Purpleyhan Stories
  • Home
  • About
  • Stories
    • Standalone Stories >
      • Novels
      • Novellas
    • Serialized Novels
    • Epistolary
    • Compilations
    • Ongoing
    • Completed
  • Blog
  • Message Board
  • News
  • Downloads

Chapter 38

6/25/2019

Comments

 
​Hinga Aeisha. Hinga. Wag ka munang mamamatay. Wag muna! Pero pakshet kasi!
 
"Grabe teh! Kinilig buong kaluluwa ko sa inyo! Promise! Di ako makaget-over! Ang sweet ni Ryde! May pahalik-halik pa sa noo, akala niyo walang nanonood sa inyo! Amp!” sabay hampas niya sa desk ko.
 Tapos na nga pala ang exams namin ngayong araw pero nandito pa rin kami sa room dahil cleaners kami ni Yem. Pero kaming dalawa lang dahil pinagkalooban kami ng kasipagan at yung iba ay hindi.
Bigla namang nagground yung pisngi ko. Yung parang namanhid na ewan dahil sa mga pinagsasabi ni Yem. Ang laki ng problema eh. 
"Tapos ang dami pang nakakita sa moment niyo! Imagine teh kissing scene sa canteen! Ang benta non! Eeehh kinikilig talaga ako, ano ba!” At tuluyan na po siyang nabaliw mga kaibigan. 
 
Pero grabe nga talaga yung nangyari sa canteen. After niyang gawin yun ay bigla siyang umalis sa canteen habang ako ay naestatwa na doon. Feeling ko nga nakasuperglue yung pwet ko sa may upuan eh. Hindi talaga ako makagalaw. Idagdag niyo ba yung pang-aasar ng classmates ko at pangbabash ng fans ni Ryde sa akin. Bwiset lang di ba?
 
Wait nga, dapat nga ba akong kiligin? Joke lang! Nantitrip lang siguro yung lalaking yun. Lagi naman akong pinagtitripan nun eh. Pero hindi ko talaga maalis sa utak ko yung sinabi niyang line. Kanina pa nagpaplay sa utak ko na parang sirang plaka.
 
"Then I shall force you to forgive me."
 
After naming maglinis (ako lang pala dahil wala sa wisyo si Yem), umalis na rin kaagad kami sa school para sa exams bukas. Madugong pagrereview na naman ito!
 Naglakad kami papuntang terminal, at as usual, si Manong na naman yung nasakyan namin. Pero this time, hindi na siya masyadong creepy para sa akin dahil tinulungan niya ako last time. Dinramahan ko kasi siya nun eh. Kakahiya nga, pero oh well, nangyari na. Siguro nga natitimingan lang namin siya lagi kaya sa kanya kami laging nakakasakay.
Napatingin ako doon sa side mirror at nakita kong ngumiti sa akin si Manong. Siguro naalala niya yung mukha ko at natatawa siya ngayon dahil ang drama ko noong mga panahong yun! Kakahiya talaga!
Bigla namang nagring yung phone ko kaya kinuha ko yun sa bulsa ko. Sino naman ang tumatawag sa akin? Sosyal ha, patawag-tawag pa! Pagtingin ko, si Daniel. Sinagot ko naman agad.
 
"Hello?"
"Aeisha?" Napatingin sa akin si Yem at tumingin siya with sino-yang-walanghiyang-kausap-mo-look.
"Bakit?"
"Uhmm, wala lang. Gusto ko lang itanong kung galit ka pa rin ba. Sorry talaga sa naging kilos ko. Sorry. Promise babawi ako sa'yo. Pinapatawad mo na ba ako? Sorry sorry sorry sorry sorry—"
"Hep! Okay na Daniel. Apology accepted," sabi ko nalang. Di naman kasi ako marunong magtanim ng galit sa kapwa (pwera kay impaktitang malditang walanghiyalitang Serene) kaya pinapatawad ko na si Daniel at Ryde. Ang bait ko no?
"Really?! Thank you Aeisha! Ang bait mo! Sorry talaga ha?"
"Okay na. Okay na. O sige Daniel, nasa jeep kasi ako eh baka mahablot 'tong phone ko. Bababa ko na ha? Bye bye!" tapos in-end ko na yung call. Pagtingin ko kay Yem ay parang nasaniban ng matandang dalaga ang itsura niya. Problema na naman ng babaeng 'to? Parang kanina lang ang hyper niya ah?
 
"Anong itsura yan Yem?"
"Duga mo ha! Bakit si Daniel pinatawad mo agad-agad pero si Papa Ryde, pinapahirapan mo?" Aba? At kasalanan ko pa?
"Eh papatawarin ko naman na dapat siya kanina kaso kung anu-anong gimik pinaggagawa niya! Naku!" Naalala ko na naman tuloy yung canteen moment!
"Ayiiie! Bakit ka namumula? Hoy ikaw babaita ka. Umamin ka nga. Mahal mo na ba si Ryde?"
 
ANONG PINAGSASABI NG BABAENG 'TO? ANONG LANGUAGE ANG GAMIT NIYA? ANG GAGA TALAGA NI YEM KAHIT KAILAN!
 
