Purpleyhan Stories
  • Home
  • About
  • Stories
    • Standalone Stories >
      • Novels
      • Novellas
    • Serialized Novels
    • Epistolary
    • Compilations
    • Ongoing
    • Completed
  • Blog
  • Message Board
  • News
  • Downloads

Chapter 3

4/11/2020

Comments

 

lunch break
​

Shet.
 
That was the first thing that came into my mind when I woke up. Ang sakit ng katawan ko. Ang sakit din ng ulo ko. Kahit na madalas akong mag-overnight, hindi pa rin masanay-sanay ang katawan ko.
 
We don't have any sleeping quarters. Naglalatag lang kami ng sleeping bag o kaya manipis na foam sa common room kapag matutulog na, kaya ang ending, hindi ganoon ka-comfortable ang tulog mo, lalo na't mayroong mga maagang pumasok, tulad nito ni Nikko, our admin officer. Pumasok siya sa common room at nagising ako sa ingay ng pagbubukas niya ng sachet ng kape.
 
I got up, eyes still half-closed, and hair so messy and tangled, it looked like a bird's nest.
 
"Good morning," he greeted, chuckling. "Sorry, nagising kita."

"Anong oras na?" I asked.


"7:35," sagot niya at sinamaan ko siya ng tingin.

 
Bwisit. Napaka-aga naman kasing pumasok ng isang 'to. Eh ang normal time naman ay 8:00 A.M. to 5 P.M.
 
He laughed in return. "Anong oras ka na naman ba kasi natulog?"

"Magf-four," I muttered. "Antok pa ako."


"Tulog ka na ulit. Hindi ako mag-iingay."

 
Humiga na lang ulit ako at sinubukan ulit matulog pero mukhang tuluyan nang nagising ang diwa ko. Badtrip.
 
In the end, tumayo na ako at nagligpit ng hinigaan.
 
"O, ba't ka bumagon na?"

"Hindi na ako makatulog."

 
Kumuha ako ng damit sa locker ko at pumunta sa shower room para maligo. I felt a little better after taking a bath. Pagbalik ko sa common room ay nagtimpla na rin ako ng kape at kumuha ng tinapay.
 
"May DV na ba tayo for salaries?" tanong ko kay Nikko.

"Processing na," he replied.

 
Buti na lang. Hindi naman sagad ang pera ko pero naba-bother kasi ako kapag bumababa sa 50,000 ang laman ng savings ko. Mabuti na 'yong prepared ka sa kung anuman ang mangyari.
 
We stayed silent for a couple of minutes until Alex arrived. Aba si gaga, naka-shades pa, akala mo naman may araw. Ang kulimlim naman sa labas.
 
"O, anong tingin 'yan, bakit ka nangj-judge?" sabi niya.
 
I ignored him and continued drinking my coffee. Nag-check na lang din ako ng social media accounts kong inaamag na. Then, I saw notifications from our high school facebook group. Hindi ko alam na nag-upload pala sila ro'n ng pictures noong reunion.
 
I almost choked when I saw my picture with Callum. Heto namang mga kaklase namin, todo-react doon. At kitang-kita ko pa ang comment ni Shan.
 
YIIEE KILIG SHIP KO ULIT KAYO AHAHAHA
 
In-angry ko nga. Para kasing tanga.
 
"Yan ba 'yong sinasabi nina Shan at Mari?" tanong ni Alex habang nakadungaw pa sa phone ko. "Patingin!" sabay agaw niya rito.
 
I rolled my eyes at him and gave up. Ayoko nang makipag-agawan. Mamaya bumagsak na naman ang phone ko. Ang dami nang crack no'n dahil walang screen protector at ayaw ko nang madagdagan.
 
"Uy, bet," he remarked. "Borta rin. Hindi mo type?"

"Hay nako."


"Luh, 'di na lang sagutin 'yong tanong."


"Hindi," I replied.


"Now say that without your pupils shaking."


"Ewan ko sa'yo."

 
Natawa naman si Nikko at sige pa rin ang pang-aasar sa akin ni Alex. Nakakairita. Pinagtulungan pa ako.
 
After naming mag-breakfast ay bumalik na kami sa lab. Nagsuot na rin ako ng sapatos at tinabi ko ang slippers sa ilalim ng mesa ko.
 
Buti na lang at wet lab ang gagawin ko today at hindi paperworks. Mas nakaka-drain pa naman 'yon.
 
After preparing my samples, I went to the cold room so I could store them in the ultralow refrigerator. Bukas pa naman kasi ako mag-e-experiment. Nang mag-tanghali na ay napabuntong-hininga na lang ako dahil kailangan kong lumabas para bumili ng lunch. Lagi kasi akong may baon 'pag pumapasok pero dahil nag-overnight ako ay wala ngayong araw.
 
