“Okay, guys. Reports will be done in pairs. Choose your partner.” Pagkarinig ko sa sinabi ni Sir ay alam ko na ang mangyayari. I would be alone. Well, that was actually okay since I don't have to deal with someone. “Uhm, okay lang ba sa'yo kung partner tayo?” biglang tanong ni Katrina, ‘yong babae sa harapan ko. “Bakit?” tanong ko at ‘di siya nakasagot. That was the first time someone dared to ask me to be his or her partner. “Ahh k-kasi . . . s-sige okay lang kahit huwag na—” “Fine,” I said and she looked at me with her eyes wide open. “R-really?” “Ayaw mo?” “N-no! I mean, partner na tayo!” “Weirdo.” Hinayaan ko naman siyang tumabi sa akin at in fairness sa kanya, hindi siya masyadong naiintimidate. Ni hindi ko nga alam kung kailan nagsimula na lagi niya akong tinatanong ng kung anu-ano. Maybe because she still thought I saved her from those bullies. Nag-usap lang kami about sa report, which is an oral presentation about the culture of the assigned country. “Sige, I'll search some journals about it kapag sinabi na ni Sir ang naassign sa’tin,” she said. I didn't expect her to be this responsible. “Okay,” maikli kong sagot at bigla naman siyang tumitig sa akin. “What?” “M-may nabasa lang ako somewhere. I-ikaw raw ang third party—” “Huwag mo nang ituloy 'yang sasabihin mo kung ayaw mong mawalan ng partner,” I warned. “S-sorry! Hindi ko sinasadya. I'm sorry.” Napabuntong-hininga na lang ako dahil doon na naman ang punta ng usapan. Nakakainis lang dahil tuwing nababanggit o nakikita ako ng mga tao, inaassociate agad nila ako sa Queeñigo na ‘yon. Lumabas naman agad ako after ng class at dumiretso sa library para mag-search na about sa topic na in-assign samin ni Sir bago matapos ang klase. Dumiretso ako sa history section at kumuha ng libro tungkol sa Singapore. Hah! Talk about fate. After pulling out five books, I walked toward my usual spot but someone was already there. Sino pa nga ba? Binagsak ko ang mga libro sa tapat niya, dahilan para mapatingin siya. He was solving some equations, and looking at those made my head spin. “Tapos na klase mo?” tanong niya sabay tingin sa wall clock kaya napatingin din ako. “Malamang. Nandito ba ko kung hindi pa?” “Sungit,” bulong niya pero rinig naman. Umupo ako sa tapat niya at nagsimulang magbasa pero nadidistract ako sa polo shirt niya. Dalawa na nga lang ang butones sa taas, hindi niya pa nakabit nang tama. “Hoy,” mahina kong tawag at tumingin naman siya. I pointed at his shirt but he seemed confused. After a few seconds, he finally noticed it. “Ah. Hayaan mo na. Mamaya na lang,” sabay ngiti niya pa at nagsolve ulit siya. I tried hard to ignore it but if you’re a person who always wants to see things in place and neat, you would really be bothered even by that small detail. Bakit ba hindi niya magets ‘yon?! I couldn’t take it anymore so I leaned forward and pulled his shirt. “Teka anong gag—” “Shut up,” I said while glaring at him. “Mismatches in clothes are extremely annoying and distracting.” Inayos ko ang pagkakakabit ng butones ng damit niya pero nagulat ako nang bigla niya na lang kinuha ang isa kong libro. Hinawakan niya lang ‘yon at ipinagitna sa aming dalawa habang nakatingin siya sa gilid pero hindi ko alam kung bakit. Habang ikinakabit ko ang pangalawang butones ay bigla kong narealize ang ginawa niya. My immediate reaction was punching his shoulder. “Ouch!” he exclaimed while looking at me. “Bwisit ka.” “Wala naman akong nakita,” sabi niya pa kaya napanganga na lang ako. “Saka tinakpan ko naman ‘yong line of sight ko—” “Stop talking—” “Keep quiet!” Napatigil naman kami pareho dahil tumingin sa boses ng librarian. Umupo na lang ulit ako at inadjust ang damit ko habang nakatingin pa rin nang masama kay Jazer. His ears were red and he won’t meet my eyes after what just happened. Damn this blouse of mine! After that incident, we both went quiet and I managed to read some details about the history and culture of Singapore. I copied the important parts, as well as the references that I could use. Pagtingin ko sa relo ko ay malapit na ang next class ko kaya niligpit ko na ang mga librong kinuha ko. Gano’n ‘din ang ginawa ni Jazer dahil may class din siya. Paglabas namin ng library ay agad din kaming naghiwalay dahil sa magkaibang building ang klase namin. Pumasok naman ako sa last class at kung kailan naman ako maaga ay saka walang prof. Badtrip. I was about to text Kuya Larry to pick me up but I realized we would still wait for about an hour because Jazer is still in class. In the end, I stayed in the bench area. Nakinig na lang ako ng music habang kumakain ng snacks pero naistorbo ‘yon dahil sa sigawan sa gilid ko. “OMG! OMG! Look!” “Hala! Sila na ba ulit?” “Yes! Queeñigo is back! Nakakakilig!” Napatingin ako sa field at nakita ko ang dalawa na magka-holding hands. Napataas na lang ang kilay ko sa kanila at sa fans nila. Subukan lang nilang guluhin ulit ako at hindi na talaga ako magpipigil. Nilagay ko na lang ulit ang earphones ko habang nagpapalipas ng oras. *** Nakaramdam naman ako ng pangangawit kaya nagising ako . . . wait . . . nakatulog ako? I was quite disoriented but I was surprised to see a notebook in front of my face. Then I realized I was leaning to someone. “Gising ka na?” Lumayo agad ako nang marinig ko ang boses ni Jazer at binaba naman niya ang notebook, dahilan para masilaw ako sa araw. Ang init tuloy sa pakiramdam. Ngumiti naman siya kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Tara na ba? Mukhang nandyan na si Kuya Larry,” sabi niya at niligpit niya na rin ang gamit niya. Ako naman ay disoriented pa rin. I didn’t know that I fell asleep a while ago but why was I leaning on his shoulder? Nakakastress. Pagdating namin sa parking lot ay nando’n na nga si Kuya Larry kaya agad kaming sumakay. Nang nakauwi na kami ay nakaabang na naman ang bubwit sa pinto kaya binuhat siya ni Jazer at ako naman ay tuluy-tuloy sa pagpasok pero nagulat ako nang salubungin ako ni Clark. He was crawling his way to me and when he was right in front, he suddenly clung to my leg. “Hey,” sabay tingin ko sa kanya pero tinawanan lang niya ako. “Baba,” I warned but this little kid was just giggling. Wala na akong nagawa kundi maglakad habang may nakasabit na bata sa paa ko. I dragged my right foot toward the living room and sat on the couch. Finally, Clark got off but he and Czanelle positioned beside me. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Jazer, na ngayon ay nasa harapan namin, kaya sinamaan ko siya ng tingin. “What’s funny?” “Wala naman,” sagot niya habang nakangiti kaya lalo lang akong nainis. “Ate, let’s play!” Czanelle beamed. Hindi ba napapagod ang mga bubwit na ‘to? “I’m tired,” sabi ko naman saka ako tumayo. “Play with him,” sabay turo ko kay Jazer. Pagkatapos no’n ay umakyat na ako sa kwarto ko at nagpalit. Nakahiga lang ako sa kama nang ilang oras pero hindi naman ako makatulog. Ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon. Those kids, somehow, I feel a little less awkward when I’m with them but I’m still cautious. Siguro dahil na rin sa naranansan ko sa parents ko. Ayokong maging malapit masyado sa kanila dahil natatakot na ako sa pwedeng mangyari. Isa pa, hindi ko rin naman alam kung paano sila pakikitunguhan. I grew up alone but then out of the blue, the two of them appeared. I don’t know how to be an older sister or a sibling. Isa pa, nandyan naman si Jazer, pati na rin sina Nanay Meling at Kuya Larry para alagaan sila. Hindi nila ako kailangan. Bigla ring pumasok sa isip ko sina Queenie at Iñigo. Those two made my life in school difficult but now that they’re together again, I hope they won’t pester me anymore. Mukhang nagkaayusan sila noong iniwan ko sila sa cafe. Pero hindi ko talaga akalaing ipapakita ni Queenie ang totoong ugali niya. “Fine. I don’t really care if you were his ex-girlfriend. What pisses me off is that this guy nonchalantly talked with you after I asked him about the both of you.” I can’t believe that the queen of the campus would say those words in front of her boyfriend but that actually made her real. I think she’s the type of girl who gets jealous and sensitive when her guy doesn’t understand her feelings. Well, Iñigo can get insensitive sometimes since he doesn’t really have a dating experience prior to Queenie. Speaking of those two, Katrina was also curious about that. Naalala ko naman ang tinanong niya at nakaramdam ako ng pagkainis. Ako? Third party? Excuse me lang. Ni wala nga akong pakialam sa kanila noong una at nalaman ko na lang na ako ang dahilan noong kumalat ang rumors tungkol doon. At ngayong nagkabalikan na sila, sana naman tantanan na rin ako ng tards dahil kung hindi ay papatulan ko na talaga sila, lalo na ‘yong mga ang lalakas ng loob na magparinig pero duwag naman ‘pag hinarap. Nagulat naman ako nang biglang may kumatok kaya napabangon ako. “Ate! Ate! Ate!” Napabuntong-hininga ako nang marinig ko ang boses ni Czanelle habang sunud-sunod ang pagkatok niya. Narinig ko rin ang paghagikgik ni Clark sa labas kaya alam kong nando’n ‘din siya. Dahil ang ingay na nila ay padabog kong binuksan ang pinto at sumalubong sila sa aking dalawa, pati na rin si Jazer. “What the heck are you all doing here—!” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil tumakbo ang dalawa papasok sa kwarto ko habang tumatawa. “Hey!” sigaw ko pero hindi nila ako pinansin. Napatingin ako kay Jazer na nasa labas pa rin at ngumiti naman siya nang nakakaloko. “You! You’re not allowed here.” “Okay,” he said while shrugging his shoulders. “Ikaw na ang magbabantay sa kanila? Sige, magpapahinga na ako,” sabi naman niya at bigla siyang lumakad palayo. Napatingin ako sa dalawang bubwit sa loob ng kwarto ko at bigla akong nagpanic kaya napabalik ang tingin ko sa kanya. “W-wait! Teka lang!” Huminto naman siya at lumingon sa akin. “Hmm?” “Get them,” sabay turo ko sa dalawa. “Pero gusto nila dyan.” Aba, at nakuha niya pang mang-asar?! “Then stay with them! You’re their babysitter, aren’t you?” I yelled, frustrated. “Okay,” sabi niya naman at saka siya nagmartsa papasok sa kwarto ko. Napatingin naman ako sa kanilang tatlo at parang biglang sumakit ang ulo ko. Wala pang ibang nakakapasok sa kwarto ko bukod kay Nanay Meling kapag naglilinis siya pero itong tatlong ‘to ay talagang sabay-sabay pang sumugod dito. God, this would be a long night. *** “One, two, three, seven, nine, ten!” Czanelle said aloud and she looked excited when she reached ten. Pinigilan ko ang pagngiti ko dahil mukhang proud pa siya kahit na kulang-kulang ang numbers na sinabi niya. Si Jazer naman ay inulit ang pagrerecite from one to ten pero ‘yong anim na numbers lang ang sinasabi ni Czanelle. “No, Czanelle. Pagkatapos ng three ay four, five, six. Saka mo lang sasabihin ang seven. Did you get that?” mahinahong tanong ni Jazer at tumango naman si Czanelle. “Sige nga.” “One, two, three . . .” Tumingin siya kay Jazer. “Seven, nine, ten!” she said while giggling while Jazer looked frustrated. I knew it. This kid was messing up with him. Hah! Serves him right! Ilang minuto pa silang gano’n lang ang ginagawa pero dahil gabi na ay pinatigil na siya ni Jazer. Doon din namin napansin na nakatulog na pala si Clark sa kama ko at sakto namang kumatok si Nanay Meling. Kinuha niya si Clark at pinasunod niya rin si Czanelle para matulog na. “O, kayong dalawa, kumain na rin kayo,” sabi niya naman saka tuluyang lumabas. Agad naman akong tumayo habang si Jazer ay niligpit ang mga kalat na ginawa ng dalawa sa kwarto ko. Maglalakad na sana ako pero napatigil ako nang biglang nagring ang phone ko. Pagtingin ko, international call. I was hesitant to answer it at first but maybe it’s an emergency so I answered it immediately. “Hello? Chloe?” When I heard my Mom’s voice calling my name, it felt weird. Hindi naman ako nagsalita. “I’m glad you answered it. I just want to know if Czanelle and Clark are doing fine. I’m quite worried.” “Yeah,” maikli kong sagot at kahit hindi ko nakikita ay alam kong napangiti siya dahil sa pagbuntong-hininga niya. “That’s good.” Hindi ko alam kung bakit pero may iba na naman akong naramdaman. I know I might sound childish but I was waiting for something else. I wanted to hear those words but I didn’t. Hindi ko alam kung bakit pero parang may sariling isip ang bibig ko at nasabi ko pa rin ‘yon. “Ako ba? Hindi mo kukumustahin?” I whispered and I cursed myself for saying those words. In-end ko kaagad ang tawag dahil sa katangahang sinabi ko . . . at dahil natatakot akong marinig ang isasagot niya. I felt a lump in my throat and tears were threatening to come out of my eyes. Suddenly, the light in my room went out and that was when my tears fell. Doon ko rin narealize na nasa kwarto ko pa si Jazer kaya pinigilan ko ang sarili ko sa pag-iyak pero tuluy-tuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko. “Huwag kang mag-alala, wala akong nakita,” sabi niya saka niya isinara ang pinto ng kwarto ko at doon ako tuluyang umiyak.
Comments
Nagmadali naman ako sa first class ko dahil late na akong nagising. Hindi ko kasi na-set ang pesteng alarm clock ko kagabi. Buti na lang at halos sabay kami ng prof ko na dumating sa room. “Umabot tayo.” Right. Kasama ko ring tumakbo si Jazer dahil classmate kami sa Math 121. Umupo agad kami at nagsimula naman ng lecture ang prof. Nagturo lang siya about double integration and after some exercises ay dinismiss niya rin kaagad kami. “Nakopya mo ba 'yong last slide?” tanong niya kaagad pagkalabas namin ng klase kaya tinaasan ko siya ng kilay. “Hindi mo 'yon nakopya?” Halos naipakita ko nang na-judge ko ang buong pagkatao niya sa tono ko. “Sinolve ko pa kasi 'yong huling item na binigay.” Inirapan ko siya nang makaupo na kami sa bench. Ni hindi ko nga alam kung kailan nagsimula pero after ng subject na 'yon ay lagi na kaming dumidiretso rito. Bwisit, bakit ba ako nagpapadala sa lalaking 'to? “Tss,” I reacted while shoving my notebook on him. “Thanks,” he beamed and started copying my notes. Nanahimik naman ako ro'n pero sandali lang nangyari dahil may dumaan na tards sa harapan namin. At aba, inirapan pa ako ng isa! Pasalamat siya, kalalagay ko lang sa case ng ballpen ko kundi itutusok ko 'yon sa mata niya. Bigla tuloy sumagi sa isip ko ang nangyari noong Saturday. For the first time, I was curious about what had happened when I left them. Sana lang at huwag na nila akong guluhin dahil pinagbigyan ko na sila. “Thank you,” sabi naman niya at binalik niya sa akin ang notes ko. Sumandal siya sa bench at bigla siyang pumikit. Napakunot naman ako nang gawin niya ‘yon. Don’t tell me . . . “Hoy. Matutulog ka?” tanong ko at dinilat niya ang kaliwa niyang mata. “Oo. Dalawang oras pa bago ang next class ko, eh.” “Dito ka pa matutulog ha? Tignan lang natin.” “Nandyan ka naman,” sabay ngiti niya. Pinatong niya ang notebook sa mukha niya at natulog nga akong loko. Aba, at ginawa niya pa akong tagabantay ha? Ano ako, babysitter? Bwisit na ‘to. Dahil isang oras pa bago ang next class ko ay nilabas ko na lang muna ang phone ko apra may mapaglibangan. Hindi ko alam kung bakit pero bigla kong naalala ang nangyari noong weekend. When I fell to the ground while playing, I