"Mahal ka dyan?! OA mo ha!"
"Weh? Eh ano? Imposible namang hindi naglulubdub lubdub ang heart mo kapag nakikita mo siya no! Aminin mo na kasi! Best friend mo naman ako eh!"
"Che! Wala nga kasi!"
"Asus! Ayaw pa aminin eh!"
 
Hanggang sa makababa kami ng jeep ay pinipilit pa rin ako ni Yem na umamin. Eh sa wala nga akong aaminin! Hindi ko pa naman...wait, scratch that. Hindi ko naman siya mahal no! No no no way! Baliw lang ang magkakagusto kay Ryde! 
Naglakad kami papuntang bahay at naabutan naming natutulog si Lola at si Aera. Baka napagod na naman 'tong dalawang 'to kakalaro.
Binaba naman agad namin ni Yem yung mga  gamit namin at nagsimula nang magreview. Marami-rami rin ang aaralin namin ngayon. Aba pagsabayin ba naman ang Math, Economics at TLE? Sinong di mamamatay niyan?
Kinuha ko yung mga notebook ko at naglatag ako sa sahig para doon magreview. Ayoko kasing magreview sa kama dahil nakakatulog ako. Naalala ko last year, MAPEH lang yung nareview ko dahil nakatulog ako sa kalagitnaan ng pagrereview. Sarap pa ng higa ko sa kama ko eh. Kaya never na akong nagreview sa kama. Malas yun, promise.
Nasa kalagitnaan na kami ng pagrereview ni Yem nung biglang magising si Lola. Akala nga namin nagssleepwalk siya kaya napaatras pa kami. Yun pala di lang kita na dilat yung mata niya.
 
"Oh Lola, bakit? Tulog ka pa." sabi ni Yem. Naguilty yata siya dahil ang lakas ng boses niya habang nagrereview.
"Ay hindi, ayos lang."
 
Nagkatinginan naman kami ni Yem dahil parang ang lungkot ni Lola ngayon. Anong nangyari? Di kami sanay eh. Mas sanay kami sa medyo baliw na lola Roma.
 
"Bakit po Lola? May problema ka ba?" Sinara ko muna yung notebook ko para kausapin si Lola. Ganun rin yung ginawa ni Yem. Umupo si Lola sa harapan naming dalawa, tapos ngumiti siya pero yung malungkot na ngiti.
 
"Wala mga apo. Naaalala ko lang siya." Nagkatinginan ulit kami ni Yem. Siya? Sinong siya? Di kaya yung asawa ni Lola?
"Yung asawa niyo po?" tanong ko naman kay Lola.
"Ah hindi. Yung kaibigan ko," tapos napayuko siya at ngumiti ulit. Bakit ganun? Nakakaawang tignan si Lola. Para kasi siyang iiyak eh. "Oh sige na mga apo, mag-aral na kayo dyan. Doon muna ako sa sala," tapos tumayo siya at pumunta nga doon sa sala. 
"Tingin mo sino yun?" tanong ni Yem sa akin.
"Eh yung kaibigan niya nga raw ‘di ba?" pabulong lang kami mag-usap at promise para kaming abnoy.
"Feeling ko best friend niya. ‘Di kaya?" sabay hawak niya pa sa baba niya at feelingerang nag-iisip siya. Sipain ko 'to eh.
"Baka?"
"Hoy Poleng wag mo akong iiwan pag tumanda tayo ha? Ayaw kong maging ganun katulad kay Lola. Gusto ko nasa tabi kita para may maghuhugas ng pwet ko kapag di ko na kaya. Ha? Ha?"
 
Alam niyo yung konti nalang ay matatouch na ako sa pinagsasabi niya, kaso biglang may ganun sa dulo? Ang sarap niyang ihagis sa labas eh no? Naku pasalamat 'tong si Yem mahal ko siya. Kaso syempre nakakahiyang sabihin no.
 
"Wait. Di kaya first love yun ni Lola?" biglang umandar yung imagination ko. 
"Ay oo nga no? Baka nga!" Umagree naman sa akin 'tong si Yem. Hala ka pinagtsismisan na namin si Lola! 
"Ay nako tama na nga! Magreview na muna tayo!"
"Sabi ko nga!"
 
Bubuklatin ko na sana ulit yung notes ko kaso bigla na namang tumunog yung phone ko. Akala ko nga may tumatawag na naman eh, yun pala text lang. Nakalimutan ko pala siyang i-silent? Shems buti walang nagtext nung nasa school ako!
 Pagtingin ko, unknown number. Sino naman 'to?
 
Are you ready to accept my apology?
 

 What the?! Okay. Parang kilala ko na kung sino 'to. Pero, paano niya nalaman ang number ko?!

<< Chapter 37
Chapter 39 >>

Comments
comments powered by Disqus
    Picture
    Back to a ride
    ​to love page

    Archives

    June 2019

    Categories

    All

Powered by Create your own unique website with customizable templates.
  • Home
  • About
  • Stories
    • Standalone Stories >
      • Novels
      • Novellas
    • Serialized Novels
    • Epistolary
    • Compilations
    • Ongoing
    • Completed
  • Blog
  • Message Board
  • News
  • Downloads