Purpleyhan Stories
  • Home
  • About
  • Stories
    • Standalone Stories >
      • Novels
      • Novellas
    • Serialized Novels
    • Epistolary
    • Compilations
    • Ongoing
    • Completed
  • Blog
  • Message Board
  • News
  • Downloads

Chapter 20

6/25/2019

Comments

 
“Hinatid ako ni Tita. Dito na raw ako. Hahaha! Ate, ang ganda ng bahay mo! Parang ako!” bigla siyang tumakbo sa loob ng bahay. Ako naman ay napahawak sa noo ko. Naman oh.
“Aba’y sino ba ‘yun, iha?”
“Kapatid ko po.”
“Aba, may kapatid ka pala, apo?”
 
Sabay na kaming pumasok ni lola sa bahay habang tinitingnan ko yung kapatid ko na sumisiksik sa bawat sulok ng bahay. Pati dun sa ilalim ng lababo ay hindi pinatawad. Napilitan naman akong ikuwento kay lola yung mala-telenobelang buhay ko, na si Yem lang talaga ang nakakaalam.
 
Wala na kasi kaming mga magulang ni Aera. Car accident daw yung ikinamatay nila nung ten years old pa lang ako. At ang nakakaloka pa nun, one year-old pa lang si Aera nung mga panahong ‘yun. Kaya sa tita ko muna kami nakituloy for almost a year. Pero dahil nga meron namang ipon yung parents namin sa bangko eh ‘yun na yung ginamit namin para makapag-aral.
 
Ang totoo niyan, tuwing summer ay nagta-trabaho ako ng kahit anong makita kong trabaho. Syempre ayoko namang umasa kina Tita. Kahit kamag-anak namin sila, nakakahiya pa rin. Nung nag-high school ako ay lumuwas ako ng Maynila para naman sa magandang school ako makapasok at magkaroon agad ako ng trabaho. Habang yung kapatid ko, na five years old pa lang ngayon, ay kina Tita muna.
 
Pero, heto, andito na siya oh. Para lang siyang nag-teleport mula Pampanga papuntang Maynila.
 
“Ate, ate, ate, ate! Bakit wala pa si ate Yssa? Saan na siya?” nakayakap na naman sa tuhod ko si Aera. Kahit kelan talaga, ang hyper ng kapatid ko. Sa kanya ata ako nagmana ng kabaliwan eh.
 
“Wala pa si ate Yssa eh. Nasa school pa, may ginagawa pa siya dun eh.” Binuhat ko naman yung kapatid ko, at in fairness ha! Ang bigat na niya! “At tsaka Aera, di ba sabi sa’yo ni ate Yssa mo, ate Yem na raw ang itawag mo sa kanya?” Bigla naman siyang sumimangot.
 
“Ayoko! Mapanget yung Yem eh! Mas gusto ko yung ate Yssa!”
 
Binitawan ko agad siya dahil maglilibot daw uli siya sa bahay. Ay jusko lang, ano namang lilibutin niya dito eh ang liit-liit lang naman nito?
 
Nagpalit muna ako ng damit habang binabantayan ni lola si Aera. Nakakatuwa ngang makita si lola na super lawak ng ngiti eh. Bigla naman siyang tumingin sa direksyon ko kaya lumapit siya sa akin habang tumatalon-talon si Aera sa kama.
 
“Pauline, apo, alam mo ako’y natutuwa talaga at andito ang kapatid mo. Ay na-miss ko nang mag-alaga ng bata. At saka,di ako mapalagay kapag wala kayo ni Yem dahil wala akong magawa eh. Pero dahil nandito na si Aera, aba’y hindi na ako malulungkot.” Pagkatapos nun ay nilapitan niya na uli si Aera at nakipagkulitan ito sa kanya.
 
Napangiti na lang ako kay lola. Hindi talaga ako nagsisisi na pinatira namin dito si lola. I’m sure naman na ganun din yung nararamdaman ni Yem eh. I mean, napaka-jolly kasi ng personality ni lola Roma, to the point na hindi ka mabo-bore pag kasama mo siya kahit matanda na siya.
 
“LOLA ROMA! LOLA! KILALA MO PO BA SI LADY GAGA?”
“Ay sino ba yoon, apo? At bakit mura yung pangalan niya? Mukhang masamang tao iyan ah!”
Nakikinig lang ako sa kanila habang nagluluto ako ng dinner namin. Hindi ko na tinext si Yem na nandito si Aera para surprise. Hahaha.
 
“ANO KA BA LOLA?! DUN KAYA GALING YUNG PANGALAN MO! RA RA RA AH AH AH! ROMA ROMA MA! OH DI BA?”
“Aba, ay oo nga ano? Kilala niya ako? Andoon nga ang pangalan ko ah!”
“LOLA SAYAW KA RIN DALI! GAYAHIN MO ‘KO! GANITO OH! RA RA RA AH AH AH! ROMA ROMA MA! WHACHOR BAD ROWMANS!”
 
Hindi ko naman mapigilang hindi matawa sa kanilang dalawa. Si Aera, di ko malaman kung para ba siyang bulate o kiti-kiti kung sumayaw. Ang galawgaw kasi masyado ng kembot! Si lola naman ay parang kahoy lang na nagse-sway eh! Kahit tulog ako nung nagpasabog ng kagalingan sa dance floor si Lord, at least mas may ibubuga naman ako kesa sa dalawang ‘to!
 
“Ay gaga mo!”
 
Nabitawan ko yung sandok na hawak ko nung biglang nagvibrate yung phone ko sa bulsa ng pajama ko. Oh ha? Astig ng pajama ko, may bulsa. Wag kang mainggit.
 
Binasa ko agad yung text.

 
Ang galing mo rin no?
 

Si Daniel pala ‘tong nag-text. Hala, bakit parang galit yung way niya ng pagtetext? Galit ba siya sakin? Hala ka, wala naman akong ginagawa sa kanya ah?
 
Huh? Hala bakit? Galit ka ba? T.T
 
Nilagay ko na lang ulit sa bulsa ng pajama ko yung phone ko tapos itinuloy ko na rin yung pagluluto. Actually, corned beef na may itlog lang naman yung niluluto ko kaya madali lang. At ayun nga, after ten minutes eh pinatay ko na yung kalan dahil tapos na yung niluluto ko.
Sinilip ko naman sina lola at Aera, mukhang nagkakatuwaan pa rin sila kay Lady Gaga kaya hinayaan ko muna sila. Lumabas muna ako tapos umupo ako dun sa tapat ng bahay namin. Nung nakaupo na ako eh tiningnan ko yung phone ko, nag-reply na pala si Daniel.
 
Nung una kinakabahan pa ako dahil mukhang galit yung pagkaka-text niya sa akin. Pero nung binasa ko yung text niya ay halos sumakit yung panga ko sa sobrang ngiti…


Di mo pa nga ako binabato, tinamaan na agad ako sa yo.

<< Chapter 19
Chapter 21 >>

Comments
comments powered by Disqus
    Picture
    Back to a ride
    ​to love page

    Archives

    June 2019

    Categories

    All

Powered by Create your own unique website with customizable templates.
  • Home
  • About
  • Stories
    • Standalone Stories >
      • Novels
      • Novellas
    • Serialized Novels
    • Epistolary
    • Compilations
    • Ongoing
    • Completed
  • Blog
  • Message Board
  • News
  • Downloads