realized Czanelle accidentally stepped on the remote of the speaker, turning it on. What pissed me off was that I kept on being the ‘it’ because of this guy. Napunta naman ako sa photos at nakita ko ang kinuha kong picture ng lalaking ‘to pati na rin nina Czanelle at Clark. Bigla namang bumigat ang pakiramdam ko. Matapos akong iwan ng mga magulang ko rito ay hindi na kami nagkaroon ng family picture. The last one was taken when I was three years old. Hindi ko naman magawang humingi ng pagkakataon na makapagpicture man lang kami kapag umuuwi sila rito hanggang sa lalo nang lumayo ang loob ko sa kanila at hindi na ako umasang mangyayari pa ‘yon. Right now, it felt weird having some photos of my family members on my phone. Nagbukas na lang ako ng social media sites bago pa mag-iba ang pakiramdam ko at nakita ko namang trending sa newsfeed ko ang Queeñigo kaya naunahan ako ng inis. I read some posts about them but all I got was they were together in the cafe last Saturday. Ano ba ‘yan, pati ba naman ‘yon, big deal sa fans nila? Halos ilang minuto rin akong nagbabad sa Youtube kaya naman nang malapit na ang klase ko ay niligpit ko kaagad ang gamit ko. Napatingin naman ako kay Jazer na ngayon ay tulog pa rin. “Hoy,” sabay tanggal ko ng notebook sa mukha niya. Dumilat naman siya at tumingin sa akin. Pero bigla ko namang narealize na bakit nga ba ako magpapaalam sa kanya? Tss. Sino ba kasing nagsabing dito siya matulog? “Klase mo na?” he asked while rubbing his eyes. “Obvious? H'wag ka nga dyan, para kang tanga,” sabi ko naman at tuluyan na akong tumayo pero napatigil ako nang tumayo rin siya at kinuha ang gamit niya. “Sa library na lang ako matutulog,” sagot niya at sabay kaming naglakad hanggang makarating siya sa library at ako naman ay dumiretso sa klase ko. *** Buti na lang at natapos na ang classes ko for this day. Bwisot nga lang 'yong last class dahil puro tards. Kung anu-ano pamg pagpaparinig ang ginawa. Badtrip talaga. “Kala niya kasi maaagaw niya si Kuya Iñigo kay Ate Queenie.” “Huwag mo ngang icompare si Ate Queenie dyan. Layo ng level nila.” “True. She's our Queen, while that one is a witch.” Yeah, right. Talagang sinabayan pa nila ako para magparinig ha? Tumalikod ako at tinaasan ko sila ng kilay. Agad naman silang napaatras at tumahimik. This is what I hate about this fantards—they're all talk, and when you confront them, they would run away. “Witch?” inosente kong tanong habang nakangiti. "Oh, come on. Don't praise me too much." “Bakit, totoo naman. Don't go near Ate Queenie!” “Iba ang landiin mo, huwag si Kuya Iñigo!” Imbes na mainis ay natawa na lang ako sa kanila. Ganito ba kababa ang level ng fans nila? I approached them but they stepped back, clearly intimidated with my presence. I gave them a sly smile but they kept their serious expression on their faces. “Sorry to burst your bubbles but those two are clearly attracted to me. Sila ang sabihan n'yong huwag lumapit sa akin dahil ubos na ang pasensya ko sa kanila . . . at maging sa fantards nila.” Pagkatapos kong sabihin 'yon ay naglakad ako palayo at iniwan ko sila. As usual, nandoon na naman ang bwisit sa bench. As far as I can remember, he said that he has only morning classes during Monday. “Nakasimangot ka na naman,” bati niya at inirapan ko siya. “Dahil na naman sa fans nila?” Napatingin ako sa kanya. In fairness, gumagaling na siyang manghula. Umupo ako at hinintay namin ang text ni Kuya Larry since medyo maaga kami nadismiss. Naconscious naman ako nang nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin sa akin si Jazer. I waited for a few seconds but he was still staring at me. “Ano ‘yang tinitingin-tingin mo?” I asked with a furrowed brow but he smiled in return. Annoying dimple. “Habang tumatagal, nakikita ko si Czanelle sa’yo.” “Duh? Malamang magkapatid kami,” sabi ko naman pero lalo lang siyang ngumiti. “Ngayon mo lang siya inacknowledge na kapatid. I’m happy.” I didn’t have any rebuttal so I just ignored him. Nagfocus na lang ulit ako sa phone ko pero nang nakita kong nagtext na si Kuya Larry ay agad din akong tumayo. “Andyan na si Kuya,” sabi ko at sumunod din siya sa paglalakad. I told him before that he should keep some distance between us to avoid any nasty rumors but he disregarded my suggestion. Some people’s eyes were following us, especially those who know me as the third party, but I paid no attention to them. Pagdating namin sa kotse ay agad kaming sumakay. Buti na lang at wala pa masyadong traffic kaya mabilis kaming nakarating ng bahay pero pagpasok pa lang namin ay sumalubong kaagad ang dalawang bubwit. “Ate!” “Mamam!” Both of them ran toward us and I was alarmed by their approach. Czanelle was holding a strawberry in each hand while Clark stumbled because of the white mini-blanket tangled around him. The guys behind me laughed and Jazer walked to their direction. He carried Clark on his arms and held Czanelle’s hand. “Are we going to play again?” Czanelle asked, her eyes gleaming. Bigla namang lumingon sa akin si Jazer. “Gusto mo ba?” he asked with an impish smile. “Ayoko,” sabay lakad ko papuntang hagdan. Hinayaan ko na lang sila dahil pagod ako ngayon. Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad akong nagshower at nagpalit. Ilang oras din akong nagbrowse ng net at ang nakakainis ay bigla akong nakakita ng ice cream kaya nagcrave ako. Bumaba naman ako para sana kumuha ng ice cream pero naabutan kong nagkukulitan pa rin ang tatlo at medyo napahinto pa ako dahil sa ginagawa nila. Clark was sitting on Jazer’s shoulder while Czanelle was hanging on his right leg. Tawa lang sila nang tawa habang naglalakad si Jazer at nang nakita nila ako ay nagmadali ako papuntang kitchen. Nagulat naman ako nang naabutan ko si Kuya Larry ro’n na nakatingin din sa tatlo. “Hindi ka ba naiinggit?” tanong niya. “Saan?” I asked and he looked at them. “Sa kanila.” Tumingin naman ako sa kanila. “Not really. They have each other and that guy, too.” “Galit ka pa rin ba sa kanila?” Napatigil naman ako sa tanong niya at hindi ko alam kung bakit pero nag-iba ang pakiramdam ko. “I don’t know. It still feels weird and I hate the fact that I remember Mom and Dad every time I see them.” Nakita ko namang ngumiti si Kuya Larry at bigla niya akong tinapik sa balikat. Buti na lang at wala na siyang sinabing kahit ano dahil baka maiyak na lang ako bigla. I hate it when people see me crying. I’m sure he understands my position since I was brought up by them. Alam nila kung paano at bakit ako naging ganito kaya naman wala na siyang sinabi. Call me immature and childish but I still can’t forgive Mom and Dad. All these years, I was waiting for them to put some effort for me . . . for them to stay longer than a day to spend their time with me . . . but they didn’t. Instead, they gave me siblings without even informing me beforehand. I was beyond mad and jealous. Pero ano naman ang magagawa ko? Nandyan na, eh. Bago pa tuluyang sumama ang pakiramdam ko dahil sa mga pinag-iisip ko ay dumiretso ako sa fridge at kinuha ko ang ice cream container. Pinuno ko ang cup at umupo, habang si Kuya Larry ay nagpaalam na para makapagpahinga. I was busy eating my ice cream when the three of them walked toward me. “Ate!” Czanelle yelled, still clinging onto Jazer’s leg. “What are you eating?” “Pagod na ako,” biglang sabi ni Jazer nang makarating sila sa dining area. “Pwede na ba tayong tumigil?” “No! No!” sigaw ni Czanelle at lalo lang siyang kumapit sa paa ni Jazer. Nagkatinginan kami ni Jazer at kita sa itsura niya ang pagod at nagpapaawa pa siya. “Ginusto mo ‘yan,” sabi ko