Spotted: Another Campus Prince and Campus Princess Couple Some students spotted Mr. Patrick Reyes, the first prince, and Ms. Jessica Mishelle Morales, the first princess, dancing and getting all cheesy at the freshies welcome party... Napafacepalm na lang ako sa pinapabasa sa akin ngayon nina Yna, Alice at Steff. Nandito kami ngayon sa garden at nakalabas ang Ipad ni Yna dahil pinabasa niya sa akin yung number 1 story sa underground website. May mga pictures pa doon na nagsasayaw nga kami at shet lang sa nagpicture nung kiniss niya ako! “See? See? I knew it would be the top story for the month! Haha! Just like what happened when Steff and Darryl made a scene during the Feb Fair!” then nag-giggle si Yna. “Natalo niyo pa yung mismong nangyari sa welcome party oh! Nasa number 2 lang yun,” dagdag naman ni Steff. “Eh yung nagkiss talaga sila. Yiiieee kilig! Laglag ovaries! Di pa rin ako makapagmove on!” tapos hinampas ako ni Alice ng binder niya. Ang sakit nun ha! Halos one week na rin ang nakakalipas simula nung mangyari yun. Tapos kinagabihan pa nun, biglang may dumating na package galing raw kay Patrick sabi ni Mommy. Pagtingin ko, isang malaking white bear yun at pinangalanan niya pa ng Jeric. Parang baliw. Nasabi ko na rin sa kanya yung gusto kong sabihin, pero sa phone nga lang. Okay na yun, at least nasabi ko. Kasi feeling ko hindi ko talaga kayang sabihin sa personal eh. “Paano ba yan, dalawa na ang Campus Royalties?” sabi bigla ni Yna. “Nauna kami no,” sabay belat ni Steff. Oo nga pala, binansagan na rin kaming Campus Royalties the second dahil nga Campus Prince si Patrick at ako ay Campus Princess. Mga bangag rin talaga ang mga estudyante rito sa university eh. Kung anu-anong pinapauso. “Oh my gosh. Am I imagining things?” napatingin naman kami kay Yna dahil nanlalaki yung mga mata niya. “Isang himala!” dagdag pa ni Alice. Napatingin naman kami ni Steff sa likuran namin dahil doon nakatingin sina Alice at Yna. Maski kami ni Steff na-shock. Eh paano ba naman, sabay nanaglalakad si Darryl at Patrick papunta dito, tapos nagtatawanan sila. “Steff.” “Jess.” Tapos kinurot ko yung pisngi ni Steff, at ganun rin ang ginawa niya sa akin. Parehas kaming nasaktan kaya mukhang hindi ito panaginip. Kelan pa sila naging close at naging buddy-buddy?! “Tara na bebe girl,” sabay hatak ni Darryl kay Steff at nagpaalam siya sa amin, habang si Steff ay nakatingin lang kay Darryl kahit naglalakad na sila palayo. “Tara na rin, slave, may klase pa tayo,” tapos hinawakan niya rin yung kamay ko. “Awww Yna, napag-iiwanan na tayo! Tara nga, tayo na lang muna ang magsama!” tapos hinatak rin ni Alice si Yna. “Someday, we’ll have our own prince, too. Huhu. Let’s go!”at tuluyan na silang umalis. Mga baliw. Prince, huh? Well, technically, ‘prince’ naman ‘tong si Patrick pero hindi siya asal prinsipe. “Tara na. Marami nang nakatingin sa aking mga babae,” napatingin naman ako sa paligid at may mga nakatingin nga sa kanya. Tss! Hoy mga babae, taken na siya! “Hangin! Grabe! Feeling mo gwapo ka na niyan?” saka ko kinuha yung bag ko at sumabay nang maglakad sa kanya. “Bakit, hindi ba?” “Hindi,” sabay irap ko sa kanya. Pero nagulat ako nung bigla niya na lang akong hinawakan sa batok at hinalikan sa gitna ng campus. Parang biglang tumigil yung mundo ko at nararamdaman kong nakatingin rin sa amin yung mga dumadaang estudyante, kaya tinulak ko siya. “A-a-anong—” pero ngumiti lang siya at hinawakan niya ulit yung kamay ko, tapos hinatak niya ako papunta sa klase namin. “You should not tell lies to your master.” Yeah. He’s not really a prince! Bwisit! Nakakahiya! Unknown particle talaga siya! Epal! Baliw! Lahat na ng opposite characteristics ng isang prinsipe! Ugh! Pero kahit ganun, hindi ko naman maitatanggi na mahal ko ‘tong hinayupak na ‘to. Wala akong pakialam kung hindi man siya yung ideal prince ko o ng ibang babae. Marami na kaming napagdaanan. Marami rin akong naging pagkakamali. Akala ko dati, si Dave na talaga ang lalaki para sa akin at isang malaking epal lang sa buhay ko si Patrick. Lagi lang akong nakatingin kay Dave at binabalewala ko siya. But it turns out, na yung taong binabalewala ko, ang magpapahalaga sa akin. I thought I will find happiness with Dave. Akala ko, siya na talaga. Pero nagkamali ako. Sinong mag-aakala na sa taong inakala kong malas sa buhay ko ang makakapagbigay sa akin ng happiness? Na sa isang Patrick Reyes ako maiinlove. Maybe it’s really true, that sometimes, the right person for you was there all along. And sometimes, it takes a lot of heartbreaks to get your heart in the right place. I love him. I love his cold attitude. I love his confidence... or is it arrogance? Well, I don’t really care. Doon nga ako nahulog eh. Sa ugali niya. Sa personality niya. He’s not perfect but he's all I want. I love this arrogant prince of mine. And no matter what, we’ll stay together. “Please stay in my life.” “I will.” And I won’t break my promise. I’ll stay with him, no matter what. Right, unknown particle?
Comments
“Patrick! Grabe! Totoo ba yung minessage mo sa akin?! As in?! Kayo na ni Jess? OMG! OMG TALAGA! Wait sisigaw ako! Oh my gosh!” “Tsk. Tricia—” “Fine! Fine! Tatahimik na ako. Congrats! Hahaha! Sige later na lang, papunta na ako sa next class ko eh. Pero ikukwento mo mamaya ha? Promise yan ha? Ha? Ha?” Ang kulit niya talaga kahit kailan. “Yeah. Promise.” Binabaan niya na ako. Kahit nasa States siya, gusto niya pa rin na maging updated sa buhay namin dito. Napahiga agad ako sa kama ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kanina. Finally, I was able to tell her my feelings. Pero natawa talaga ako nung hindi niya masabi yung gusto niyang sabihin kanina, though I already know it. Gusto ko lang marinig galing sa kanya. Kaso mukhang naunahan siya ng kaba at hiya kaya ako na ang nagsabi para sa kanya. Lalo akong natawa dahil napayuko na lang siya at nakita ko pa siyang nagblush. She’s really cute when she’s blushing. “I will.” Napangiti na lang akong mag-isa. Hindi ko talaga akalaing mangyayari yung mga nangyari kanina. Balak ko pa sanang maghanda ng mga sasabihin ko sa kanya. Balak ko pa sanang magpractice pero hindi ko na ginawa. Let’s just say that the