Purpleyhan Stories
  • Home
  • About
  • Stories
    • Standalone Stories >
      • Novels
      • Novellas
    • Serialized Novels
    • Epistolary
    • Compilations
    • Ongoing
    • Completed
  • Blog
  • Message Board
  • News
  • Downloads

Chapter 30

5/15/2020

Comments

 

fourth case: a different person
​

“She died due to a gunshot in the heart, around 11:30 to 11:33 A.M.,” Riye said after analyzing the body.

“Nagtanung-tanong din kami sa mga kapitbahay at nagsimula raw ang sunog sa kabilang street bandang 11:10 at nagsimula naman ang sunog sa bahay nina Mrs. Andres bandang 11:25,” dagdag ni Ken.

“Do you think they’re connected?” tanong naman ni Riye.

“It’s possible. The time interval between the fire occurences is too narrow to be a coincidence,” sagot ni Reiji sa kanya.

“At sigurado ako na may bumaril sa kanya galing sa crowd dahil doon ko narinig ang putok ng baril, though hindi ko nakita kung sino kasi masyadong maraming tao.”

Sinusubukan kong mag-focus sa case pero hindi pa rin talaga mawala sa isip ko si Mama. Bakit siya galing sa Tantei High? Bakit wala siya sa bahay? Bakit nasunog ang bahay namin? Gustung-gusto ko na siyang makita at makausap. Gustung-gusto ko nang itanong sa kanya lahat ng tanong na naiipon na sa loob ko.

“Akemi?” tawag ni Akane at napansin kong nakatingin na silang lahat sa akin.

“H-huh?”

“C’mon. Alam naming preoccupied ka dahil sa Mama mo, pero focus muna tayo rito. We need to solve this crime.”

Doon ko naisip na ang selfish ko kaya na-guilty ako. Lahat sila ay may pinagdadaanang hirap pero hindi nila iyon pinapakita. I admire them for that.

“Sorry,” I said. “You’re right.”

Sinilip ko yung papel na sinusulatan ni Riye at tiningnan ko ang mga pinag-uusapan nila.

“Pero ang weird lang na ‘yong tatlong bahay na nasunog, kasama ‘yong inyo,” sabay turo sa akin ni Akane, “ay magkakatabi tapos halos kasabay nasunog ang bahay ni Mrs. Andres, which is a street away.”

Sa totoo lang, kinilabutan ako kanina noong nangyayari ang magkasunod na sunog. Sobrang weird nga talaga. Bakit kailangang hiwalay na masunog ang bahay nina Mrs. Andres?

“Kung si Mrs. Andres nga talaga ang target ng killer, bakit kailangan niya pang sunugin ang tatlong bahay sa kabilang street?” tanong ni Ken.

“Maybe to divert the attention of the crowd?” sagot naman ni Reiji.

“Pero noong nasusunog na ang bahay nina Mrs. Andres, she’s still alive,” dagdag ni Riye. “She died because of the gunshot from the crowd.”

“Akane.”

Napatingin kaming lahat kay Hiro dahil ngayon lang siya nagsalita sa discussion na ginagawa namin.

“Why?”

“You heard the gunshot from your left side, right?”

“Yeah. And I’m pretty sure na naglagay siya ng silencer sa baril na ginamit niya para walang makarinig ng putok. Too bad I’m his or her miscalculation.”

Tumahimik saglit si Hiro pero nakatingin pa rin kami sa kanya. After a minute, he looked at Miyu’s screen.

“Miyu, the Window.”

Right after he said that, nag-activate ang sasakyan at nakikita na naman namin ang labas na naka-project sa paligid ng sasakyan. So that command was called Window, huh?

“I have five suspects,” Hiro stated.

“Five? Who are they?” tanong agad ni Reiji.

Tumayo si Hiro at pumunta siya malapit sa bintana kung saan naka-project ang harapan ng bahay nina Mrs. Andres at sobrang daming tao ang nagkukumpulan para makiusyoso.

“These five people are on our left side and they’re suspicious,” sabay turo niya sa limang tao na nandoon sa harapan ng bahay ni Mrs. Andres.

He pointed at a guy who was wearing eyeglasses and holding a brief case; a rich-looking guy who was wearing a formal attire; a guy who was with Mrs. Andres’s son; a petite and fair-skinned woman; and a woman who was wearing shades and cap.

Bigla naman akong na-amaze. Ibig sabihin, natandaan niya kanina lahat ng itsura ng tao sa paligid niya at na-distinguish niya pa kung sino ang nasa left side at kung sino yung mga suspicious. Whoa. His sixth sense was really amazing.

“Kung sila nga suspects natin, dapat i-check na natin ang mga dala nila dahil baka nasa kanila pa ang baril na ginamit sa pagpatay,” sabi ni Ken sabay tayo.

“No. We’ll observe them first.”

“Bakit?”

“Because they weren’t leaving.”

