Purpleyhan Stories
  • Home
  • About
  • Stories
    • Standalone Stories >
      • Novels
      • Novellas
    • Serialized Novels
    • Epistolary
    • Compilations
    • Ongoing
    • Completed
  • Blog
  • Message Board
  • News
  • Downloads

Chapter 25

5/15/2020

Comments

 

third case: the golden sun
​

Napatingin kami sa mga litrato na inilapag nung matanda. Nalula ako sa nakita ko. Gold, money and jewelries were shown in the photos.

“Excuse me lang ho, lola, pero hindi pa po bukas yung agency. Mag-fofour pa lang po.”

Napatingin naman kami kay Ken. Pero sabagay, may point siya. At saka, paano nakapasok dito ang matandang babae? ‘Di ba kailangan pang dumaan sa Tantei Police Department na nasa kabilang kwarto bago makapasok?

Nasagot naman ang tanong ko nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Sir Ryuu.

“Whoa! Ang aga n’yo yata? At bakit mga nakapantulog pa kayo?” sabay tingin sa amin ni Sir Ryuu na parang ang weird namin. “Mukhang ‘di na kayo maghihintay nang matagal, Ma’am. This is Ma’am Ana Felidad. An alumna of Tantei High.”

Pagkasabi no’n ni Sir Ryuu ay pare-pareho kaming nagulat. Galing din siya sa Tantei High? Pero kung isa rin siyang Senshin, bakit siya nagpapatulong sa isang robbery case?

“I know who the thieves are but I don’t have any idea how to catch them,” Ma’am Ana said.

“Paano n’yo po nalaman?” tanong ni Akane sa kanya at bigla namang naging yellow ang mga mat ani Ma’am Ana.

“I have the ability to distinguish pure metals from other kinds of matter. Noong time na nanakawin na nila ang Golden Sun ay pinalitan ko ito ng replica na hindi pure gold. I also installed a CCTV and I thought they wouldn’t notice the change but they threatened me, saying that I should give them the real Golden Sun tonight. That’s why I thought that one of the thieves has a similar ability as mine and I am sure that they are Shinigamis.”

Natahimik kami after that. Ibig sabihin ba nito ay ang nababalitang robbery cases ay kagagawan na naman ng mga Shinigami?

“Teka, sila ang nagdemand na ilabas n’yo ‘yong kung anuman ang Golden Sun na ‘yon? What arrogant thieves,” Ken commented.

“It’s not what you think. Kung alam kong kaya namin sila ay hindi na ako pupunta rito. They are too strong for us. Noong pinalit ko ang replica, pinatay nila ang isa kong anak bilang kabayaran sa sa ginawa ko.”

Pagkasabi niya no’n ay bumigat ang pakiramdam ko. They killed one of her children just because of that? Grabe. Wala ba talaga silang puso? Paano nila nakakayang pumatay ng inosenteng tao?

"Anong oras po raw nila babalikan ang Golden Sun at saan? Did they give some instructions?" Riye asked.

"I think they are high-ranking Shinigamis. They left a note in the room and they vanished after. Pagpunta ko ro'n ay nakasulat na ang oras at lugar."

She pulled something out of her bag and put it in the table. It was the note left by the Shinigamis.
 
10 PM
Display Room

The words were written in red ink and that bothered me.

"That's the blood of my son," she said as her voice cracked.

I was frightened by her a while ago but after learning what happened, I suddenly felt aad for her. Losing her son in the hands of Shinigamis must have been devastating.

"Why don't we use the Wavisual Device?" Napatingin naman ako kay Reiji. Wavisual? Ano 'yon? "The device that converts brain waves to visual images."

Ah. He mentioned that a while ago. Pero hindi ba sabi nila ay for officials lang 'yon ng Tantei High?

"Okay. Kakausapin ko lang si Hiroshi," sabi ni Sir Ryuu at saka siya dumaan sa hallway.