best moments are usually unplanned and spontaneous. I am really happy right now, but somehow, I’m a bit sad. I unintentionally hurt someone because of my feelings. Gusto ko siyang i-comfort pero alam kong mas mahihirapan siya kapag ginawa ko yun. Sana lang, makabawi ako kay Keisha dahil sa sinabi ko sa kanya kahapon. *** “Pat, pwede bang magpasundo bukas?” “Hmm?” I looked at her while eating our lunch. “Doon sa freshie welcome party,” then she smiled at me. “Okay.” “Thank you!” she smiled wider. I sighed. Gusto ko sanang sunduin si slave kaso alam ko namang magpapahatid yun sa daddy niya. Gusto ko rin sana siyang makausap pero mukhang bukas ko pa yun magagawa. “Gusto mo bang tignan yung venue para bukas?” tanong sa akin ni Keisha nung natapos na kaming maglunch. “Sige.” I want to see the progress, and somehow, I want to see the greenfield. Naglakad kami papunta doon. Mukhang marami ring nakitingin sa inaayos na venue ngayon dahil napakaraming estudyante rito sa greenfields. Pero nahagip ng mata ko yung nakahiga doon sa may gilid. Si Alvarro at si slave. Shit. Magkasama na naman sila. Bakit nakahiga siya sa Alvarro na yun? Shit talaga. “Uhm, Pat, tara na pala. Mukhang hindi maganda yung timing natin,” tapos hinila ako ni Keisha sa braso pero hindi ako gumalaw sa pwesto ko. “Yeah. It’s really a bad timing.” Gusto kong lumapit doon at hilahin si slave patayo sa Alvarro na yun. “Sorry. Kung alam ko lang na... na nandito sila, sana hindi na kita inaya.” Napatingin ako sa kanya at nakayuko na lang siya. Napailing na lang ako. “It’s okay.” “N-nagseselos ka ba kay Dave?” halos paiyak na siya nung tinignan ko yung mukha niya. Napaiwas na lang ako ng tingin. Maybe this is the right time to tell her the truth. Hinila ko siya papunta doon sa kabilang side ng building, kung saan kaunti lang yung tao. “Keisha,” pinaharap ko siya sa akin pero bigla na lang tumulo yung mga luha niya. “Ha-ha. Ano ba yan, wala ka pa ngang sinasabi, naiiyak na ako,” saka niya pinunasan yung mata niya. “S-sorry. Alam ko namang darating at darating yung time na ‘to eh. H-hindi lang ako prepared. Haha. Ayaw tumigil ng mga luha ko.” Lalo lang bumigat yung pakiramdam ko. And somehow, I felt guilty. “Use this,” then I handed her my handkerchief. I really hate it when I see a girl crying. Girls are fragile and I don’t want to see them crying. And this time, I hate myself because I know it’s my fault. “T-thank you,” she wiped her tears and she tried to smile at me. “Go on. Say what you want to say.” I sighed heavily. I guess I should really tell her my true feelings. I know that she likes me, but... I already love someone else. “I’m sorry. Alam kong sinabi mo na sa akin dati na gusto mo ako, pero...” “You love her, right?” napatingin ulit ako sa mga mata niya at nakikita kong pinipigilan niyang tumulo ulit ang mga luha niya. “Yeah,” and then I sighed. Yung pinipigilan niyang luha, bigla na lang tumulo. “Mas masakit pala kapag galing mismo sa bibig mo, kaysa kapag nakikita ko.” “Sorry, Keisha.” “Alam mo, nung time na kinausap mo ako at naging mas malapit tayo, it gave me hope. Akala ko, matutunan mo na akong mahalin. Akala ko, maaappreciate mo yung feelings ko para sa’yo. Pero mukhang huli na. Kahit magkausap tayo, kahit magkasama tayo, nararamdaman kong iba naman yung iniisip mo. Hinayaan ko na lang yun, kasi kasama naman kita. I was too blinded by love. Hinayaan ko pa ring mahalin ka kahit na alam kong may mahal ka ng iba. Then nararamdaman ko na rin na mahal ka rin ni Jess but I’m still holding on my feelings. Akala ko kasi...may pag-asa pa ako,” tuluy-tuloy lang siyang nagsasalita habang umiiyak. I want to comfort her, but I can’t. “Puro sarili ko lang yung iniisip ko. I want to be happy. I want to be with you. That’s what I’m always thinking. Pero narealize ko na nagiging selfish na ako. Na hindi ko man lang naiisip yung feelings niyo for each other. Siguro nga, ako yung nakakasagabal. And then naalala ko na nag-give way ka rin dati for Darryl, right? You loved Tiffany so much, that you’re willing to give up your happiness for her own. At ngayon, mukhang ako naman ang kailangang mag-give way,” bigla naman siyang ngumiti sa akin at niyakap ko siya. “Keisha...” “Pat, I’m sorry. Sorry that I became unreasonable and self-centered,” naramdaman ko rin yung pagyakap niya sa akin. “People are unreasonable and self-centered when they’re in love. I can understand you.” “Pwede bang magstay tayo ng ganito for another minute? Please?” “Okay.” Gumaan na yung pakiramdam ko. Maayos na yung sitwasyon namin ni Keisha, kahit na nauwi sa ganito. I really feel sorry for her. Sana, makahanap siya ng lalaking mamahalin rin siya. Sa ilang buwan na nakasama ko si Keisha, nakilala ko siya. She’s very shy yet sweet. She always give a pleasant atmosphere and she’s really nice. I appreciatie her feelings for me but my heart is already taken by my slave. Sinunod ko lang yung gusto niya na bigyan ko raw ng chance na makilala ko si Keisha. Siguro dahil tinutulungan niya si Keisha na itulak papunta sa akin. Bigla namang bumitaw si Keisha sa pagkakayakap kaya bumitaw na rin ako. “Alam kong hindi ako ang dapat na nagsasabi sa’yo nito pero, she also loves you. I hope, magkalinawan na kayo,” saka ngumiti sa akin si Keisha kahit na alam kong pinipilit niya lang yun. “I know,” then I also smiled at her. “S-sige Pat, alis na muna ako, may class pa ako eh,” tapos tumalikod siya. Pero nakita ko na pagkatalikod niya, may tumulo na namang luha sa mga mata niya. Tumakbo siya palayo sa akin. “Liar,” bulong ko na lang sa sarili ko. Alam ko namang wala siyang klase. Nakabisado ko na ang schedule niya dahil lagi kaming magkasama. *** Bigla ko namang naramdaman yung pagvibrate ng phone ko. Kinuha ko yun at napangiti na lang ako sa nakita ko. She’s calling. Sinagot ko yun agad-agad. “Sla—” “Hoy Patrick Reyes! Ano ‘tong pinadala mo?” “Wala ka bang mata?” “Wag kang pilosopo! Bakit ka nagpadala ng napakalaking bear?! Grabe! Mas malaki pa ‘to sa akin ah!” natawa na lang ako sa reaction niya sa kabilang linya. Naiimagine ko yung pagkunot ng noo niya. “That’s my gift, slave.” “Gift, gift. Di ba niregaluhan mo rin si Steff dati ng malaking bear? Tss.” I