Purpleyhan Stories
  • Home
  • About
  • Stories
    • Standalone Stories >
      • Novels
      • Novellas
    • Serialized Novels
    • Epistolary
    • Compilations
    • Ongoing
    • Completed
  • Blog
  • Message Board
  • News
  • Downloads

Chapter 6

6/24/2019

Comments

 
“Weh?” dahil hindi pa rin ako makapaniwala eh ‘yun yung nasabi ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako.
“Ayaw mo?” sabi niya habang nilalaro-laro niya yung racket niya.
“Gusto. Pero, pasok na ba talaga ako? Hindi ba parang ang bilis naman?”
“Nah. You’re amazing. Nagawa mong makipag-rally sa akin ng matagal.” Tapos at saka siya nagsmile.
 
Shet, ang cute niyangs magsmile. Parang nakakahilo na something! Tapos ang bango-bango pa niya kahit pawis na siya. At ang cool lang ng pagkakagulo ng buhok niya, bagay sa kanya. Tapos bagay rin kami. Pero syempre joke lang ‘yun.
 
“Ah, thank you kung ganun. Thank you po, coach.” Nag-thank you rin ako kay coach Arthur na nasa gilid ko na pala ngayon. Kahit sinungitan niya ako kanina ay parang balewala na ‘yun sa akin kasi nakapasok ako agad sa badminton team. Yehey! Ang swerte ko ngayon. Binabawi na ata yung kamalasan ko.
 
“Fill-up mo muna ‘tong form bago ka umalis para official trainee ka na namin. At Daniel, magpatry-out ka na dun, ang dami pa nila oh.” Habang kinukuha ko yung form kay coach eh napatingin ako kay Daniel na nagpout dahil babalik na siya sa pagta-tryout. At leche lang, ang cute-cute niya! 
 
Finill-upan ko naman agad yung form tapos ay nagpaalam na rin ako kay coach. Sabi nga niya, bukas agad yung practice eh. Hindi na ako nakapagpaalam kay Daniel kasi nga nagpapa-tryout pa siya, at di rin naman ako sure kung dapat pa akong magpaalam sa kanya kasi nakakahiya. Aba ang feeling close ko naman kung nagkataon, di ba?
 
Habang naglalakad ako sa corridor, naisipan kong daanan yung Glee club na sinalihan ni Yem. Tutal tapos na akong mag-tryout, hihintayin ko na lang siya.
 
Wala pa ako dun sa mismong room ay naririnig ko na yung magagandang boses nila. Hay naku, bakit ba kasi ako pinagkaitan ng ganyang boses eh. Inggit tuloy ako.
 
Sumilip ako doon sa bintana at ang galing ko lang tumiming dahil saktong pagsilip ko ay natapos yung isang lalaki sa pagkanta, tapos si Yem na yung tumayo. Ano kayang kakantahin niya?
 
“There’s a song that’s inside of my soul
It’s the one that I’ve tried to write over and over again
I’m awake in the infinite cold
But you sing to me over and over and over again”

 
Grabe, kinikilabutan ako sa boses ni Yem. Kaya minsan ay ayaw ko siyang pakantahin sa harapan ko eh. Nagtataasan lahat ng balahibo ko sa sobrang galing niya. Tapos feel na feel niya pa yung kanta dahil nakapikit siya. Ang galing talaga ng best friend ko! 
 
“So I lay my hand back down
And I lift my hands ang pray
To be only yours I pray
To be only yours I know now
You’re my only hope”

 
Nagulat ako nung pinutol yung pagkanta niya. Pero mukhang alam ko na kung bakit. Kasi tanggap na agad siya. Grabe lang oh, wagas ang palakpakan nila kay Yem. Dapat nga standing ovation pa ‘yun eh! Galing-galing niya kaya!
 
Nilabas ko naman yung cellphone ko at tinext ko kaagad siya.
 
Oi Alyssa Mae grabe ang boses mo ha! Kinikilabutan pa rin talaga ako. Walang kupas! Hahaha congrats mukhang pasok ka na!
 
