To love is to learn. To learn is to be hurt. And to be hurt is to be loved. Hindi lahat ng prince charming natin ay ‘yung mga heartthrob, varsity players or Casanovas. Minsan, siya ‘yung frog prince na kailangan munang makilala bago husgahan. ‘Yung hindi mo inaasahang mamahalin mo pala. Sweet part of loving is to admit that you have fallen in love with someone you didn’t mean to love from the start. Hindi ko akalain na sa isang geek o nerd ako maiinlove. ‘Yung dating binubully, ‘yung dating inaasar au hinahangaan na ngayon. Nagmahal na ako ng maraming beses. Nasaktan na ako ng maraming beses kaya nakakatakot magmahal. Pero hindi naman ibig sabihin na kapag nasaktan ka ay titigil ka nang magmahal. Sometimes, you just have to get rid of the old feelings to make room for new ones. As for Roj, kami na and people are congratulating us. Depite all the hindrances, kami pa rin pala sa huli. Si Ivan at Ziela, engaged pa rin. Pero parang nililigawan pa rin ni Ivan si Ziela kaya mas lalo akong kinikilig sa kanila. Si Raya naman, ayun may bagong binibiktima. Ewan ko ba kung bakit may pumapatol pa rin dyan. As of now, I’m happy. I’m contented. I don’t need a perfect guy who has a beautiful face and body. I just need a guy who makes my day perfect. A guy who laughs with me. A guy who can kiss me in front of everybody. A guy who loves me no matter what. And a guy, who can teach me how to love, every day and every night. And that guy, is Roj. My love tutor. And here we are, ending our LOVE TUTORIAL, because starting today, it’s beyond REAL.
Comments
Halos hindi ko makilala ‘yung place na isa ako sa nagdesign dahil ang ganda. Hindi mo akalaing ito ang empty Event Hall na dinedesignan namin kamakailan lang. Hindi ko rin makilala yung mga tao since nakamask nga kami. Ang alam ko lang ay si Ziela at Ivan since sila lang ‘yung nakita ko before kami pumunta dito. Halos lahat ng nakikita ko ay may partner or date. Pero ayos lang, hindi naman ako nandito para makipagdate or something. I’m here to enjoy. Besides, andito naman ‘yung friends ko. Maya-maya lang ay nagstart na ‘yung cotillion. Actually, dapat kasama kami ni Ziela dun pero nagback-out kami dahil dun sa pageant. Hassle kasi. Then y’ung parang ginagawa sa JS, eh nagkainan tapos kaunting salitaan. Pero syempre, ang hinihintay ng lahat, ‘yung slow dance. Magkakasama kami sa table nila Ivan at Zie tapos may isang bakanteng upuan. Hindi ko alam kung sinong nakaupo since may bag na nakalagay. May banda pala sa harapan tapos sila ‘yung tumutugtog ng mga kanta para sa slow dance. Kaso hindi kita yung mukha nila since nakamaskara rin sila. Syempre, isinayaw ni Ivan si Ziela. Ako naman ay naiwan dito. Bigla ko namang naaninag si Raya, dahil tinanggal niya saglit ang maskara niya, na may kasayaw na lalaki. Tsk. May bago na naming bibiktimahin ‘tong babaeng ‘to. Grabe lang. Kukunin ko na sana ‘yung glass sa harapan ko para uminom pero nagula ako nung may kamay na nakaabang sa harapan ko. Pagtingin ko, isang lalaking nakamaskara pero tinanggal niya yung maskara niya... “Kuya Gab!” then inabot ko at isinayaw niya ako sa gitna. Wala kaming ginawa kundi pagkwentuhan si ate Audrey, ‘yung crush niya. Secret lang namin ‘yun at sinabi niyang kinikilig daw siya kahapon nung nag-uusap sila ni ate Audrey sa backstage. Walanghiyang kuya Gab ‘to, ang landi! Isinayaw rin ako ng iba kong classmates. Hindi ko nga alam kung sino ‘yung nagsasayaw sa akin since nakamaskara kaming lahat. Tapos maya-maya ay inanounce na ‘yung last five dance. At dahil masakit na rin ang paa ko ay umupo muna ako tapos hinilot ko ang binti ko. Grabe baka bukas o kaya mamaya ay may paltos