Purpleyhan Stories
  • Home
  • About
  • Stories
    • Standalone Stories >
      • Novels
      • Novellas
    • Serialized Novels
    • Epistolary
    • Compilations
    • Ongoing
    • Completed
  • Blog
  • Message Board
  • News
  • Downloads

Chapter 16

12/14/2019

Comments

 
​Who was that woman?

Nag-drive pabalik si Miyu sa Tantei Police dahil gabi na rin at pagdating namin doon ay dumiretso kami sa agency samantalang si sir Ryuu naman ay pumunta sa Tantei High mismo dahil may gagawin daw siyang importante ngayon.

“We need to solve this case immediately. Baka may sumunod na namang mamatay.”

Reiji was right. We could save the next victim if we could identify the murderer.

Nagising naman si Akane at sorry siya nang sorry sa akin. I told her that it was alright and I understood her but she kept on apologizing.

“Okay lang talaga, Akane.”
“Sorry talaga,” she sobbed. “I . . . I almost hurt you.”
“It’s okay. Buti nga dumating agad si Ken.”
“Yeah. Siya lagi ang nagliligtas sa akin sa blackouts.”

Napangiti naman ako. Kahit na madalas silang nag-aaway ay pansin naman na nag-aalala sila sa isa’t isa.

Pagtingin ko sa relo ko ay halos 8 PM na. Nandito pa rin kami ngayon sa agency at dini-discuss and deductions namin sa crime. Pasingit-singit lang ako minsan kapag may naaalala akong mahalagang dapat sabihin.

“Oo nga pala, nakuha n’yo ba ang details nung second victim?” tanong ni Akane matapos niyang mag-sorry nang ilang beses sa akin. It was good to see that she was back on her feet.
“Reynalyn Geronimo. Thirty-seven years old. She’s living by herself,” sabi naman ni Hiro.
“So we have the number thirteen code and the names and ages of the victims. Magkakilala kaya sila?” tanong sa amin ni Ken.
“Maybe. Kanina kasi ‘di ba, sumigaw ‘yong babae noong nakita niyang namatay si Mr. Victor. Humingi pa siya ng tulong kay nee-chan after that.”
“This case is getting complicated.” Pagkasabi no’n ni Ken ay saktong pumasok sa room si Sir Hayate.
“How’s the case?” tanong niya.

Kinuwento naman namin lahat ng nangyari pati ang deductions naming at tumatango lang si sir Hayate sa tuwing may sasabihin kami.

“You guys can rest. Meron pa naman kayong natitirang oras bago lumipas ang 13 hours. Masyado nang maraming nangyari ngayon. Magpahinga muna kayo.”

After saying those words, I immediately felt the exhaustion all over my body. Sabay-sabay naman kaming umalis doon sa agency at dumaan sa hallway. After several minutes, we arrived inside the campus and we headed straight in our dorms. Pagpasok namin sa kwarto ay agad na humilata sina Akane at Riye dahil paniguradong mas pagod sila.

Nag-shower muna ako bago dumiretso sa kama pero kahit ilang minuto na akong nakahiga at nakapikit ay hindi pa rin ako makatulog. Naaalala ko pa rin ang babaeng nakita ko kanina. That lady wearing a black hooded cape and smiling at me . . . sino kaya siya?

Dahil hindi rin naman ako makatulog ay bumangon na lang ako at kumuha ng jacket. Dinala ko rin yung relo ko para alam ko kung kailan ako dapat bumalik. Pagtingin ko, 10 PM na pala.

Lumabas ako ng kwarto namin at naglakad-lakad. Saka ko naalala na nasa likod lang pala ng dorm namin yung library. Sabi naman ni Akane, hindi affected ang library sa 11:00 PM curfew at 24 hours ‘yong bukas kaya naglakad ako papunta ro’n.

Naaninag ko naman ang library at medyo nakakatakot maglakad mag-isa papunta ro’n. Nang makarating ako ay namangha ako sa laki nito. First time kong pumasok sa ganito dahil unang-una, hindi naman ako nagla-library kahit sa school ko dati. Pakiramdam ko, nasa ibang mundo ako dahil sa dami ng librong nakapaligid sa akin.

Buti na lang at bukas ang mga ilaw kahit wala namang gumagamit. At least, medyo nabawasan ang kaba ko dahil mag-isa lang ako rito.

I went to the middle section where the history books were placed. May naka-display na malaking libro sa gitnang table na kapag binuklat mo ay kasinlaki ng buong cartolina ang bawat pahina. Napatigil naman ako nang may nabasa ako mula roon.