immediately grinned after hearing that. “Selos ka? Tagal na nun ah.” “Anong selos?! Asa ka namang unknown particle ka!” I’m still wondering where she got that nickname for me. The hell with unknown particle? “Mas malaki naman yan kaysa kay Steff. Tsaka mas special.” “Hah! Oo special kasi galing sa special child!” narinig ko namang tumawa sa kabilang linya. “Anong sabi mo? He’s our child? Ohh okay. So he’s our son. Then his name will be Jeric.” “H-hoy! Anong anak?! Sabi ko special child ka! Wala akong sinabing ano!” I can imagine her blushing face. Napangiti na lang ulit ako. “What did you say slave? You want to have a child? Gusto mo ba totoong anak?” pinipigilan ko na lang tumawa dahil nakakatuwa talagang asarin siya. “Bastos ka talagang walanghiya ka! Pag nakita kita sa Monday hahambalusin talaga kita!” “Wag. Masakit.” “Kanina ka pa ha—” “I love you.” Bigla naman siyang natahimik doon sa kabilang linya. Naiimagine ko yung itsura niya nung sinabi ko rin yun sa kanya kanina doon sa welcome party. Panigurado ganun na naman ang expression niya ngayon. “Slave, are you still alive?” tapos tumawa ako dahil wala talaga akong naririnig doon sa kabila. “Slave ka ng slave dyan! Gusto mo bang ipakita ko sa’yo yung birth certificate ko para malaman mo yung pangalan—” “Jessica Mishelle Morales Reyes? Yeah, alam na alam ko ang pangalan mo.” “B-baliw!” Tuluyan na akong tumawa dahil hindi ko na kayang pigilan. Ang cute niya talaga pag naaasar. Para siyang amasona na ayaw magpatinag kahit alam niyang talo na siya. Tawa lang ako nang tawa habang tahimik lang siya sa kabilang linya. Pero napatigil ako sa pagtawa nung nagsalita ulit siya. “Hoy Patrick Reyes!” “Yes—” “I love you. And I promise that I’ll stay with you. F-forever,” tapos bigla na lang nag-end yung call. Nakatulala lang ako habang nasa tenga ko pa rin yung cellphone ko. Hindi ako makapaniwalang narinig ko yun galing sa kanya. Halos mabanat na yung mukha ko sa sobrang pagngiti. Akala ko, hindi niya kayang sabihin yung mga yun dahil sa personality niya. She really surprises me everytime. And yeah, I’ve got an unpredictable slave and lover. I was once rejected by the girl I loved. I acted cold and distant to everyone so that I wont be hurt again. But fate is really cruel. Just when I’m about to move on, I stepped on a girl’s phone. And coincidentally, it’s Jessica Morales’ phone, one of Steff’s best friend. Iniisip ko kung pinaglalaruan ba ako ng tadhana o ano. Naiinis ako sa kanya nung una dahil ibang-iba siya kay Steff. Masyado siyang maingay, laging naninigaw, parang may galit sa mundo, masungit at higit sa lahat, para siyang amasona. Balak ko lang naman siyang pahirapan at pagtripan nung una, pero hindi ko napansin na lagi ko na siyang tinitignan at binabantayan. Kahit na pinapakita niyang kaya niya ang sarili niya, babae pa rin siya at alam kong madali siyang masaktan. Tapos nalaman kong may gusto siya doon kay Dave Alvarro. Ewan ko pero naiinis ako kapag magkasama sila o di naman kaya ay naiisip niya yung lalaking yun. I hate the idea of anyone else having her. And then reality just slapped me really hard. I realized I’m already falling for her. It’s crazy because I don’t even know why am I in love with her. She’s a warfreak, an amasona and she hates me. Still, my happiness depends on her attention. And the best part of my day is talking and fighting with her. Yeah. I’m really crazy. And now, we’re both crazy. Who knew we’d end up like this? The master fell for his slave, and the slave fell for her master. Or should it be, the prince and the princess fell for each other? Campus Prince naman ako at siya ay Campus Princess. Nah. If I were her, she would totally say... The amasona and the unknown particle fell for each other. Isn’t that right, slave? Nandito na kami ngayon sa backstage para magprepare sa performance namin. Yung group kasi namin yung unang magpeperform dahil nakipagpalit sa amin sina Steff since malelate raw si Charmaine. Hanggang ngayon, wala pa rin ako sa sarili ko dahil sa nangyari kanina. Paano kasi, hindi ko kinaya yung pinaggagawa ng unknown particle na yun. Idagdag pa na nanonood sa amin kanina sin Alice at Yna. Panigurado pagkatapos nito, uulanin nila sa ako sa pang-aasar. Oo nga pala, dahil nawala talaga ako sa sarili ko kanina, hindi ko kinuha yung kamay niya kundi hinampas ko siya nung purse ko at hinatak ko siya sa braso papunta dito sa backstage. Hindi ko kasi alam ang irereact ko eh. Parang yun na ang natural na reaction ko sa kanya, ang awayin o kaya hampasin siya. Napabuntung-hininga na lang ako. Sabi na nga ba papalpak ‘to eh. Hindi ko kayang sabihin sa kanya dahil nauunahan ako ng hiya at kaba. Peste naman oh! “Guys, ready na ha? Kayo ang opening number,” sigaw sa amin nung MC. Nag-nod naman kami. Ilang minuto pa ay tinawag na yung names namin ng isa pang MC. Unang pumasok si Patrick kasi siya ang unang tinawag, tapos si Alexa, then si Dave at ako ang huli. Nagpalakpakan naman yung mga tao at tinutok yung spotlight sa amin. Nagstrum na si Patrick ng gitara niya habang sumabay na rin si Alexa sa piano at si Dave naman sa drums. Syempre, nagsimula na rin akong kumanta. Inisip ko na lang na nagpapractice pa rin kami para hindi ako masyadong kabahan at para makapagfocus rin ako. Pero biglang kumabog ng malakas yung dibdib ko nung si Patrick na yung kumanta. Ewan ko ba, pero parang feel na feel niya yung kanta. Tapos nung nasa chorus na, nag-duet na kami. At hindi ko na napigilan yung sarili ko kaya tumitig na ako sa kanya. “Whoa, oh, I'm feeling you baby Don't be afraid to Jump then fall Jump then fall into me Be there, never gonna leave you Say that you wanna be with me too So I'mma stay through it all So jump then fall” Nanginginig na yung kamay ko dahil bigla-bigla na lang siyang ngumingiti at sumusulyap rin sa akin, kaya napapaiwas rin agad ako ng tingin. Agad rin naman naming natapos yung kanta namin at pinalakpakan kami ng mga nakinig. After that, bumaba na agad kami sa stage at pumunta doon sa backstage. Bago pa ako mamatay sa sobrang pagpipigil, nagpaalam na ako doon sa staff na lalabas muna ako. Tumakbo ako palabas doon sa venue at pumunta doon sa lagi kong