Nagpapasabay rin si Shan dahil busy pa siya sa assay niya. Sabi niya, picture-an ko na lang daw kung anong meron at pipili siya.
 
I don't like the food in our cafeteria so I went to Bio, the building next to ours, pero napatigil ako nang makita ko kung gaano kahaba ang pila.
 
"Uy, Magi!"
 
Napalingon ako nang marinig ko ang pangalan ko at nakita ko si Faye, ka-lab ni Mari. Medyo close naman kami ni Faye dahil naging classmates kami sa isang Master's subject kaya hindi ganoon ka-awkward.
 
Mukhang pipila rin siya pero gaya ko ay napasimangot siya nang makita niya kung gaano ito kahaba.
 
"Uy. Ang haba ng pila."

"Pipila ka pa?"


"Ewan ko nga, eh. Parang nakakatamad."


"Gusto mo sa Math?"

 
Napaisip naman ako. Sabi nina Shan, mas masarap daw ang food sa Math pero madalas ay tinatamad ang mga tao sa amin na pumunta ro'n dahil may kalayuan sa building namin. Pero dahil makulimlim naman at hindi mainit, pumayag ako.
 
"Okay," sagot ko.

"Tara."

 
We walked to Math building, which took us six or seven minutes. Pagdating namin doon, mas kaunti ang tao kahit papaano. Pumila kami ni Faye at nag-iisip na ako kung ano ang ite-takeout ko nang biglang may pumasok sa cafeteria na maiingay.
 
Napalingon ako pero agad din akong bumalik nang tingin sa mga pagkain nang makita ko ang isang pamilyar na mukha.
 
One of them was Callum.
 
Damn it. I forgot he was teaching here.
 
Naramdaman kong nakasunod sila sa amin sa pila dahil kami ang nasa hulihan. I was wishing he wouldn't notice me but it was clearly not granted when I heard him calling my name.
 
"Uy, Magi."
 
I was contemplating whether to pretend I didn't hear him or quickly say hi and get back to picking the food I want, but I suddenly felt someone tapping my shoulder.
 
Paglingon ko ay nakangiti na siya sa akin.
 
"Uy," I said, forcing myself to smile.
 
"Ngayon lang kita nakita rito, ah," he said. Sakto namang lumingon si Faye at hindi ko na alam ang gagawin.

"Uhm. Bibili lang ng lunch."

 
Thank goodness, kami na ni Faye ang next kaya sa pagkain ulit natuon ang pansin ko. I took photos of the food and sent it to Shan. Buti na lang at mabilis siyang nag-reply. I chose ginataang kalabasa while Shan said she wanted pork steak. Pinabalot namin ni Faye ang food namin dahil sa common room kami kakain. Aalis na sana ako kaso parang ang rude na hindi ako magpapaalam.
 
I glanced at him, forced a smile again, and nodded.
 
"Bye," he replied while raising his hand.
 
Nagmadali akong maglakad pero naririnig ko pa rin ang usapan nila ng mga kasama niya.
 
"Sino 'yon?"

"Parang ngayon ko lang nakita?"


"Hoy, gago, student mo ba 'yon?"


"Baliw. High school classmate ko."


"Ah. Okay. Buti nang sigurado."

 
Buti na lang at hindi nagtanong si Faye at tahimik lang kaming bumalik sa building. We went to the common room and I sat on the vacant chair next to Nikko.
 
"Saan kayo bumili?" tanong ni Olive.

"Sa Math," Faye answered.


"Ang layo ah."


"Ang haba kasi ng pila sa Bio."

 
Habang kumakain ay kung anu-ano na lang ang pinag-usapan namin. I glanced at Kuya Owen's direction and smiled when I saw him laughing. Ang cute niya.
 
He's three batches higher, but he looks younger than his age. Matalino rin siya at gwapo kaya halos lahat sila ay may hidden crush sa kanya, though, hindi nila alam na crush ko rin siya nang slight. Happy crush lang naman.
 
Napatingin naman kaming lahat sa pintuan nang nagmamadaling pumasok si Shan.
 
"Magkano?" tanong niya agad.

"Seventy pesos."


"Later na lang."


"Okay."

 
Umupo siya sa tabi ko dahil umalis na si Nikko at nagulat na lang ako nang bigla niya akong hinampas. I glared at her and she giggled in return. She showed me her phone and saw that she was chatting with Callum.
 
"Gagi, nagkita pala kayo!"

"Nino?" usyoso ni Jenna at napatingin na ang lahat sa amin. Shet naman. Napakaingay kasi ng bunganga nitong si Shan.


Shan snickered. "'Yong inaasar namin sa kanya noong high school."


