I tried to compose myself but the strength in my legs disappeared. Ilang Segundo akong huminga nang malalim para matigil ang panginginig ng katawan ko. Right. This is my life now. I need to get used to this kind of situation. “He’s dead,” sabi ni Hiro habang nakalapat ang mga daliri niya sa leeg ng lalaki. Lumapit naman si Riye sa katawan nito at hinawakan ang dibdib niya. “Cause of death is a fatal blow to the heart,” she declared. “His heart wall and ventricles were beyond damaged.” Sinusubukan namang paalisin nina Akane, Reiji at Ken ang mga taong nakikiusyoso pero napahinto si Akane at tumingin siya sa direksyon namin. “The police cars are on their way.” After a few seconds, police siren could already be heard from here. Riye immediately took some photos of the body and the crime scene while Hiro was still looking at the body. “If Reina is here, the time of death can be easily determined,” he muttered. “Oh, you need me?” As if on cue, we heard Ma’am Reina’s voice nearby. Hinanap ko siya sa paligid at pagtingin ko sa itaas ay bigla na lang siyang tumalon mula sa isang building. I almost yelled at her but she gracefully landed beside me. “Ma’am Reina!” tawag ko sa kanya at nakahinga ako nang maluwag dahil walang masamang nangyari sa pagbagsak niya. She just laughed at me in return. “Why are you here?” pabalang na sagot ni Hiro sa kanya kaya natakot ako para sa kanya. How could he ask her that with that kind of tone? “Well, you want my help, right?” she taunted while smirking at Hiro and he suddenly glared at her. “Pfft. You are really a cute kid.” Pagkatapos no’n ay hinawakan ni Ma’am Reina ang short sword na nakasaksak sa dibdib ng lalaki, pati ang sugat nito. After a few seconds, she looked at Hiro. “He was killed around 9:17 A.M.,” she confirmed. Pagtingin ko sa relo ko ay 9:30 A.M. na at halos fifteen minutes na rin ang nakalipas. “His name is Victor Delima,” sabi naman ni Riye habang hawak ang ID ng biktima. “Guys, the cops are here!” sigaw sa amin ni Akane habang tumatakbo silang tatlo papunta sa amin. Three police cars stopped in front of the street and several officers made their way toward us. “Anong nangyari rito?” tanong ng isa. With his proud demeanor, he must be the highest-ranking officer in this squad. “We’re investigating a crime,” sagot ni Miss Reina sa kanila na parang casual lang niyang sinabi kaya lalong kumunot ang mukha ng lalaki. Napatingin siya sa bangkay na nakahandusay sa likuran namin. “Sabihin mo sa akin kung anong nangyari at pwede na kayong umalis—” “No,” Ma’am Reina interjected. “Hindi na ‘to sakop ng mga pulis,” sabay labas niya ng isang ID at hinarap sa mga pulis na nakapaligid sa amin. Their expression suddenly changed and it looked like the arrogant attitude of theirs was replaced with humiliation. “M-may maitutulong ba kami?” tanong niya at hindi ko alam kung matatawa o maaawa baa ko sa kanya dahil bakas sa boses niya ang takot. “You can at least dispel those spectators away.” Pagkatapos sabihin ‘yon ni Ma’am Reina ay agad na tumakbo ang mga pulis papunda sa crowd at agad nila silang pinaalis. Humarap sa amin si Ma’am at kumindat, sabay pakita sa amin ng ID na inilabas niya kanina. Pagkabasa ko pa lang ng nasa itaas ay nagulantang na ako. “FBI? FBI agent ka, Ma’am Reina?” tanong ko dahil namangha ako sa Nakita ko. “Nope. It’s a fake ID.” “Whoa. Akala ko pa naman FBI agent ka talaga!” dagdag naman ni Akane. “It’s the Principal’s order,” she said and the five of them winced after hearing that. “Order?” “To not involve the local police and citizens anymore in dealing with solving crimes,” she relayed. “There’s a huge possibility that they might discover our