Purpleyhan Stories
  • Home
  • About
  • Stories
    • Standalone Stories >
      • Novels
      • Novellas
    • Serialized Novels
    • Epistolary
    • Compilations
    • Ongoing
    • Completed
  • Blog
  • Message Board
  • News
  • Downloads

Chapter 2

12/23/2019

Comments

 

hardships of a commuter
​

Hoy, asan ka na? Parating na si Ma'am!
 
Agad akong nag-panic nang makita ko ang text ni Alex sa akin dahil pababa pa lang ako sa bus. Nag-reply naman ako sa kanya.
 
Shet, pasakay pa lang ako ng jeep. Magm-message na lang ako sa kanya na male-late ako.
 
Napabuntong-hininga na lang ako pagka-send ko no'n at tumayo na nang malapit na kami sa babaan. Sumigaw ang konduktor at nagsitayuan na rin ang iba.
 
"Excuse me po," sabi ko habang pinipilit na dumaan sa pagitan ng mga nakatayo sa bus.
 
Ganito ang araw-araw kong buhay sa umaga. Aalis sa bahay nang 7 A.M., bibyahe nang dalawa o tatlong oras, at darating sa lab nang 10 A.M. na pagod. Buti na nga lang at flexible time policy kami kaya okay lang na ma-late, as long as nababawi mo ang oras mo.
 
But today was different. May meeting kami nang 10 A.M. kaya kailangan kong makarating doon before that time pero kapag nga naman nagmamadali ka ay saka biglang bumabagal ang lahat.
 
I sighed in frustration as I saw the line in the jeepney station. Halos maging letter U na sa sobrang haba. Nilabas ko ulit ang phone ko at tinry kong mag-book ng sasakyan pero napa-exit din agad ako nang makita ko ang price: Php 350.
 
My god! Grabe, ang dapat Php 12 lang na pamasahe ko, halos times thirty ang naging presyo.
 
Nag-isip ako sa kung ano pa ang possible ways na makarating ako sa work nang hindi mabubutas ang wallet ko. In the end, pinili ko na lang ang mahabang ruta bukod sa pagpila. Sumakay ako ng tatlong jeep na ginagawa ko lang kapag sobrang haba ng pila pero kailangan ko nga lang maglakad nang mas mahaba kumpara sa normal kong ginagawa.
 
After thirty minutes, nakarating ako sa lab at nagmadali ako papunta sa meeting room. I was forty minutes late.
 
"Good morning, Ma'am. Sorry po," mahina kong sabi at saka umupo sa dulo.
 
I was able to save myself by reporting my progress in the project and thank the gods that made her quite elated. Ganoon naman si Ma'am. As long nagagawa mo nang maayos ang trabaho mo, wala siyang masasabi.
 
Halos tatlong oras kaming nasa meeting room para sa progress reports ng sari-sarili naming projects kaya nagpa-lunch na rin ang boss namin. After that, we went back to the lab and it felt like the day had ended because of the meeting so we spent our time in the common room.
 
"Grabe, mas gusto ko talagang mag-wet lab na lang kaysa mag-paperworks," sabi ni Mikaila, isa sa labmates ko.

"True. Ang sakit ng ulo ko sa mga sinabi ni Ma'am sa meeting," Alex added. He was preparing a cup of coffee and I got tempted when I smelled its aroma.

 
Nagwagi naman ang temptasyon at tumayo na rin ako para magtimpla ng kape.
 
"Buti good mood si Ma'am kanina," Jenna remarked as she looked at me. "Kung hindi, titingnan na naman no'n 'yong DTR natin."

"True!" added Olive. "Ang dami ko pa man ding araw na halos 11 A.M. na ako nakakapasok."


"Ayan, kaya magsipasok na kayo nang maaga," Alex retorted as he sipped from his cup.

 
Lima kaming researchers sa lab at madalas, si Alex ang laging nauuna kasabay ng admin officer namin na si Niko. Sometimes, I would arrive next pero depende rin sa traffic, habang 'yong tatlo, naglalaro sa 11 A.M. - 2 P.M. ang dating kaya lagi silang nagle-late night o overnight sa lab.
 
Isa-isa namang nagsidatingan sa common room ang taga-ibang lab at biglang ngumiti nang nakakaloko si Shan sa direksyon.
 
"Hoy, Magi! Ano na? Wala bang next chapter 'yong kahapon?"
 
That made our colleagues curious kaya ayon si gaga, kwento naman bigla. Gusto ko na nga lang umalis kaso hindi ko pa ubos 'yong kape ko. Ayaw ko pa naman ding nagiging center of attention.
 
"Omg, totoo? Magkaka-lovelife ka na ba sa wakas, Magi?" asked Olive and I just rolled my eyes in return.

"Bakit ba naniniwala kayo kay Shan?"


"Luh, anong gusto mong palabasin?!" Shan retorted.


"Pero hindi ka ba naging interested man lang sa kanya?" This time, si Mari naman ang nagtanong.

 
I could feel their eyes on me, waiting eagerly for my answer. If I didn't reply, they would surely say, 'silence means yes!' so I shook my head and flatly told them, "no."
 
"Ayaw mo bang magkaroon ng boyfriend?" tanong ni Jenna.

"Oo nga. Ikaw na lang 'di nagkakaroon sa inyo," sabay turo ni Mikaila sa aming tatlo nina Shan at Mari.


"Kahit sa lab, ikaw na lang din," dagdag pa ni Olive. "Ay, si Alex din pala. Kayo na lang kaya?"


"Ew, 'di kami talo," sabay irap pa sa akin ni Alex kaya nagtawanan sila.