Lahat kami ay napa-‘huh?’ nang sabay-sabay sa sinabi ni Hiro pero after some time ay nagliwanag ang mukha ni Riye.

“Ah! I get it, nii-san.”

“Yeah. That’s it.”

“Oh. That’s it.”

This time, si Reiji naman ang nagsalita. Okay, mukhang silang tatlo lang ang nagkakaintindihan.

“Nii-san wants to observe their actions because the killer is still there.”

“So?” Nakakunot na ang noo ni Akane dahil sa sinabi ni Riye.

“That means the killer has yet to complete his plan,” dagdag ni Reiji at nagpipindot siya sa phone niya.

“Ah. Ibig sabihin, may gagawin pa siya bukod sa pagpatay kay Mrs. Andres,” sabi naman ni Ken habang patangu-tango at mukhang na-realize niya na rin ang ibig sabihin kanina ni Hiro.

“However, we can’t investigate on our own,” sabay turo ni Hiro sa local police cars na nandoon.

He was right. Hindi kami pwedeng bigla na lang maki-imbestiga doon dahil unang-una, teenagers lang kami sa tingin ng mga ordinaryong tao, at pangalawa, baka mabunyag ang existence namin.

“So mukhang wala tayong choice kundi bumalik muna sa school at i-report ito kay Sir Hayate,” sabi agad ni Ken at nag-agree naman silang apat.

“Wait, paano kung sa time na wala tayo rito ay saka kumilos ang killer?” tanong ko at bigla namang tumayo si Akane at lumapit kay Hiro.

“Akemi, huwag mong kalimutan ang existence ng lalaking ‘to,” sabay pisil niya sa pisngi ni Hiro pero wala man lang siyang reaction. “He won’t leave a crime scene without a back-up plan. Right, Akuma? Dahil may dala akong kotse—”

“Which is not yours,” Ken interjected and Akane glared at him.

“Dahil may dala akong kotse, doon ako sasakay. Akemi, Riye, sasabay ba ulit kayo sa akin?”

Pagkatanong no’n ni Akane ay agad akong napaatras at pinagpawisan dahil naalala ko ang experience ko kanina. Si Riye, parang paiyak na ang expression kaya alam kong ayaw na rin niyang sumabay kay Akane.

“Boo. KJ! Ako lang mag-isa ro’n?!”

“Ha! Mag-drive ka mag-isa. Magsasama ka pa ng papatayin mo—oh shit!” Biglang hinila ni Akane si Ken sa collar ng damit niya at halos kaladkarin niya palabas kay Miyu.

“Patayin pala ha? Then let’s go. I’ll drive you to hell.”

“Shit! Help me! HEL—” Nakatikim na naman siya ng isang malakas na batok mula kay Akane. Hindi ko tuloy alam kung matatawa o maaawa ako sa kanya.

“Then we should also go. Miyu,” sabi ni Reiji at nag-respond naman agad sa kanya si Miyu.

“Yes, Master Reiji.”

Nagsimulang umandar si Miyu pabalik sa agency pero napatigil ang paghinga ko nang may Makita akong figure na naka-project sa gilid dahil naka-activate pa ang Windows command.

It was Mom and she was inside our burnt house. But what astounded me was that she wasn’t alone. She was fighting with Shinigamis.

Kinilabutan ako nang makita ko ‘yon dahil ngayon ko lang nakita si Mama na gano’n ang itsura. Her intense green eyes gleamed with power and confidence. It was like looking at a different person.

She was also holding her favorite fan but before I could see their battle, the projection faltered and disappeared.

Napapikit na lang ako dahil hindi ko na talaga alam kung ano bang nangyayari kay Mama. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil kinakabahan ako sa scene na nakita ko kanina. Tatlo ang kaharap niyang Shinigami. What if . . . what if bigla na lang siyang . . .

‘So that was your mother.’


Napatingin ako kay Hiro dahil bigla siyang nagsalita sa isip ko. He saw her?

‘N-nakita mo siya?’


‘I saw your expression when you looked at that particular projection. And I could read your mind.’


Hindi na ako nakasagot. Hindi ko na rin kasi alam ang sasabihin. Mas lalo lang bumigat ang pakiramdam ko dahil nag-aalala ako kay Mama. Mag-isa lang siya ro’n. Paano kung may masamang mangyari sa kanya?

‘A Senshin gets stronger when he or she is protecting someone.’


‘Anong ibig mong sabihin?’


‘She’s protecting you.’


Protecting me? From what? From whom?
​

<< Chapter 29
Chapter 31 >>

Comments
comments powered by Disqus
    Picture
    back to tantei
    ​high page

    Archives

    May 2020
    December 2019
    October 2019

    Categories

    All

Powered by Create your own unique website with customizable templates.
  • Home
  • About
  • Stories
    • Standalone Stories >
      • Novels
      • Novellas
    • Serialized Novels
    • Epistolary
    • Compilations
    • Ongoing
    • Completed
  • Blog
  • Message Board
  • News
  • Downloads