Bigla naman akong nakaramdam ng antok. Saka ko lang na-realize na hindi pa ako natutulog. Well, halos lahat naman yata kami ay hindi pa masyadong nakakatulog. I know na pagod kaming lahat pero kailangan naming tulungan si Ma'am Ana.

"Ah. Pwede po bang magtanong? Where did you get that scar?" biglang tanong ni Ken kaya nagising ang diwa ko. Hindi ko alam kung wala lang ba talaga siyang respeto o sadyang curious lang siya sa mga bagay-bagay. Basta ang alam ko lang, pagkatapos niyang sabihin yun ay nakatikim siya ng isang matinding palo kay Akane.

"Ah, this?"

Hinawakan naman ni Ma'am Ana ang mahabang scar sa mukha niya. Akala ko ay papagalitan niya si Ken pero mukhang mabait naman siya.

"Is that from the incident fifteen years ago?" Hiro queried.

"Very brilliant, kid. Yes. I got this from the Shinigami Attack fifteen years ago. Nasa Tantei High pa ako noon at isa ako sa mga nakipaglaban sa kanila. It was a terrible incident but great. Nakita ko kung gaano kalakas ang ibang Senshins maging ang ibang Shinigami. It's like watching the gods and goddesses of war battling against each other."

Bigla akong kinabahan. That means she had witnessed the greatness of the Great Seven. Ibig sabihin . . . kilala niya ang dating Akemi.

"How was the one named Akemi?" bigla kong naitanong kaya napatingin sila sa akin. Gusto ko talagang malaman ang mga nangyari sa Great Seven, lalung-lalo na kay Akemi.

"All I know is that she is great. And it's forbidden to speak about her."

"B-bakit po?"

Hindi naman niya ako sinagot at binigyan lang ako ng malungkot na ngiti, just like what Ma'am Seira and Sir Hayate did.

"How about my Mom?" This time, si Akane naman ang nagtanong. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang lungkot. Siguro miss na miss na niya ang mama niya ngayon.

"Is Akira your mother? Kamukhang-kamukha mo siya noong ganyang edad pa siya. She also had that red hair, just like yours. Ahh, ang bilis talaga ng panahon. Isa siya sa mga pinakamagagaling na Senshin na nakilala ko. I hope you would also be one."

Napangiti si Akane and I loved how her pained expression turned proud after what Ma'am Ana had said.

"Siya rin ho. He's the son of Hideo, the current president," dagdag pa ni Akane, sabay turo kay Hiro. Tumingin naman kay Hiro si Ma'am Ana at napakunot ang noo nito.

"Hindi kayo masyadong magkamukha. But that blank expression of yours is too similar with his," sabay ngiti niya and she looked at him as if he was reminiscing something. "You, too, will be a great man."

"I look like my mother," biglang sabi ni Hiro na parang na-offend sa sinabi ni Ma'am Ana.

"Oh, wait," she gasped, as if realization had hit her. "You mean your mother is—"

Naputol naman ang sasabihin ni Ma'am Ana dahil biglang bumukas ang pinto ng agency mula sa Tantei Police. Bumungad sa amin sina Sir Hayate at Ms. Reina.

"Teka, bakit nandito na kayo? Alas-kuwatro pa lang ah?" tanong agad sa amin ni Ms. Reina nang maabutan nila kami rito sa loob ng agency.

"Uhm, emergency client. Ha-ha," sabay turo nina Ken at Reiji kay Ma'am Ana.

Bumukas rin ang pinto sa kabila at nakita namin na pumasok sina Sir Ryuu at Sir Hiroshi habang may hawak na head gear. Si Sir looked like he just got out of bed because his glasses weren't placed properly and his hair looked like a bird's nest.

"Oh, what a great sight," Sir Hiroshi remarked when he saw us wearing pajamas, too.

"Teka ano bang nangyayari? Can someone explain it—" Napahinto naman sa pagsasalita si Sir Hayate kaya nagtaka kami at bigla na lang siyang nag-nod. "Oh, okay. Got it."

