Purpleyhan Stories
  • Home
  • About
  • Stories
    • Standalone Stories >
      • Novels
      • Novellas
    • Serialized Novels
    • Epistolary
    • Compilations
    • Ongoing
    • Completed
  • Blog
  • Message Board
  • News
  • Downloads

Chapter 1

5/8/2020

Comments

 

vanished
​

Nagising ako at naramdaman kong nakahiga ako kaya nagreact ang katawan ko at agad akong bumangon, pero biglang may pumigil sa mga balikat ko. I was about to shout but when I saw Raegan, the panic melted away.
 
“It’s okay, Cyel. Everything’s okay,” sabi niya at umupo siya sa tabi ko. Bigla naman niya akong niyakap. I felt a lump in my throat and before I knew it, I’m already crying.
 
I hugged him back. He stroked my hair and back gently and I can feel the coldness of his metal hand, but I feel safe. I feel secured.
 
Nung mahinahon na ulit ang pakiramdam ko ay pinakain niya ako ng soup at fruits. Tahimik akong kumain at doon ko narealize kung gaano ako kagutom dahil hindi ako kumain ng ilang araw. Tumingin ako sa bintana at nakita kong maliwanag na. Mukhang umaga na.
 
Pagkatapos kong kumain ay niligpit ‘yon ni Raegan at umupo siya sa harapan ko.
 
“Tell me what happened,” sabi niya. Tumingin ako sa mga mata niya. I saw the retina of his left eye moving and I immediately knew that he’s scanning me.
 
Naalala ko bigla lahat ng nangyari bago ako magkaroon ng malay: those wires, computers, sensors, chemicals and medical apparatus. Kinilabutan ako at napayakap ako sa katawan ako. I felt disgusted with myself.
 
“H-How did I get here?” I asked, dismissing Raegan’s order about telling him everything.
“Nakakita ako ng makapal na usok sa direksyon ng bahay niyo,” sabi niya. “I got worried so I checked and found that your house was indeed on fire. Pagpasok ko, hinanap ko kaagad kayo at no’ng nakita ko kayo ay wala na kayong malay ng Dad mo kaya agad-agad ko kayong inilabas sa bahay.”
 
Dad . . . No. He’s not my father. He’s a monster.
 
“Your dad is currently—”
“Don’t tell me. I don’t care about him.” After I said that, I saw a hint of irritation on Raegan’s eyes.
“Cyel—”
“Raegan, that guy is not my father.”
“Anong sinasabi mo?” Naramdaman ko ang pagkainis sa tono niya at ayaw kong magalit siya sa akin. Siya na lang ang meron ako ngayon. Huminga ako nang malalim at nagdesisyong sabihin sa kanya ang nangyari.
“Raegan, what kind of father would experiment on his own daughter? What kind of father would use his child as a guinea pig? Ni hindi ko nga alam kung anong ginawa niya sa katawan ko. Sa akin. Am I still even a human?”
 
Pagkasabi ko nun ay tuluy-tuloy na ang pagpatak ng luha ko pero narealize ko na dapat ay hindi ko sinabi ang salitang ‘yon.
 
Human.
 
Tumingin agad ako kay Raegan pero hindi ko mabasa ang expression niya.
 
“I-I’m sorry,” I said and he just sighed. Lumapit siya sa akin at niyakap niya ulit ako. Hinayaan kong isandal ang ulo ko sa balikat niya. I can feel the cold metal underneath his white shirt.
“It’s okay. Calm down.”
 
Raegan is my childhood friend. Magkatabi ang bahay namin dati pero nagdecide ang Dad—si Cylo na lumipat dahil nagkaroon siya ng fund for his own laboratory. Dalawang block lang naman ang pagitan kaya nakakadalaw pa rin kami at ang parents namin sa isa’t isa. Until several civil wars happened.
 
After the World War III, which was fifteen years ago, the balance between the countries’ powers tipped. Maraming bansa ang humiwalay sa unions at naging independent. Marami ring bansa ang napasailalim sa Maxima, which is composed of 10 countries that lead the world.
 
Walang nakasakop sa Pilipinas at nanatili itong independent, thanks to the former President Karo’s leadership. Pero maraming naging epekto ang World War III. First, the invasion of modern technology. Dahil na rin ang Maxima ang may pinaka-advanced technology sa buong mundo, naging influence ‘yon sa iba’t ibang bansa dahil nagkaroon ng notion na: the more advanced the technology, the more powerful the country is. Dahil din doon ay kaya ang daming breakthrough sa science and technology ngayon.
 
Tulad na lang ng cypros, or the prosthetic human parts. Halos lahat ng nagsurvive sa war ay nagkaroon ng artificial parts for more convenience. But that made them less human. They were treated as cyborg and machines kahit na wala naman silang kakayahan katulad ng mga ‘yon. Those cypros were just attached to them to let them live easily.
 