naman. “Czanelle, Chloe’s eating ice cream. Gusto mo ba?” sabi niya kaya ako naman ang napatigil. Is he diverting Czanelle’s attention to me?! “Really? I want ice cream! Ate, I want!” Nagpanic naman ako dahil baka umalis siya kay Jazer at lumipat sa akin kaya naman nag-isip agad ako kung ano ang dapat gawin. “You want this? Say ah,” sabi ko naman at naglakad ako papunta sa kanila. Jazer glared at me and I gave him a smirk in return. I fed Czanelle a spoon of ice cream while still on Jazer's leg and I heard him sigh. When I looked at him, he was eyeing my cup of ice cream and when he saw me, he tried hard to avert his gaze but failed. “Inggit ka?” I teased and his face turned red. “Hindi.” Dahil ngayon lang ako makakaganti sa mga pang-aasar niya ay itinaas ko ang kutsara at itinapat sa mukha niya. His expression was camera-worthy and I almost laughed because of that. “Yum,” I exclaimed while eating the ice cream. “Gusto mo ulit?” I placed the spoonful of ice cream in front of him but he leaned forward and quickly devoured it, leaving me stunned. “Thanks,” he said with a smirk. Hindi ako nakapagreact agad pero pagkatapos no'n ay agad siyang umalis kasama ang dalawang bubwit. “Hoy! Ice cream ko!” sigaw ko at hindi ko alam kung bakit ko pa sinabi 'yon. “Bwisit ka!” Lumingon siya at tinawanan lang ako kaya lalo akong nainis. In the end, I ate the remaining ice cream and that made me feel better. Damn that guy. Pagdating namin sa bahay ay kinuha agad sa akin ni Nanay Meling si Clark at pareho nilang inakyat ni Jazer ang dalawang bata. Naiwan ako sa sala at nagpahinga ako saglit. Sumandal ako sa sofa at pinikit ko ang mga mata ko dahil napagod ako sa pinaggagawa ko ngayon. This is why I hate going out during weekends. Nakakastress. “O, Chloe, hindi ka pa ba kakain?” Napadilat naman ako at nakita kong pababa na sina Nanay Meling at Jazer. “Sige po.” Kahit na inaantok na ako ay tumayo ako at dumiretso sa dining table. Umupo ako sa pwesto ko at gano’n ‘din ang ginawa ni Jazer. Naghain na rin si Nanay Meling kanina kaya naman tahimik lang kaming kumain. Bigla ko namang naalala ang sinabi ng driver kanina. According to him, the father of his daughter’s child ran away from his responsibilities, and because of that, he and his wife need to work harder to support her. I really hate jerks like that guy. Gagawa sila ng isang bagay pero kapag may hindi naaayon sa plano nila ay hindi naman kayang panindigan. Buti sana kung siya lang ang maaapektuhan. “Nagsasalubong na naman ‘yang kilay mo,” biglang sabi ni Jazer kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Ayan, nagdugtong na nang tuluyan.” “Funny ka na niyan?” sabay irap ko at tinawanan niya lang ako. Bwisit na ‘to. “Thank you pala kanina.” His expression became serious. “Kung hindi ka dumating, hindi ko alam ang gagawin ko.” “Sino ba naman kasing nagsabing dalhin mo sila sa park?” “Gusto kasi nilang lumabas at sabi ni Nanay Meling ay may malapit na park dito. At saka para naman maexperience nilang maglaro sa labas.” Pagkasabi niya no’n ay naalala ko ang kabataan ko. I never had the chance to play with kids outside and maybe that was one of the reasons why I grew up like this. “Ang ganda pala ng park dito sa inyo,” he said after finishing his lunch. “May playground para sa mga bata at may matatambayan din ang teenagers. Meron ‘ding recreational activities para sa matatanda. Kaya pala ang daming tao lagi ro’n.” Napatingin naman ako sa kanya dahil parang nag-eenjoy siya sa pagkukwento. Actually, last year lang naipatayo ang People’s Park kaya marami pa ring pumupunta. Malapit din sa subdivision namin pero hindi pa ako nakakapunta ro’n dahil wala namang rason para gawin ko ‘yon. “Ano ba kasing ginawa n’yo ro’n?” inis kong tanong. “Wala naman masyado. Tumakbo lang sila nang tumakbo at si Czanelle, nakisali sa mga naglalaro ng langit-lupa.” “Langit-lupa? What the heck is that?” May gano’ng laro? He looked at me with a confused expression and when he realized that I wasn’t joking, he gave me an amused look. Hindi ko alam kung dapat ba akong maasar dahil sa itsura niya o hayaan na lang. In the end, inirapan ko na lang siya. “Seryoso? Hindi mo alam ang larong ‘yon?” “Itatanong ko ba kung alam ko?” “Pagpasensyahan mo na ‘yan, hijo,” singit naman ni Nanay Meling at siya na ang kumuha ng pinagkainan namin pero agad siyang tinulungan ni Jazer. “Hindi kasi nakapaglaro ‘yang si Chloe noong bata siya ng mga larong pambata at larong kalye.” “Nanay Meling!” sigaw ko pero nginitian niya lang ako. Tss. Kasalanan ko bang walang batang kasing-edad ko sa subdivision noong panahong ‘yon? And one more thing, that was the time when Mom and Dad chose to work abroad. Pagkatapos magligpit ay naglakad ako papuntang sala para sana manood pero napasigaw ako dahil biglang may tumapik sa balikat ko. “Taya.” I turned around and saw Jazer smiling at me, as if he just won something. Ano na namang problema ng isang ‘to? Anong taya ang pinagsasabi niya? “What?” I asked, confused, and he stood in front of me. “Langit-Lupa,” he said. “Tuturuan kita.” I stared at him for a few seconds, bewildered and unsure of what he just said. Did I hear it right? Langit-Lupa? Maglalaro kami ng larong-pambata? Sa loob ng bahay? “Ano na naman—” “Simple lang naman ang rule. Kailangan lang ay nasa langit ka, o ‘yong mga bagay at lugar na nakataas o ‘di sakop ng lupa. Kapag bumaba ka sa langit, o kung nasa lupa ka, pwede kang habulin ng taya para maging panibagong taya.” Did he just cut me off to explain the rule of the game? So seryoso talaga siya na tuturuan niya ako? “I don’t wa—” “Pero may special rules din.” He cut me off for the second time! At talagang patuloy lang siya sa pag-eexplain ha? Ano bang mapapala namin dito? Parang tanga lang. “Kapag lumagpas ang kahit anong body parts mo sa langit, pwede ka pa ring tayain kahit na nasa langit ka pa.” “Ha? Ang unfair naman no’n,” reklamo ko pero lumaki naman ang ngiti niya. “Akala ko hindi ka interesado.” “Shut up.” Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para pakinggan pa siya at makalipas ang ilang segundo ay natapos na rin siya. “Game?” he asked excitedly and I sighed in reply. “May magagawa pa ba ako? Kung anu-ano nang sinabi—” “Taya!” Napatigil ako nang bigla niyang tinapik ang braso ko at saka siya tumakbo palayo. What the heck? I wasn’t prepared yet! “You, cheater!” sigaw ko at tumakbo ako sa direksyon niya. Bwisit ‘yon! Sinong nagsabing magsimula siya nang hindi pa ako natatapos magsalita?! Tumungtong naman siya sa sofa at tumayo ako sa harapan niya. I glared at him while waiting for the right time to attack but then I realized something. “Wait, this is really unfair! What if you decided to stay there for the whole game?” “Well, dahil dalawa lang tayong naglalaro, pwede mo akong bilangan hanggang sampu. Kapag hindi pa ako lumipat sa ibang langit, pwede mo akong tayain.” Pagkasabi niya no’n ay agad ko siyang binilangan. “Seven, six—” “Teka, bakit seven agad?” reklamo niya at tinaasan ko siya ng kilay. “Hindi mo kasi kaagad sinabi. Five, four, three.” Nakita ko namang nagready na siyang umalis kaya hinanda ko na rin ang malakas na paghampas sa kanya pero nagulat ako nang bigla siyang tumalon papunta sa likod. “Hoy!” sigaw ko habang tumatakas siya palayo. Hinabol ko naman siya at muntik pa akong madulas dahil sa slippers na suot ko. Ang nakakainis pa ay narinig ko siyang tumawa kaya naman hinubad ko ‘yon at binato ko sa kanya ang isa pero hindi umabot. Binitbit ko naman ang isa pa at ‘yon ang gagamitin kong pantaya sa kanya. Humanda kang bwisit ka. Tumakbo siya papunta sa