na ako. Napatingin naman ako ulit doon sa bag sa upuan na nasa tabi ko. Since wala namang nakatingin ay kinuha ko ‘yung bag at binuksan ko dahil nacurious ako. Baka kasi kay Zie or Ivan lang din ‘to. Pero nung binubuksan ko na ay biglang may umagaw sa akin—lalaking nakamaskara. Kinabahan nga ako dahil baka mamaya ay magalit since pinakialaman ko ang gamit niya. Gosh, akala ko kay Ivan o kay Zie! “Sorry,” tapos yumuko ako sa kanya. Hala lagot ako. Kasi naman Venice napakapakialamera mo! Pero nagulat ako nung bigla niyang hinawakan ‘yung chin ko at itinaas yung ulo ko. Napatingin ako sa mga mata niya. Nagulat ako dahil pamilyar ang maskara niya. Siya ‘yug tumutugtog at kumakanta sa banda kanina! Student lang pala siya? Akala ko arkilado ng school! “Smile, Ms. Tutor.” Pagkasabing-pagkasabi niya nun ay lumakad siya palayo dala-dala ang bag niya, kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Saka lang nagfunction ang utak ko at narealize ko kung sino siya. Ms. Tutor, huh. Bakit ba hindi ko nahulaan sa boses niya na si Roj yung kumakanta?! Wow, nasa banda na rin siya ngayon? At kung makapagsalita siya ngayon parang walang nangyari kahapon. Haay, siguro nga, ayaw na niya. Siguro nga, sumuko na siya. Iniisip ko palang ‘yun, gusto ko ng umiyak. Bakit kasi ngayon ko lang narealize na mahal ko siya? Bakit ngayon lang kung kailang pagod na siya? Lahat ng effort niya, sinayang ko. Lahat ‘yun, binalewala ko. Gusto kong umiyak, pero hindi dito. Tumayo ako at pupunta sana ako sa labas nung bigla kong naisip...bakit ba hindi naman ako ang mag-effort para sa kanya? Pwede namang ako naman ‘di ba? Kaya lumakad ako pabalik. Palapit sa harapan. Kinakabahan ako pero minsan ko lang naman ‘to gagawin eh. Minsan lang ako mag-effort pag si Roj ang pinag-uusapan. Maliit na bagay lang ‘to kumpara sa lahat ng nagawa niya sa akin. Hindi ko namalayan na nakarating na ako sa unahan, kung nasaan ‘yung banda at alam kong nakatingin sa akin ang lahat. Maglakad ba naman ako nang mabagal papunta sa harapan eh. Masyadong agaw-pansin. Pero wala akong pakialam sa kanila. Si Roj ang pinunta ko dito. Maging siya ay nagulat sa ginawa ko dahil nasa harapan na niya ako ngayon. Ano Venice? Tatayo ka na lang ba dyan at tititigan siya? Itinaas ko yung kamay ko. Gusto ko siyang isayaw. Gusto kong makasama ‘yung taong mahal ko ngayon. “May I?” Nakita ko sa mga mata niya na nagulat siya sa ginawa ko. Sino ba namang hindi magugulat kung babae ang nagyaya na magsayaw? Pero mas ikinigulat ko nung kinuha niya ‘yung kamay ko. At mas nagulat pa ako nung maghiyawan ‘yung mga sumasayaw, pati ‘yung teachers namin. Tumingin ako kay Roj na nakangiti sa akin. Meron pala siyang lapel. Tinanggal niya ‘yung maskara niya, pati yung maskara ko. Dinala niya ako sa pinakagitna at pagtingin ko, gumilid lahat ng sumasayaw. In short, kami ang center of attention ngayon. Tahimik lahat. Paghinga lang ni Roj ang naririnig galing sa lapel niya. Walang tumutugtog sa banda. Pero bigla akong hinawakan ni Roj sa may bewang, at kasabay nun ay tumugtog ang banda at kumanta si Roj. “Heart beats fast Colors and promises How to be brave How can I love when I'm afraid To fall But watching you stand alone All of my doubt Suddenly goes away somehow” Nakatingin lang siya sa mga mata ko habang kumakanta at isinasayaw ako. Ang alam ko lang ngayon ay ngumiti. Pero hindi ko napapansin na umiiyak na naman pala ako. Kaya agad na iniangat niya ‘yung kamay niya at pinunasan ang luha ko. Pagkatapos nun ay yumakap na ako sa kanya, habang siya ay sinasayaw pa rin ako. “One step closer” Nagulat ako nung narinig kong nagpalakpakan ‘yung mga tao sa paligid. Hindi