tinatambayan sa greenfield. Abot naman dito yung music pati na rin yung ilaw pero walang masyadong tao rito dahil lahat sila ay nandoon sa bandang gitna. Napahawak na lang ako sa sentido ko at nagpakawala ng buntung-hininga. Paano ko ba sasabihin sa kanya yung nararamdaman ko? Takte! Hindi ako makahanap ng timing! At isa pa, feeling ko hindi ko rin kaya. “Bakit nandito ka?” “Pusang gala!” halos atakihin ako sa puso nung may narinig akong nagsalita sa likuran ko. Jusmiyo! Pero pagkalingon ko, parang gusto kong tumalikod ulit dahil kaharap ko na si Patrick. “B-b-bakit ka nandito?” tanong ko rin sa kanya. “Sabi ni Alvarro, tumakbo ka raw papunta dito.” That Dave! Nakita niya pala akong tumakbo dito! Pero bakit niya sinabi sa unknown particle na ‘to?! “N-nagpapahangin lang,” sabay tingin ko sa langit. Oh gosh Jess yung agenda mo! Eto na eh! Pero paano ko sasabihin?! Ang hirap! Nagstay lang kaming ganun for a couple of minutes. Nakatingin lang ako sa langit at iniisip kung paano ko sasabihin sa kanya yung feelings ko. Napatingin ako sa kanya for a splitsecond at nakatingin rin siya sa langit. “Hello guys!” bigla naman akong napatingin doon sa venue at nakita ko na nasa stage na sina Steff. Mukhang turn na nila. “Dinededicate nga po pala namin ang song na ‘to sa inyo, at sa dalawang taong special sa akin. Sana maamin niyo na ang feelings niyo sa isa’t isa,” tapos tumawa si Steff habang ako ay napanganga na lang sa sinabi niya. Hindi naman ako shunga para hindi magets yung dedication na sinasabi niya. Alam kong kami ang tinutukoy niya. “Dude, umamin ka na para sigurado na akong wala na akong karibal,” sabi naman ni Darryl sa mic tapos kumindat siya kay Steff. Napailing na lang ako sa pinaggagawa ng dalawang lovebirds na yun. Feeling ko tuloy uminit yung paligid namin. Buti na lang at medyo madilim kaya kung nagbablush man ako ngayon, hindi halata. Nagsimula na silang tumugtog at narinig ko ang malamig na boses ni Darryl mula rito. Gemini yung kinakanta niya pero mas mabagal na version. “Come a little closer flicker in flight” Nagulat naman ako nung biglang hinigit ni Patrick yung bewang ko at kinuha niya yung isa kong kamay. Halos lumabas yung puso ko dahil biglang lumakas at bumilis yung tibok niya. “We'll have about an inch space but I'm here” Napansin ko namang nagssway na kami rito. Oh gosh. Bakit kami sumasayaw? Napakagat na lang ako sa labi ko dahil sa sobrang hiya. Gusto kong iiwas yung tingin ko pero parang naka-glue na yung paningin ko sa mga mata niya. “I can breathe in what you breathe out” “Pfft. Deja vu,” sabi niya bigla tapos ngumiti siya. Pinilit ko namang kalkalin sa utak ko yung sinasabi niyang deja vu at naalala ko bigla yung birthday party ni Tricia. Yun yung time na pumunta kami doon sa garden dahil biglang may spotlight na tumama sa amin nung nagsasayaw kami sa loob. Hinatak niya ako palabas tapos doon kami nagsayaw. Tapos naalala ko na naimagine ko siya nun na sumasayaw ng nakagown at kapartner niya si Darryl. Bwahahaha! Naalala ko na naman! Shet naiimagine ko ulit! “I knew it,” sabi niya bigla, habang ako pinipigilan na tumawa ng malakas dahil ang choga ng pagkakaimagine ko sa kanya ng nakagown. Hahaha! Ang panget talaga! Ang sagwa! Mukha siyang bakla! “Pffft. De ja vu nga. Naiimagine ulit kitang nakagown tapos kasayaw si Darryl. Wahahaha! Ang choga—” Bigla ko namang naramdaman na parang may humugot ng hininga ko. Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi ako nakapagreact kaagad. Pero naramdaman kong uminit yung buong mukha ko. “Ano? Mag-iimagine ka pa?” sabay smirk niya sa akin. Napaatras ako sa kanya dahil sa ginawa niya. Siraulong unknown particle ‘to! Shet! Shet talaga! He kissed me! He freakin’ kiss me! First kiss ko yun sa lips! Aatras pa sana ulit ako pero hinigit na naman niya ako sa bewang ko kaya napalapit ulit ako sa kanya. Tumahimik lang ako at tinikom ko yung bibig ko. Bigla ko namang narinig yung duet nina Darryl at Steff. “Let me know if I'm doing this right Let me know if my grips too tight Let me know if I can stay all of my life” “May sasabihin ako sa’yo,” saka tumingin sa akin ng seryoso si Patrick. “A-ako rin,” sabi ko na lang. Eto na talaga. Sasabihin ko na. My gosh eto na! “Fine. Ikaw muna, slave.” Huminga ako ng malalim bago magsimula. Go Jess! Kaya mo yan! “Uhm, a-ano kasi... alam mo, uhm... kasi... ano...paano ba, uhm, kasi nga, ganito yun... uhhh ano...” “Hmm?” lalo ko namang hindi masabi dahil nakangiti lang siya sa akin na para bang nang-aasar! Gusto ko sana siyang hambalusin kaso baka masira yung concentration ko. Patuloy pa rin kami sa pagsayaw kahit nasa ganitong sitwasyon na kami. Tapos nakkibagay pa yung piniling kanta nila Steff. “Ano nga kasi... ano...” putek Jess! Kahit simpleng I love you lang, maiintindihan na niya yan! Pero ang hirap sabihin! Ughhh! “Ano?” sige ngiti ka pang unknown particle ka! Nakakainis! “Kasi nga! Ano... yung ano nga kasi—” “You love me?” napatili ako nung sinabi niya yun at nasuntok ko yung dibdib niya, tapos yumuko na lang ako at tinitigan ko yung lupa. Tapos kahit nakayuko ako, sinasayaw niya pa rin ako. Narinig ko siyang tumawa dahil sa ginawa ko. Gusto ko sanang tignan siya habang tumatawa dahil feeling ko ang gwapo niya pero hindi ko magawa dahil sa sobrang hiya. Nakakainis siya! “Sige tumawa ka pa! Tatapakan ko yang paa mo! Masakit ‘tong takong ko!” sigaw ko habang nakayuko pero lalo lang siyang tumawa. Bwisit talaga siya! Hiyang-hiya na nga ako pero tinatawanan niya pa ako! “Lift your head up, slave.” “Ayoko!” “You’ll do it, or I’ll kiss you again.” Dahil natrauma ako sa paghalik niya sa akin kanina, tinaas ko bigla yung ulo ko. “I love you, too,” at hindi ko inasahang... Hahalikan na naman niya ako. Pero this time, parang may gustong lumabas mula sa dibdib ko. Hindi ko na napigilan yung sarili ko at naramdaman kong may tumulong luha sa mga mata ko. Siguro nga yun lang yung hinihintay ko. Yung sabihin niya yung apat na words na yun. Yung malaman ko na mahal niya rin ako. Napapikit na lang rin ako at nagrespond ako sa halik niya. After that, our lips parted and he wiped my tears. “Let me know if dreams can come true Let me know if this one's yours too Coz I see it (Oh...) And I feel it right here And I feel you right here” “Ang tagal kong hinintay ‘to,” tapos tumawa siya habang pailing-iling. “Well, sorry for waiting. Hindi ko naman alam eh,” saka ko siya sinamaan ng tingin. “Slow ka lang talaga.” “Excuse me? May gusto ako kay Dave nung mga panahong yun!” “Akala mo lang yun.” “Bakit kasi di ka nagtapat dati?” “Because I know you won’t take it seriously.” “Kaya ginamit mo si Keisha?” seryoso kong tanong. Parang lumalabas kasi na ginamit niya si Keisha para pagselosin ako. O tingin ko lang yun? “Di ko siya ginamit. Sinunod ko lang yung gusto mo.” “Eh bakit mo kasi sinunod?!” kung anu-ano tuloy yung pinag-iisip ko nung summer. Akala ko nagkagusto na siya kay Keisha. “Because I want you to realize your true feelings.” Hindi na ako nakasagot after that. Pinagpatuloy lang namin yung pagsayaw dito. Feeling ko nga pinagtatawanan na kami ng mga nakakakita sa amin dahil ang weird namin at nagsasayaw kami. Parang baliw kasi ‘tong kasama ko eh. May pasayaw-sayaw pang nalalaman! Pero kahit na masabihan kaming baliw o weird, masaya pa rin ako. At least ngayon, naamin—err, nahulaan na niya yung feelings ko for him. And I’m happy na mahal niya rin ako. “The vacuous night steps aside To give meaning to Gemini's dreaming The moon on it's back and the seemingly Veiled rooms lit By the same star” Naalala ko tuloy lahat ng pinaggagawa niya sa akin simula nung nangyari yung Phone Murder Incident. Siguro nga hindi ko napapansin yung mga sweet gestures niya sa akin dati kasi yung attention ko ay na kay Dave lang. Pero kung iisipin, siguro kung wala akong gusto kay Dave that time, mas madali akong nain-love sa lalaking ‘to. Oo, masungit at arogante siya, pero meron pa rin naman siyang sweet at caring side. Well, in the first place, naging masungit lang naman siya at malayo sa mga tao dahil natakot na ulit siyang magmahal after nung nangyari sa kanila ni Steff. Pero sino nga ba namang mag-aakala na sa kaibigan pa siya ni Steff maiinlove? Hindi ko nga rin akalain na mahuhulog ako sa unknown particle na ‘to eh. Halos isumpa ko siya dati dahil sa ginawa niya sa phone ko at sa pang-aaway niya sa akin. Ginawa niya pa akong slave slash alalay niya. Pero dahil dun, nakilala ko siya lalo. “Let me know if I'm doing this right Let me know if my grips too tight Let me know if I can stay all of my life Let me know if dreams can come true Let me know if this one's yours too Coz I see it (Oh...) And I feel it right here And I feel you right here” Nakarinig naman ako ng palakpakan mula doon sa venue kaya alam kong tapos nang kumanta sina Steff. “Jess.” Biglang kumabog ng malakas yung puso ko. Wow. Ito yung first time na narinig ko siyang tinawag ako sa pangalan ko. Ang lagi niya lang kasing tawag sa akin dati ay slave, hoy, uy at yung iba pang hindi karapat-dapat itawag sa akin. Kakaiba tuloy sa feeling na natawag niya na ako sa pangalan ko. “Hmm?” nilapit naman niya yung mukha niya sa mukha ko. Akala ko kung ano na namang gagawin niya, pero pinagdikit niya lang yung mga noo namin at pumikit siya. “Please stay in my life.” Feeling ko maiiyak na naman ako dahil sa pinagsasabi niya. Kailangan pa ba niya yung sabihin? Nasisira na yung make-up ko dahil sa kanya eh. “I will,” saka rin ako pumikit. Grabe. Nagiging corny na rin ako dahil sa kanya. Naramdaman ko naman na dumampi yung labi niya sa noo ko. “Thank you,” sabay yakap niya sa akin kaya napayakap na rin ako sa kanya. Kung hindi lang siguro seryoso yung atmosphere namin ngayon, nakailang sapok na ako sa kanya dahil andami na niyang tsansing sa akin. Pero hayaan na, minsan lang kami maging sweet sa isa’t isa. Lulubus-lubusin ko na. Buti na lang at hindi niya nakikita yung mukha ko ngayon. Para kasi akong ewan na nakangiti. Grabe. Akalain niyo yun? Dahil lang sa nasira niya yung phone ko at sinuntok ko siya sa mata, naging ganito na kami ngayon. Who would have thought that the slave will fall for her master? Humiwalay naman siya sa pagkakayakap tapos tinanggal niya yung coat niya at nilagay niya sa balikat ko. Medyo lumalamig na nga. “Wow, naging gentleman ka ngayon ha.” “Dati pa. Di mo lang alam.” “Asus!” Bigla naman niyang hinawakan yung kamay ko. “Tara na sa loob. Kailangan ko pang ipagkalat na tayo na,” tapos hinatak niya ako pabalik doon sa gitna ng greenfield. “A-anong ipagkalat?!” “Tapos sasabihin ko rin kay Alvarro para tigilan ka na niya.” “Baliw! Friends lang kami!” Dinamay na naman niya si Dave. “Sasabihin ko rin kay Garcia para tigilan na niya ako.” “P-pati kay Darryl?!” Dahil ba sa sinabi ni Darryl kanina? “Aahh. Itetext ko nga rin pala yung kapatid mo. Sabi niya itext ko raw siya kapag umamin ka na.” “Sinabi yun ni Roj?!” Lagot siya sa akin mamayang pag-uwi ko! “Syempre sasabihin ko rin sa best friends mo kasi shiniship nila tayo ‘di ba?” “Huy! Wag! Aasarin nila ako ng sobra!” “Ahh, kay Tricia rin pala. I-update ko raw siya. Pati kay Mom. Sasabihin ko rin sa—” “Ugh! Fine! Bahala ka na! Sumasakit ulo ko sa’yo!” Papasok na kami dito sa may venue at inayos ko na yung expression ko para makapaghanda sa pang-aasar nila kung sakaling sabihin nga ng unknown particle na ‘to. “Masakit ulo mo? Halikan ko gusto mo?” halos sumabog naman ako sa hiya sa sinabi niya. “Subukan mo, at itong kamao ko ang hahalik dyan sa nguso mo,” sabay taas ko sa kamao ko. Para siyang bata! Nakakahiya dahil nandito na kami sa loob at naririnig siya ng mga freshies sa paligid! Pero kahit kung anu-anong pinagsasabi niya hanggang sa malapit na kami sa backstage, deep inside ay masaya pa rin ako. Akala ko kasi, hindi ko na maaamin sa kanya yung feelings ko. Akala ko, mawawalan na ako ng chance. Pero ngayon, heto kami, naamin na ang feelings sa isa’t isa. Kahit hindi ko nasabi yung “I love you” sa kanya, alam kong alam niya na yun, at alam kong nararamdaman niya yun kahit na kanina ko pa siya inaaway at sinisigawan. Pero balang araw, masasabi ko rin ng diretso sa kanya ang mga katagang ‘to: I love you, Patrick Reyes. And I’ll stay with you, forever. Nakahanda na lahat ng isusuot at gagamitin ko para sa event mamaya. Pero hindi pa rin nakahanda yung katauhan ko. Sheeeet! Kinakabahan ako! Paano ko sasabihin? Paano kung fail? Takte