Anyway, after the World War III, nagkaroon ng kabi-kabilang civil wars sa iba’t ibang bansa dahil na rin sa kanya-kanya nilang problema. At hindi nakaligtas doon ang Pilipinas.
 
Three years after the war, nagkaroon ng kaguluhan dito sa lugar namin at nadamay ang pamilya namin at ni Raegan doon. I lost my Mom after that incident, as well as Raegan’s mother. Pero ang mas malala ay nacomatose si Raegan at hindi na raw nagfufunction ang right side ng upper limb and torso niya. Seven years old pa lang siya no’n. Nakita ko kung gaano kadevastated ang Papa niya sa pagkamatay ng asawa niya at sa naging kalagayan ng anak niya. His father was a mechanic doctor kaya naman kahit ayaw niyang gawin ‘yon sa anak niya, nagdesisyon siyang kabitan ng cypros ang kamay, braso hanggang balikat at right half ng torso niya. Nalaman niya rin na hindi na nakakakita ang left eye ni Raegan kaya pati ‘yon ay pinalitan niya ng artificial eye.
 
Namuhay si Raegan na may cypros sa katawan at tulad ng Papa niya ay naging mechanic din siya, though hindi mechanic doctor. More on sa maintenance and adjustments lang ng cypros.
 
“Cyel, Cyel. Okay ka lang ba?”
 
Napadilat ako nung narinig ko ang boses ni Raegan. Narealize ko na nakaidlip pala ako ng ilang minuto habang nakasandal sa balikat niya.
 
“S-Sorry.” Humiwalay ako sa kanya at naupo naman ulit siya sa harapan ko.
“Gusto mo bang magpahinga ulit?”
“No. No. I’m fine.”
 
Tumayo ako at nagsimulang maglakad papunta sa bintana pero napatigil ako nung marealize ko ang sinabi ko. I’m fine? Lumingon agad ako kay Raegan.
 
“I’m fine.”
“Ha?”
“Bakit ayos lang ako?” tanong ko habang iniinspect ang braso at binti ko.
“You’ve got cuts and burn marks on your—” Napahinto naman si Raegan at agad-agad siyang tumakbo papunta sa akin. Hinawakan niya ang batok ko at tinignan ang leeg ko. Tinaas niya rin ng kaunti ang laylayan ng damit ko at tinignan niya ang tiyan ko. “They have vanished.” He said in a horrified voice.
“W-what . . . are you doing, you perv!” sabay tulak ko sa kanya.
“H-Ha?!”
 
Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya. Hindi ko inasahan na magiging gano’n siya kalapit sa akin at itinaas niya pa talaga ang damit ko—!
 
Wait. I was naked when I was in the lab. How did . . .
 
“D-Did you see m-my body?” tanong ko habang nakaharang ang mga kamay ko sa katawan ko kahit may suot naman na ako.
“Ha? Ano bang pinagsasa—oh.” Mukhang narealize niya na kung anong tinutukoy ko at nakita kong namula ang mukha niya tapos iniwas niya ang tingin niya sa akin.
“Raegan!” sigaw ko dahil sa frustration.
“What? May magagawa ba ako? You were freaking naked when I saw you last night. Alangan namang unahin ko pang h’wag kang tignan kaysa iligtas ka?”
 
Lalo akong nahiya para sa sarili ko dahil sa sinabi niya. He saw me naked! Damn it!
 
“Buti nga binisihan kita . . .” Napatingin ako sa kanya nung marinig ko ang mahina niyang sabi.
“Ano?!”
“Wala! Bakit ba masyado kang concerned doon?”
“Siraulo ka ba?! Sinong hindi magiging concerned kung . . . kung . . .”
“Ano naman? You’ve got a nice body so there’s nothing—”
“Ahh tama na! Stop! Just stop talking about it!” sabay martsa ko sa kama at binato ko sa kanya ang unan pero nasalo niya.
“Sino bang nagsimula ng topic?” He sighed. Naging seryoso naman ulit ang expression niya. “Anyway, I’m just curious on how your wounds had vanished.”
 
Napatigil naman ako at kinalma ko ang sarili ko. ‘Yon din ang tanong ko. Bakit ayos lang ako? As far as I can remember, halos hindi ako makagalaw nung . . . nung . . . nasa experiment table ako. At sabi nga ni Raegan, may cuts at burn marks daw akong nakuha after the fire. Pero bakit nawala?
 
“Do you think this has something to do with what . . . your father . . . did to you?”
 
My body suddenly trembled. What did that monster do to me?

<< Prologue
Chapter 2 >>

Comments
comments powered by Disqus
    Picture
    back to project:
    ​neogenesis page

    Archives

    May 2020

Powered by Create your own unique website with customizable templates.
  • Home
  • About
  • Stories
    • Standalone Stories >
      • Novels
      • Novellas
    • Serialized Novels
    • Epistolary
    • Compilations
    • Ongoing
    • Completed
  • Blog
  • Message Board
  • News
  • Downloads