Purpleyhan Stories
  • Home
  • About
  • Stories
    • Standalone Stories >
      • Novels
      • Novellas
    • Serialized Novels
    • Epistolary
    • Compilations
    • Ongoing
    • Completed
  • Blog
  • Message Board
  • News
  • Downloads

Chapter 44

6/25/2019

Comments

 
“Huh? Wala! Hahaha! S-sige! B-bye!” tsaka ako tumakbo pasakay doon sa jeep. Buti nalang humarurot agad si Manong kundi baka sumakay rin si Ryde dito. ‘Di ko na kakayanin kapag nakasabay ko pa siya.

“Hahaha! Shet Poleng! Imba ‘yung reaction mo kanina nung lumapit si Ryde! Palung-palo!”
“Gagi ka, tumahimik ka dyan baka i-kungfu kita nang wala sa oras.”
“Sus! Para namang marunong siya! Di ka nga flexible eh! Mas flexible pa ako sayo!”
“Che! Shut up!”

As usual, tinatawanan na naman kami ni Manong. Kasi ‘tong si Yem eh, parang tanga. Kung anu-anong pinagsasabi! Pero grabe, kinabahan talaga ako kanina. Kasi naman yung bibig ko, bigla-bigla na lang nagsasalita! Walang preno!

“Bye po, Manong!”
“Ingat kayo mga hija,” tapos ngumiti siya at pinaandar na yung jeep after naming bumaba.

Kami naman ni Yem ay naglakad na pauwi sa amin. At dahil bakasyon na, party time! Nagkarera pa kami ni Yem pauwi sa bahay at syempre, nanalo siya.

“Napakaduga mo talaga! Cheater ka!” saway ko sa kanya nung nakapasok na ako sa bahay. “Maduga ka pinatid mo ako! Buti ‘di ako nadapa! Walangya ka! Tara nga dito at ikukungfu talaga kita!” Pero nagulat nalang ako nung pagkapasok ko sa kwarto ay bigla na lang akong sinugod nina Lola at Aera ng kumot at unan hanggang sa nabalot na ako nang tuluyan.

“Hoy! Hoo! Hoo! Pakawalan niyo ko!”
“Hahaha! ‘Yan ang napapala mo! Alagad ko sina Aera at Lola! Talo ka na naman Poleng! Okay mga alagad, alam niyo na ang gagawin! Operation Torture, begin!”

Kinabahan naman ako sa sinigaw ni Yem kaya sinipa-sipa ko kung sino man ‘yung maramdaman kong lumapit, pero in the end nakalapit rin silang tatlo sa akin.

“HUWAAA! HAHAHAHAHA! HOOOOO! TIGILAN NIYO...HAHAHAHA! AKO! HAHAHAHAHA!”
“Sabi sa inyo, mga alagad. Effective ang torture na ‘to. Haha! Naiiyak na siya! Naiiyak na si Poleng! Diinan niyo pa! Kilitiin niyo pa siya!”

Halos mawalan ako ng energy nung naisipan nilang pakawalan ako sa kumot. Bwiset ‘yung mga ‘yun! Para akong na-rape, putek! Halos nawalan ako ng hininga. Gagi talaga ‘yun si Yem eh. Babawi talaga ako sa kanya!

“Aray, aray.” Putek. Ang sakit ng tagiliran ko! Kiliti lang ba talaga ang ginawa nila sa akin? Parang bumaon yung mga kuko nila sa balat ko eh.

Gumapang ako papunta sa damitan ko at kumuha ng pamalit tsaka ako pumunta sa CR para magpalit. Shet talaga para akong na-rape. Huhubarin ko na sana yung palda ko pero bigla akong kinabahan nung naramdaman ko yung laman ng bulsa ko.

“Oh gosh.”

Napalabas agad ako ng banyo at inayos ko saglit yung buhok ko. Tapos bumalik ulit ako sa kwarto at tinignan ko yung ilalim ng kama. Kaso wala. Pati yung kumot na pinambalot nila sa akin ay pinagpag ko, pero wala pa rin.

