"Damn, look at that," Roi muttered. Nakatayo lang kaming apat sa harapan ng isang camp. It was surrounded by two-meter stone walls and in the middle of the border was a double-leaf door made of wood, hinged on a stone arc. May naka-gray na staff sa entrance kaya naman naglakad papunta ro'n si Arin at sinundan naman namin siya. "Congratulations!" she greeted and she gave the envelope she was holding to Arin. Pumasok naman kami sa loob at lalo lang akong namangha. It looked like an eco-park. There were several cabins arranged into two columns on the left side and beyond the farthest ones was a huge campfire setup. Beside the campfire was a huge pavilion with white columns and red roof while on the northernmost part was a cabin bigger than the rest, an open shed that looked like a store, and another huge cabin right before a stone bridge. On the right side was an array of structures: gazebos of different sizes and designs; playground with recreational equipment designed for young adults; and obstacle courses that contain walls of different heights, stairs, ropes and nets, and muddy water. I couldn’t see what was beyond the trees and the stone bridge but the central area was already impressive enough. I mean . . . whoa. Camp Half-Blood feels. Arin opened the envelope and inside were weird chips and a key. She tried opening the doors using the key and after her fifth attempt, we finally found our cabin. The cabin has a porch lined with wooden railings about three feet in height, and wooden benches were set right below the windows. Pagpasok namin ay may dalawang kwarto kaya naman kinuha namin ni Arin ang mas malapit sa banyo. In fairness, airconditioned ang kwarto at maganda ang banyo. "Thank god nandito ang mga gamit natin," sabi ni Arin at mukhang wala namang kinuha o pinakialaman kaya nakahinga rin ako nang maluwag. "Tayo pa lang ba ang nandito?" tanong ni Roi habang nakasilip sa labas. "Mukha," sagot naman ni Arin. Lumabas naman ako at umupo sa wooden bench sa porch. I closed my eyes, felt the gentle breeze as it touched my skin, and it was relaxing. Pakiramdam ko ay nasa probinsya ako. "That was tiring," Arin grunted and I heard how she plopped herself on the couch. "Mukhang tayo pa nga lang ang nandito," rinig ko kay Roi. "Good thing is, we get to rest," dagdag ni Zion habang nakadungaw sa bintana sa likuran ko. Matapos ang ilang minuto ay pumasok na ulit ako sa loob at nagsimula kaming mag-ayos ng mga gamit. Nang na-segregate ko na ang akin, kinuha ko ang phone ko at humiga sa side ko sa kama. I tried typing an update for my ongoing story but it was getting awkward because of Arin's presence. In the end, I gave up. Nagulat naman ako nang biglang humiga si Arin at medyo na-out of balance pa ako dahil sa pagtalbog ng kama. "Grabe. Ilang oras pa lang 'tong chuchu na 'to, ang dami nang nangyari," she commented and she suddenly turned to my direction. "Paano kaya nila naisip 'to no? Na-e-excite tuloy ako sa susunod na challenges." Naalala ko na naman tuloy ang sinabi kanina ni Ms. Hannah na ite-televise 'to kaya na-stress na naman ako. 'Pag talaga namukhaan ako ng mga kakilala ko, hindi ko na alam ang gagawin 'pag natapos 'to. Papalamon na lang ako sa lupa. Nakarinig naman kami ng ingay sa paligid kaya lumabas kami ng kwarto at naabutan namin ang dalawa na naglalaro ng cards. Sumilip naman ako sa bintana at isa-isa nang nagdadatingan ang mga grupo. Gaya namin ay sinubukan din nilang buksan ang pinto ng iba't ibang cabins. "Anong nilalaro n'yo?" Napatingin ako sa likuran at pinapanood ni Arin sina Roi at Zion na maglaro. Lumapit na rin ako at sisilipin ko pa lang sana ang hawak ni Roi ay biglang may malakas na tunog ang bumalot sa paligid. Napatalon pa ako dahil sa gulat at napasigaw naman si Arin. "Now that you're all here, I welcome you, Challengers, to Camp Juvenile." May speakers din pala sa bawat cabin at may cameras din habang nakaabang naman sa labas ang kanya-kanya naming cameraman. "Your next challenge will be announced at 11:00 so for now, you can rest and know more about each other. All the best!" Pagkatapos no'n ay napalitan ang tunog ng kanta na hindi ko naman alam. Dahil may dalawang oras pa naman ay nakisali kami ni Arin sa laro ng dalawa. We played pusoy dos and we had to teach Arin since she didn't know the game. "Straight," Roi said while setting down his cards. "Hala ang hirap naman. Teka, wala akong matira!" reklamo ni Arin at wala na siyang nagawa kundi mag-pass. "Straight