hagdan kaya dumiretso ako ro’n at kita sa mukha niya ang gulat nang tumuntong din ako. “Taya!” sigaw ko at pinalo ko siya ng slipper sa tagiliran. This time, ako naman ang tumakbo palayo. “Pero langit ‘to,” pahabol niya. I smirked at him in return. “Nah. Dinadaanan din ‘yan, so that means it’s considered as lupa. See you, loser,” saka ako tumakbo palayo. Lumingon ako saglit at nakita kong papunta na siya sa direksyon ko pero nagpanic ako dahil ang bilis ng pagtakbo niya. Imbes na sa sala ako dumiretso ay napunta tuloy ako sa dining area dahil ‘yon ang pinakamalapit. Naabutan kong naghuhugas ng pinggan si Nanay Meling at tumawa lang siya sa amin, habang ako ay hindi pa rin lubos-maisip kung bakit ko ba ginagawa ‘to. Ay, bahala na! Tumuntong ako sa upuan at pagdating niya ay agad siyang tumayo sa harapan ko. Bigla naman siyang ngumiti nang nakakaloko at tinrace niya pataas ang dulo ng upuan, hanggang sa tumama ‘yon sa kamay ko. “Taya,” he playfully said and I remembered the rule he said a while ago. I stomped my foot due to frustration and ran to his direction but we both halted when we saw Czanelle at the top of the stairs. She was about to cry but when Jazer came into her view, she immediately stopped and started going down. Nagmadali si Jazer na sunduin siya at ako naman ay naupo na lang sa couch. My God. Nakakahingal pala ang larong ‘yon kahit na saglit ko pa lang nalalaro. Hindi pa man din ako sanay sa physical activities. Dumiretso din silang dalawa sa couch at binaba niya si Czanelle sa tabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Mang-aasar pa, eh. Sarap sipain. Czanelle was still groggy but she managed to sit properly while rubbing her eyes. Nakatulala lang siya for a few seconds pero after that ay nagsimula na siyang maging makulit ulit. “Ate, let’s play!” she said while sitting on my lap. “Play! Play!” “I’m tired,” sabi ko naman at nagpanic ako nang bigla siyang tumigil at mukhang paiyak na ang expression niya. Tinignan ko kaagad si Jazer para kunin na niya si Czanelle pero ang loko, nginitian lang ako. I tried to communicate through my eyes and mouthing ‘Get her!’ but he ignored me. Damn this guy! “You don’t want to play with me?” Czanelle pouted and that pushed me at the end of the line. Huminga ako nang malalim at inalis ko siya sa lap ko. Paiyak na sana siya pero natigil ‘yon dahil sa ginawa ko. “Taya,” I softly said while tapping her leg. After that, I walked away from them and that was when they realized what was going on. Czanelle must have been really focused when she was playing at the park before because she remembered the game and chased Jazer while giggling loudly. “Kuya!” she yelled and Jazer slowed down to let Czanelle reach him. “Taya!” After she hit Jazer on the leg, she ran away and quickly positioned herself on the couch. Without a second thought, Jazer went to me and the only thing that can be considered as ‘safe’ here was the huge speaker. Out of desperation, I climbed onto it and that was the most stupid thing I did in my whole life. “Huwag kang lalapit,” I warned but he just laughed it off. Naramdaman ko naman ang pag-uga ng speaker dahil gumalaw ako. Medyo unstable ‘yon at ang nakakainis pa ay tinetrace na naman ng lalaking ‘to ang allowable space kaya naman hindi ko alam kung magpapataya na lang ako o susubukan ko pang tumakas. I chose the latter. But before I could even jump, the speaker suddenly blared and the vibration made me lose my balance. The next thing I knew, I was already falling toward him. “Shit—!” Napapikit na lang ako dahil ayokong makita ang mangyayari. Naramdaman ko ang pagbagsak ko sa kanya at ang pagtama namin sa carpet. My senses went numb but after several seconds, I heard a thumping sound against my cheek. Dinilat ko ang mga mata ko at doon ko narealize na nakadagan ako sa kanya. Pinilit kong umangat pero bigla kong naramdaman ang sakit sa bandang siko ko. Mukhang naitukod ko ‘yon nang bumagsak kami. “Ouch,” I grumbled but I was surprised when our faces were just inches apart. He was in daze, too, but when our eyes met, he grinned, showing his deep dimple. “Mukhang hinulog ka ng langit,” he whispered and I stared at him, dumbfounded. He suddenly held my waist, which made me flinch, and our positions were interchanged. “Taya,” he said. Pagkatapos niyang sabihin ‘yon ay tumayo siya at naiwan akong nakahiga lang do’n. I didn’t know what exactly happened but what he did got me flustered. Was that part of the game? I stayed inside the the cafe after I arrived. Inagahan ko na dahil ayokong hintayin ako ng dalawang ‘yon. Nag-order ako ng Iced Americano at nagbrowse na lang sa phone ko. I was expecting them to arrive together but I guess I’m wrong. Nakita ko si Iñigo sa entrance at napatingin siya sa direksyon ko pero bago pa siya makalapit sa akin ay tumayo na ako. “One table apart,” sabi ko at napahinto naman siya. He agreed and I think we both know that this is for the best. Baka lalo pang magwala ang Queenie na ‘yon ‘pag nakita niya kaming magkasama sa isang table bago siya dumating. Nilabas ko na lang ulit ang phone ko at nagbrowse ng social media sites habang naghihintay sa reyna. After about fifteen minutes ay dumating na rin siya at pumasok siya sa shop. Napataas naman ang kilay ko dahil may nakita akong kakaiba. God, this girl is really annoying. Akala niya ba hindi ko mapapansin ang mga alipores niyang nakaaligid sa labas at loob ng cafe? Pareho silang lumapit sa akin ni Iñigo at mukhang iniiwasan pa rin nila ang isa’t isa. Umupo sila sa harapan ko at binagsak ko naman ang coffee sa table ko, dahilan para magulat sila. “Ano na? Tutunganga na lang ba tayo rito?” tanong ko at nagtinginan naman sila. “Queenie,” panimula ni Iñigo. “I don’t know why you keep on acting like this but seriously, Chloe and I are just . . .” Napatingin naman siya sa akin at tinaaasan ko siya ng kilay. “ . . . friends.” “Correction. Acquaintance.” “But why do you have to hide this from me?” tanong ni Queenie kay Iñigo at nakita kong namumula na ang mata niya. “You should’ve said it sooner.” “Is that really needed?” Iñigo retorted. “We don’t even talk anymore since that incident happened.” “But still—” “Do you remember what I told you last time?” tanong ko habang nakatingin kay Queenie at pareho silang napatigil. “I think my words didn’t get through your head. Now you have really become an annoying girlfriend, the type that guys hate the most.” “Chloe . . .” Tinignan ko nang masama si Iñigo dahil isa rin siya sa may kasalanan kung bakit lumaki ang gulong ‘to. “Shut up, Iñigo. I’m still talking,” sabi ko at muling hinarap si Queenie. “And you, don’t act like a damsel in distress because you aren’t. Sulking won’t solve anything. Why don’t the both of you talk to each other instead of using me as your mediator?” “Fine,” Queenie said as she glared at me and I smirked at that sight. Finally showing her true colors, huh? “I don’t really care if you were his ex-girlfriend. What pisses me off is that this guy nonchalantly talked with you after I asked him about the both of you.” This time, ako naman ang nagulat dahil biglang may tumulong luha sa mga mata niya. I don’t know if she’s still acting but her eyes seem to be sincere. “Then why are you targeting me?” tanong ko naman at ngumiti siya bigla. “You know the nature of most girls. Jealousy isn’t something to be taken lightly.” “Is that so?” sabay lapit ko sa mukha niya. “I’m also someone who shouldn’t be taken lightly.” Iñigo managed to catch our attention by coughing purposely. Maybe he sensed the rising tension between us and it’ll be