existence, especially now that Shinigamis are making their move. Kaya naman pinagawa ko si Hiroshi ng FBI IDs na pwedeng ipakita sa humdrums to give them a message that this isn’t their jurisdiction anymore.” Magtatanong pa sana ako kay Miss Reina pero bigla akong may naramdaman na kakaiba. It was the same eerie feeling I felt when I saw those glaring green eyes. The air around me felt dry and crisp, as if space would be torn in any minute. Tumaas lahat ng balahibo ko sa likod at batok kaya mabilis akong lumingon pero agad ding Nawala ang kakaibang pakiramdan na ‘yon. What was that? “Anong tinitingnan ninyong dalawa?” tanong ni Ken at doon ko lang na-realize na pareho kaming lumingon ni Hiro sa likuran. “N-naramdaman mo rin ba ‘yon?” I asked but he just stared at me and after a few seconds, he marched toward the body. “Anong sinasabi mo, Akemi?” tanong naman ni Akane. “Ah. Para kasing biglang tumahimik kanina tapos kinilabutan ako,” pag-e-explain ko. :Parang may nangyari o may dumaan sa likod ko,” sabay hawak ko sa batok ko. “Weird,” Ken commented while scratching his nape. “Halos sabay kasi kayong tumingin ni Hiro sa likuran.” “Anyway, let’s analyze what happened,” sabi naman ni Reiji kaya nag-focus ulit kami sa case pero kaunti lang ang nakuha naming information tungkol sa kanya. Name: Victor Delima Birthday: September 11 Age: 43 y/o “I can’t . . . remove it . . .” ngitngit ni Reiji habang pilit na tinatanggal ang hawak na case ng lalaki. Lumapit naman si Riye roon at hinawakan ang kamay ng biktima. “It already hardened,” sabi niya. “Weird. It has already undergone rigor mortis.” “What? That can’t be!” sigaw ni Ma’am Reina. “He died at 9:17 A.M. and it’s been only 30 minutes after his death!” “Don’t shout at her. She’s telling the truth,” dagdag naman ni Reiji. “His body has stiffened and I can’t remove his grip from his case. The muscles in his hand have already hardened.” “Ibig sabihin, hindi siya namatay ng 9:17. He died earlier,” sabi ni Akane at tumango naman si Riye. “Rigor mortis starts three or four hours after the death. That means he died around 6 AM or even earlier.” I really need to study Criminology. Ngayon ko lang nalaman ang rigor mortis. Kung gusto kong makatulong sa kanila ay kailangan kong makahabol sa mga kaalaman nila tungkol dito. Ayokong maging pabigat sa kanila. “That’s really weird. I’m pretty sure that sword killed him at 9:17 A.M.,” bulong ni Ma’am Reina. “Maybe he was not killed by that sword?” dagdag ni Ken. “Maybe the killer pierced his heart even though he’s already dead to hide or mess with the cause and time of death.” Tumahimik ulit kaming lahat habang pina-process lahat ng napag-usapan naming pero agad na nabasag ang katahimikan nang biglang may sumigaw sa bandang likuran namin. Pagtingin ko ay may isang babaeng napaupo na lang sa may kalsada habang nakatingin siya sa bangkay. Tumakbo ako papunta sa kanya pero nagulat ako nang bigla niyang hatakin ang kamay ko. “T-tulungan mo ako!” she pleaded with a terrified expression on her face. “A-ayoko pang mamatay,” dagdag niya at nanginginig na ang buong katawan niya. “I . . . I’ll be the n-next one.” At pagkatapos niyang bitiwan ang mga salitang iyon ay nawalan siya bigla ng malay. “Ma’am!” sigaw ko nang bumagsak ang katawan niya sa mga kamay ko at lumapit naman sa akin sina Akane. Binuhat siya ni Ken papunta sa gilid at ako na ang nagprisintang magbantay sa kanya habang ina-analyze pa rin nila ang bangkay at ang crime scene. Makalipas naman ang isang minuto ay nagising ang babae kaya agad kong hinawakan ang kamay niya. “Okay ka ba po ba?” tanong ko sa kanya pero yumuko lang siya. She started muttering words but I