 
Hindi ko alam kung bakit big deal sa ibang tao ang pagiging single since birth. Ano naman? Ikakababa ba ng pagkatao mo kung never ka pang nagkaroon ng boyfriend o girlfriend? Besides, wala rin naman akong pakialam. Kung darating, darating.
 
"Paano puro 'yan, 'kung dadating, dadating,'” Shan mocked as she made faces. “Ano, forever ka lang maghihintay? Paano mo masasabi na 'yon na 'yon, eh hindi ka naman kumikilos."

"Try mo kaya makipag-date," Mari commented.


"Naku, baka mapanis lang laway ng ka-date niyan ni Magi," Alex said. "Alam mo naman ang social skills niyan."

 
I couldn't disagree. Tama naman sila. Among the three of us, I was the introverted one. Si Shan, kaya niyang makipag-usap sa lahat. She was used to attention and that was her charm. Mari was in between. Kaya niya ring makipagsabayan kay Shan pero may times na hindi mo 'yan makakausap dahil gusto niyang mag-isa.
 
"Makapagsalita kayong dalawa, akala n'yo may mga lovelife kayo," I countered and they all cheered loudly.

"Ha! At least kami na-experience naman namin. Ikaw, try mo rin."

 
Experience, huh? Funny how the three of us also differed in experiences when it comes to love.
 
Ako, wala pang experience. Twenty five na ako pero never pa akong nakipag-date o may nagustuhan man lang na lumalim ang feelings ko. Madalas hanggang crush lang tapos wala na. Si Mari naman, naka-dalawang boyfriend na at parehong nagtagal. Both lasted for three years. Kaya rin siguro ayaw kong mahulog ay dahil nakita ko kung paano nasaktan si Mari nang makipag-break sa kanya ang mga naging boyfriend niya. She cried for days and even went to the workplace of her ex just to talk to him. On the other hand, Shan never wanted to commit. Puro lang siya meetups sa mga nakikilala niya sa dating apps. Ironically, she doesn't know how to date kasi laging nauuwi sa sex.
 
"Magpapa-party talaga ako kapag nagkaroon ng boyfriend 'tong si Magi," sabi ni Alex at nag-agree naman ang ilan.
 
After that ay bumalik na rin kami sa kanya-kanya naming mga trabaho at nang mag-7 P.M. na ay nag-start na akong magligpit ng gamit.
 
"Uuwi ka na?" tanong ni Alex. "Rush hour na, ang hirap n'yan."
 
Napabuntong-hininga na lang ako. Iniisip ko pa lang na aalis na ako para bumiyahe ay napapagod na ang katawan at kaluluwa ko.
 
"Mas male-late lang ako nang uwi kapag nag-stay pa ako nang matagal. Saka halos buong gabi naman yata, rush hour na."

"Bakit kasi ayaw mong maghanap ng apartment na malapit?"

 
Sa totoo lang, gusto ko na nga ring mag-apartment na lang pero ang mahal ng rent dito sa QC. Nag-check ako before at 'yong mga okay sa akin ay nasa 7K pataas. And that was just a single room. Ayaw ko naman ng bedspace dahil shared ang bathroom at hindi rin ako komportableng kasama sa isang room ang taong hindi ko kilala.
 
I tried convincing Shan and Mari to share an apartment with me but both of them declined. Medyo malapit naman na rin kasi ang bahay nina Mari rito samantalang si Shan, madalas nakikitulog na lang sa pinsan niya na around this area lang din.
 
"Mahirap maghanap kapag mag-isa lang. Next time na lang siguro," sabi ko na lang. "Bye, guys."

"Bye, Magi!" sabay kaway pa nina Jenna.

 
Madilim na sa dinadaanan ko kaya binilisan ko na lang ang paglalakad. Despite being inside the campus, walking alone at night made me anxious that even any kind of noise would make me run for my life.
 
Nakahinga naman ako nang maluwag nang may mga ilaw na akong natanaw pero napahinto ako pagdating ko sa sakayan ng jeep.
 
"Pucha," I muttered as I stared at the long line of people waiting at the shed. Parang gusto ko na lang bumalik sa lab at mag-overnight para hindi na ako mapagod sa byahe.
 
I fished my phone out of my pocket and sent a message in our group.
 
Magi: may permit ba tayong lahat for overnight?

Jenna:
ang alam ko oo

Jenna:
bakit?

Mikaila:
hahaha ang haba ng pila 'no?

Magi:
oo huhu tinatamad na akong umuwi

Alex:
commute pa more

Olive:
hahaha balik ka na rito

Olive:
oorder kami ng food, sasabay ka na rin ba?

Magi:
sige please, thank you
 
Nag-text na lang din ako sa kapatid ko na sabihin sa parents namin na hindi ako uuwi. Bakit ba kasi ang hirap-hirap mag-commute sa Pinas?
 
Out of 24 hours, 6 hours of my day were spent for commuting. Biruin mo, 1/4 na agad 'yon ng araw ko at imbes na may magawa akong productive during that time, napupunta lang lahat sa pagco-commute.
 
Should I just get that 7k-apartment?
 
Hay. Bukas ko na lang iisipin lahat ng problema ko. Pagod na ako.
​


<< Chapter 1
Chapter 3 >>

Comments
comments powered by Disqus
    Picture
    back to probably
    ​serendipity page

    Archives

    June 2020
    April 2020
    December 2019

Powered by Create your own unique website with customizable templates.
  • Home
  • About
  • Stories
    • Standalone Stories >
      • Novels
      • Novellas
    • Serialized Novels
    • Epistolary
    • Compilations
    • Ongoing
    • Completed
  • Blog
  • Message Board
  • News
  • Downloads