Purpleyhan Stories
  • Home
  • About
  • Stories
    • Standalone Stories >
      • Novels
      • Novellas
    • Serialized Novels
    • Epistolary
    • Compilations
    • Ongoing
    • Completed
  • Blog
  • Message Board
  • News
  • Downloads

Chapter 27

9/16/2019

Comments

 
​"Here comes the pa-fall!" pang-aasar ni Yna kaya sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan naman ako nina Steff at Jess.
 
Kita n'yo 'tong mga 'to. First day ng sem, ako agad ang target.
 
"Crush ka naman pala, eh. Kaso rejected pa rin. Pfft," dagdag pa ni Jess kaya binatukan ko siya.
"So anong gagawin mo 'pag nakita mo siya?" tanong naman ni Steff.
 
Napabuntong-hininga na lang ako dahil umaga pa lang ay pinagtitripan na nila ako. Dapat talaga 'di ko kinuwento sa mga babaeng 'to ang nangyari, eh.
 
Nandito kami sa garden dahil break naming apat. In fairness, pareho ang vacant period namin sa umaga kapag Monday. Mukhang ma-a-adjust ang schedule ng pagpunta ko sa org.
 
Speaking of org, baka makita ko ro'n si Kevin at 'pag nangyari 'yon ay hindi ko alam ang dapat kong gawin. Things became awkward after what happened at the restaurant. Naalala ko na naman tuloy ang gabing 'yon.
 
He abruptly left after that 'confession' and I didn't know what to do. After a few minutes ay tumayo ako at hinanap siya pero mukhang hindi ko na siya naabutan. Sabi ng staff na nag-assist sa amin kanina ay nabayaran na ang bill namin pero bigla kong na-realize na sinundo nga pala ako ni Kevin sa amin at walang maghahatid sa akin ngayon dahil iniwan niya ako. I guess kailangan kong mag-book ng taxi--
 
"Evening."
 
Natulala naman ako dahil sa entrance ng restaurant ay nakasandal doon si Patrick Reyes. I was still in daze but he started walking toward his car and motioned me to follow him. Dahil gusto ko na ring umuwi ay agad na akong sumakay.
 
There was an awkward silence between us. Hindi ko pa naman siya nakakasama nang kami lang dalawa dahil kadalasan ay kasama namin ang mga kaibigan namin.
 
“Did he call you?” tanong ko pero hindi ako tumingin sa kanya.
“Yeah,” he answered. “Pinapahatid ka niya.”
 
Tumango na lang ako at nanatiling nakatingin sa labas. Pinaandar naman ni Patrick ang sasakyan niya. Hindi pa rin nagsisink-in ang lahat sa akin pero ang alam ko lang, mas matimbang ang lungkot na nararamdaman ko ngayon.
 
Nilabas ko ang phone ko at tiningnan kung may message siya pero wala akong kahit anong natanggap. I viewed our last conversation and I had the urge to text him but I decided not to. Things would be more awkward and it would be better to talk to him in person.
 
“Sorry for his behavior,” biglang sabi ni Patrick kaya napatingin ako sa kanya. “He’s the type of person who would get rid of something that confuses him, instead of understanding it.”
 
Napaisip naman ako sa sinabi niya at mukhang tama siya. Gaya na lang ng nangyari sa Mom niya. There must be reasons to why she left them but he had no intentions of hearing them, even if that meant hurting himself in the process.
 
Huminga na lang ako nang malalim at hinayaan ko na lang siya ihatid ako pauwi. Habang nakatingin ako sa labas ay may nakita akong resto bar kaya lumingon ako kay Patrick.
 
“Ano palang nangyari sa inyo doon sa bar?” tanong ko at nasamid siya bigla. Saglit akong napangiti dahil mukhang napag-usapan na nila ‘yon ni Jess at paniguradong hindi ‘yon naging maganda.
“Ah. That. Sinamahan ko lang siya. He kept drinking but he said he couldn’t get drunk. Sabi ko umuwi na kami dahil baka hinahanap na siya ni Karla pero bigla namang may nagpakita sa amin.”
 
His face suddenly turned grim and it seemed like he was getting angry.
 
“Stan saw us there and it turned out he knew about Kevin’s mom.”
“What? Paano niya nalaman?” That Stan!
“Hindi ko rin alam pero nang marinig ‘yon ni Kevin ay nawala na siya sa sarili niya. They exchanged punches until the security guards held them.”
 
Bigla namang nag-init ang ulo ko dahil sa Stan na ‘yon. Gumaganti ba siya dahil sa ginawa sa kanya ni Kevin dati? Kasalanan naman niya ‘yon!
 
Halu-halo na talaga ang nararamdaman ko ngayon. Naiinis and at the same time, naaawa ako kay Kevin. Medyo natuwa rin ako sa sinabi niya kanina pero mas lamang ang sakit. Galit ako kay Stan dahil nakikialam siya sa buhay ng iba at higit sa lahat, naiirita ako sa sarili ko dahil hindi ako nagpakatotoo.
 
Dahil lumilipad ang isip ko ay hindi ko agad na-realize na nasa tapat na kami ng bahay. Tinapik ako ni Patrick kaya naman doon lang ako natauhan.
 