hard to stop us in case a fight starts. “I’m out of here,” sabi ko at saka ako tumayo pero tumigil ako at lumingon sa kanila. “Solve your own problems. Drag me again with you and you’ll see what I’m capable of.” Naglakad ako papunta sa pinto at napatigil ulit ako dahil may nakalimutan akong idagdag. “Oh, yeah,” sabay lingon ko at napatingin naman sila. “Kung magbebreak kayo, if ever, hinding-hindi ko naman papatulan si Iñigo. I’ll find myself a better man, so don’t worry,” I said with a smirk as I exit the cafe. Hindi ko na tinignan kung ano ang naging reaksyon nila at naglakad na lang palayo pero napansin ko ang mga alipores niyang nakaaligid kaya tumigil ako saglit. “What?” tanong ko sa babaeng nasa labas lang ng cafe. “Are you filming us? At ano? Gagawa kayo ng istorya tungkol sa nangyari sa cafe? Try it and your queen will be in trouble.” Pagkasabi ko no’n ay tuluyan na akong lumayo sa lugar na ‘yon. Balak ko na sanang mag-uber pero dahil ayaw ko namang dalhin sa bahay ang inis ko ay kinailangan ko munang mag-cooldown. Since pagtawid dito ay People’s Park na ay doon na lang muna ako pumunta. Because it’s weekend, a lot of people, especially teenagers, gather here. Nilagpasan ko ang fountain sa gitna at dumiretso ako sa pavilion since doon wala masyadong tao. Uupo na sana ako sa bench na nasa loob pero napahinto ako dahil ang daming bata sa playground na katabi ng pavilion at ang iba ay umiiyak pa. Hindi ko na lang sana papansinin pero nagulat ako dahil may nakita akong pamilyar na mga mukha. “No! No!” “Czanelle.” Oh, God. Bakit sa lahat ng pwedeng makita ay ang tatlo pang ‘to? I want some peace of mind and this is what I get? Wow. Talk about luckiness. “Mam mam mam.” Nagulat naman ako no’ng biglang napatingin sa akin si Clark at tinuro niya ako. Mukhang nakilala niya agad ako dahil nagsimula siyang maglakad papunta sa akin kaya naman agad siyang hinabol ni Jazer pero hindi niya rin magawang iwan si Czanelle na ngayon ay sobrang lakas ng pag-iyak. “Clark!” sigaw niya at mukhang ‘di pa niya ako nakikita. Clark mumbles as he runs towards me and when we’re just a meter apart, Jazer noticed me and he stood in front of me, surprised. “Chloe?” Tinaasan ko naman siya ng kilay pero ako naman ang biglang nagulat dahil yumakap si Clark sa binti ko. “Ate,” iyak naman ni Czanelle at tumakbo rin siya papunta sa akin. She occupied my right leg while Clark is on the other. Napakunot ang noo ko dahil sa posisyon namin. What the hell is wrong with these kids?! I immediately looked at Jazer when I heard him snort. Sinamaan ko siya ng tingin dahil halata namang pinipigilan niya lang ang pagtawa niya. “Tsk. What?” iritado kong tanong habang nakatingin kay Czanelle, at aba, nagpout pa. Pinunasan naman niya ang luha niya at tumingin sa restaurants na katabi ng park. “Gusto niyang kumain pero sabi ko sa bahay na lang dahil nakapagluto na si Manang Meling kaya ayan, umiyak,” paliwanag ni Jazer. Kinarga ni Jazer si Clark at tinignan ko naman si Czanelle, na ngayon ay hinihingal na dahil sa kakaiyak. Tsk. Bakit ba kasi ako pumunta rito? Huminga ako nang malalim at nagsimulang maglakad papunta sa restaurant pero tumigil ako saglit at lumingon. “Ano? Kakain ba o hindi?” pagalit kong tanong at tumigil sa pag-iyak si Czanelle. Nakatingin naman sa akin sina Jazer at Clark pero inirapan ko lang sila. “Sigurado ka?” tanong naman niya. “Pupunta ba ako do’n kung hindi? Don’t worry, I’ll pay the bill,” sabi ko naman at muling naglakad. Nagulat naman ako no’ng bigla na lang may humawak sa kamay ko at pagtingin ko ay naglalakad na sa tabi ko si Czanelle. She’s wiping her tears off her face and trying hard not to cry. “Stop crying,” mahina kong sabi at tumango naman siya. Nakarating kami sa loob at pagkaupo namin ay kumuha agad si Jazer ng tubig. Pinainom niya sa Czanelle at kumuha naman siya ng high chair para sa dalawang bata. Nang nakabalik siya ay ako naman ang umalis para umorder. Spaghetti, chicken lollipop and soup lang ang inorder ko para sa kanila dahil baka magtampo si Nanay Meling kapag hindi namin kinain ang niluto niya. Katabi ko si Czanelle at sa tapat ko naman ay si Jazer na ngayon ay pinapakain si Clark. Uminom lang ako ng iced tea since hindi pa naman ako gutom kaya pinanood ko lang sila. “Masarap ba?” tanong ni Jazer habang nakangiti kay Czanelle. “Mmm!” sagot naman niya at nakuha pang sumayaw habang may chicken lollipop siyang hawak sa magkabila niyang kamay. Si Clark naman, pinapakain niya ng soup at kaunting spaghetti. Hindi ko alam kung bakit excited silang kumain at ang saya-saya nila. Siguro gano’n talaga kapag bata. “You want, Ate?” biglang tanong ni Czanelle at inalok niya sa akin ang hawak niyang chicken lollipop. “No,” sabi ko naman at saka tumingin sa gilid. Clark suddenly snickered and he reached out his tiny arm, as if he wants to get the chicken from Czanelle. “Here, Clark.” Akmang iaabot na ni Czanelle kay Clark ang pagkain nang hinarang siya ni Jazer. “No, Czanelle. Hindi pa pwede si Clark nito.” “Why?” sabay pout niya. “It’s yummy!” “Oo pero hindi pa niya kayang kainin.” Hinawakan niya bigla ang tiyan ni Clark. “Sasakit tiyan niya. Gusto mo ba ‘yon?” “No,” saka siya umiling. “He will cry.” “Kaya huwag mo muna siyang bibigyan, okay?” “Okay!” saka niya tuluyang kinain ang hawak niya. Hindi ko na lang sila pinansin at nag-check na lang ako ng SNS. May nakita naman akong nagshare ng post galing sa fanpage ng Queeñigo. OMG! Magkasama sila sa cafe ngayon! Our OTP is back! May nakaattach pang picture ng dalawa at buti na lang ay wala na ako do’n. Sus. I’m sure ‘yong mga kaibigan niya na nasa labas ng cafe ang may gawa niyan. Paparazzi shot pa kunwari, alam naman ng kinukuhaan ng picture. Napalingon naman ako no’ng biglang tumawa si Jazer pero tumigil din siya. Nakatingin siya kay Czanelle kaya tinignan ko rin ang bubwit at napanganga na lang ako. How can this kid eat and sleep at the same time?! I mean, her eyes were closed yet her hand and mouth were still in full coordination. After that ay binayaran ko na ang bill namin pero biglang naging seryoso ang mukha ni Jazer. Tumingin siya sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay. “What?” “Uhm . . .” Dahan-dahan niyang binuhat si Czanelle para hindi magising tapos ay tumingin siya kay Clark na nakangiti lang sa kanya. Mukhang narealize ko naman ang gusto niyang sabihin kaya umatras ako. “Delikado kapag binuhat ko sila pareho,” sabi niya habang tinatanggal ang bib ni Clark. “Please?” “Tss. Bakit kasi dinala-dala mo pa sila sa park? Kainis!” Dahil wala naman akong magagawa ay lumapit ako kay Clark pero tumayo lang ako sa harapan niya. Hindi ko alam kung paano siya kukunin o kung paano siya bubuhatin. God, bakit ko pa kasi sila nakita?! Binaba naman muna ni Jazer si Czanelle at saka niya binuhat si Clark. “Wait, wait, wait!” sigaw ko habang pinapasa niya sa akin si Clark at ang bubwit ay nakahawak na kaagad sa buhok ko. “Suportahan mo lang ang likod niya habang hawak mo siya,” sabi niya at no’ng binitiwan na niya si Clark ay nagpanic ako. “Shit! Wait lang!” “Ayan. Tapos . . .” Hinawakan niya ang braso ko at inadjust ang paghawak ko kay Clark. Sinamaan ko ulit siya ng tingin dahil nakita ko siyang nakangiti. Umalis kami sa restaurant at kumuha siya ng taxi. Pagpasok namin ay inalalayan ko ang ulo ni Clark dahil baka bigla na lang mauntog sa sasakyan. No’ng nasa loob na kami ng sasakyan ay nakahinga ako nang maluwag at nirelax ko ang kamay ko. Ilang minuto ko lang hawak ang batang ‘to pero parang naubos na lahat ng energy ko. “Sa’n po tayo?” tanong ng driver at sinabi ko