Purpleyhan Stories
  • Home
  • About
  • Stories
    • Standalone Stories >
      • Novels
      • Novellas
    • Serialized Novels
    • Epistolary
    • Compilations
    • Ongoing
    • Completed
  • Blog
  • Message Board
  • News
  • Downloads

Chapter 71

6/25/2019

Comments

 
​After ng silent moment namin, binaba niya ako bigla. Akala ko kung anong mangyayari pero nakita ko na nasa harapan na kami ng sementeryo at nasa harapan ko rin ‘yung bike niya.
 
"Sakay," tapos bigla siyang sumakay sa bike niya. Dahil medyo natakot ako sa pautos niyang tono (which is hindi ko alam kung bakit ako natakot), ay napasunod agad ako. Sumakay ako doon sa may upuan sa likod.
 
"Hawak." Syempre, sumunod agad ako. Mamaya bigla niyang paandarin, eh di baldog ako sa may semento!
 
Hindi naman ako nagsising humawak sa kanya dahil pagkahawak na pagkahawak ko ay pinatakbo niya agad ‘yung bike na parang kotse. Eh kasi naman, pababa ‘yung road galing dito sa sementeryo! Impakto 'tong lalaking 'to! Paano na lang kung hindi pa ako nakahawak?! Eh di ako na ang isusunod na ibuburol dito!
 
"Thank you." Nagulat naman ako nung bigla siyang nagsalita.

"P-para s-saan?"

"Yung kay Lola. I really owe you alot. Salamat talaga."
 
Hindi ko alam kung ano na naman bang bwisit ang problema ng mata ko dahil nagtutubig na naman sila. Bakit ba kasi siya nagthathank you? Ginawa ko lang naman ‘yung tama eh. Pero namimiss ko na si Lola.
 
"Maraming sinabi sa akin si Lola."
 
Bigla akong kinilabutan. Binabawi ko na ang pagkamiss ko kay Lola. Shet! Anong mga pinagsasabi ni Lola kay Ryde?! Takte! Sa kanya ko pa man din sinasabi ‘yung mga kadramahan ko sa buhay! Tapos alam niya na rin na si Ryde ‘yung lagi kong kinukwento ko sa kanya! Impakta ka Lola, anong mga kinuwento mo kay Ryde! 
 
"Alam kong galit ka sa akin. Alam kong nasaktan ka dahil sa’kin. Gusto kitang makausap, but you keep on avoiding me. I know na ang rude ko kanina, pero eto na lang ang alam kong paraan para makapag-usap tayo."
 
Napatulala naman ako. Weird. Ang dami niyang sinabi ngayon! Hindi ako sanay! Ang daldal niya na! Hindi talaga ako sanay!
 
Nagulat naman ako nung bigla niyang hinawakan ‘yung isa kong kamay at inayos niya para mas mahigpit ‘yung hawak ko sa bewang niya. Utang na loob, Ryde! 
 
"H-hoy! Magbike ka na nga lang! Pag tayo nabangga ha!" Kasi naman! Kung anu-anong pinaggagawa eh!

"Don't worry. My life is yours. I'll do everything to protect you."
 
Buti na lang talaga at may dumaang sasakyan at malakas ‘yung sounds, kasi feeling ko napasigaw ako ng konti. Anak ng teteng naman eh! Anong pinagsasabi niya? Konti na lang talaga, sasabog na ako dito! Bakit ba siya ganito? Pinapaasa na naman ba niya ako?
 
Hindi na lang ulit ako nagsalita. Ayoko nang mag-expect. Baka kasi masaktan na naman ako. Ayoko munang magtiwala sa mga pinagsasabi niya. Maniniwala na naman ako, tapos ano? Sasaktan niya rin naman ako.
 
Tahimik na ako buong byahe. Nung huminto siya, nandito kami sa dati kong pinuntahan. ‘Yung mataas na lugar kung saan kita mo ‘yung city lights pag gabi. Pero since 7 AM pa lang ata ay hamog ang makikita mo sa paligid.
 
Bumaba ako sa bike niya at pumunta doon sa may fence sa gilid. In fairness, ang sarap ng simoy ng hangin dito tapos ang lamig. Ang sarap sa feeling. Nagulat naman ako nung nasa gilid ko na rin siya.
 