“Sorry,” sabay tanggal ko sa seatbelt at lumabas ako sa kotse niya. “Thank you.”
Tumango naman siya at tumingin sa akin. “He’ll be alright,” he said. “Just give him some time and he’ll be back to his old self.”
“Yeah. Thank you ulit,” saka ako ngumiti.
 
Pinanood ko naman ang kotse niyang umandar hanggang mawala na ‘yon sa paningin ko pero nanatili akong nakatayo sa tapat ng bahay namin. Tumingala ako at tiningnan ang langit, iniisip kung nasaan siya ngayon at kung ano ang ginagawa niya.
 
“See you next sem, Alice,” naalala kong sabi niya at napahawak ako sa pisngi ko.
 
Nakakainis ka. Isa kang malaking paasa.
 
***
 
“Alisson Diaz! Earth to Alisson! Hello!”
“She’s back.”
“Yup, she’s back.”
 
Napatingin naman ako sa tatlo na nakangiti nang nakakaloko sa akin dahil saglit na lumipad ang isip ko sa araw na ‘yon. Nakakainis. Dati ako ang nang-aasar, ngayon ako na ang pinagtitripan. Humanda talaga ang tatlong 'to 'pag natapos ang problema ko.
 
Pare-pareho kaming pumunta sa kanya-kanya naming klase at nakahinga ako nang maluwag dahil may kakilala ako sa first class ko.
 
"Bebeboy ni Steff!" tawag ko at agad namang lumingon si Darryl. Ewan ko ba sa dalawang 'yon kung paano nila natatagalang tawagin ang isa't isa ng bebeboy at bebegirl. Sobrang corny.
"Uy, Alice ni Kevin!" ganti niya habang nakangisi.
"Ha-ha. Hindi ako sa kanya, 'no," sabi ko naman sabay irap.
 
Umupo ako sa tabi niya at tiningnan naman kami ng iba naming kaklase. Tatlong upuan na lang kasi ang bakante: sa magkabilang gilid niya at sa harapan niya. For sure, maraming gustong tumabi sa kanya pero either nahihiya sila or natatakot. Medyo kilala naman na siguro ako ng iba sa mukha dahil lagi kong kasama ang dalawang Campus Princess. Oo, kami ni Yna ang mga normal nilang kaibigan sa mata ng mga estudyante.
 
"Ouch. Sakit ba?" dagdag niya pa. "Dami kasing may-ari sa kanya, 'no? Buti pa ako loyal."
"Loyal daw. Baka under."
 
Natigil kami sa pag-aasaran dahil may sumigaw sa bandang dulo at pareho kaming napalingon. At mukhang maling move 'yon.
 
"Oh my gosh, dalawang Campus Prince sa class na 'to!"
"Hala, buti talaga in-enroll ko 'tong subject!"
"Girl, mas gwapo pala sila sa malapitan."
 
Humarap ulit ako at pinalangin ko na sana hindi niya ako nakita o napansin pero itong lechugas na katabi ko ay hindi marunong makaramdam.
 
"Oy, Kevin!" tawag niya at nanigas na ako sa kinauupuan ko.
"Hey. Magkaklase pala tayo—"
 
Naramdaman ko na nasa gilid na namin siya kaya agad kong kinuha ang earphones ko at nilagay sa magkabilang tenga ko. As expected, he sat on the other side of Darryl. We were so awkward and Darryl even felt it.
 
"Oh. This is going to be fun," he teased and I wanted to smack his head for making the situation harder.
 
Nag-message naman agad ako sa tatlo dahil 'di ko alam ang dapat kong gawin. Feeling ko ang sama na ng tingin sa akin ng mga kaklase naming babae dahil ang lapit ko sa dalawang Campus Prince.
 
Alice: help help kaklase ko si Darryl at Kevin
Steff: sabi niya nga haha
Jess: bakit sa kanya, nagtetext ka?! sa amin tawag dapat?!
Yna: her bebeboy is special
Alice: so hello ano nang gagawin ko
Jess: tanong mo bakit ka niya ni-reject hahahaha
Steff: di ka ba niya pinapansin?
Yna: confess
 
Napailing na lang ako sa suggestions nila at hindi ko na sila nireplyan. Dapat nga hindi ko na lang sinabi dahil paniguradong aasarin na naman nila ako pag nagkita kami.
 
Pinilit ko namang huwag tumingin sa direksyon niya pero nakaka-tempt. Parang mas gusto ko siyang tingnan dahil pagkatapos ng gabing 'yon ay hindi ko na siya nakita.
 
Na-miss ko siya.
 
Ayan na naman. Ang bigat na naman ng pakiramdam ko dahil naalala ko ang nangyari sa amin. Lagi kong iniisip ang what ifs noong gabing 'yon.
 
What if umamin ako sa kanya bago siya umalis? What if nalaman niya na gusto ko rin siya? What if naging totoo ako sa feelings ko para sa kanya?
 
Pero hindi lang naman 'yon ang problema. Takot siyang magmahal. Takot siyang mag-commit. Takot siyang magaya sa parents niya.
 