naman sa kanya ang pangalan ng subdivision namin. Napasandal ako sa upuan at hinawakan ko ulit ang likod ni Clark dahil ang likot na niya. Tinignan ko siya at ngumiti naman siya sa akin. “What?” mahina kong tanong sa kanya pero bigla siyang tumawa. “What’s funny, kid? Ha? Do you know how scary am I?” Pagkasabi ko no’n ay lalo pa siyang tumawa at muntik pang mahampas ng kamay niya ang mukha ko. “Ha! Are you challenging me?” Sinamaan ko siya ng tingin at nakuha ko pang umirap. Tinaasan ko na rin siya ng kilay pero lalo lang siyang natatawa kaya sumuko na ako. Wala bang kinatatakutan ang batang ‘to? Bigla naman akong napatingin sa gilid dahil baka tinatawanan na naman ako ng lalaking ‘yon pero napatigil ako no’ng nakita kong nakatulog na rin ang loko. “Hah. Look at this guy.” Nilabas ko ang phone ko at pinicture-an ko silang dalawa. Pangalawang photo na ‘to na pwede kong gamiting pang-blackmail. Bigla namang tumili si Clark kaya tumingin ulit ako sa kanya at pinicture-an ko rin siya. Medyo natawa ako dahil sobrang close-up ng pagkakakuha ko kaya mukha siyang siopao. “Mukhang mana sa’yo ‘yang bata, ah?” biglang sabi ng driver kaya napatingin ako sa kanya. “Ho?” “Ang gaganda ng mga anak ninyo, Ma’am. Sabagay, maganda at gwapo rin ang mga magulang,” sabay tawa ni Kuya at ako naman ay natulala na lang dahil sa sinabi niya. “Hindi—” “Alam mo ba? Ganyan din ang nangyari sa panganay kong babae. Ayon. Nabuntis nang maaga pero ang walanghiyang gumawa, tinakbuhan na siya.” Ito na yata ang pinakamataas na narating ng kilay ko sa buong buhay ko dahil hindi ko kinakaya ang kwento ni Kuya. Did he just assume that the four of us are a family?! “Ang mga kabataan kasi ngayon, madali nang magpadala sa tukso kaya napakarami ang nabubuntis at maagang nagkakapamilya. Ang problema naman ay hindi naman nila kayang sustentuhan at buhayin ang ginawa nila kaya kadalasan ay nauuwi pa rin sa mga magulang nila ang tungkulin. Hindi kasi nila naiisip na mahirap bumuo ng pamilya lalo na kung hindi ka pa handa at kung wala ka pang pera o trabaho. Kaya kadalasan, pagkatapos ng nangyari, tinatakbuhan nila ang responsibilidad nila. Kawawa tuloy ang mga walang-malay na batang nabuo sa tiyan ng babae kapag napagdedesisyunan nilang magpalaglag. Ganoon din naman kapag ang lalaki ay bigla na lang mawawala kapag itinuloy ng babae ang pagbubuntis.” May sense naman ang sinasabi ni Kuya dahil marami na rin akong nakikitang gano’n. Gusto kong sabihin sa kanya na mali ang in-assume niya sa amin pero nagulat ako no’ng bigla na lang nagcrack ang boses niya. “Ang asawa ko na nagtatrabaho sa ibang bansa, dapat ay uuwi na siya ngayong taon. Pero no’ng nalaman niyang magkakaanak na ang anak namin, hindi na niya itinuloy. Kailangan pa naming kumayod para masuportahan ang pamilya niya dahil tinakbuhan na siya ng gumawa no’n sa kanya.” Umiling naman si Kuya at saka nagbuntong-hininga. Naawa tuloy ako bigla. “Mahirap maging magulang, lalo na kung mag-isa ka lang. Lumaki akong wala ang mga magulang ko sa tabi ko dahil naghahanapbuhay sila sa Maynila noon at ayaw kong maranasan ng anak ko, at ng magiging anak niya ang bagay na ‘yon. Ayaw kong malayo ang loob niya sa amin at ayaw kong isipin niya na wala kami sa tabi niya ngayong kailangan niya kami.” Para naman akong binagsakan ng bato dahil sa sinabi niya. I felt a lump in my throat and tears are threatening to come out of my eyes so I tried hard to choke them back. “Pero may kasalanan din ang mga magulang,” sabi ko naman. “Yes, nagtatrabaho sila para sa mga anak nila but they should still give some of their time to them. Hindi na kasalanan ‘yon ng anak kung maging malayo man ang loob niya sa magulang niya. In the first place, they were the one who distanced theirselves first.” “Hindi rin naman maiiwasan ang magsakripisyo. Minsan, kailangan talagang lumayo ng isang magulang para buhayin ang pamilya niya. Mabuti nga kayo, kumpleto kayo at nagagawa n’yo pang mamasyal kasama ang mga anak ninyo,” sabi niya at ngayon na lang ulit siya ngumiti. “Maswerte ang mga anak ninyo dahil nasa tabi lang nila ang mga magulang nila.” “No,” bulong ko. “Po?” “Ah. Wala po.” Tumahimik na ako at nagfocus na lang sa pagdadrive si Kuya. Napatingin ako kay Clark dahil nakasandal na siya sa dibdib ko at mukhang nakatulog na rin siya. No. Not really. ‘Yon ang gusto ko sanang sabihin kay Kuya. Their parents aren’t on their side. They were thrown away because their parents can’t take care of them anymore. Just like what they did to me. Buong linggo ay nakaramdam ako ng pangmamata, though I really don’t care. Alam ko namang dahil ‘yon sa ginawa ko sa “Queen” nila at wala akong pinagsisisihan. I may be viewed as immature but that was my own may of dealing with my enemies. In fact, they were more pathetic than I am. Paakyat na sana ako sa hagdan pero nagulat ako nang bigla nalang may nanghatak sa akin papunta sa storage room. Panic started to overwhelm me and when we finally stopped walking, I turned around and saw the jerk. I calmed myself down and glared at him. “What the fucking hell are you doing, Iñigo?” “I’m sorry, I just really need to talk to you.” Ewan ko ba pero tuwing nakikita ko ang mukha niya ay si Queenie ang naaalala ko kaya lalo akong naiinis. Yeah, I admit, I liked his company and he was comfortable to be with, but right now he’s just an annoying guy. Ang sarap niyang suntukin sa mukha. “And? Do you really have to bring me here? Para ano? Para hindi ka makita ng fans n’yo?” Tss. What a coward. “I know it’s getting out of hand—” “It’s worse than that, Iñigo,” putol ko sa pagsasalita niya. “Kaya pwede ba? Magpakalalaki ka at gawin mo na ang dapat mong gawin, hindi ‘yong dinadamay n’yo pa ako sa relasyon n’yo.” Naging seryoso naman bigla ang expression niya. Kita ko rin ang lungkot, guilt at stress sa mukha niya at hindi ko alam kung bakit pero naalala ko bigla ang high school times namin. Hindi ko na siya nakikitang nakangiti nitong mga nakaraang araw at—wait, ano bang paki ko sa kanya? Tss. Magdusa siya. “I know, Chloe, pero kahit anong gawin natin, kasama ka na sa gulong ‘to. And I’m really sorry for that.” “Buti naman at alam mong kasalanan mo,” sabi ko habang nakapamaywang. “Though that annoying girlfriend of yours made it worse.” “Meet us tomorrow,” sabi niya at napatigil naman ako sa paggalaw. “What?!” “Let’s face each other, once and for all.” “And why do I need to be there? Kayong dalawa ang dapat mag-usap. Huwag n’yo na akong idamay.” Naglakad ako palayo sa kanya at nilabas ko ang phone ko para magpatugtog paglabas ko rito pero napahinto ako dahil sa ginawa niya. “Please,” rinig ko at nakita ko sa reflection ng phone ko na nakaluhod siya sa direksyon ko. Hindi ko siya pinansin at tuluyan nang lumabas. *** “There’s the bitch.” “Nakita mo ba ‘yong video? Grabe sobrang warfreak.” “Kawawa talaga si Ate Queenie. Hindi naman siya inaano pero bigla na lang binuhusan ng tubig ng babaeng ‘yan.” Tumingin ako sa direksyon nila at ngumiti sa kanila kaya naman napaatras sila. Pathetic. Matapang lang sila kapag may kasama sila pero kapag icoconfront na, mag-uunahang tumakbo. Nakarating ako sa class ko at buti na lang ay wala akong katabi, though most of my classes naman ay empty seat lagi ang katabi ko. Nagsimulang magdiscuss ang prof namin at nasa kalagitnaan ako ng pakikinig nang bigla na lang lumingon ang nasa harapan ko at ngumiti sa akin. “Thanks,” she mouthed and I was confused for a second, then I remembered her face. Siya ang nagtanong sa akin no’ng Monday about doon sa readings. Katrina? Was that her name? Nakalimutan ko na. At bakit ko ba kailangang