flush," sabi ko naman sabay lapag ko sa limang cards. Jack of hearts na lang ang naiwan sa akin kaya pagkatapos nito ay malaki ang chance kong manalo. "Royal flush," Zion suddenly announced. "And finally, pusoy," then he placed the two of diamonds on top of his royal flush. Or not. Badtrip. I didn't expect him to have that combination. And that little smug on his face was annoying, as if he was telling me, 'I won. Loser.' Ilang rounds pa kaming naglaro at ang pinakamaraming panalo ay si Zion. He was the overall winner with 4 wins, I was next with 3, Roi with 1 and Arin with none. Gusto ko pa ngang mag-isang round pa pero umayaw na si Arin dahil hindi naman daw siya nananalo. "Ang init na. Lakasan natin 'yong aircon," Roi commented and he set the temperature to 16°C. Hinubad niya rin ang jacket niya at hindi ko napigilan ang sarili kong mapatitig sa braso niya. "Whoa. Totoo 'yan?" Arin asked and I realized she was also staring at that. "Ah. Eto?" sabay pakita niya sa amin no'n. "Oo. Got this after graduation." He has a tattoo of musical notes just above his elbow and it was fascinating. Simple yet eye-catching. "Wait. Graduate ka na? Ilang taon ka na ba?" tanong ulit ni Arin. "Twenty one. Kayo ba?" "Twenty one din," Arin replied. "Magt-twenty one pa lang," sabay naming sagot ni Zion. "Oh. Cool. Magkaka-edad pala tayo," Roi remarked. Hmm . . . maybe we were sorted according to our age? Pero mukhang hindi rin dahil may nakita akong ilan na hindi naman magkaka-edad sa isang grupo. Siguro nagkataon lang sa amin? "Gusto n'yo maglaro ng ibang game?" Arin suggested and she stood up to get the four mini whiteboards on the table. "Pass," bigla namang sabi ni Zion at naglakad siya papunta sa kwarto nila. "Oh. Dahil ba nanalo ka na? Playing safe?" Napatigil naman siya pagkasabi no'n ni Arin at tumingin siya nang masama sa kanya. Looked like he was triggered by that statement. Wow. She had already grasped his behavior and knew how to use it against him. That was amazing but also terrifying. Bumalik si Zion sa pwesto niya at nakapaikot ulit kaming apat sa couch habang ine-explain ni Arin ang game. "So basically, huhulaan mo lang ang magiging sagot ng katabi mo. It's a way na rin para makilala natin ang isa't isa in a fun way. Game?" sabay abot niya sa amin ng whiteboards at markers. "Okay, ako ang magsisimula. Ang direction ay pa-ganito," she said, gesturing a clockwise direction. Bale ang mangyayari, my answers should be related to Zion, Zion with Arin, Arin with Roi and Roi with me. "Okay, question number one," pagsisimula ni Arin at napatingin pa siya sa taas. "Hmm . . . favorite color!" Pagkasabi niya no'n ay napatingin agad kami sa kaliwa namin para obserbahan ang itsura ng huhulaan namin. Zion was wearing white shirt and black jeans so I couldn't tell anything. Dahil five seconds lang ang time ay sinulat ko na lang ang una kong naisip. "Game!" Arin exclaimed and all of us showed our answers. I wrote white, Arin wrote gray while the two guys wrote pink. Halos pareho kami ng itsura ni Arin nang makita namin ang salitang pink sa whiteboards nila. "Seriously? Pink?" sabay tingin nang masama ni Arin kay Zion habang nakakunot naman ang noo ko kay Roi. "Hindi ba? Kadalasan ng mga babae, pink ang gusto 'di ba?" depensa naman ni Roi. "No way," sabi ko naman. "Okay, sinong nakakuha ng tama?" tanong ni Arin at tinuro naman kami nina Roi at Zion. "Whoa! So gray and white nga favorite n'yo?" "Ang duga. Obvious 'yong amin," reklamo ni Roi habang nakaturo sa jacket niya. "Kasalanan namin?" Arin countered. Sumunod namang nagtanong si Zion at hanggang sa nakadalawang ikot na kami ay wala nang tumama ulit sa mga sagot. Well, at least, may mga nalaman kami sa isa't isa to the point na pati size ng paa ng isa't isa ay alam na namin. Napatigil naman kami nang may kumatok na staff at si Roi na ang humarap sa kanya. After a few minutes, sinabi ni Roi sa amin na kailangan daw i-surrender ang phones at iba pang gadgets para sa fairness ng challenges. Siyempre, doubtful pa ako no'ng una pero dahil may designated box at number naman pala bawat tao ay nabawasan ang pag-aalala ko. Mukhang hindi talaga kami makakapag-update sa loob ng 40 days. Pagkatapos naming ibigay ang phones namin ay lumabas kami at nag-stay sa terrace. Nasa labas din ang iba at ang ilan ay naglalakad-lakad. Gusto ko nga rin sanang libutin 'tong lugar kaso baka mawala ako. Huminga ako nang malalim at humugot ng lakas ng loob kung saanman saka tumingin sa kanila. "G-gusto