Hindi ako sweet na tao kaya ganyan lang akong mag-text. Well, ‘yan naman talaga ang normal naming paglalambingan eh. Di kami tulad nung iba na halos nakakaumay na sa sweetness. Yuck lang, di kaya ng personality at ng sikmura ko ‘yun. Kaderder lang.
  
Tiningnan ko naman agad yung text ng bruha kong kaibigan.
 
Gaga ka! Bakit ka andyan sa labas? Tsaka bakit mo ko pinanood? Ayheytchu! Hahaha! Whatever. Oh ikaw kamusta tryout? Hahaha ay teh, ang gwapo lang ng katabi ko dito. Silipin mo. Ahihihi. Okay ang landi ko today.
 
Natawa naman ako sa text niya. Grabe, may nahanap agad na lalaki? At dahil curious ako eh sumilip ulit ako sa bintana. At OMG lang, ang gwapo nga! Tapos nakikita ko yung mukha ni Yem. POKERFACE! Pero alam kong kinikilig na ‘yan kasi kinakausap siya nung gwapong katabi niya.
 
HOY ANG LANDI MO FOREVER HAHAHA! BINGWITIN MO NA YAN BAKA MAKUHA PA NG IBA! ANG GWAPO KAYA! AHAHAHA O KAYA AKIN NA LANG!
 
Umupo muna ako dun sa bench sa tapat ng room nila. Nakakangawit eh. Kanina pa ako nakatayo mula dun sa tryout, ni hindi pa ako nakakaupo. Pero natatawa talaga ako sa mukha ni Yem eh. 
 
HAHAHA I KNOW RIGHT? HINDI NAMAN AKO YUNG UNANG KUMAUSAP EH. SIYA KAYA UNANG KUMAUSAP SAKIN HAHAHA OH DI BA RAPUNZEL LANG ANG DRAMA KO TEH! HABA NG HAIR KO HAHAHA. OY TAPOS NA KAMI. YOU WAIT ME THERE OKAY?
 
Hindi naman uso ang all caps sa amin no? Slight lang. After siguro ng  two minutes eh nagsilabasan rin agad sila. At hello world naman, kelangan talaga sabay sila at nagtatawanan pa?! Grabeng pumorma ‘tong si Yem!
 
“Sige, bye!” after niyang magbye dun sa lalaking gwapo eh dumiretso siya sa akin with matching kilig sa face.
 
“Loka ka! Ang landi mo!” bungad ko sa kanya. Natatawa talaga ako sa kanya. Nako, minsan lang lumandi ‘yan si Yem kaya dapat nawi-witness ko ang lahat.
 
“Che! Tara na nga! Masyado na akong kinikilig.” Tapos kinagat niya pa yung panyo niya. Ay grabe, kinikilig talaga ng bongga? 
 
Habang naglalakad kami pauwi ay nagkwentuhan lang kami about sa club hunting. Nakwento ko rin sa kanya si Daniel. Sabi pa niya ay crush ko na raw ‘yun. Well, slight lang naman. At lokaret ‘tong si Yem dahil sabi niya eh pareho raw kaming nagkaroon ng crush sa club hunting activity.
 
“Uy pero in fairness ha, gwapo kaya yung Daniel na ‘yun! Kasi diba dati nasa chess club ako? Ayun, nakikita ko siya lagi.”

“Oo na, gwapo na. Ganda nga ng smile niya eh, pang mister pogi! Pwede sa toothpaste commercial!”
 
Para lang kaming mga baliw na tawa nang tawa sa daan. Hanggang sa pagsakay namin sa jeep ay tawa pa rin kami nang tawa. Yung nasa harapan nga namin, ang sama na ng tingin sa amin eh. Tapos inirapan pa kami. Kamusta lang ha? Akala mo naman ang ganda niya eh mukha naman siyang tikbalang. Psh. Dukutin ko mata niya eh. Kala mo kung sinong makairap.
 
Nung nakababa na kami sa jeep ay naglakad na kami pauwi sa bahay. Pero habang naglalakad kami ay may napansin kami dun sa gilid.
 