couldn’t hear them properly. “H-He’ll kill me,” mahina niyang sabi at nagsimula na namang manginig ang katawan niya. “Y-yes, I . . . I’ll do it.” Nagulat naman ako nang bigla na lang siyang tumayo habang kabadong tinitingnan ang paligid kaya napatingin din ako kung may kahina-hinalang tao ba na malapit sa amin. “Wait! Saan ka pupunta?” tanong ko at susundan ko na sana siya pero bigla siyang tumingin nang masama sa akin. “Huwag mo akong sundan!” sigaw niya kaya napaatras ako. She was still nervously looking around and her steps became faster. Kahit na sinabi niyang huwag ko siyang sundan ay nag-aalala ako sa kalagayan niya kaya sumunod pa rin ako sa kanya. Napalingon din ako kung nasaan sina Ma’am Reina pero mukhang busy pa sila kaya hindi na ako nagpaalam pa. Babalik na lang ako agad kapag nasigurado ko nang ligtas ‘yong babae. Nakita ko naman siya kahit medyo malayo na siya sa akin. Good thing my sixth sense could be useful this time. Huminto siya sa harap ng isang building at muli siyang lumingon sa paligid bago pumasok sa loob kaya tumakbo na ako papunta roon. Buti na lang at maraming taong pumapasok kaya hindi na ako na-check ng guard sa entrance. Pagdating ko sa lobby ay wala na ro’n ang babae kaya hinanap ko siya agad. Pagtingin ko ay sumakay na siya sa elevator kaya tumakbo ako papunta ro’n pero hindi ko na siya naabutan. Mukhang sa 14th floor ang room niya. Ang tagal ng ibang elevators at ang dami ring tao kaya tumakbo na ako papunta sa hagdanan. Hindi talaga ako mapakali dahil kakaiba ang kilos ng babae. She looked like she was in trance after that panic attack. She must have a connection to that deceased guy. She was telling me earlier that she would be the next one . . . wait . . . oh my god. I should have told them about this! Binilisan ko ang pagtakbo ko kahit na ang sakit na ng mga paa ko. Pagdating ko sa floor kung nasaan siya ay saglit akong napahinto para huminga. Nasa hallway na ako pero hindi ko alam kung paano siya hahanapin dahil wala akong idea kung saan dito ang room niya. “Akemi! Nasaan ka?” Napatalon ako nang marinig ko ang boses ni Akane at doon ko lang na-realize na nangagaling ang boses niya sa hikaw na ipinahiram niya sa akin kanina bago kami umalis ng dorm. “Akane?” sabay hawak ko sa hiwak na suot ko. Maybe it has the same purpose as the earpiece Si Hayate lent us before. “Yeah. Nasaan ka? Bakit bigla kang nawala?” “Ah, sorry. Biglang tumakbo ‘yong babaeng kasama ko kanina kaya sinundan ko siya. Nandito ako ngayon sa condominium malapit sa tapat ng crime scene.” Tumingin ako sa labas at nakikita ko sina Akane, though hindi masyado dahil lagpas sila sa range ko. “Tumingin ka sa likuran mo. You’ll see a building, about 30-storey I think, directly in front of you.” “Andyan rin ‘yong babae? Well, at least we know where she is. Pero bago ang lahat, bumalik ka muna rito. We need to talk about something.” Pagkatapos no’n ay nawala na ang boses ni Akane kaya napapikit na lang ako. I still felt conflicted. I wanted to know what that woman was doing but I didn’t want to cause them trouble. In the end, wala rin akong nagawa kundi bumalik doon pero this time, ginamit ko na ang elevator. Pagpasok ko ay may tatlong tao sa loob na mukhang pababa rin. One was a tall and bulky man. Halos kalahati niya lang ako sa height at sa lapad kaya medyo natakot ako sa kanya. The other one was a petite woman dressed in a business attire and she was holding a case. Napansin ko namang kanina pa siya tingin nang tingin sa relo niya kaya baka may hinahabol siyang meeting. The last one was a man who looked like a model. Kahit naka-plain white shirt at faded jeans ay angat na angat pa rin ang itsura