Purpleyhan Stories
  • Home
  • About
  • Stories
    • Standalone Stories >
      • Novels
      • Novellas
    • Serialized Novels
    • Epistolary
    • Compilations
    • Ongoing
    • Completed
  • Blog
  • Message Board
  • News
  • Downloads

Chapter 46

6/25/2019

Comments

 
Picture
​“Kamusta na po kayo? Namiss ko kayo.”
 
Umupo ako sa tabi nila at saka ko sila tinitigan nang mabuti. Ang tagal na rin nung huli akong nakapunta sa kanila. Pero wala naman akong magagawa dahil busy ako sa school pati na rin sa bahay. Ngayon na lang talaga ulit ako nakadalaw sa kanila. Pero ‘pag nakikita ko sila, di ko maiwasang hindi malungkot.

 
 
 
 
 



“Mama, Papa, ayos lang po kami ni Aera. ‘Wag po kayong mag-alala, ‘di ko pababayaan yung kapatid ko. Medyo busy lang po talaga ako ngayon kaya ‘di na ako gaanong nakakadalaw.” Lumapit ako kay Mama at pinunasan ko yung puntod niya dahil medyo madumi na. "Nga pala, nandito na po si Aera sa Manila. Kasama ko na siya ngayon."
 
Bigla na lang akong naiyak. ‘Di ko alam pero parang gusto ko lang umiyak. Gusto kong iiyak lahat ng sama ng loob ko pati yung bigat ng pakiramdam ko. 
 
"M-mas masaya po sana k-kung kumpleto tayo, no? Nandito na si Aera, kayo na lang po ang kulang. Mama, Papa, miss na miss ko na po kayo. G-gusto ko ulit mabuo yung pamilya natin."
 
Every year na lang. Tuwing pupunta ako rito, ‘di ko maiwasang hindi umiyak. Sabi ko sa sarili ko, puro masayang pangyayari lang ang ikukwento ko sa kanila, pero eto ako, parang batang ngawa nang ngawa.
 
"Mama, ‘di ko na po alam yung gagawin ko. Naguguluhan ako sa sarili ko ngayon. Aano po ba ang dapat kong maramdaman? ‘Di ko alam...pero parang…parang may gusto na ako sa isang tao. A-ano pong gagawin ko?"
 
Nanahimik na lang ako doon. Pinagbubunot ko na rin yung damo sa paligid ko sa sobrang gulo ng utak ko. Badtrip naman kasi eh.
Nagpalipas pa ako doon ng isang oras, tsaka ako nagpaalam sa kanila. At least, medyo gumaan yung pakiramdam ko after ko silang makausap. Medyo madami na nga ang tao ngayon sa sementeryo dahil October 31. Buti na lang kanina pa ako rito, kundi baka naipit na ako sa dami ng tao.
 
Nung palabas na ako ng sementeryo ay halos matulala ako sa nakita ko.
 
"R-ryde?"
 
Nasa kabilang dulo si Ryde. Bakit siya nandito? ‘Di kaya may dinalaw rin siya dito? Sino kaya? Nakayuko siya ngayon at mukhang palabas na rin ng gate. ‘Di ko alam kung anong nangyari sa akin pero kusang gumalaw yung mga paa ko papunta sa kanya.
 
"Ryde!" Tumingin siya sa direksyon ko pero,
"Ryde! Sorry natagalan ako. Ano? Tara na?"
"Okay."
 
Biglang inangkla ni Serene yung braso niya sa braso ni Ryde at saka sila umalis. Di ko naman maiwasang hindi sila tignan. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa mawala sila sa paningin ko.
 
"Ate, ate. Bakit ka po umiiyak?" Bigla naman akong napatingin doon sa batang lalaki na kumalabit doon sa hita ko. Tsaka ko lang napansin na tumutulo na pala yung luha ko. Pinunasan ko naman kaagad tsaka ako umupo kalevel nung bata.
 