ko na sila sinubukang tignan. Kumportable ako ditong umiiyak sa dibdib niya. Umiiyak dahil sa tuwa. Uniiyak dahil sa wakas, natupad na yung matagal ko ng pinapangarap. ‘Yung maramdaman na may nagmamahal sa akin. “I have died everyday waiting for you Darlin' don't be afraid I have loved you for a Thousand years I'll love you for a Thousand more” Tinapos niya ‘yung kanta habang isinasayaw ako at habang nagpapalakpakan ang mga tao sa paligid namin. Sana hindi na matapos ‘tong gabing ‘to. Sana ganito nalang palagi. “I’ll love you for a thousand more...” Natapos ‘yung kanta pero tumutugtog pa rin ‘yung banda. A Thousand Years pa rin pero instrumental lang. Napatingala ako at nakita kong nakatingin si Roj sa mga mata ko habang ‘yung mga tao sa paligid namin ay naghihintay ng kung anong gagawin niya. “Tsk. Sinira mo yung plano ko,” sabi niya sa akin, tapos nagtawanan ‘yung mga tao. Bigla siyang tumingin sa harapan kaya napatingin rin ako. ‘Yun pala ang laman ng bag—isang scapbook. ‘Yung project namin sa Values. Ang laman ng scrapbook niya ay puro pictures namin nung time na minamakeover ko siya. Bigla siyang may kinuha sa bulsa niya, at nakita ko na ‘yun ‘yung makapal niyang salamin dati, at saka niya isinuot. “Ako pa rin si Roj. ‘Yung Roj na nerd na tinulungan mo dati. ‘Yung Roj na binigyan mo ng softdrinks. At ‘yung Roj na mahal na mahal ka.” Wala na akong masabi pa. Parang hinatak ‘yung dila ko at hindi na ako makapagsalita. Nakatingin lang ako sa mukha niya habang nakangiti. “Love Tutorial. I’ll teach you how to love, but please don’t ever cheat,” sabay buntung hininga niya. “First. Be close with her.” Bigla niya akong hinila papalapit sa kanya tapos isinayaw na naman niya ako. Hindi ko alam pero kinilig ako bigla at napangiti. “Second. Look into her eyes.” Ginawa niya rin agad ‘yung sinabi niya at tinignan niya ako sa mata. ‘Yung mga mata niyang sobrang ganda na hindi ko maiwasang tignan dati noong nilalagyan ko siya ng contact lens. “Third. Make her smile.” Bigla niyang hinawakan ‘yung lips ko at finorm niya ng smile. And I really smiled at his gesture. Nakakatuwa. Hindi ko alam kung para saan ‘to pero natutuwa ako. “And fourth. Confess.” Bigla niya akong hinila ulit at sobrang lapit na ng mukha ko sa mukha niya. Pero ang mas ikinagulat ko ay nung bigla niya akong hinalikan sa labi. Narinig ko ang tilian, sigawan maging ‘yung flash ng mga camera sa paligid pero hindi ko pinansin. Tinanggal ko ‘yung salamin niya at saka ako pumikit at hinintay na maghiwalay ang mga labi namin. Hindi rin nagtagal at dumilat ako kasabay ng paghiwalay ng labi niya sa akin. Maging ako ay nagulat sa ginawa ko. That was...my first kiss. Kahit si Richard dati na first boyfriend ko ay hindi ko hinalikan. “I love you so much Venice. At binabawi ko na ‘yung sinabi ko kahapon na papakawalan kita.” Nginitian ko siya at sobrang nagdiwang ang kalooban ko sa narinig ko. “I’ll also teach you how to love,” sabi ko rin sa kanya habang nakangiti ako. Hinawakan ko ‘yung kwintas niya na may pendant nung sa coke in can at tinanggal ko ‘yun mula sa leeg niya. “Forget about the past. All the hatred, the pain, the sorrow.” Hinagis ko ‘yun sa likuran at binalik ko ulit ‘yung tingin ko sa kanya. Lumapit ako sa kanya to the point na magkadikit na ‘yung mga noo namin. “Welcome to my heart, Mr. Roelle James. Please stay forever.” And I kissed him with all my heart. Biglang tumugtog ulit ‘yung A Thousand Years, and this time, lahat sila ay nagpalakpakan. “Guess we have our Prom King and Queen!” Bigla kaming sinabitan ng sash at crown tapos pinicturan kami ng pinicturan. “Thanks for being my tutor,” bulong niya sa akin tapos kiniss niya ako sa forehead. “And thanks for being my tutee...and my love tutor,” sabi ko habang natatawa at hinalikan ko siya sa pisngi. And that’s how we end the night. Full of love and bounded by kisses. Ayokong umiyak dito kaya tumayo ako at tumakbo papalayo sa stage. Palayo sa mga tao. Palayo sa kanila. Tumakbo ako hanggang sa gate at hanggang makalabas ako. “VENICE!” Narinig ko si Ziela na tinatawag ako pero hindi ko siya nilingon. Ang alam ko lang ngayon, kelangan kong lumayo dito kasi nasasaktan na ako. Sobrang nasasaktan ako. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa sumakit ang paa ko. Ang alam ko lang ay nasa playground ako ngayon sa park na malapit sa school. Walang katao-tao rito dahil gabi na. Umupo ako sa swing at tinanggal ang sapatos ko. Ano na kayang nangyayari doon ngayon? Siguro pinag-uusapan na ako doon. Siguro sinasabihang maarte dahil nagwalkout mula sa pagpapasa ng korona. Mag-isa lang ako rito. Madilim at sobrang lamig ng paligid pero parang hindi ko masyadong maramdaman lahat ‘yun dahil isa lang ang nararamdaman ko ngayon—nasasaktan ako. Siguro nga kasalanan ko rin. Ako naman ang laging may kasalanan eh. Hindi ko kasi ginagamit nang maayos ang isip ko kapag nagdedesisyon. Bakit kung kailan ko narealize lahat, at saka nagkaganito? Bakit kung kailan handa na akong tanggapin lahat, at saka pa ako nasasaktan ng sobra? Ang sakit na ng mata ko sa kakaiyak. Pero at least dito, okay lang na humagulgol at magwala dahil wala namang makakakita sa akin. “Venice!” Napatingin ako sa kaliwa at nakita ko sina Ziela at Ivan na tumatakbo papalapit sa akin. “Go away!” Isinigaw ko nang malakas sa kanila. Ayoko ng kasama. Gusto ko munang mapag-isa. Pero nakita kong pinaalis ni Ziela si Ivan at lumapit siya sa akin. “I said go away, Zie!” “No Venice! Hindi kita iiwan ditong mag-isa! Alam mo ‘yan! Hindi ko hahayaan na ikaw lang mag-isa yung umiiyak!” then bigla niya akong niyakap. Pati siya umiiyak na rin. Hindi ko na napigilan yung sarili ko. Ang sakit talaga. “Ziela, ang sakit sakit eh...Nasasaktan ako sa mga nakikita ko. Bakit ba kasi nito ko lang narealize? Bakit ba kasi nagbulag-bulagan ako?” “Sa tingin mo bakit ka nasasaktan?” tanong niya sa akin habang hinahagod ang likuran ko at patuloy pa rin siyang nakikisabay sa pag-iyak ko. “Kasi kaibigan—” bigla niyang pinutol yung sasabihin ko. “Hindi ka nasasaktan dahil kaibigan mo siya. Nasasaktan ka dahil mahal mo siya Venice. Mahal mo si Roj.” “Mahal ko siya. Pero iba mahal niya.” Nasabi ko bigla. Naalala ko nung bigla siyang hinalikan ni Raya kanina. Sa harap ng madaming tao. Sa harapan ko. “Si Raya? Isa pa ‘yung babaeng ‘yun eh. Pagkatapos kasing magsagot ni Roj kanina sa Q&A, bigla siyang sumigaw ng ‘don’t let me go’ dahilan para pansinin siya ng mga tao. Akala nila, si Raya ‘yung tinutukoy ni Roj sa sagot niya.” “Eh sino nga ba?” “Itanong mo sa sarili mo, Venice.” Pagkatapos niyang sabihin yun ay bigla niya akong binitawan at tumayo. “Pagbibigyan kita ngayon Venice. Aalis muna ako, kung gusto mong mapag-isa.” Nung umalis siya, mas lalo akong naiyak. Oo mahal ko siya. Dati pa. Pinipigilan ko lang na aminin sa sarili ko. Nung mga oras na nagmomove-on ako kay Ivan, siya ‘yung nasa tabi ko. Siya ‘yung nagpapasaya sa akin. Siya ‘yung laging nandyan para sa akin. Kapag kasama ko siya, parang wala akong problema. Lagi lang akong nakangiti at nag-eenjoy sa company niya. Pero anong ginawa ko? Ginamit ko lang siya. Sinaktan ko lang siya. Siguro nga karma ko ‘to. Na maskatan ako dahil sa ginawa ko sa kanya. Pero ngayon ko lang din narealize, na nasasaktan ako kasi mahal ko siya. Nasasaktan ako kasi nagselos