alalahanin? Tinignan ko lang siya for a few seconds at bumalik na ako sa pakikinig. What’s the deal with her? Ngayon lang ako nakakita ng estudyanteng nag-thank you sa akin. Or baka hindi niya lang alam ang reputation ko sa campus. Diniscuss ni Sir ang readings na binigay niya na about sa great civilizations before. After that ay binigyan niya na naman kami ng readings na about naman sa indigenous people or tribes who are still existing right now. Tumayo agad ako at lumabas sa room dahil may fantards ni Queenie sa klase kong ‘yon at ayaw ko silang makasalumuha. Pababa na sana ako ng hagdan pero napahinto ako dahil sa narinig ko. “Are you friends with that Chloe Esguerra?” “Uhm . . .” “Tinatanong ka kaya sumagot ka.” “A-ah . . .” Lumingon ako at nakita kong nakapalibot ang fantards ni Queenie sa babaeng nag-thank you sa akin. “Pitiful,” sabi ko at sabay-sabay silang napatingin sa akin. “Hindi n’yo ba ako kaya kaya pinagtutulungan n’yo ang babaeng ‘yan?” I smiled at them and I got glares in return. Oh, scary. Nilabas ko rin ang phone ko at mabilis ko silang pinicture-an kaya nagulat ang mga froglet. “Maybe if I show this to Sir, you won’t be able to attend his class anymore since he doesn’t like violent kids,” pagbabanta ko at natahimik sila. Luckily, walang profs na present no’ng nangyari ang scene sa cafeteria before at ‘yong kumakalat na video ay within students lang. Pero ngayong nasa loob pa ng classroom ang prof namin ay pwedeng-pwede kong ipakita sa kanya ‘to. Man, these fantards are not just pathetic, they’re stupid too. Akmang lalapit na ako sa kanila para makapasok ulit sa classroom nang bigla akong hinatak ni Katrina palayo. Ngayon ko lang rin narealize na mas matangkad siya sa akin nang kaunti at mukhang malakas din siya dahil nadala ako sa panghahatak niya. Nilingon ko naman ang tards at ‘yong isa ay nag-middle finger pa sa akin kaya pinicture-an ko ulit at winave ko pa sa kanya ang phone ko. Low class bitches. “Whoa! Akala ko mamamatay na ako,” sabi ni Katrina no’ng makababa na kami. OA naman nito. “Thanks for saving me,” dagdag pa niya kaya naman napatingin na ako sa kanya. “I didn’t save you. It’s just that those are my enemies.” “But still, if you weren’t there—” “Seriously, stop it.” Tinignan ko siya nang masama. “Give those thank you’s to someone else. I’m not that kind,” saka ako naglakad palayo sa kanya pero huminto ako at lumingon. “And if you don’t want that to happen again, don’t involve yourself to me anymore.” In-attendan ko ang iba ko pang klase at no’ng vacant period ko na ay bumili ako sa cafeteria ng lunch. Medyo nag-dalawang isip pa ako dahil baka inaabangan ako ng tards sa lahat ng buildings na may cafeteria rito sa campus. Luckily, wala masyadong tao ngayon dito since malapit nang mag-2 PM. May class kasi ako hanggang 1:30 PM so ngayon pa lang ako magla-lunch. Pagkabili ko ay dumiretso ako sa bench area dahil ayaw kong kumain sa confined space matapos mangyari ang cafeteria incident pero napahinto ako no’ng nandoon na ako. God, bakit ba laging nandito ang lalaking ‘to? Wala na ba siyang matambayang iba? Aalis na sana ako pero nakita niya ako at dahil ayaw kong magpatalo sa kanya ay lumapit ako sa pwesto niya. “Ngayon ka pa lang kakain?” tanong ni Jazer at kumunot ang noo ko. “Obvious ba?” pagtataray ko. At saka obvious naman dahil dala ko nga ang food ko. Minsan sobrang tanga na talaga ng tanong ng mga tao. Ginilid naman niya ang mga gamit niya at umupo ako roon. Nagsimula akong kumain habang siya ay tumitingin-tingin lang sa paligid. Wala nga pala siyang phone para pampalipas ng oras. “Mukhang nagiging close na kayo ng mga kapatid mo nitong mga nakaraang araw,” bigla niyang sabi kaya sinamaan ko siya ng tingin. “As if.” Bigla ko tuloy naalala ang pagkuha nila sa photo album ko last time. Pinaglalabas ni Czanelle lahat ng pictures at muntik pang mapunit ang iba dahil kay Clark. ‘Yon na nga lang ang—nevermind. At ang nakakainis pa, tumatawa lang ang lalaking ‘to habang inaagaw ko sa dalawang bubwit ang pictures ko. Pinagbabato ko silang tatlo ng unan at sinipa ko siya kaya pinagalitan ako ni Nanay Meling. Buti nga at pinakain niya pa ako ng dinner no’n. “Bwisit na mga bubwit,” bulong ko at narinig ko ang pagtawa ni Jazer. “Anong tinatawa-tawa mo dyan?” sabi ko at binigyan ko siya ng matalim na tingin. “Ang cute mo kapag nagagalit,” sabay iling niya pa at hindi ko alam kung sinasadya niya bang ipakita ang dimple niya dahil lalong nakakainis. Pero nang narealize ko kung ano ang sinabi niya ay hindi ko na alam kung ano ang nagawang expression ng mukha ko. Cute? At ako? Sa isang sentence? Yuck! Sinipa ko siya pero nagawa niyang iwasan at tumingin siya nang nakakaloko sa akin. Aba talaga naman! Sisipain ko na sana ulit ang binti niya pero pareho kaming napatigil dahil biglang kumalam ang sikmura niya. Hindi ko alam kung matatawa ako o mang-aasar dahil namumula na ang tenga niya. Umayos siya ng pagkakaupo sabay hawak niya sa tiyan niya. “Kung kumain ka na lang imbes na asarin ako, eh ‘di mas masaya ang mundo,” sabi ko sa kanya. “Kumain na ako,” sagot naman niya. “Sinong niloko mo?” “Totoo nga,” sabay tingin niya sa akin at bigla akong may narealize. Sa ilang beses naming nagsabay kumain ay ngayon ko lang napansin na laging pinakamura ang binibili niya at minsan ay sobrang kaunti pa ng serving. “Nagtitipid ka ba?” tanong ko at hindi naman siya sumagot. Silence means yes. “Sayang sa pera at ang mahal din ng mga pagkain dito. Iipunin ko na lang.” “May ipon ka nga, mamamatay ka naman sa gutom.” Ilang minuto kaming tahimik at dahil busog na ako ay binigay ko sa kanya ang food ko. He looked at me like I did something out of the ordinary and that pissed me off so I shoved the box to his hands. “Hindi naman—” “Bayad ‘yan para sa nangyari sa cafeteria last time,” sabi ko at natahimik siya. “Now shut up and eat.” After that ay tumayo ako at iniwan ko siya roon dahil may next class pa ako. Umattend ako sa afternoon classes ko at agad naman akong pumunta sa parking lot pagkatapos ng huli kong klase. Pagpasok ko sa kotse ay pumikit ako at nagising lang ako no’ng nasa bahay na kami. Dumiretso ako sa kwarto ko at hindi na ako nakakain ng dinner dahil tuluy-tuloy ang tulog ko. *** Saturday. Medyo maaga akong nagising at nagprepare naman agad ako. Nagsuot ako ng simple gray shirt at jeans, at pagkatapos ay bumaba na ako. Hinanda ko na ang sarili ko sa sakit ng ulo na pwede kong makuha pero pagtingin ko sa sala ay wala ang mga bubwit doon. “Aalis ka, Chloe?” Muntik na akong madulas sa hagdan nang bigla nalang nagsalita si Nanay Meling at nakuha niya pang tumawa dahil sa reaksyon ko. Nang makababa na ako sa hagdan ay sinundan ko siya sa kusina. “Opo. Saglit lang naman.” “Umalis nga pala sila. Gusto kasing lumabas nina Chloe at Clark kaya naglakad-lakad sila kasama si Jazer. Mukha kasing hinahanap mo sila.” “Sino namang maysabing hinahanap ko sila?” Ngumiti lang sa akin si Nanay Meling at hinainan niya ako ng breakfast. Kumain naman agad ako dahil gutom na gutom na ako, kagabi pa. After that ay nagpaalam na ako sa kanya. Palabas pa lang ako sa subdivision para kumuha ng taxi nang biglang may tumawag sa akin. Kahit unregistered ay kilala ko na agad kung sino. “Chloe. You’re coming, right?” tanong ni Iñigo pero hindi ako sumagot at in-end ko kaagad ang tawag. After a few seconds, I received a message from the same number. Brook’s Cafe, Chloe, an hour from now. Para saan pa nga ba’t lumabas ako ngayong weekend. After this, I’m going to slap the both of them. Hard. Okay, Chloe. Time to face the stars of the show. |
|