"Ahh wala. Dinalaw ko kasi yung parents ko dito. Ikaw ba?" saka ko siya nginitian. Ang cute kasi nung bata eh.
"Ako rin po eh. Sige po, mauna na po ako. Babay ate!" tapos bigla nalang siyang tumakbo palayo sa akin.
 
Tumayo na lang ulit ako tsaka tuluyang lumabas sa sementeryo. Nakakainis lang. Kung kelan magaan na yung loob ko, saka pa biglang bumigat ulit. Tama na nga Aeisha, wag mo na lang isipin yun. Kunwari wala na lang akong nakita. Tsaka bakit ba ako affected?! Parang ‘yun lang naman. Magkasama lang naman sila tsaka magka-angkla ng braso eh. Tapos sabay lang rin naman silang umuwi. Bakit ako maapektuhan? Sus! 
Dali-dali na lang akong pumara ng jeep para makauwi na rin agad ako. Naiinis talaga ako as of now. Idagdag pa na medyo maraming nakatingin sa akin dahil sa benda ko. Baka akala nila ay bumangon ako mula sa ataol!
 
"Oh hija, ikaw pala yan." Pagtingin ko sa gilid ko, si Manong pala! My gosh! Nakalimutan kong lagi ko nga pala siyang nasasakyan (Oo hindi na creepy, sanay na ako). Doon kasi ako sa unahan ng jeep sumakay. Nanlaki pa nga yung mata ni Manong nung nakita niya yung mga benda ko eh. Buti na lang ako lang yung sakay niya ngayon.
 
"Anong nangyari sa'yo, hija? Bakit ganyan ang itsura mo?"
"Ahh hehe. Uhm, muntik na po kasi akong masagasaan kagabi," tsaka ako yumuko. Nakakahiya kasi ang katangahan ko. Pero nashock ako nung bigla siyang napapreno nang malakas at halos mauntog ako doon sa salamin. Buti na lang nakahawak agad ako doon sa metal bar sa gilid!
"Diyos ko! Buti na lang at hindi ka nasagasaan!"
"Oo nga po eh. May nagligtas naman po kasi sa akin—" tapos bigla kong naalala si Ryde at yung nakita ko kanina.
"Oh bakit? May problema ka na naman ba hija? May maitutulong ba ako sa'yo?"
"Ahh, wala naman po. Ano lang...basta po! Hahaha!"
 
After nun ay hindi naman na ulit ako kinulit ni Manong at tuluy-tuloy lang siya sa pagdadrive. Nung nasa kanto na ako ay bumaba na rin ako kaagad at nagbabye naman ako kay Manong. Halos ginabi na rin pala ako. Buti at 6 PM pa lang. Naglakad naman ako papunta sa bahay pero dahil dakilang malas ako ngayong araw na 'to ay alam niyo na.
 
"Oh! Look who's here. Haha! What happened to you Aeisha? Look at her Ryde, ang cute niya di ba? Hahaha!"
 
Kinagat ko nalang yung lower lip ko para ‘di ako makapagsalita. Ayoko munang magsalita ngayon. Naiirita lang ako. Tapos ang nakakainis pa, magkaholding-hands sila. Bwisit.
 
"You look like a freak, you know? Oh well, please excuse us," tsaka sila dumaan sa gilid ko.
 
What the hell?! Pinilit kong ‘wag gumawa ng kahit ano hanggang sa makarating ako sa bahay. Pero pagkapasok na pagkapasok ko...
 
"Hoy Poleng! Sa tingin mo anong oras na ha?! ‘Di mo ba nafifeel na—"
"Yem," bigla ko na lang siyang niyakap tsaka ako umiyak nang umiyak sa kanya.


<< Chapter 45
Chapter 47 >>

Comments
comments powered by Disqus
    Picture
    Back to a ride
    ​to love page

    Archives

    June 2019

    Categories

    All

Powered by Create your own unique website with customizable templates.
  • Home
  • About
  • Stories
    • Standalone Stories >
      • Novels
      • Novellas
    • Serialized Novels
    • Epistolary
    • Compilations
    • Ongoing
    • Completed
  • Blog
  • Message Board
  • News
  • Downloads