ako kanina. Sa kakaiyak ko, biglang sumakit ‘yung ulo ko. Nung tumayo ako ay biglang nandilim ang paningin ko. Pero bago tuluyang dumilim, ay may nakita akong tao na tumatakbo papalapit sa akin habang tinatawag ang pangalan ko. “Roj…” At tuluyan nang nagdilim ang paligid. *** Pagkagising ko, nasa kama na ako. And to be specific ay sa kwarto ko. Hindi ko masyadong maidilat ‘yung mata ko dahil mugtung-mugto sa kakaiyak ko. Sakto namang pumasok si Daddy, si Ate at si Mommy. Wow, umuwi pala si Mommy, hindi ko man lang alam. “Anak, ayos ka na ba? Wala bang masakit sayo? Wala ba—” biglang umiyak si Mommy habang hinihimas yung buhok ko. “Okay lang ako, Mom,” tapos pinunasan ko ‘yung luha niya. Ngayon ko na lang ulit siya nakitang umiyak ng ganito. Kasi hindi naman siya emotional pagdating sa amin eh. Cold siya sa amin ni Ate. Pero dahil dito, nalaman kong nag-aalala rin pala siya sa amin kahit papaano. Kinausap lang nila ako. Sinabi ko naman kung anong nangyari, pero hindi ko sinabi ‘yung tungkol kay Roj. Ang sinabi ko lang ay nahimatay ako sa may playground. Pero alam kong hindi naniniwala si Ate. Alam kasi niya lahat ng tungkol sa akin. Maya-maya pa ay umalis na sila at naiwan ako sa kwarto. Napalingon naman ako sa kanan at nakita ko ang isang magandang silver na gown. Napangiti ako bigla. JS Prom na pala mamaya. How great. Pupunta pa ba ako? Inabot ko ang phone ko na nasa side table ko at pagtingin ko, 84 missed calls. 13 from Ziela 9 from Ivan 7 from Kuya Gab 10 from Ate Audrey 27 from Roj 8 from Daddy 10 from Ate Steff Wow lang, busog ang phone ko. Walang messages. Oh well, alam naman nila na hindi ako mahilig magbasa ng messages eh. Paminsan-minsan lang kapag natitripan ko o kaya pag sinisipag ako. Napangiti ako dahil nalaman kong nag-aalala pala sila para sa akin. Pinilit kong tumayo at lumabas ng kwarto ko. At nagulat ako nung nasa nakita ko sa sala sina Ziela at Ivan. “Bakit kayo nandito?” Napatingin agad sila sa akin at tumakbo paakyat sa hagdan. “Ven !” tapos bigla akong niyakap ni Ziela. Muntik na nga kaming matumba, buti nakahawak agad ako sa railings. Pagkatapos nun ay bumaba kami at dumiretso sa sala. Nandito raw sila para kumustahin ako since nalaman nila kay Roj na nahimatay nga ako. At dahil nacurious ako, tinanong ko sila kung anong nangyari kagabi. “Bumalik kami sa school, pero nakasalubong namin si Roj na tumatakbo at tinanong kung nasaan ka. Kaya sinabi namin. Tapos pagbalik namin sa school, nagkakagulo na. Tapos nalaman namin na ipinahiya pala ni Roj si Raya sa harap nila at sinabing hindi siya ‘yung babaeng tinutukoy niya. Ayun, nagwalkout ang bruha. Buti nga sa kanya. Pasalamat siya hindi ko siya naabutan dahil kung hindi...naku! Baka kalbo na siya ngayon!” Natawa na lang ako sa kanya dahil gigil na gigil siya. Bigla ko namang napansin na pareho silang may singsing. “Teka, teka, ano ‘yan?” sabay turo ko sa singsing na suot nila. Bigla siyang namula at napayuko kaya napangiti ako. “Ah eto ba? Kasi...tuloy pa rin,” tapos napakamot ng batok si Ivan. Napangiti naman ako sa kanilang dalawa. Hanggang sa maglunch ay inaasar ko pa rin sila. Nakakatawa kasi parehas silang nagmumukhang kamatis pag inaasar. Ang cute cute lang. Pagpatak ng hapon ay nagsimula na kaming ayusan ni Mommy at ni ate Steff. Kaya pala umuwi si Mommy dahil gusto niya, siya raw ang mag-aayos sa akin para sa JS. Syempre natouch ako dun. Minsan lang siya umuwi sa Pilipinas dahil may business kami abroad. Nalaman ko rin na silver din ang gown ni Ziela kaya parang terno kami. Ang cute cute nga eh. Parehas kami ng kulay. Siya ang unang inayusan kaya pinanuod ko lang sila. Itinaas ‘yung buhok niya. Cute