Mukhang alam ko na ang nangyari. Napatingin ako kay Hiro dahil alam kong siya lang naman ang may kakayahan dito sa amin na makapag-invade ng utak kahit naka-close naman ito.

Napaisip tuloy ako, ano kayang laman ng isip niya? I mean, no one could read his mind. Siguro kaya ng pamilya niya dahil siguro same genes?

Pero ano nga kaya? Siguro sobrang kumplikado ng utak niya. Na-curious tuloy ako bigla. Sana kahit minsan, i-try niyang buksan yung isip niya para naman mabasa ng mga taong nakapaligid sa kanya.

'I prefer not to,'
bigla niyang sabi.

'Why?'


'If you could read my mind, you'd be in tears.'


'Bakit naman ako iiyak?'


'You know, girls and their dramas.'


Napatigil naman ako. Drama? Masyado bang ma-drama ang buhay niya kaya niya nasabing maiiyak ako? Hah. Same goes with guys and their so called coolness.

Napatingin na lang ulit ako kay Ma'am Ana habang sinusuot sa kanya ang head gear. Pinaupo siya ulit doon sa sofa habang kami naman ay nakatayo sa paligid niya. Naka-assist sa kanya si Sir Hiroshi habang kinakabit ang head gear sa kanya.

"Okay, Ma'am. Just recall what happened last night so that we could only see that, not the personal matters. Is that okay with you?" tanong ni Sir Hiroshi at tumango naman si Ma'am Ana.

Sir pushed a button on the left side of the head gear and suddenly, holographic images came out from it. Napapanood namin ang nangyayari through her point of view.

Nasa isang camera room si Ma'am Ana at nakatingin siya sa isang monitor kung nasaan ang dalawang Shinigami. Nakatalikod sila sa amin kaya hindi namin makita ang mga mukha nila. They approached the glass case where the Golden Sun replica was placed. I thought Golden Sun was just a small piece of gold sculpture, but it turned out it was a life-size statue of a woman holding the sun. Kahit nasa monitor lang ay napanganga ako sa ganda ng Golden Sun. Hinawakan 'yon ng isa sa kanila nang medyo matagal at bigla na lang siyang napailing. Sakto namang bumukas ang pinto sa room na kinalalagyan nila at pumasok ang isang lalaki na may dalang dalawang baril. But before he could pull the trigger, he was already killed by them. One of them dipped his finger in his blood and wrote something on a piece of paper. He approached the CCTV and showed what he had written while smiling menacingly.

"Bring the real one or I will kill your entire clan!"he threatened and just like what Ma'am Ana had said, they disappeared in thin air.

Pagkatapos no'n ay pinindot ulit ni Sir Hiroshi ang button at nawala ang hologram sa harap namin. Tahimik kaming lahat matapos naming makita ang nasa isip ni Ma'am Ana.

"Hiro." Napatingin kami kay Ken dahil siya ang unang nagsalita at seryosong-seryoso yung mukha niya.

"Why? Something wrong?" tanong ni Reiji sa kanya.

"They were the ones who chased us during the serial murder incident," Hiro said and that made the atmosphere heavier.

Naputol naman ang katahimikan namin nang biglang nagsalita si Ma'am Reina.

"Okay, okay. Guys, magpahinga na kayo. You look like zombies. Kapag nakapagpahinga na kayo ay pag-uusapan ulit natin 'to. Pero sa ngayon, kami na muna ang bahala rito," sabi niya at saka niya kami itinulak papunta sa creepy hallway.

I guess I really need a rest.
​

<< Chapter 24
Chapter 26 >>

Comments
comments powered by Disqus
    Picture
    back to tantei
    ​high page

    Archives

    May 2020
    December 2019
    October 2019

    Categories

    All

Powered by Create your own unique website with customizable templates.
  • Home
  • About
  • Stories
    • Standalone Stories >
      • Novels
      • Novellas
    • Serialized Novels
    • Epistolary
    • Compilations
    • Ongoing
    • Completed
  • Blog
  • Message Board
  • News
  • Downloads