n'yo bang lumibot?" tanong ko at napatingin naman sila sa akin. "Pass. Mamayang hapon na lang ako," sabi ni Roi. "Ako rin, Elix. Medyo masakit pa ang paa ko kakalakad kanina," dagdag ni Arin. Nawawalan na ako ng pag-asa nang biglang nagsalita si Zion. "Tara," sabi niya kaya napatitig ako sa kanya. "Uyy," biglang tukso ni Arin at halos sabay kaming tumingin nang masama sa kanya. "Grabe naman kayo! Joke lang, eh." Bumalik muna ako sa loob at kumuha ng cap saka kami naglakad ni Zion. Buti nga at hindi masyadong mainit at presko ang hangin kaya ayos maglakad pero sobrang awkward naman dahil hindi kami nag-uusap. We went to the right side of the camp and walked around to reach the largest gazebo which was surrounded by several statues and labeled flora species. May kubo rin sa likod at nasa paligid no'n ang lahat ng gulay at halamang nabanggit sa Bahay Kubo kaya namangha ako. Sayang lang at wala na ang phone ko sa akin. Ang ganda pa naman sanang picture-an ng view rito. "I have a question—" "OH MY GOD!" Napatalon ako sa gulat nang bigla na lang siyang sumulpot sa harapan ko at maging siya ay nabigla sa reaksyon ko. Paano ba naman kasi, umikot siya sa kubo at nang paliko na ako sa kabilang gilid ay doon siya lumabas. Ang nakakainis pa ay nakita ko siyang nagpipigil ng ngiti. "W-what?" I asked, embarrassed by what just happened. "So you easily get startled, huh?" he said and I glared in return. "Anyway, I just want to ask if you also know—" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil may dumating na ibang tao kung nasaan kami. Paglingon ko ay nakita ko sina Ina at Zey, teen fiction writers at pareho ko silang nakakausap sa social media. "Oh! Elix, right?" sabay turo sa akin ni Zey at ngumiti na lang ako sa kanya. "Si Zion, o!" Ina exclaimed while pointing at Zion. She approached him with a wide smile and I could tell that she was excited. "Hello! I'm Ina! Binabasa ko ang Hollow series mo and it's amazing!" sabay lahad niya ng kamay niya at nag-shake hands silang dalawa. Hindi ko na naintindihan ang pinag-uusapan nila dahil kinausap na rin ako ni Zey pero ang alam ko lang ay ang energetic ni Ina. Kinumusta naman ako ni Zey at sinabi kong okay lang ako. Halos sabay kaming nag-sign up sa site at isa rin siya sa mga una kong nakilala. Madalas pa kaming nakakapag-usap noong bago pa lang kami pero dumalang na katagalan. But still, I was glad that I met her. "Thanks," Zion said and he suddenly put his right hand on my shoulder, making my skin tingle. "Sige, una na kami," sabay tulak niya sa akin kaya napilitan akong maglakad. "Bye!" Nang makalayo kami ay binitiwan niya ako at sinamaan ko naman siya ng tingin. "What was that?" tanong ko. "Sorry. I needed to escape. Can't deal with hyper and energetic people. They drain my energy." Pagkasabi niya no'n ay nawala ang kunot so noo ko dahil gano'n din ako. Well, unless that person is interesting or he or she is my friend. Hindi ko na lang siya pinansin at pabalik na sana kami sa cabin pero napakunot ulit ang noo ko nang lumiko siya sa kung saan. "Saan ka pupunta?" tanong ko at lumingon siya sa akin. "Pabalik sa cabin?" inosente niyang sagot at nakatingin lang ako sa kanya ng ilang segundo. "But the cabin is this way," sabay turo ko sa kabilang side, na kung tutuusin ay sobrang dali lang namang tandaan. "Ah. Is that so?" I saw the uneasiness and embarrassment on his face and I wondered if he was just trying to lighten up the mood or he was serious. My question was answered when he turned to the right again even if the right way was just the straight path toward the gazebo. "Diretso lang," sabi ko habang nakatingin sa likod niya. His shoulders tensed and I couldn't help but smile at his actions. "I know," sagot niya naman. Kaya pala no'ng nasa hotel kami ay lagi lang siyang sumusunod sa amin kapag naglalakad at naghahanap ng kung ano pero siya ang nauna noong na-realize niya ang pagkuha sa mga gamit namin. Sabagay, may numbers naman ang rooms kaya siguro nakita niya agad. Sumabay na ako sa paglalakad niya bago pa siya maligaw sa kung saan. "So you easily get lost, huh?" ganti ko habang naglalakad pabalik at hindi siya nakaimik. He even forced a cough to save himself from embarrassment and that made me chuckle. "Well played," he commented and before I could respond, he increased his pace since we could already see the cabins. "I know," I muttered as I followed him back to our members. I guess I won this time.
Comments
|
Archives
May 2020
Categories |