sasabihin ko ba talaga? May gulay kinakabahan talaga ako! “Ate—” “Ay takte ka!” nagulat ako nung biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko. Pagtingin ko, pumasok pala si Roj. Akala ko kung sino na! Masyado na akong natetense! “Kain na raw,” tapos lumabas na rin agad siya. Napatingin naman ako sa wall clock sa kwarto ko at 12:30 PM na pala. Masyado akong naging busy sa paghahanap at paghahanda para mamaya. Hindi ko na rin kasi naasikaso kagabi dahil literal na nagwala ako. Syempre dahil kinonfirm na rin ni Keisha, ibig sabihin may gusto rin sa akin yung bwisit na unknown particle na yun. Eh hindi ko masyadong nacontain ang kilig ko pag-uwi ng bahay kaya nagpagulung-gulong ako sa kama kagabi. May pakagat-kagat pa ako sa unan tapos tumalun-talon pa ako.Ah ewan! Ikinahihiya ko ang sarili ko kagabi. Para akong baliw. Buti na lang at walang nakakita nun sa pamilya ko. “Ate—” “Ano na naman?” bigla na naman kasing pumasok sa kwarto ko si Roj. Akala ko sasagot siya pero hinarap niya lang yung phone niya sa akin habang may nagpeplay doon na video. “Na-send ko na kina Ate Steff, Ate Alice at Ate Yna.” Halos mamutla ako nung makita ko na ako yung nasa video habang nasa kabaliwan state ako kagabi. Holy particle! Shet! Ibig sabihin nakita ako ni Roj kagabi? Takte hindi ko napansin na nasa pintuan siya! Napapikit na lang ako dahil kinikilabutan ako sa nakikita ko. Aagawin ko sana yung phone niya pero naitaas agad niya. At syempre, salamat sa 4’11’’ kong height at sa 5’7’’ niyang height, hindi ko siya maabot. “Sasapakin talaga kita Roj! Burahin mo yan!” “Don’t wanna,” sabay labas niya sa room ko pero hinabol ko rin kaagad siya. Hanggang sa hagdan ay naghahabulan kami. “Roj! Pag ikaw naabutan ko, kita mo! Totorture-in kita!” bwisit ang lalaki ng hakbang niya! “Kahit mabura mo ‘to, may kopya na ako sa laptop ko tapos nasend ko na sa kanila.” “ROJ!” Hanggang sa makababa kami sa sala ay hindi pa rin siya nagpapatinag. Kailangang mabura yun! Sobrang nakakahiya talaga! Para akong nasaniban ng kung anong malanding espiritu dun! Nakita ko naman bigla si Mommy at si Daddy sa may dining table.Teka, bakit nandito sila? Ang alam ko nasa office sila ah? Pero hindi ko muna yun inintindi at hinabol ko pa rin si Roj. Bwisit na kapatid yan. Bakit kasi hindi ako pinagkalooban ng height?! “Ayaw mong ibigay ha? Ihahack ko facebook mo!” pagkasabi ko nun, agad-agad akong tumakbo papunta sa second floor tapos pumasok agad ako sa kwarto niya. Pero aba ang bilis niyang tumakbo! Nasa likuran ko na kaagad siya! Kaso sadyang magaling lang talaga ako kaya bago pa siya makapasok sa kwarto niya ay nailock ko na kaagad yung pinto. Hah! Akala mo ha! Sakto namang nakabukas yung laptop niya at hindi pa nakalog-out yung facebook niya. Nagstatus agad ako gamit yung account niya ng ‘Bading ako. Sorry Venice,’ tapos ti-nag ko si Venice. Natawa na lang ako bigla nung may mga naglike na. Halos gumulong ako sa pagtawa nung nilike ni Venice at nag-PM pa siya. Bwahahaha! Yari ka ngayon, Roj! Aalis na sana ako sa harap ng computer pero nagulat ako nung biglang lumitaw yung status ko sa newsfeed. Nanlaki yung mata ko dahil naalala kong naiwan ko ring nakabukas yung facebook ko sa may kwarto ko! Siraulo talaga si Roj! Unknown particle <3 Napasigaw at napasabunot na lang ako sa sarili ko nung nakita ko yung status na yun. Hayup ka talaga Roj! Tumakbo agad ako papunta doon sa kwarto ko at nagrambulan kami ng kapatid ko. Syempre, natalo agad ako. Pinulupot niya pa ako sa kumot bago siya tumakbo pabalik sa kwarto niya kaya hindi pa ako nakagalaw kaagad. Nakakainis! Kailan ba ako mananalo sa batang yun? Lagi na lang! Napatakbo kaagad ako sa table ko at nagulat ako sa nakita ko. Naka-100 likes na yung inistatus ni Roj! At ang malala, nagcomment yung tatlong bruha! Ugh! Steff Damian: HAHAHAHAHA! OMG! Yna Shin: Yiiieee! My ship is sailing! Shall I tag him? Haha! Alice Diaz: Patess! HAHAHA JOKE LANG JESS! We love you! Pero mas mahal ka raw niya! HAHAHA JOKE ULIT! Promise, babatukan ko talaga sila ng malakas mamaya. Bago pa may makabasang iba, binura ko na kaagad. Buti rin at walang nag-tag sa kanya, at buti hindi siya online! Humanda rin yan sa akin si Roj. May araw ka ring bata ka! Bumaba na rin ako kaagad para kumain. Dahil nasa harap kami ng pagkain, hindi ko pwedeng awayin si Roj. Baka pagalitan ako ni Mommy at Daddy. Napag-alaman ko rin na kaya pala nandito si Mommy at Daddy ay dahil namiss na raw nila yung luto ni manang kaya dito sila nananghalian. Tsaka aayusan raw ako ni Mommy at si Daddy na rin daw ang maghahatid sa akin mamaya sa campus. Lumipas ang mga oras at nagsimula na akong magprepare. Sinuot ko yung off-white tube dress ko. Simple lang yung design niya pero elegant naman tignan. Then, sinimulan na akong ayusan ni Mommy. Light make up lang yung in-apply niya sa akin tapos kinulot niya yung dulo ng buhok ko. Pagtingin ko sa salamin, bumagay naman yung itsura ko sa damit ko. “Ayan, maganda ka na. Maiinlove na sa’yo si Pat,” halos maubo ako nung sinabi yun ni Mommy. Tinawanan niya lang ako at tinignan ko siya ng anong-pinagsasabi-mo-look, pero kumindat lang siya sa akin sabay sabi ng, “Mother knows best. Nung pumunta siya rito dati, alam ko na kaagad. Oh sige na, kunin mo na yung purse mo at hinihintay ka na ng Daddy mo sa baba.” Wala naman akong nagawa kundi sundin na lang si Mommy. Nakakaloka. Ganun ba talaga kapag nanay? Pati feelings ng anak, alam kaagad? Eh nung pumunta dito yung unknown particle na yun, si Dave pa yung gusto ko. Nakakaloka talaga. Pagkababa ko, nakaready na rin si Daddy kaya sumakay na rin ako kaagad sa kotse. Habang palapit kami nang palapit sa campus, lalo lang bumibilis at lumalakas yung tibok ng puso ko. Whooo! Kaya ko ‘to! Kailangan kong magawa yung agenda ko! Nung nakarating na kami sa campus, bumaba na agad ako at nagpaalam kay Daddy. Pagtingin ko sa phone ko, 5:45 PM pa lang. Medyo maaga pa pala. Ang call time kasi naming magpeperform ay 6 PM tapos ang start ng program ay 6:30. “Jess!” napalingon naman ako sa likuran ko at nakita ko si Dave kaya nakipag-appear ako. Tumawa naman siya bigla. “Bakit?” ako ba pinagtatawanan niya?! “Pfft. Sorry. Normally kasi di