"Pwede bang magtanong?" sabi niya sa akin pero nakatingin siya sa harapan.

"Nagtatanong ka na kaya."

"That means yes, right?" tapos bigla siyang tumingin sa direksyon ko kaya napatingin naman ako sa harapan. Buti na lang malamig at may palusot ako kung bakit namumula ang mukha ko!

"Bakit iniiwasan mo na ako simula nung matapos ‘yung field trip?"
 
Pagkatanong niya nun, nagflashback sa utak ko kung anong nangyari nung gabing ‘yun. ‘Yun ‘yung sinabi niyang may mahal siyang iba. Ouch naman oh. Bumabalik na naman ‘yang lecheng pakiramdam na yan ha.
 
"Tinanong kita nun kung nagmahal ka na ba, ‘di ba? Sabi mo, 'I guess' tapos sinabi ko sa'yo na ako rin. That one woman I love. Sobrang bait, thoughtful, maganda and everything you seek for a perfect girl."
 
Halos lumubog na naman ‘yung puso ko sa pinagsasabi niya. Sabi na nga ba eh, masasaktan lang ako rito. Ipinagduduldulan niya pa talaga sa akin ‘yung babaeng mahal niya. At ngayon, may pakiramdam ako na si Serene ‘yun.
 
"Actually, you already met her." napatingin ako bigla sa kanya. Sabi na nga ba eh. 

"H-huh?" sabi ko na lang.

"Alam kong ganun rin ang masasabi mo sa kanya dahil kilala mo siya. She's the best," sabay ngiti niya sa akin. Alam kong weird sa kanya ang ngumiti, pero mas na-bother talaga ako sa sinabi niya. Si Serene, the best? Mabait? Thoughtful?

"S-sino ba siya?" tanong ko sa kanya kahit na alam ko na. Pero bakit sa lahat naman ng babae, si Serene pa? Nakakainis. Ayokong marinig ang pangalan niya. Please, ‘wag mong sabihin.
 
"Of course...si Lola. I really love her. As much as I lo—Hey wait, why are you crying?"
 
Napaiyak na talaga ako ng totoo. Pakiramdam ko lumubog lang lalo ‘yung puso ko. Pero ang pinakamalala, pakiramdam ko ang tanga-tanga-tanga-tanga ko.
 
"S-si…si lola Roma y-yung tinutukoy mo? Hindi si Serene ?" alam kong naweweirduhan na siya sa akin dahil bigla na lang akong umiyak. Pero kasi naman eh.

"Y..yeah. Bak--"

"Bwisit ka naman Ryde eh! S-sana sinabi mo agad! S-sana nalaman ko kaagad! Para lang akong tangang nagseselos sa akala kong babaeng mahal mo! Nakakainis ka!" sabay punas ko sa pisngi ko at humarap nalang ako sa city. 
 
Alam ko namang kasalanan ko kasi nag-assume agad ako. Pero hindi ko rin maiwasang mainis sa kanya. Bakit kasi sinabi niya pa ‘yun? Syempre ang iisipin ko ay babaeng kaedad namin. Babaeng mahal niya as his other half, na akala ko ay si Serene.
 
"Listen." Nagulat naman ako nung bigla niyang hinawakan ‘yung dalawang balikat ko at hinarap niya ako sa kanya. "Hindi ko naman alam na...pero...is that true? Nagselos ka?"
 
Napatingin na lang ako right side ko habang pinupunasan ko pa rin ‘yung mga tumutulong luha. Hindi ko kasi magalaw ‘yung katawan ko since hawak niya ‘yung balikat ko.
 
"Nagselos ka nga." Pagkasabi niya nun, napatingin ako agad sa kanya with my death glare.

"Shut up," sabi ko sa kanya para lang may masabi ako. Bigla naman niyang ginulo ‘yung buhok ko. Tss. 

"Akala ko kung anong nagawa ko sa'yo that day."

"Shut up."

"Pero nagselos ka lang pala."

"Shut up."

"Tsk. Ang hirap mo talagang i-handle."

"Shut u—" bigla naman niya akong hinatak papunta sa kanya at hindi ko natapos yung sinasabi ko sa kanya!

"I missed you. Really. Akala ko pati ikaw, mawawala rin sa akin. Though, lahat naman ng nawala sa akin, bumalik rin. And it's all because of you. So...thank you."
 