“Hala ka, nasaan na ‘yun? Naman oh.”
“Huy Poleng, anong ginagawa mo?” Napatingin naman ako kay Yem na nakatayo sa may pintuan.
“Yem! Nawawala yung binigay sa akin ni Ryde. Hala anong gagawin ko? Wala dito sa kwarto. San na napunta yun?” Naiiyak na talaga ako. Eto kasi ang ayaw ko sa lahat eh. Yung nawawala yung mga gamit ko na bigay ng ibang tao.
“Ha? Wala ba dito sa bag mo?”
“Tignan mo nga dyan!” saka naghalungkat si Yem sa bag ko, habang ako naman ay naghahanap pa rin sa unan, kumot at higaan kung saan nila ako tinorture—I mean kiniliti pala.
“Wala dito eh.”
“Hala nasaan na yun? ‘Di kaya nalaglag ko nung nagtatakbuhan tayo? Teka lalabas muna ako at hahanapin ko.” Palabas na sana ako nung biglang hinawakan ni Yem yung braso ko.
“Gabi na, ano ka ba.”
“Yem kilala mo naman ako ‘di ba? Ayokong nawawala yung mga bagay na binibigay ng mga importanteng tao sa buhay ko. Please?” Wala naman siyang nagawa kundi bitawan ako. “Promise, babalik agad ako!” saka ako tumakbo palabas.

Nagstay ako doon sa lane kung saan ako tumakbo at tinignan ko talaga bawat sulok kung saan man pwedeng nalaglag yung keychain. Sana naman wala pang nakapulot nun.
Dahil may nag-iinuman doon sa kabilang side ay binilisan ko kaagad yung paglakad ko papalayo sa kanila. Nasaan na ba ‘yun? ‘Di kaya may nakapulot na? Sana naman wala. Kabibigay palang nya sa akin yun tapos mawawala ko kaagad. Grabe napakacareless ko kasi. Ilang oras palang na nasa akin tapos wala na.
Naiiyak na talaga ako. Nakarating na ako sa kanto namin pero wala pa ring keychain na nagpakita. Anong gagawin ko? Hindi ko talaga mahanap.

“Hija, anong ginagawa mo rito? Gabi na, ah?” Napatingin naman ako sa nagsalita. Pagtingin ko,
“Manong!” saka ko naalala...’di kaya nalaglag ‘yun sa jeep niya nung naghaharutan kami ni Yem? “Manong, pwede po bang pumasok sa jeep niyo? Titignan ko lang kung nandito yung nahulog kong gamit. Promise po, mabilis lang!”
“Ahh, sige. Kahit ilang oras ka pa dyan.”
“T-talaga po?! Salamat po!”

Umakyat naman agad ako sa jeep ni Manong. Pauwi na ata siya dahil patay na ilaw sa loob ng jeep niya. Pero nagulat ako nung bigla niyang binuksan.

“Mas madaling maghanap kapag may ilaw,” tapos ngumiti siya sa akin kaya ngumiti nalang rin ako in return.

Hinanap ko naman agad sa gilid-gilid ng upuan yung keychain hanggang sa makarating ako sa dulo, pero wala pa rin. Tapos tinignan ko rin yung ilalim ng upuan at inilawan ko na lang gamit yung phone na nasa bulsa ko pala. 

“Ano hija, nahanap mo ba?”
“Hindi po eh,” saka ako napayuko. Nakakainis. San ba kasi napunta yun?

Naramdaman ko namang nagvibrate yung phone ko kaya binasa ko muna yung message. Hmm? Unknown number? Sino naman kaya ‘to?

I really really despise you! I hate you!

Bigla namang nagdilim yung paningin ko. Gosh! ‘Di ba talaga siya titigil sa pang-iinis sa akin?! Isa lang naman ang kilala kong sobrang galit sa akin eh! Si impaktitang Serene! Bwisit na ‘yun! Hanggang sembreak, iniinis ako! 
Nireplayan ko naman agad siya.

I really really despise you, too! At pwede ba, wag mo akong itext? Baka mavirusan tong cp ko!


Binulsa ko na lang yung phone ko at baka maitapon ko pa yun nang di-oras dahil sa inis kay Serene.
 Saka ako napatingin doon sa side ni Manong. Tapos napansin ko yung isang maliit na picture na nakadikit doon sa harapan. Picture ng isang batang babae. Parang...parang nakita ko na siya somewhere eh. Saan nga ba? 

“Ahh! S-sorry po Manong, nakakaistorbo na yata ako sa inyo. Sige po! Thank you po!” saka ako bumaba ng jeep niya at nagwave na lang ako nung papaalis na siya. Pero bigla akong nabother doon sa picture. Feeling ko talaga nakita ko na yung batang ‘yun somewhere eh.

Pero teka nga, kailangan ko munang mahanap yung keychain! Hindi ako babalik ng bahay hangga’t di ko yun nakikita. Baka na-miss ko lang yung spot dito at nandoon talaga yung keychain.
Nagsimula ulit akong maghanap doon sa may sakayan. Nakayuko lang ako habang naghahanap. Sumasakit na nga yung likod ko eh. Pero kailangan ko talagang mahanap ‘yun. Sana talaga hindi pa siya nawawala.
Nilabas ko ulit yung phone ko na nagsisilbing flashlight, nang biglang tumunog ‘yun.