updo ang ginawa then nilagyan ng design na parang lace ‘yung paligid tapos make-up na nagmamatch sa skintone niya. Para siyang prinsesa, swear. Ang ganda-ganda ng best friend ko. Nga pala, umalis muna si Ivan at umuwi sa kanila para rin magprepare. Then after niya, ako na yung inayusan. Nilagyan ako ng extension tapos kinulot at nilagay sa isang side. Simple lang. Light lang din ang make-up na ginawa and then, we’re ready! Kinuha na rin namin ‘yung masks namin dahil masquerade ang theme ng JS namin nagyon. Para ngang walang nangyari kagabi at nagmukha kaming fresh ni Ziela eh. Well, si Mommy ang nag-ayos eh. Magaling siyang make-up artist at kilala siya sa ibang bansa. Hinintay lang namin si Ivan at ‘yung car niya. After fifteen minutes ay lumabas kami dahil bumusina na siya. “Ready for the night, girls?” tanong sa amin ni Ivan habang pinagbubuksan kami ng sasakyan. “Ready!” Pumasok kami sa loob at nagdrive papunta sa school. Magsasaya ako ngayon. Kakalimutan ko muna lahat ng problema ko. Enjoy this night, Venice. That was the question I submitted. Bakit naman sa dinami-dami ng tanong ay ‘yun pa ang nabunot niya?! Biglang iniabot sa kanya ang mic kaya lalo akong kinabahan. No...no...don’t answer that question. Please. Please, Roj. “I will thank her,” sabay tingin niya sa akin. Sobrang bumilis ang tibok ng puso ko at natulala ako sa kanya kahit na gusto kong iiwas ang paningin ko. Pagkatapos niya ‘yung sabihin ay nagkaroon na naman ng bulung-bulungan. Petrified and all, tumingin na lang ako sa kanya. “Magpapasalamat ako na ginamit niya ako. Why? Simple. So that I can help her realize, that I’m willing to be her toy or something, for her happiness. That I’ll do anything for her, even if it involves using me. I’ll be at her side until the end. Handa akong gawin lahat, kahit masaktan ako, makita ko lang na masaya siya. Even if it hurts, even if it means breaking my heart, I will not regret anything, because I love her. Love is about happiness. And I’m willing to sacrifice my own happiness to make her happy. After all, love is not perfect. One may cry and one may smile. But the best thing about love is...sacrifice. That’s how genuine love is. Pero may limitasyon din ang pagmamahal. Hindi naman habangbuhay, ay kailangan mong magsakripisyo. Minsan, mas magandang bumitiw ka na lang. Tanggapin na hindi kayo ang para sa isa’t isa. At ngayon, gusto kong sabihin sa harapan ninyo, sa harapan ng taong mahal ko...” Tumahimik bigla ang lahat. Paghinga lang ng niya ang naririnig mula sa mic. “That I’m letting you go.” After his answer, nagkaroon na naman ng standing ovation at hindi ko alam kung bakit. Until I realized, umiiyak na pala ako. No, umiiyak na naman ako. Lahat ng sinabi niya, tumagos. Unti-unti kong narerealize lahat. Pagkatapos ng sinabi niya. Unti-unti kong nararamdaman lahat. Nagkaroon ako ng excuse para umalis dito. Sinabi kong magpapalit na ako ng gown since after nito ay formal or night attire na then awarding na. Pumunta ako sa prep room nina Zie at kinuha ko ‘yung paperbag kung saan nandun ang red gown na susuutin ko. Nagpatulong lang ako sa assistants ni Ziela para maisuot ko ‘yun at dumiretso ako sa CR. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. So that I can help her realize, that I’m willing to be her toy or something, for her happiness. Kaya ba siya pumayag na magpamake-over, kahit alam niyang ginagamit ko lang siya? Why Roj? Bakit ako? Siguro thirty minutes akong tumambay sa CR, nagmumuni-muni. Iniisip lahat ng nangyari ngayong gabi. Lahat ng nangyari sa amin ni Roj. Mula nung makilala ko siya, hanggang sa naging awkward kami sa isa’t isa, at hanggang sa gabing ito. Ano na nga bang nangyari sa amin? Bakit kami nagkaganito? Ayos naman kami dati ah? Nakakapag-usap kami ng matino. Pero ngayon... Parang wala na. Parang may hiyawan kanina sa labas pero hindi ko na lang pinansin. Baka nagchicheer lang sila sa mga candidates. Pero naalarma ako nung nagvibrate mula sa kamay ko ang phone ko kaya sinagot ko agad. “Hello?” “Venice, asan ka na? Malapit ng iannounce yung winners!” Bigla kong naibaba ‘yung phone ko nung marinig ko si ate Audrey sa kabilang linya at tumakbo ako nang mabilis papunta sa backstage. Buti na lang at hindi ako nadapa or something dahil tumakbo ako ng naka-heels. “Oh andito na si baby Venice.” Napatingin ako kay kuya Gab na naghihintay ata sa akin. “Akala ko nawawala ka na naman. Oh sige, umakyat na kayo dun,” sabi ni ate Audrey. Nagmouth nalang ako ng sorry before kaming umakyat sa stage. Habang umaakyat kami sa stage, napansin ko si Ivan na umiiling sa akin. Teka, may nangyari ba habang nasa CR ako? “And now, to pass the crown, let’s all give a round of applause to Mr. Venoso and Ms. Damian, last year’s Mr. and Ms. Amarrison!” Nagpalakpakan ang mga tao at tulad namin, naghihintay kung sinong mananalo. Matapos ang fifteen seconds na drumroll at pagpigil ng hininga, “Our Mr. and Ms. Amarrison for this year are Ms. Ziela angeli Wilson and Mr. Roelle James Morales!” Pumalakpak ako dahil nanalo yung section namin. Wow! I’m so proud of them. Ang galing nila. At halos hindi ko na marinig yung pinagsasabi ng mga MC sa sobrang lakas ng palakpakan at hiyawan. Nung umakyat sila sa stage, kiniss ko si Ziela sa cheeks at kinongrats ko siya. Then pinasa ko sa kanya ‘yung crown and ‘yung sash pati ‘yung bouquet of flowers na hawak ko. Nung icocongratulate ko na si Roj, ay biglang hindi ko inaasahan ang nangyari. May umakyat sa stage at lumapit kay Roj, dahilan para maitulak ako at matumba. Pero hindi ang pagtumba ko ang dahilan kung bakit ako nasaktan, kundi... Ang paghalik ni Raya kay Roj sa harapan ko. Nagstay ako sa CR for about ten minutes. Umiyak ako dun nang umiyak hanggang sa maramdaman kong nailabas ko na lahat. Tinitigan ko lang ‘yung sarili ko sa salamin. Kung gaano ako kapathetic. “Bakit ba ang tanga-tanga mo kahit kelan? Wala ka ng ibang alam gawin kundi iyakan lahat ng bagay? Venice, grow up!” Para akong tanga na kinakausap ang sarili sa salamin. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntung-hininga at saka lumabas sa comfort room. Pero parang gusto ko ulit pumasok sa loob nung makita ko kung sino ‘yung makakasalubong ko. Si Raya. “Oh, here’s the pathetic slut.” Hindi ko na lang siya pinansin at nagdirediretso sa paglalakad. Pero hinarang niya ako. “Narinig mo ba yung sinabi kanina ni Roj?” Tinaasan ko siya ng kilay. “Malamang, nasa harapan ako eh. Hindi ako bingi. At lalong hindi ako bobo. Ginagamit ko ang utak ko sa pag-iisip. Hindi tulad ng iba, pinagpipyestahan na ng langaw ang utak dahil hindi ginagamit. In short, basura.” Gusto kong ngumiti sa likod ng utak ko pero hindi ko magawa dahil baka magkaroon ng riot dito. Nakita ko naman na napanganga siya sa sinabi ko kaya mas lalong gusto kong tumawa. “Whatever. At least alam kong ako ‘yung mahal na Roj. Remember? The girl na nagbigay sa kanya nun? Binigay ko yun sa kanya nung first year and akalain mong mahal na pala niya ako simula nun?” I gasped. Gusto ko siyang sampalin at saktan sa sinabi niya. Paanong magiging siya ‘yun kung ako ang nagbigay nun? O baka nag-aassume na naman ako? “Talaga? Saan mo naman napulot ‘yang kwento na ‘yan? Alam mo, pwede ka ng maging writer eh. Galing mong gumawa ng kwento,” saka ako tuluyang nagwalk-out. Actually