"Ah!" Jenna exclaimed. "'Yong ikinuwento n'yo before? Ano nga name no'n?"


"Callum!" she answered. "Sabi niya ang sungit mo raw," sabay tingin niya sa akin.

 
I rolled my eyes in return. Anong masungit doon sa ginawa ko?
 
"Ah. Siya ba 'yong kumausap sa'yo kanina?" tanong ni Faye kaya napunta sa kanya ang atensyon.

"Nag-usap sila?"


"Saglit lang. Kami na kasi ang next sa pila noong nag-start na silang mag-usap."


"Anong pinag-usapan nila?"


"Uy gagi, galit na 'yan si Magi," Mikaila commented.

 
She was right. Medyo annoyed na ako kaya tumahimik na ako. Etong si Shan kasi, lahat na lang nilalagyan ng meaning.
 
"Luh, nagtatanong lang naman, eh!"

"O, quota ka na ngayong araw, sis."

 
It was already getting awkward and thank the gods, Kuya Owen opened a new topic. Pagkatapos no'n ay umalis na ako sa common room at bumalik sa lab. Ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko kanina at hindi ko napansin na halos 4 P.M. na pala.
 
Nag-aya si Mikaila na mag-break muna kami sa common room kaya pumayag ako. I promised myself to drink only one cup of coffee per day pero dahil wala namang natutupad na pangako ay nagtimpla ako ng second cup of coffee ko.
 
Dumating din sina Shan at Mari. Medyo awkward pa kaming dalawa ni Shan pero after a while ay bumalik din sa dati at naging joke na ang nangyari kaninang lunch.
 
"Gago kasi 'tong si Shan, walang preno ang bibig," Mikaila said while laughing.

"Eh paano, ang daling maasar nitong si Magi," she retorted.


"Easy-han mo lang kasi."

 
Natatawa na lang ako sa kanilang dalawa dahil nagtatalo pa sila kung paano ako hindi maiinis. Mikaila had pushed my buttons as well before and I ignored her for the whole day. Silang dalawa lang naman ni Shan ang grabeng mang-asar sa akin . . . well, si Alex din pala.
 
"Nako, mag-uuwian na naman," sabi ni Mari. "Bakit 'di ka pa pala umuuwi, Magi? Nag-overnight ka, 'di ba?"

"Balak ko sanang magtingin ng apartments sa Antonio kaso tinatamad na ako," sagot ko.


"Tangek, dapat kaninang umaga o tanghali ka naghanap," Shan chimed in.


"Nakalimutan ko, eh."


"Wait, sa pagkakatanda ko, sa Antonio rin nangungupahan si Callum." The mention of his name made me glare at her. "O! Hindi kita inaasar, ha! Totoo 'yon! Saglit, icha-chat ko nga siya."


"Hoy, huwag na!"


"Tanong lang natin kung may alam siyang apartment doon na mura."

 
Parang ayaw ko na tuloy sa Antonio. Malay ko bang nag-a-apartment din siya at doon pa?
 
"Marami raw ro'n pero medyo pricey," she relayed. "Ay, wait, chat ka na lang daw niya."
 
Nakita ko naman ang palihim na ngiti ni Shan kaya pinaningkitan ko siya ng mata.
 
"Grabe ka, ha! Tinutulungan lang kita," she said in defense.

"Bakit ka guilty? Wala pa nga akong sinasabi."


"Eh kasi 'yang tingin mo!"

 
I wasn't able to answer her because a chat head appeared on my screen.
 
Callum Eugene Cabrera       
 
Hi, Magi!
 
Shan said you're looking for an apartment in Antonio. May units dito na good for one person ranging from 6k - 9k.
 
 
I inhaled sharply when I saw the price range. Ang mahal for a single unit. Gusto ko rin sanang makita ang itsura kaso mag-5 P.M. na.
 
Nag-reply naman ako sa kanya       
 
Hello, Callum. Try ko na lang mag-ikot muna sa Antonio para makita ko rin 'yung laki ng apartments. Hindi pa rin naman ako sure kung doon ako kukuha.
 
But thank you for this :)
 
 
Callum Eugene Cabrera
 
Okay. No worries!
Hope you can find a good one :)
 
Alright. Mag-a-apartment hunting ako bukas.
​


<< Chapter 2
Chapter 4 >>

Comments
comments powered by Disqus
    Picture
    back to probably
    ​serendipity page

    Archives

    June 2020
    April 2020
    December 2019

Powered by Create your own unique website with customizable templates.
  • Home
  • About
  • Stories
    • Standalone Stories >
      • Novels
      • Novellas
    • Serialized Novels
    • Epistolary
    • Compilations
    • Ongoing
    • Completed
  • Blog
  • Message Board
  • News
  • Downloads