“AY KABAYO KA!”

Bigla kong nahagis yung phone ko sa daan dahil nagulat talaga ako sa tunog. Pakshet na ‘yan! Masyado akong nakafocus sa paghahanap nung keychain kaya nagugulat ako sa ibang bagay! Pinuntahan ko naman ‘yung phone ko sa may kalsada. Ang galing ha, layo ng narating pero tumutunog pa rin! Tibay ng cellphone ko! Tinignan ko kung sino yung tumatawag. Si Daniel pala.

“Hello Daniel? Bakit ka napatawag?”
“Uhm, w-wala lang.”
“Eh? Okay ka lang ba?” Para kasing ang weak ng boses niya eh. May sakit kaya siya?
“Oo naman. Naisipan lang kitang tawagan kasi—”

Bigla naman akong may narinig sa likuran ko kaya napatingin ako. Halos ‘di ako makakilos nung makita ko kung ano yung paparating sa akin at tuluyan nang naggive-up yung tuhod ko sa sobrang kaba.

“HOY GUMILID KA MISS! DALIAN MO!” sigaw nung driver ng super bilis na truck. Pero parang ayaw magrespond ng katawan ko. Hindi ako makagalaw dahil sa takot. Nanginginig na ako dahil sa kaba pero ayaw gumalaw ng paa ko. Shit gumalaw ka! Hindi ako makatayo!
“Aeisha?! Aeisha?! Okay ka lang ba?! Aeisha anong nangyayari sa’yo?!” ‘Di ko na alam kung anong naririnig ni Daniel pero ‘di ko nalang ‘yun pinansin.

Napapikit nalang ako nung malapit na yung truck. Mamamatay na ba talaga ako? Eto na ba talaga yung katapusan ko? Mabubunggo na ako! Sorry Aera, sorry! Hindi ko gustong mamatay pero ayaw gumalaw ng katawan ko.
Ayan na. Nararamdaman ko na! MAMATAY NA AKO!

***

Patay na ba ako? Ang tahimik. Nasa langit na kaya ako? Unti-unti kong dinilat yung mata ko at laking gulat ko nung…

“SHIT! WHAT ARE YOU TRYING TO DO?! MAGPAPAKAMATAY KA BA?! PANO NALANG KUNG HINDI AKO NAPADAAN DOON?! EH DI NASAGASAAN KA NA?! ANO BANG PINAGGAGAWA MO HA?! NABABALIW KA NA BA?! ANONG—”

Nagulat ako nung biglang lumitaw yung mukha ni Ryde sa harapan ko. Napayakap nalang ako sa kanya sa sobrang takot ko. Gosh. Hindi ko nga alam na umiiyak na pala ako at sobrang nanginginig yung buong katawan ko.

“S-sorry. H.-hindi ko naman alam...A-akala ko...mama…mamatay na ako.” Halos ‘di na ako makahinga sa sobrang kakaiyak. Basta ang alam ko lang ngayon ay buhay pa ako. Buhay ako at niligtas ako ni Ryde.

Naramdaman ko naman na yumakap rin siya sa akin kaya napahigpit ako ng yakap. Takot na takot talaga ako. Akala ko mamamatay na ako nung mga oras na ‘yun.

“S-sorry. Sorry.” Pinipigilan ko yung luha ko pero tuluy-tuloy pa rin silang tumutulo.
“Kahit kelan ka talaga,” tapos bigla niyang hinawakan yung ulo ko. “Huwag mo na nga yung gagawin. You scared the hell out of me. Idiot,” tapos niyakap niya ulit ako. For the first time, naramdaman ko yung security sa yakap niya. Feeling ko safe ako kapag ganito. Bigla naman niyang tinanggal yung isang kamay ko sa pagkakayakap at hinawakan niya ‘yun.

“Here. Nakita ko kanina.” Lalo akong naiyak at naguilty. Kahit ‘di ko nakikita, alam kong yung nilagay niya sa kamay ko ay yung keychain na binigay niya.
“S-sorry.”
“Hanggang kailan mo ba balak magsorry? Tara na nga.”

Ang alam ko na lang ay bigla niya akong binuhat at naglakad siya papunta sa bahay.

<< Chapter 43
Chapter 45 >>

Comments
comments powered by Disqus
    Picture
    Back to a ride
    ​to love page

    Archives

    June 2019

    Categories

    All

Powered by Create your own unique website with customizable templates.
  • Home
  • About
  • Stories
    • Standalone Stories >
      • Novels
      • Novellas
    • Serialized Novels
    • Epistolary
    • Compilations
    • Ongoing
    • Completed
  • Blog
  • Message Board
  • News
  • Downloads