I realized one-sided or unrequited love wasn't the only kind of pain. There were other kinds, too. Just like my case. We like each other but I was afraid to tell him and he was afraid to accept his feelings.
 
Dumating naman ang prof namin kaya tumahimik ang buong klase. As usual, orientation lang at introduction sa subject ang diniscuss kaya maaga kaming dinismiss. Mabilis akong umalis sa room dahil hindi ako makahinga nang maayos. Gusto ko siyang kausapin pero parang walang chance. Ni hindi man lang siya tumingin sa direksyon ko.
 
Habang naglalakad ako sa corridor ay iniisip ko kung ano ang dapat kong gawin. I was lost in thought that I didn't notice someone standing in front of me. Napatingin ako at halos manlaki ang mga mata ko nang nakita ko si Stan. He looked at me disapprovingly and I glared in return.
 
"You . . ." he muttered. Mukhang naalala niya ako pero hindi ako umatras.
"Excuse me," mataray kong sabi dahil nakaharang siya sa daan pero bigla naman niya akong hinarangan. Ano bang problema nitong bwisit na 'to?
"May atraso ka pa sa akin, Alice."
 
Kinilabutan ako nang sabihin niya ang pangalan ko. Hala, kilala niya ako. Gagantihan na ba niya ako dahil sa pagbato ko sa kanya ng phone ko dati? Pero teka, kasalanan naman niya 'yon! At isa pa, siya rin ang may kasalanan kung bakit gano'n ang itsura ni Kevin noong nagkita kami.
 
"I just save someone from getting harassed. Hindi 'yon atraso," sabi ko at saka naglakad pero hinarangan niya ako at ng dalawa niyang kaibigan.
 
Nagsimula na akong kabahan dahil nasa dulo kami ng corridor at kung may makakita man ay paniguradong hindi nila ako tutulungan dahil Campus Prince siya. Bakit ba ang malas ko ngayon?!
 
"Fine. Then let's see if someone will save you."
 
I wasn't a damsel in distress. Hindi ko kailangan no'n dahil kaya ko ang sarili ko. Ganito na lagi simula noong elementary lalo na noong high school dahil kailangan kong protektahan sina Steff at Yna na parehong tahimik kapag may umaaway sa kanila.
 
But this was different. I tried pushing them away but they didn't budge. Parang ipinamukha sa akin ang kaibahan ng lakas namin. Nakaramdam ako ng takot at gusto ko nang tawagan sina Steff para humingi ng tulong.
 
Bigla namang lumapit si Stan kaya napasandal ako sa pader. Nanlalambot na ang tuhod ko at naiiyak na ako pero hindi ako nagpatinag. I still glared at him but he just laughed.
 
"See? Walang mag—"
"Touch her and I'll break your face."
 
The next thing I knew, I was already facing someone's back. May humarang sa pagitan namin at napaatras naman si Stan, maging ang mga kaibigan niya.
 
"K-Kevin . . ." I softly said while holding his shirt, relieved that he appeared before me.
"Huwag kang makialam dito Fue—"
"This is your third strike, Stan," seryosong sabi niya at maging ako ay natakot sa tono niya. "And your final warning. Don't mess with my women."
 
Pagkatapos no'n ay hinatak niya ako palayo at pare-pareho kaming 'di makapaniwala sa nangyari. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero nagpahila lang ako sa kanya dahil wala na ring lakas ang tuhod at kamay ko. Tiningnan ko ang likod niya habang paulit-ulit niyang sinasabi ang mga salitang 'yon sa isip ko.
 
Buti na lang talaga at hindi siya lumilingon dahil sobrang pula ng mukha ko ngayon. Pakiramdam ko lalabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok no'n. I didn't expect him to interfere but I was really thankful for his action. I wanted to talk to him but I was scared.
 
Huminto naman siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Nasa likod kami ng building, malapit sa green field, at dahil nasa open space na kami ay medyo nakahinga na ako nang maayos.
 
"Okay ka lang?" tanong niya habang nakatalikod pa rin.
"Y-yeah."
"Sige, alis—" Akmang bibitiwan na niya ang kamay ko nang higpitan ko ang hawak sa kanya kaya napatigil siya.
"Pwede bang ako naman ang maging selfish?" I muttered.
 
He was still facing the other way but his shoulder stiffened. Hindi ko alam kung tama ba 'tong gagawin ko pero na-short circuit na yata ang utak ko ngayon kaya wala na akong pakialam.
 
"Pwede bang huwag mo nang pigilan ang nararamdaman mo?" I breathed deeply and squeezed his hand. "Kasi gusto rin kita, Kevin. Matagal na."

<< Chapter 26
Chapter 28 >>

Comments
comments powered by Disqus
    Picture
    back to crowned
    ​princess page

    Archives

    September 2019

    Categories

    All

Powered by Create your own unique website with customizable templates.
  • Home
  • About
  • Stories
    • Standalone Stories >
      • Novels
      • Novellas
    • Serialized Novels
    • Epistolary
    • Compilations
    • Ongoing
    • Completed
  • Blog
  • Message Board
  • News
  • Downloads