… great power begets huge responsibility. We are responsible for the safety of the humdrums and their world. We are responsible for keeping the Shinigamis away from them. Shenshins are born because they are needed.


Nilipat ko naman ang page sa bandang dulo at may mga pangalang nakasulat doon. Of course, the alternative names were all Japanese names. Hindi ko alam kung sinu-sino ang mga ‘yon pero napatitig ako sa isang grupo ng mga pangalan.

Hideo

Naomi
Mitsuo
Akira
Michiko
Mayu
Akemi

My hand traced the last name. It was the same as mine. Bigla ko tuloy naalala ang sinabi sa akin ni Sir Kayate na cursed name ang Akemi. According to him, nobody used that name the moment she died . . . until I claimed it.

“Yes. She was the last Akemi.”

Bigla akong napalingon nang may marinig akong boses at bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan.

“S-sorry po,” sabi ko sa lalaking kaharap ko ngayon. He wasn’t looking at me but I could feel his overwhelming presence. He was also looking and scanning the pages of books in the shelf across me.
“No need to be sorry.”

Pagtingin niya sa akin ay napansin ko kaagad ang mukha niya. He was handsome and he looked strong. Siguro mid-40’s at naka-white T-shirt lang siya at pantalon pero ang lakas ng dating niya.

Bigla ko namang naisip ang sinabi niya kanina. He was talking about the last Akemi. I wanted to know more but his mind was closed. He could read my mind but I couldn’t penetrate his thoughts, just like Hiro.

Nakita ko naman na ngumiti siya. Nabasa na naman ba niya ang iniisip ko?

“Akemi, right?” sabi niya habang nakatingin sa akin.
“O-opo.”
“Do you believe that your name is cursed?” he asked and I was quite surprised but I shook my head. Ngumiti naman siya matapos kong gawin ‘yon. “Nice meeting you.”

Pagkatapos no’n ay agad din naman siyang umalis kaya napakunot na lang ang noo ko.
What a weird man. Who was that?

Bago pa ako tuluyang matakot dito sa library na ay tumakbo na rin ako palabas at bumalik sa dorm. Pagpasok ko sa kwarto ay gising na sina Akane at Riye at nagulat sila nang makita nila ako sa may pintuan na hingal na hingal.

“Nee-chan! San ka galing?”
“Library.”

Pumasok ako sa loob at pinainom nila agad ako ng tubig. Nagising daw si Riye kanina at nakitang wala ako sa kwarto kaya ginising niya rin si Akane. Balak na sana nila akong hanapin kaso bigla naman akong dumating.

Kinwento ko naman sa kanila ang nangyari at dinescribe ko ang lalaking nakita ko sa library. Napakunot naman ang noo ko nang nagtinginan sina Akane at Riye.

“What? Kilala n’yo ba siya?”
“Y-yeah. Pero ang weird lang na nagpakita siya sa’yo,” Akane commented.
“Hm? Sino ba siya? And why was it weird?”
“Nee-chan, the man that you saw… is the President.”

Pagkasabi no’n ni Riye ay nanlaki ang mga mata ko at nasamid ako.

“Y-you mean . . . as in . . . the President? Like the President of Tantei High?” tanong ko at sabay silang tumango. Oh my god.
“It’s weird dahil hindi siya madalas nagpapakita sa mga estudyante. Though nakikita siya ng mga nasa Atama family because of some matters.”
“Ibig sabihin, nakita n’yo na rin siya?”
“Opo, nee-chan, pero isang beses ko pa lang siyang nakikita.”
“Maraming beses ko na siyang nakita simula pa noong bata ako,” sabi naman ni Akane.
“Talaga?”
“Yup. Besides, Hiro is my childhood friend.”
“Huh? Anong kinalaman ni Hiro sa kanya?”
“Oh. Hindi ba namin nasabi sa’yo?” Akane said and I could see how she was trying hard not to smirk.
“Ang ano?”
“Hiro is the President’s son.” 
​

<< Chapter 15
Chapter 17 >>

Comments
comments powered by Disqus
    Picture
    back to tantei
    ​high page

    Archives

    May 2020
    December 2019
    October 2019

    Categories

    All

Powered by Create your own unique website with customizable templates.
  • Home
  • About
  • Stories
    • Standalone Stories >
      • Novels
      • Novellas
    • Serialized Novels
    • Epistolary
    • Compilations
    • Ongoing
    • Completed
  • Blog
  • Message Board
  • News
  • Downloads