ba, yayakap ka sa babati sa’yo, pero ikaw, nakipag-appear. Amasona ka talaga.” Sinamaan ko na lang siya ng tingin pero hindi natinag ‘tong mushroom na ‘to at hinila ako papunta doon sa greenfield. Namangha naman ako nung nakita ko yung venue. Ang ganda ng ginawa nila sa paligid. Para tuloy kaming nasa JS Prom, pero ang highlight ay yung mga freshie. And in fairness, ang gaganda at ang gugwapo ng mga freshmen! May isang lalaki akong nakita na sobrang cool. Nakasalamin siya pero ang lakas ng appeal niya. Meron pang para pa ring mga high school dahil naghahabulan at nagkukulitan pa sila. “Uhm, hello. Lalo kang gumanda.” Napatingin ako sa harapan ko at napansin ko na nandito na rin pala si Keisha. Whoa! Bigla na lang rin siyang sumulpot. Magpinsang mushroom nga talaga sila ni Dave! “Thank you! Ikaw rin!” saka ako ngumiti sa kanya. Ang cute cute ni Keisha ngayon. Bumagay sa kanya yung black dress niya tapos nakalugay pa yung buhok niya. “Whoa! Ayos na pala kayo? Wala ng cold war?” kumunot naman yung noo ko sa sinabi ni Dave dahil nakita kong biglang nalungkot si Keisha. Isa rin siyang panira ng atmosphere eh! Siniko ko na lang siya para matahimik na siya sa pang-aasar. “Oww! Sakit nun ha. Tsk. Tara na nga Kish, hahanapan na lang kita ng bago,” sabay akbay niya kay Keisha at lumayo na sila sa akin. Napangiti naman ako bigla habang tinitignan ko yung mga likuran nila. Kung hindi lang siguro sila magpinsan, bagay sila. At nakikita ko kay Dave na maalaga talaga siya sa mga importanteng tao sa kanya. Meron nga lang talaga siyang siraulong side minsan, at nasakto pang ayun yung side na ginamit niya sa akin. Dahil hindi pa bukas talaga yung mismong venue, nagkalat dito sa greenfield yung mga freshies at ibang upperclass. Tinext ko na lang sina Alice at Yna. Hindi ko na tinext si Steff dahil alam ko namang hindi yun nagbabasa ng text at for sure, kasama niya si Darryl sa pagpunta dito. Nagreply naman agad si Yna sa akin. Jess! Guess what? My brother is back! Haha! I’ll introduce you to him since Steff and Alice already know him na. Nacurious naman ako sa text ni Yna. Nasabi na niya sa akin dati na may kuya raw siya pero nasa States. Sabi rin ni Steff at Alice, gwapo yung kuya niya at crush raw nila yun nung elementary sila. Ilang minuto lang rin ang nakalipas, nakita ko na si Alice na papunta rito kaya kumaway ako sa kanya. “Yun oh! Princess na princess ang dating ah?” salubong niya agad sa akin. “Princess ka dyan? Tigilan mo nga ako,” tapos ginawa ko na ang dapat kong gawin. Binatukan ko siya ng malakas. “Aray! Ang sakit nun ha!” “Kulang pa nga yan eh! Kung anu-anong pinagsasabi mo sa fb!” “Yung kanina ba? Aba kasalanan ko bang nagstatus ka? At masama bang magcomment?” “Hindi naman ako nagstatus nun eh! Yung walanghiya kong kapatid!” “Ooohh. So kapanalig rin pala namin si Roj. Hmm.” Nag-asaran lang kami doon hanggang sa dumating na rin si Yna. Gaya ng sinabi niya, may kasama nga siyang lalaki. Mukhang yun nga yung kuya niya. “OMG kuya Xander! Kelan ka umuwi?” sabay yakap ni Alice doon sa lalaking kasama ni Yna. Shet. Ang gwapo nga. As in! Para siyang model ng suit! Ang hot niya tignan! “Kahapon lang. Ang laki mo na, Alisson,” sabay ngiti niya kay Alice. Takte nakakamatay yung ngiti niya! Tapos fluent siya sa Filipino unlike Yna. OMG! “Alice nga lang kasi, kuya Xander!” tapos nagmake-face pa si Alice. “Kuya, this is Jess, one of my best friends rin. And Jess, this is my brother, Xander.” Nakipagkamay naman ako kaagad kay kuya Xander tapos nginitian niya rin ako. Shockings talaga ang gwapo! “May nadagdag na naman pala sa barkada nilang tatlo. Nice meeting you, Jess.” “Nice meeting you rin po, kuya Xander.” After that, nagpaalam na rin kaagad si kuya Xander dahil may kailangan pa raw siyang asikasuhin. Nahampas ko kaagad si Yna dahil sa kagwapuhan ng kuya niya. Habang nagtatawanan kami doon ay bigla na lang nagbago yung itsura ng dalawang ‘to at nakatingin lang sila sa bandang likuran ko. Napalitan yung ngiti nila ng mga nakakalokong ngiti, sabay taas-taas pa ng kilay kaya mukhang alam ko na kung sino yung papunta rito. Nung naririnig ko na yung footsteps, bumilis na naman yung tibok ng puso ko. Putek. Yung agenda ko! Yung agenda ang dapat kong alalahanin! “Wow Pat, you look like a prince,” sabi ni Yna kaya lumakas yung tibok ng puso ko. Shet. Nasa likuran ko na siya! “Gwapo mo ngayon!” dagdag naman ni Alice. “Thank you,” at halos manigas na ako sa pwesto ko nung nakita ko siya sa gilid ko. Hindi ko naman mapigilan yung sarili ko na hindi mapatingin. Utang na loob. Ang gwapo niya nga. “If I look like a prince, then I need a princess.” Bigla namang tumili sina Alice at Yna. Buti nga at napigilan ko yung sarili ko dahil feeling ko mapapatili rin ako. Nagulat ako nung pumunta siya sa harapan ko at inilahad niya yung kamay niya. “Will you be my princess, slave?” and then he smirked, habang ako, nagwawala na sa loob-loob ko. Para akong zombie na naglalakad ngayon. Feeling ko sobrang itim ng eyebags ko. Bwisit kasi na unknown particle yun! Kung anu-anong pinagsabi kahapon! Di tuloy ako nakatulog ng maayos. Ugh. Ang sakit ng mga mata ko. “Hey!” “Ay bakulaw ka!” Napatingin naman ako doon sa sumundot sa tagiliran ko at si Dave lang pala. Takte rin ‘tong lalaking ‘to eh. Kitang nagmumuni-muni ako, tapos biglang mangingiliti! “Grabe ka. Bakulaw ako?” sabay pa-cute niya pa sa harapan ko. “Oo. Tapos ako, zombie. Masaya ka na?” “Hindi.” Hinayaan ko na lang siya. Nandito kami ngayon sa greenfield. Dito kasi gaganapin yung freshie party bukas. Buti nga at wala na kaming practice dahil hindi ko na kaya. Inaantok na talaga ako ngayon. Kung wala lang talaga akong klase mamaya, kanina pa ako umuwi para matulog. “May isusuot ka na ba para bukas?” napatingin naman ako kay Dave. “Oo. Semi-formal lang naman eh.” Magcocoktail dress na lang ako. Marami naman dun sa closet ko eh. “Pfft. Para ka talagang zombie,” sabay pigil pa niya sa tawa niya. “Hindi nga kasi ako nakatulog kagabi! Tsk. Inaantok na ako. Takte may klase pa naman ako mamaya,” saka ako napatingin sa relo ko. One and a half hour pa naman bago yung susunod kong klase. Kung matulog kaya muna ako? “Matulog ka muna.” “Saan naman ako