niya. Nobody talked and being with these kinds of people made me uncomfortable. Kaya naman nang tumunog ang elevator ay agad akong tumakbo palabas. Nagmadali ako kung nasaan sina Akane at pagdating ko ro’n ay wala na ang bangkay pati ang mga kasama ko. Hinanap ko sila at nakita ko si Miyu sa gilid ng isang convenience store kaya tumakbo ako papunta ro’n. “Welcome back, Miss Akemi,” bati niya kaya napangiti ako. “Akemi-neechan!” sabay yakap sa akin ni Riye at pareho kaming natumba sa floor. “Akala namin may masama nang nangyari sa’yo.” “S-sorry.” Umupo ako sa tabi ni Riye at nakapalibot kami ngayon sa mababang mesa. Idi-discuss daw namin ang nangyaring crime pero nag-aalala pa rin ako ro’n sa babae kanina. “First of all, let’s talk about the time of death,” panimula ni Ma’am Reina. “When I touched his wound on the chest, I’m sure he got that at 9:17 A.M. But according to Riye, it’s been around three to four hours ago when he died because of the rigor mortis.” “Unless he did a very rigorous activity before he died,” sabi naman ni Reiji. “The hardening of the muscles will be hastened.” “Pero wala namang signs na napagod siya. No signs of sweat and sweat marks. So that means the only conclusion we can get is that man was killed three to four hours ago,” pagpapatuloy ni Akane sa usapan. “And we can infer that he was stabbed in the heart to hide the real cause of his death.” Napatingin ako kay Ken nang sabihin niya ‘yon. “You see, I smelled a faint scenet of hydrochloric acid in him” Right. That’s his sixth sense. Kahit ayaw ko sa chemistry ay alam kong delikado ang hydrochloric acid sa katawan ng tao. Paano naman mapupunta ‘yon sa loob ni Mr. Victor? Did he ingest it? Or maybe someone forced him to? Pwede ring may nag-inject sa kanya no’n. Ugh. Sumasakit na naman ang ulo ko. “I contacted his company and they said he has no family and he’s just living by himself.” Nilapag ni Hiro ang wallet ng biktima sa lamesa at may nahagip naman ang mga mata ko. “Parang nakita ko na ‘to sa kung saan,” sabi ko at nilabas ko ang isang pirasong papel na nakaipit doon sa wallet niya. A heart-like shaped was drawn on it and the word ‘passed’ was written below the shape. Lumapit naman agad sa akin si Riye at Akane at tiningnan din nila ang papel na hawak ko. “What’s that?” tanong ni Akane. “Ewan. Card? Pero feeling ko nakita ko na ‘to.” Hindi ko lang talaga maalala kung saan at kailan. “Saan po?” sabay tingin sa akin ni Riye. “I can’t remember.” Pinipilit kong maalala kung kailan at saan ko ‘yon nakita pero wala talaga kaya sumuko na ako. Pinadala namin kina Sir Ryuu ang mga information na nakalap namin for further investigation. Ang galing nga dahil parang may hologram system si Miyu. Nagulat na lang ako nang biglang katabi na namin sa lamesa ang holographic image ni Sir Ryuu. Akala ko nga noong una ay nag-teleport siya. “Okay. Got it,” sabi ni Sir Ryuu. “Ah right. Pinapasabi ni Hayate na hindi niya kayo matutulungan ngayon. May trabaho kasing ibinigay sa kanya si Mr. President. Reina, sumunod ka raw sa kanya.” “So it started, huh,” Ma’am Reina muttered. “Kailangan ko nang umalis.” Tumayo naman siya agad. “Ryuu, sumunod ka na lang dito. Ikaw muna ang in-charge sa kanila. Okay?” Tumango naman si Sir Ryuu at pagkatapos no’n ay nagsimula nang maglakad si Ma’am Reina palayo sa amin. “Ano ‘yong sinabi ni Miss Reina na nagsimula na?” pabulong ko pang tanong kay Akane pero mukhang narinig nilang lahat kasi tumingin sila sa akin. “Hindi ko rin alam. Na-curious nga rin ako kanina.” Matapos ‘yon ay bumalik rin sila agad sa crime scene habang ako ay naiwan dito sa loob ng sasakyan. Nag-volunteer ako na magbantay kung sakaling may