Nakayakap lang siya sa akin. Habang ako naman ay pinipigilang maiyak. Oo, iyakin na ako kung iyakin, pero I'm sure, na hindi 'to dahil malungkot ako. Hindi dahil mabigat ang loob ko.
 
"Sinabi na sa akin ni Daniel. Kinausap mo sila and you already know my story. Sorry kung nadamay ka pa sa gulo ng pamilya at mga kaibigan ko. I didn't mean to involve you."
 
Hindi na ako makapagsalita. Pakiramdam ko rin ay basang-basa na ng damit niya. Tuluy-tuloy na kasi ‘yung pag-iyak ko dahil sa mga pinagsasabi niya eh.
 
"I became stone cold when my Mom died and my grandmother vanished. Pero ikaw naman ang pumalit sa kanila. Unang pagkikita palang natin...uhm...but, really...I didn't mean to do that," saka ko naman narealize na ang tinutukoy niya ay yung pagkakahawak niya sa boobs ko nung nadapa siya sa hallway. Bwiset.
 
"Kapag kasama kita, gusto kong bumalik sa dating ako. ‘Yung makulit, palatawa, mapangtrip. Pero sabi ko sa sarili ko, hindi ako babalik sa dati hangga't ‘di ko nakikita si Lola. I even bet my own life to it. That's why I said my life is yours. Ikaw ang dahilan ng pagkikita ulit namin ni Lola. That day, nung nagtext ka sa akin, akala ko kung anong sasabihin mo. Pero you gave back my happiness. You gave back my previous life."
 
"Halos nakakonekta sa'yo lahat ng nangyari sa akin ngayong taon na 'to. It's like destiny is trying to bind us. Idagdag mo pa na may nakaraan pala ang lolo at lola natin." Ibig sabihin, kinuwento ni Lola yung side niya kay Ryde. I want to know it too.
 
Bigla naman siyang humiwalay sa pagkakayakap sa akin tapos pinunasan niya ‘yung pisngi ko. Nakatingin lang kami sa isa't isa. Kahit gusto kong umiwas ng tingin, hindi ko magawa dahil feeling ko ay naka-glue na ‘yung mga mata ko sa mata niya.
 
"Simula pa lang, iba na ang pagtingin ko sa'yo. You made me happy, you made me lonely. You made me feel everything."

"Ikaw rin naman eh. Ang kapal ng mukha mong paiyakin ako. Walang hiya ka. Sinaktan mo pa ako. Pero kahit na ganun..." Halos maubusan ako ng hininga. Hindi ko yata kayang ituloy ‘yung sasabihin ko. Nahihiya na ako! Gusto kong sabihin na mahal ko siya pero hindi ko masabi!
 
"Pero kahit ganun…a-ano kasi—"

"I love you." Nagulat ako sa sinabi niya. At mas nagulat ako nung hinawakan niya bigla yung chin ko at...
 
He kissed...he kissed me.
 
Napatulala na lang ako sa kanya. What the heck. Did he just...kiss me? On the lips? After that, pakiramdam ko nawalan ako ng kaluluwa at nagpaparty siya somewhere. Pero wala pa nga ako sa wisyo ay bigla naman siyang lumuhod sa harapan ko.
 
"H-hoy, anong ginagawa mo?"

"Alam kong masyado pang maaga para gawin 'to, pero turo sa akin ni Lola dati, kapag ang isang tao o bagay ay gusto mo talagang makuha, gumawa ka ng paraan para mapasayo siya by taking a step ahead."

"H-ha? Anong pinagsasabi mo? Tumayo ka nga dyan. Semento ‘yan oh. Masakit yan sa tuhod! Tsaka—"

"Will you be my future wife?"
 
Pagkasabing-pagkasabi niya nun, napaluhod rin ako dahil nanghina ang tuhod ko.

W-what did he just say?!
​

<< Chapter 70
Chapter 72 >>

Comments
comments powered by Disqus
    Picture
    Back to a ride
    ​to love page

    Archives

    June 2019

    Categories

    All

Powered by Create your own unique website with customizable templates.
  • Home
  • About
  • Stories
    • Standalone Stories >
      • Novels
      • Novellas
    • Serialized Novels
    • Epistolary
    • Compilations
    • Ongoing
    • Completed
  • Blog
  • Message Board
  • News
  • Downloads