matutulo—” nagulat ako nung bigla niya akong hilahin. Napahiga tuloy ako sa bag niya na nasa lap niya. “Anong oras ba klase mo? Gigisingin na lang kita.” “Talaga? Pag ako hindi mo ginising ha! Sasapakin talaga kita!” bigla naman siyang tumawa. Mas bagay talaga sa kanya pag nakatawa o kaya nakangiti. “Oo nga. Promise!” “2:30.” “Okay.” Pagkasabi niya nun, pumikit na agad ako. *** “Jess, gising na. Malapit na magstart yung klase mo. Huy.” Nakaramdam naman ako ng pagyugyog kaya kahit ayoko pang idilat yung mga mata ko ay ginawa ko na. Bumalandra agad sa harapan ko yung pagmumukha ni Dave. “Good afternoon,” sabay ngiti niya. Inirapan ko na lang siya. Alam ko namang nag-eeffort talaga siya para raw sa friendship namin pero hindi naman na kailangan nun. Natanggap ko na yung sorry niya dati at friends naman na talaga kami ngayon. Bumangon ako at nag-inat. Puro damo tuloy yung likod ko dahil sa paghiga ko. “Dave, papagpag ng likod ko.” “Aba, alalay na ba ako ngayon?” saka niya pinagpagan yung likod ko. Bigla ko namang naalala si unknown particle dahil sa sinabi ni Dave. Pinagpagan ko rin yung likod niya dati pero nilakasan ko yun kasi naiinis ako sa kanya. Shet na yan. Bakit ko ba siya naiisip? Nagpaalam naman ako kay Dave at umattend ng class ko. At nakakabanas lang dahil film showing yung ginawa namin ngayon. Bwisit! Sana pala umuwi na lang ako kanina pa. Film showing lang naman pala! Mahahanap ko naman ‘to sa internet. Kainis. Pagkatapos ng class ko, balak ko na sanang umuwi para matulog at makapagprepare na bukas. Pero naalala kong hindi ko man lang nakita ngayon yung tatlong babae. Ang alam ko, break nila ngayon eh. Nasa garden kaya sila? Dahil tinatamad akong ilabas yung phone ko, dumiretso na lang ako sa garden at nagbabakasakaling nandoon nga sila. At bingo! Wala sila dito. Hay naku. Hayaan na nga. Makikita ko naman sila bukas sa party. Ang kailangan ko talaga ngayon ay tulog. Palabas na sana ako dito sa garden kaso may humarang sa akin. Ewan ko pero biglang nawala yung antok ko at napalitan ng tensyon dahil kaharap ko ngayon si Keisha. “Bakit?” tanong ko kaagad sa kanya. “Pwede ka bang makausap ulit?” kinabahan naman ako sa tono niya dahil seryosong-seryoso siya. “Uhm, sure,” pagkasabi ko nun, nagsimula na siyang maglakad kaya sinundan ko siya. Saka ko narealize na nandito na kami ngayon sa greenfield. Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Nakatingin lang siya sa preparations na ginagawa para bukas doon sa gitna ng greenfield, habang ako ay nakatingin sa likod niya. “Sorry,” nagulat naman ako sa narinig ko mula sa kanya. “H-huh?” hindi ko kasi alam kung nabibingi lang ba ako o ano. “Sorry, Jess,” tapos bigla siyang humarap sa akin, “S-sorry talaga.” Bakas sa mga mata niya na parang papaiyak na siya kaya nilapitan ko siya lalo. “Wait, ano bang nangyayari sa’yo?” bigla na lang siyang nagsosorry. Natatakot tuloy ako. “Alam ko namang sa simula pa lang, wala na akong pag-asa,” sabay tumulo na yung luha niya. “I know it’s not going to work pero pinilit ko pa rin. Akala ko kasi, kahit papaano, maaappreciate niya ako. Narealize ko naman agad kung ano yung mga sinasabi niya. Unti-unti na ring bumibigat yung pakiramdam ko dahil nakikita ko siyang umiiyak sa harapan ko. “Gustung-gusto ko na siya kahit nung freshmen pa tayo. Pero mukhang hindi naman siya ganun kasociable. Pag nakikita ko siya, lagi siyang mag-isa o kaya naman si Tiffany Damian yung kasama niya. I already noticed na may gusto siya kay Tiffany. Nawalan na ako ng pag-asa nun. Pero nung nalaman ko yung issue about kay Tiffany at Darryl, sinubukan ko ulit na lapitan siya. Pero during that time, ikaw na yung lagi niyang kasama. And I saw that he’s really interested in you.” “Huh?” nagulat ako sa sinabi niya nung huli. Paano niya naman yun nalaman? Interesado sa akin yung unknown particle na yun dati? Napansin niya ata yung tingin ko kaya ngumiti siya sa akin. “I’m always looking at him kaya alam ko kung kanino rin siya nakatingin. Laging nasa’yo yung paningin niya. Hindi mo lang siguro yun napapansin dahil nasa iba rin yung paningin mo.” Parang lumubog yung puso ko dahil sa sinabi ni Keisha. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba siya. At bakit niya ba ‘to sinasabi ngayon? “I was blinded by love. Naging selfish ako. Hindi ko naisip yung nararamdaman niya,” tapos pinunasan niya yung luha niya. “Teka, Keisha. Bakit—” “N-nag-usap na kami. At nasabi niya na rin sa akin yung matagal na niyang tinatago. Alam ko naman na yun eh. Pero masakit pa rin pala talaga kapag galing mismo sa kanya,” bigla naman siyang ngumiti ng malungkot. “Eto oh,” tapos inabot ko sa kanya yung panyo ko. Syempre, alam ko yung nararamdaman niya. Ayoko nang makakita ng pag-iyak. Nadala na ako sa ginawa ko nung mga nakaraang linggo. Wala naman kasing mangyayari kung iiyak lang ako nang iiyak. Inabot niya yung panyo at pinunasan niya yung luha niya, tapos ngumiti ulit siya sa akin. Pero nagulat ako nung bigla niya akong niyakap. “Thank you. Dahil sa’yo, mas nakilala ko pa siya. And sorry kasi nasaktan kita.” Hindi ko naman napigilang hindi maiyak. Takteng Keisha ‘to. Sabi ko hindi na ako iiyak eh! Pero kahit papaano, gumaan na yung pakiramdam ko. Hindi ko alam kung anong pinag-usapan nila ni Patrick. Hindi ko alam kung anong mga pinagsasabi niya, pero kahit papaano, alam ko na kung anong nararamdaman niya. Masaya ako ngayon kasi naayos na namin ni Keisha yung sitwasyon namin. Pero naaawa ako sa kanya. Nagmahal lang rin naman siya. Bumitaw si Keisha sa pagkakayakap sa akin. “S-sorry. Haha. Nagdrama pa ako sa’yo.” “Ha? Okay lang.” “I know. Kasi alam kong ikaw yung mas makakaintindi sa akin,” sabay talikod niya sa akin tapos naglakad na siya palayo. Pero agad rin siyang huminto. Akala ko lilingon siya sa akin, pero bigla na lang siyang sumigaw. “YOU WON!” sabay takbo niya palayo. Nung una, nashock ako sa ginawa niya dahil hindi ako sanay na sumisigaw si Keisha. I mean, ang hinhin niya kaya. Pero napangiti na lang ako dahil naintindihan ko yung sinigaw niya. So I’m the best woman for him. Nakapagdesisyon na ako. Bukas. Bukas, sasabihin ko na talaga sa kanya. Humanda ka sa akin unknown particle. |
ArchivesCategories |