘Yung makulit, palatawa, mapangtrip. Pero sabi ko sa sarili ko, hindi ako babalik sa dati hangga't ‘di ko nakikita si Lola. I even bet my own life to it. That's why I said my life is yours. Ikaw ang dahilan ng pagkikita ulit namin ni Lola. That day, nung nagtext ka sa akin, akala ko kung anong sasabihin mo. Pero you gave back my happiness. You gave back my previous life."
 
"Halos nakakonekta sa'yo lahat ng nangyari sa akin ngayong taon na 'to. It's like destiny is trying to bind us. Idagdag mo pa na may nakaraan pala ang lolo at lola natin." Ibig sabihin, kinuwento ni Lola yung side niya kay Ryde. I want to know it too.
 
Bigla naman siyang humiwalay sa pagkakayakap sa akin tapos pinunasan niya ‘yung pisngi ko. Nakatingin lang kami sa isa't isa. Kahit gusto kong umiwas ng tingin, hindi ko magawa dahil feeling ko ay naka-glue na ‘yung mga mata ko sa mata niya.
 
"Simula pa lang, iba na ang pagtingin ko sa'yo. You made me happy, you made me lonely. You made me feel everything."

"Ikaw rin naman eh. Ang kapal ng mukha mong paiyakin ako. Walang hiya ka. Sinaktan mo pa ako. Pero kahit na ganun..." Halos maubusan ako ng hininga. Hindi ko yata kayang ituloy ‘yung sasabihin ko. Nahihiya na ako! Gusto kong sabihin na mahal ko siya pero hindi ko masabi!
 
"Pero kahit ganun…a-ano kasi—"

"I love you." Nagulat ako sa sinabi niya. At mas nagulat ako nung hinawakan niya bigla yung chin ko at...
 
He kissed...he kissed me.
 
Napatulala na lang ako sa kanya. What the heck. Did he just...kiss me? On the lips? After that, pakiramdam ko nawalan ako ng kaluluwa at nagpaparty siya somewhere. Pero wala pa nga ako sa wisyo ay bigla naman siyang lumuhod sa harapan ko.
 
"H-hoy, anong ginagawa mo?"

"Alam kong masyado pang maaga para gawin 'to, pero turo sa akin ni Lola dati, kapag ang isang tao o bagay ay gusto mo talagang makuha, gumawa ka ng paraan para mapasayo siya by taking a step ahead."

"H-ha? Anong pinagsasabi mo? Tumayo ka nga dyan. Semento ‘yan oh. Masakit yan sa tuhod! Tsaka—"

"Will you be my future wife?"
 
Pagkasabing-pagkasabi niya nun, napaluhod rin ako dahil nanghina ang tuhod ko.

W-what did he just say?!
​

<< Chapter 70
Chapter 72 >>

Comments
<<Previous
    Picture
    Back to a ride
    ​to love page

    Archives

    June 2019

    Categories

    All

Powered by Create your own unique website with customizable templates.
  • Home
  • About
  • Stories
    • Standalone Stories >
      • Novels
      • Novellas
    • Serialized Novels
    • Epistolary
    • Compilations
    • Ongoing
    • Completed
  • Blog
  • Message Board
  • News
  • Downloads