dumating na data galing sa police headquarters at makatulong sa investigation. Pagtingin ko sa relo ko, 6:30 PM na pala. “What’s bothering you?” Halos mapasigaw ako nang narinig ko yung boses ni Hiro sa likuran ko at paglingon ko ay nandoon nga siya. Sanay kasi ako na sa isip ko lang naririnig ang boses niya kaya nakakagulat na kinausap niya ako bigla. At saka, paano siya nakapasok dito sa sasakyan nang hindi man lang gumagawa ng kahit anong tunog? Napabuntong-hininga na lang ako nang makapasok na siya at napaisip naman ako sa tanong niya. “Ma’am Reina,” mahina kong sagot. “She looked serious after she received that order.” “That’s beyond our field,” sabi naman niya bigla at na-guilty ako. I didn’t mean to pry. Bigla namang nagsipasukan sina Akane, Riye, Ken at Reiji sa loob ng sasakyan kaya umayos ako ng pwesto. “Madilim na. Wala na akong masyadong makita. Miyu, nasaan ang flashlights natin?” tanong ni Ken. “Beside the weapon box, Master Ken.” Habang nasa loob silang lahat ngayon ay ako naman ang lumabas. Naglakad ako papunta doon sa crime scene at wala na roon yung katawan ni Mr. Victor dahil dinala na nina sir Ryuu para raw ma-autopsy. Pabalik na sana ako sa sasakyan pero biglang may nahagip yung mata ko. Doon sa building kung saan pumasok kanina ang babaeng kasama ko ay biglang nagpatay-sindi ang ilaw sa loob ng isang room sa 14th floor. I suddenly realized it was about 300 meters from here. How come I could see it clearly? Agad naman akong napatakbo dahil naisip ko ang babae. I had a bad feeling about it and I hope it wouldn’t be the one I was thinking. “Are you going there?” Nagulat ako nang nakita kong nasa tabi ko na si Akane at tumatakbo na rin. She was also pointing at that place. “H-how . . .” “Because of these.” When she turned her face to me, her yellowish irises gleamed under the moonlight. “Our sixth sense enhances as we reach the different stages of it. As of now, I can hear anything within a 700-meter radius.” 700 meters? Whoa! “Anyway, yes, doon ako pupunta. Bigla ko kasing nakita na nagpatay-sindi ‘yong ilaw sa room na ‘yon,” sabay turo ko sa isang kwarto sa 14th floor. “Oh my gosh,” she gasped. “Bakit?” She suddenly pointed at my face. “Kaya pala! Akala ko may naramdaman ka lang na kakaiba but it turns out na ginamit mo pala ang sixth sense mo.” “Ha?” “Your eye color is light brown right now. That means your sight is enhanced. That’s why you can see it.” Pagkasabi niya no’n ay saktong sumarado ang elevator at agad akong napatingin sa reflection ko. She was right. My eyes turned light brown, just like that time. “I wonder, hanggang ilang meters kaya ang kaya mong makita sa ganyang state?” “Ewan ko, pero siguro lagpas 300 meters since nakita ko ang building na ‘to, clearly?” Pagkabukas ng elevator ay agad kaming tumakbo papunta sa room na nakita naming mula sa baba. Kumatok kami pero walang sumasagot at naka-lock din ang pinto. “Tsk. I think it’s time to use this holy tool,” sabi ni Akanae at bigla niyang tinanggal ang hair clip niya. She straightened it and inserted into the keyhole. After a few seconds of turning, I heard a click and when she turned the knob, the door got unlocked. Pagbukas naming ng pinto ay halos matumba ako sa nakita ko. Pareho kaming napasigaw ni Akane dahil sa bumungad sa amin sa kwarto. In the middle of the room, a rope was tied around a rod near the ceiling and on the other end of it was the woman I saw earlier. Her eyes were widely opened and looked at us with such a terrifying expression. But what was more frightening was the single black flower placed under her feet . . . as if someone just gave us a warning.
Comments
|
Archives
May 2020
Categories |