“Ano ba, wag niyong kunin! Wag ‘to!”
 
May isang matanda na nakikipag-agawan ng bag sa mga batang kalye. At ang mas malala pa, sinisipa siya nung mga bata. Agad namin silang nilapitan ni Yem dahil ayaw namin na may sinasaktang matanda.
 
“Hoy, umalis nga kayo! Dun kayo mamerwisyo! Naku!” si Yem ang nagpaalis sa mga batang kalye. Buti nga hindi sila lumaban sa amin. Kung hindi ay patay na kami dahil hindi naman kami marunong ng self defense. Buti sana kung batukan eh, baka manalo pa kami.
 
“Ayos lang po ba kayo?” lumuhod ako para maka-level ko yung matanda. Yakap-yakap niya yung shoulder bag niya at umiiyak siya.
 
“W-wag niyong kunin sakin ‘to. Mahalaga ‘to sa akin hija. W-wag niyong kunin. Sige na. M-maawa na kayo sa akin.” Hindi ko namalayan na naiyak na pala ako. Naaawa ako sa kanya.
 
“Hindi po namin ‘yan kukunin sa inyo, lola. Saan po ba kayo nakatira? Ihahatid na po namin kayo.” Biglang sabi ni Yem na nasa likod ko na pala.
 
Napatingin naman sa amin yung matanda at talagang maga na yung mata niya. Lalo pa akong naawa nung naalala kong pinagsisipa siya nung mga batang ‘yun.
 
“Na-naglayas ako. Hindi na kasi… ako mahal ng anak ko... pinapalayas na niya ako... hindi niya na ako mahal eh.”
 
Sinamahan lang muna namin yung lola doon hanggang sa tumahan siya. Naiyak nga rin kami ni Yem eh. Nakakaawa lang talaga siya. Biruin niyo? Ang tanda-tanda na niya tapos pinabayaan lang siya ng anak niya? To think na gabi na at naglalakad siyang mag-isa? Ang bigat sa pakiramdam. Ayaw kong nakakakita ng matanda na sinasaktan. Ang sakit sa dibdib. Ang hirap tingnan. Tapos ang kaso pa dito kay lola ay parang pinalayas siya ng anak niya. Ang sama talaga.
 
“Lo-lola, gusto mo bang sa amin ka muna makituloy?” bigla ko yung nasabi at napatingin ako kay Yem. Tumango naman siya. Alam ko kasing ayaw rin ni Yem na nakakakita ng ganun. Pareho ang pananaw namin sa mga matatanda.
 
Inalalayan namin si lola na tumayo. Tapos naglakad na kami papunta sa apartment. Habang naglalakad nga kami ay humihikbi siya. Ramdam na ramdam ko kung gaano siya kalungkot. Ang sarap bugbugin ng anak niya. Aalagaan na nga lang niya yung nanay niya  hindi niya pa magawa. Pinalayas pa niya. 
 
Nung makarating na kami sa bahay ay agad naming pinaupo si lola sa kama. Alam kong pagod siya sa mga nangyari sa kanya kanina.
 
“Salamat mga apo. A-ang babait ninyo.”Tapos umiyak na naman siya at nagulat ako nung pareho niya kaming niyakap ni Yem.
 
Ngayon lang ulit. Ngayon lang ulit ako nangulila ng ganito. Naaalala ko sa kanya yung lola ko na matagal na akong iniwan. Grade school palang ako nung namatay siya. Nami-miss ko na talaga siya. Nami-miss ko nang magkaroon ng lola. Nami-miss ko yung sweetness niya sa akin dati.
​
Nami-miss ko na si lola.

<< Chapter 5
Chapter 7 >>

Comments
comments powered by Disqus
    Picture
    Back to a ride
    ​to love page

    Archives

    June 2019

    Categories

    All

Powered by Create your own unique website with customizable templates.
  • Home
  • About
  • Stories
    • Standalone Stories >
      • Novels
      • Novellas
    • Serialized Novels
    • Epistolary
    • Compilations
    • Ongoing
    • Completed
  • Blog
  • Message Board
  • News
  • Downloads