Purpleyhan Stories
  • Home
  • About
  • Stories
    • Standalone Stories >
      • Novels
      • Novellas
    • Serialized Novels
    • Epistolary
    • Compilations
    • Ongoing
    • Completed
  • Blog
  • Message Board
  • News
  • Downloads

Prologue

8/28/2019

Comments

 
‘Ate, update naman!’
‘Wala pa po bang update? Please pa-update na.’
‘Ano ba ‘yan, bitin na naman.’
‘Ang tagal naman ng update mo, author.’
 
Pagkabukas na pagkabukas ko ng Wattpad account ko, ‘yan agad ang tumambad sa notifications ko. Minsan nga natatandaan ko na ang mga username ng readers na laging ganyan ang comment. Minsan din nate-tempt akong i-block sila. Kapag nakakabasa ako ng mga ganitong comments, lalo akong tinatamad mag-update. Para kasing kapo-post ko lang ng chapter na ‘yon five minutes ago, tapos hihingi agad ng panibagong update. Feeling yata nila magdamag akong nasa harap ng laptop ko at wala akong ginagawang iba kundi ang magsulat ng story.
 
I ignored those kinds of comments and focused on the interesting ones. Sa totoo lang, nakakatuwa kapag ang comment ng isang reader ay tungkol talaga ro’n sa chapter at sasabihin niya kung anong naramdaman o napansin niya pagkatapos basahin ‘yon. Kapag ganun ang binabasa ko, na-e-encourage akong magsulat ulit at lalo akong na-i-inspire. I felt happy about the comments about the last chapter since they were discussing their own theories about the case but nobody got the right deduction.
 
Of course, as a writer, parang achievement sa’yo kung napapaikot mo ang readers at hindi nila ma-predict ang mga susunod na mangyayari sa kwento. Mukha tuloy akong may binabalak na masama dahil sa ngiti ko ngayon sa mga comments nila.
 
Binasa ko lahat ng comments mula sa natapos ko kahapon hanggang sa ngayon pero bago pa ako makarating sa pinakabago ay napahinto ako sa isang comment four hours ago.
 
Hmm. Interesting. There are twenty suspects and they don’t know how to narrow it down. But I’m guessing only those five will be the main suspects after the ‘questioning’ part. Nice, Miss. You’re good at presenting and hiding the clues at the same time. I’ll be waiting for the next update.
 
I was just blankly staring at that comment for a few minutes. What the heck? Halos lahat ng readers ay namomroblema dahil sa dami ng suspects o di naman kaya nanghuhula kaagad kung sino ang killer pero siya, nakuha niya ang gusto kong iparating sa clues na binigay ko. He got the part where there would only be five suspects for the next update. Bigla tuloy akong kinilabutan.
 
Tiningnan ko kaagad ang username niya at nagulat ako sa nabasa ko. Would this be counted as a coincidence?
 
My curiosity got the better of me and I visited the reader’s profile. According to his or her profile, he or she only made the account one month ago. The bio was left blank and the display picture was just black. However, what really piqued my interest was the username. Hindi ko tuloy alam kung nagkataon lang o sadya. Alam kong weird at lame ang username ko kasi four years ago ko pa ginawa ang account na ‘to at ayoko nang baguhin dahil part na ‘yon ng pagkatao ko pero dahil doon ay lalo akong na-curious sa kanya.
 
. . . because he used homosapiens as his username and mine was neanderthal.

Chapter 1 >>

Comments
comments powered by Disqus
    Picture
    back to the genus
    ​interaction page

    Archives

    August 2019

    Categories

    All

Powered by Create your own unique website with customizable templates.
  • Home
  • About
  • Stories
    • Standalone Stories >
      • Novels
      • Novellas
    • Serialized Novels
    • Epistolary
    • Compilations
    • Ongoing
    • Completed
  • Blog
  • Message Board
  • News
  • Downloads