binilisan ko ‘yung lakad ko dahil baka mamaya ay hilahin na naman niya yung buhok ko katulad dati. Luckily, nakabalik ako ng buhay sa upuan ko. ‘Di ko namalayan na Q&A na pala. And mind you, kakaiba ang Q&A dito sa school since ang mga tanong ay galing sa mismong students. Bawat isa sa amin ay required na gumawa ng tanong at ipasa sa adviser namin a day before the pageant. Kaya ang kadalasang tanong dito ay about sa love or relationship. Swerte na lang kung ang mabunot ay ‘yung tanong mo rin. Yeah, bawat contestants ay required din na gumawa ng tanong. Nung si Zie na ang lumabas para sa Q&A, na-amaze na naman ako sa kanya. Very creative ‘yung suot niya ang I know na siya ang nagdesign nun. Simple lang pero cute. “Okay Ms. Wilson, bumunot ka na dito.” Bumunot siya sa isang bowl kung saan nakaabang ang mga question na inihanda ng mga kapwa niya estudyante. “So here’s the question for you.” Halos ‘yung tunog lang ng mic ang naririnig. Lahat tahimik at hinihintay ang tanong na nabunot niya. “Sang-ayon ka ba sa fixed marriage?” Sa mukha ni Ziela, alam kong nagulat siya. Maski naman ako eh. Pati si Ivan na nasa tabi ko ngayon. Nakikinig ng mabuti sa anumang isasagot ni Ziela. Yeah I know, parang ganito ang sitwasyon nila. Ang malas naman niya para mabunot ‘yung ganitong tanong. Iniabot ang mic sa kanya at tumingin siya sa audience. Sa akin. At kay Ivan. “Honestly, no.” Narinig ko ang ‘aww’ mula sa audience at napahawak ako sa kamay ni Ivan. Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko, kailangan ko ‘yung gawin hangga’t hindi natatapos magsalita si Ziela. “Fixed marriage is not reasonable. Ginagawa lang ‘to ng mga magulang para mag-expand ng business nila. Pero para sa mga anak nila? No. Love is not about business. Love is a sacred thing to consider. Hindi dapat pinipilit, hindi dapat minamadali. At higit sa lahat, hindi mo ‘yun ibibigay sa maling tao. Pero, sa fixed marriage or even engagement,” bigla siyang tumingin kay Ivan, “minsan, matututunan mo ring mahalin ‘yung taong sa una...akala mo ay para sa business lang. Hindi mo mamamalayan, nagkakaroon na pala kayo ng bond sa isa't isa. And the funny thing is, you’ll never know how and when did you fall in love. Thus, it’s a no and yet a yes. No, because fixed marriage is not about loving and caring but purely for business sake. And yes, because when love grows between them, it can break that stupid business border. That’s all. Thank you.” She bowed and waved at pumunta sa likod kung saan andun rin ‘yung mga tapos ng sumagot. All I can say is...damn, she’s great. Alam kong hindi ‘yun kaplastikan or whatever. Its from her heart. And a message for Ivan. Nakita ko rin ‘yung ngiti sa labi ni Ivan. Natutuwa ako. Natutuwa ako na sinaktan ako ni Ivan, at napunta siya kay Ziela. Alam kong masaya si Ziela sa kanya. And kapag nanloko ulit si Ivan, ako na mismo ang bubugbog sa kanya. Swear. Okay lang na lokohin niya ako, wag lang ang best friend ko. As expected, maraming na-amaze sa sagot niya. She handled it very well. Hindi na ako magtataka kung siya ang mananalo this year. “Thank you Ms. Wilson. You never fail to amaze us. And now, again from III-Diamond, let’s all welcome, Mr. Roelle James Morales!” Umakyat siya sa stage with his oozing personality. Angelic smile, perfect posture, well-styled hair and all. Then bumunot na rin siya. Again, isang matinding katahimikan. “Question is...” Mas lalo akong kinakabahan. Hindi ko rin alam kung bakit. “What will you do, if someone you love used you for their own benefit?” Ngayon alam ko na kung bakit ako kinakabahan kanina. It’s because…that was my question. |
ArchivesCategories |